I Married The Ice King

I Married The Ice King

By:  ScarletteQueen  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel12goodnovel
10
2 ratings
77Chapters
18.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Cassandra was promised to be married to his grandfather's best friend's grandson. She wanted a good life for her family, kaya walang alinlangan syang pumayag. Pero paano kung ang lalaking pinakasalan nya ay masyadong maraming sikreto ang tinatago? Makaya nya kaya tanggapin iyon?

View More
I Married The Ice King Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

default avatar
Thelma
No comment!
2022-12-22 07:06:05
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-01-21 00:46:21
1
77 Chapters

PREMISE

Unang araw nang klase. Bagamat tinatamad si Sandy ay pinilit nya pa ring bumangon. Sa totoo lang ay tinatamad sya dahil bagong school ang kanyang papasukan. Mula nang mamatay sa aksidente ang papa nya ay lumipat sila nang mama nya at nang dalawa nyang kapatid na mas bata sa kanya sa isang mas maliit na paupahan sa Pasay. Pumasok bilang isang accountant sa isang kumpanya ang mama nya upang may maipantustos sila. Ang papa lang kasi nila ang may trabaho noon at may kalakihan ang kita nito bilang isang chief sa isang cruise ship na nagtatravel sa buong mundo kaya buwanan ito kung umuwi. Bagamat may naiwang pera ang papa nila bago ito biglaang mamatay ay itinabi pa rin ito nang mama nya. Mag-iipon daw ito upang makapagpatayo nang isang restaurant. Magaling din kasi ito magluto kagaya nang papa nya. Naiinis lang sya sa mama nya kung bakit pinipilit sya nitong mag-aral sa St. Bernard University dahil bukod sa private ang nasabi
Read more

1

“You need to find her, Renato.” Sabi ni Lyn sa asawa. Kasalukuyan silang nag-uusap sa veranda habang kumakain nang agahan. Don Renato took a sip in his mug bago sumagot. “I know sweetheart. I just need more time.Nagpadagdag na ako nang detectives para mahanap agad ang dapat hanapin. Hindi ito madali, iilang impormasyon lang ang hawak natin.” “Yes, I know too. Pero dalawang buwan na lang at magbibirthday na si Aled. We need to move fast.” Tila bahaw na sabi nang Donya. She took a slice of bacon on her plate. Tumango ang Don. “I’m confident this time, sweetheart. Mahahanap na natin sila.” Sabi nang Don bago muling ibinalik ang atensyon sa hawak na dyaryo. Don Renato and Donya Lyn has an only child, si Alejandro o Aled sa marami. Ito ang nakatakdang mag-mana nang lahat nang ari-arian nang pamilya Santillan sa takdang panahon. 
Read more

2

“T-teka ma, ano ‘to? Bakit mo binibigay ‘to sa akin?” Gulat na tanong ni Sandy sa ina. Isinuot nito ang isang gold necklace sa kanya. “Anak, sayo yan, remember? Ibinigay iyan nang lolo Lucio mo noong five years old ka pa lang, pero I decided na itago dahil bata ka pa noon, baka mawala mo lang.” Sabi ni Loreta sa anak. Inayos nito at lagpas balikat na buhok nang anak at ihinarap sa salamin. Hinawakan nya ang kwintas. Hindi nya alam pero pakiramdam nya ay mayroong hindi magandang mangyayari nang hawakan nya ito. Napalunok sya. “Ah, eh ma, bakit bininigay mo na ito sa akin ngayon?” “Ano ka ba. Syempre sayo yan. Ang tagal ko nga lang na naitago iyan, nawala na sa isip ko habang lumalaki ka.” Nakangiting sabi ni Loreta. Nagkibit balikat na lamang si Sandy. “Huwag mong iwawala yan, yan na lang ang ala-ala na naiwan ni It
Read more

3

“Pasensya na talaga Lorena.” Nahihiyang sabi ni Loreta sa kapatid. Dalawang araw na silang nakatira rito, hindi rin makapasok sa school ang magkakapatid dahil natupok nang apoy ang mga gamit nila. “Wala iyon ate. Nasabi mo na ba sa anak mo?” Tanong ni Lorena. Umiling si Loreta. “H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin.” Ikinwento nya rito ang nangyaring pagpunta nang mag-asawang Santillan sa kanila, at ang mga pinag-usapan nila. Sabi ni Lorena ay iyon na lamang ang tanging solusyon sa nangyari sa kanila. Malaki ang maitutulong nang mga ito. Sa katunayan ay tinawagan sya nang umagang iyon ni Donya Lyn, offering help. Pero hindi nya ito kinausap nang matagal. Hindi nya pa nakakausap si Sandy at natatakot sya na magalit sa kanya ang anak.   --------------------------------------------------------- &nb
Read more

4

Unang araw na magkasabay na papasok si Sandy at Aled. Alas syete pa lamang ay kumatok na sa pinto nila ang driver ni Aled. Nasa late thirties na ang edad nito at seryoso rin ang mukha. “Magandang araw senyorita. Nasa kotse ho si senyorito at hinihintay na kayo.” Bati nito sa dalaga. Nailang sya nang tawagin syang senyorita nito. “Ah ano, mister, pwede bang Sandy na lang ang itawag mo sa akin? Hindi ako sanay eh.” Umiling ito. “Pasensya na po senyorita, pero hindi ko ho kayo mapagbibigyan.” Sabi nito at ngumiti nang bahagya. Nagkibit balikat na lamang sya. Matapos magpaalam sa mama nya ay kinuha ng driver ang bag nya at inalalayan sya hanggang sa makasakay sya nang kotse. Agad nyang naramdaman ang lamig dulot nang aircon. Magkatabi sila ni Aled sa likuran. Sa unahan nila ay mayroon pang itim na kotse ka kagaya rin nang sinasakyan nila. Naroon an
Read more

5

“I hope na maisama mo si Aled sa birthday ko if you don’t mind..” Sabi ni Judy. Nagulat si Sandy dito nang bigla itong tumabi sa kanya sa classroom. Kasalukuyan syang nagsusulat nang kung anu-ano nang marinig nyang nagsalita si Judy. Tiningnan nya ito. “Ha?” Ngumiti si Judy. “Ikaw talaga, pa humble ka pa. Boyfriend mo pala si Aled, hindi mo sinasabi. Anyway, since ganun nga, you might as well bring him as your escort.” Napanganga sya. “E-escort?” Tumango si Judy. “Ah, don’t tell me na nakalimutan mo ang birthday ko? Sa susunod na araw na iyon.” Tila nagtatampo na sabi nito. “Ah, eh hindi. Nagulat lang ako. Titingnan ko kung sumama sya. Hindi sya mahilig magparty.” Dahilan nya. Wala naman talaga syang balak na isama ito. Maiinis lang sya. “I know. Rem
Read more

6

Tatlong lingo na lamang at ika dalawampung kaarawan na ni Aled. Huling meeting na rin para sa details nang madaliang kasal nila Sandy at Aled. Sina Lyn at Loreta ang nagplano at excited na ang mga ito. Iniabot nang dalawang ina sa mga anak nila ang isang katerbang wedding magazine upang mamili ang mga ito nang gown na isusuot ni Sandy. Tila bored na bumuntong hininga lang si Aled, nakatingin sa malayo. Si Sandy naman ay naexcite bigla nang makita ang mga design nang gowns. Ayaw nya sa mga ito pero aminado sya na nagandahan sya sa mga design na nasa magazines. “Nakapili ka na ba anak?” Tanong ni Loreta kay Sandy. “Hindi ako makapili ma. Ang daming maganda.” Sabi nya. Natawa si Lyn sa sinabi ni Sandy. “Alam mo hija, ganyang ganyan din ako noong ikakasal pa lang kami ni Renato. Sa ganda nang designs nang mga wedding gowns ay hindi ako makapili.”
Read more

7

“I know. Matagal na kaming magkakilala ni Aled.” Sabi ni Prince.  Lumamlam ang mga mata nito na kanina lang ay puno nang sigla. “Talaga?” Sandy asked. Tumango si Prince. Kasalukuyan silang nakila Sandy. Nagpasabi ito na pupunta upang ito mismo ang magpaliwanag sa mama nya kung ano ang nangyari. Naintindihan naman ng mama nya. Sa katunayan, sa paliwanag nya pa lang ay ayos na sa mama nya pero natuwa rin ito ng mismong ang artista pa ang nagpaliwanag rito ng nangyari. At ngayon ay bigla na lamang nilang napag-usapan si Aled. Nasa terrace sila at nagmemerienda. Nangungulit pa nga ang kapatid nya dahil talagang crush na crush nito si Prince. “Yes, as a matter of fact, we’ve known each other way back in elementary, but we parted ways bago ako maging talent nang Clandestine.” Uminom ito nang juice sa basong hawak. &ldq
Read more

8

Kapwa sila napatigil. Napa-awang ang mga labi ni Sandy. Hindi sya makapagsalita.  Tila iniisip nya pa kung totoong si Aled ang nasa harap nila. Palipat-lipat ang tingin nya sa dalawa. Masama ang tingin na ipinupukol ni Aled kay Prince. Ilang sandali lang ay tumalikod na si Aled at akmang maglalakad pabalik sa kotse nito ngunit hinabol ito ni Prince, sumunod na rin si Sandy. “Aled, wait.” Nahawakan ni prince ang kamay nang lalaki bago ito makasakay sa kotse nito. Tinabig iyon ni Aled at humarap kay Prince. “Now what?” Singhal nito. “I-I was..” Hindi matuloy ni Prince ang sasabihin. “A-alejandro..” Sabi ni Sandy. Hindi nya rin alam ang sasabihin nya. Alam nyang iba ang iniisip nito dahil nakita nito si Prince sa bahay nila. Tiningnan rin nang masama ni Aled si Sandy. “Speak.”
Read more

9

Nanlaki rin ang mga mata nang dalawa nang mapagtanto ang posisyon nila at ang pagpasok ni Donya Lyn. Agad na itinulak ni Sandy si Aled at sabay silang mabilis na tumayo. “No, tita. You got it wrong. N-nadulas ho kasi ako.” Agad na paliwanag nya. Bakas sa mukha nya ang pagkapahiya. Si Aled naman ay hindi nagsasalita. Naupo lang ito sa kama at tila walang pakealam sa iniisp nang ina. Tiningnan nang Donya si Aled. “Hindi ka ba marunong kumatok?” Walang emosyon na tanong nang lalaki sa ina. “Ah.. S-sorry. H-hindi kasi naka lock..” Paliwanag naman nang Donya. “Anyway, it’s alright. Ikakasal na naman na kayo in five days. I got to go.” Sabi nang Donya at mabilis na lumabas. Nakanganga naman na naiwan si Sandy. Nagulat sya sa pag-uusap nang dalawa. Tila hindi mag-ina ang mga ito. Tila ang Donya pa ang humihingi n
Read more
DMCA.com Protection Status