Share

Chapter 1

Halos walang maintindihan si Steven sa mga sinasabi ni Mr.Chua, ang kanyang boss.

Buong araw siyang lutang at tila lumilipad sa ibang dimensiyon ang kanyang isipan.

"Mr.Delos Reyes?"

Hindi mawala sa kanyang isipan ang kanyang kapitbahay.

Dalawang araw na ang nakararaan magmula noong magising siya katabi ang isang lalaki na hindi niya kilala, who also happened to be his neighbor.

"Mr.Delos Reyes?"

At sa loob ng dalawang araw ay hindi nito pinatahimik ang kanyang buhay. Halos oras-oras itong kumakatok sa kanyang pintuan at nagsusumamong mag-usap sila. Ngunit hindi niya ito pinagbubuksan.

Hindi niya kayang makipag-usap rito. Wala siyang mukhang maihaharap rito. Lalo pa at iba-ibang imahe ang pumapasok sa isipan niya. Mga imahe that led him to be on the same bed with that strange guy, naked.

"Mr.Delos Reyes!" Malakas at nayayamot na sigaw ni Mr.Chua sa apelyido ni Steven.

Halos mapatalon si Steven sa gulat. Nalaglag pa ang mga papeles na kanyang hawak.

Natatarantangpinagpupulot niya ang mga ito.

Nang matapos ay muli siyang tumayo ng maayos sa harapan ni Mr.Chua na ngayon ay tila umuusok na ang ilong sa galit.

"What is happening to you?! Kanina pa kita kinakausap ngunit hindi ka naman nakikinig! Nagsasawa ka na ba sa trabaho mo? Do you want me to fire you?!" Galit na sigaw nito.

Mabilis na umiling si Steven. "S-sorry Sir." Paghingi niya ng paumanhin habang nakayuko.

Napailing na lamang si Mr.Chua.

Nang lumabas siya sa opisina ng boss ay kaagad siyang nilapitan ni Ronald na siyang pinakamalapit niyang ka-opisina.

"Mukhang nasabunan ka ah." Anito.

Huminga siya ng malalim.

"Ganun na nga." He answered saka tumungo sa kanyang cubicle. Nakasunod naman si Ronald sa kanya.

"Baka kasi lutang ka na naman, Pare." Anito habang nakangisi.

Nakapamulsa itong humarap sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito."What do you mean?" He asked without looking at Ronald.

"You've been spacing out a lot since yesterday. Sa tuwing kinakausap ka namin, hindi mo kami sinasagot. Or more like, hindi mo kami naririnig. Para bang nasa ibang lugar ang isipan mo. Iyan ba ang epekto ng pambabasted sa'yo ni Shaina?" Anito na tila nang-iinis.

Hindi niya ito sinagot ang sinabi nito. Hangga't maaari ay ayaw na niyang maalala pa ang kaganapang iyon.

Masyado siyang nasaktan nang bastedin siya ni Shaina.

Halos isang taon niya na niligawan si Shaina. Tiniis niya lahat ng mga panglalait na natatamo niya mula sa mga kaibigan nito. Lahat ng gusto nito, sinusunod niya. Lahat ng ipinag-uutos nito, ginagawa niya. Kahit pinagtatawanan na siya ng mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa pagsunod-sunod niya sa dalaga ay binabalewala niya ang mga ito.

Masyado niyang gusto si Shaina kaya't hindi na niya pinapansin ang sinasabi ng iba. Akala niya magkakaroon siya ng tiyansa sa dalaga. Wala siyang ibang pinakita rito kundi kabutihan ngunit mga masasakit na salita lamang ang isinukli nito sa kanya.

Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na sagutin ka. Hindi ka gwapo. You're just too plain. Malayong-malayo sa mga ibang nanliligaw sa akin. Hindi ka rin mayaman. Ni hindi mo nga ako madala sa mga magagarang restaurants. But still, thank you. I had fun playing with you.

Lahat ng sinabi ng dalaga ay tila mga

patalim na sinugat-sugatan hindi lamang ang kanyang puso kundi maging ang kanyang pride bilang lalaki.

Sobra siyang nasaktan sa mga sinabi ng dalaga dahilan para maglasing siya hanggang sa hindi na siya makapaglakad ng maayos. He was even too drunk dahilan para wala siyang maalala. He didn't even know how he ended up in that strange guy's bed.

Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang maalala ang lalaki. At tila napansin iyon ni Ronald.

Yumuko siya upang itago ang pamumula ng kanyang pisngi ngunit niyuko naman siya ni Ronald. Nakakunot ang noo nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito habang pilit na tinitingnan ang kanyang mukha.

Mabilis niyang itinaas ang hawak na papeles at tinakpan niya ang kanyang mukha.

"A-ayos lang ako." Pautal-utal niyang sagot.

"Sigurado ka? Bakit namumula ang mukha mo? Masama ba ang pakiramdam mo?"

Pilit nitong inaalis ang papeles na nakatakip sa kanyang mukha ngunit hindi niya ito hinayaan.

"Ayos nga lang ako! Bumalik ka na doon sa cubicle mo!" Angil niya rito.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Tinapik nito ang kanyang balikat.

"Oh sige. Pero kung masama ang pakiramdam mo, magsabi ka lang. Wag mo ng damdamin yung mga sinabi ni Shaina. Marami pang ibang babae diyan." Anito saka muling tinapik ang kanyang balikat.

Nang makaalis ito ay saka lamang niya ibinaba ang papeles na nakatakip sa kanyang mukha.

He took a sigh. Pilit niyang inalis sa kanyang isipan ang alaala ng nangyari noong nakaraang araw. Pilit niyang inalis sa kanyang isipan ang mukha ng lalaking nakatabi niya sa kama.

Inabala niya ang sarili sa trabaho. Walang oras o minuto na nagpahinga siya. Halos kunin na rin niya ang trabaho ng mga kasamahan niya para lamang may mapagkaabalahan siya at hindi niya maalala ang lalaking iyon.

"Hindi ka pa ba uuwi?"

Gulat na napatingala si Steven nang tapikin siya sa balikat ni Ronald.

Nakakunot ang noo ng kaibigan habang nakatingin sa mga papeles na kanyang pinagkakaabalahan.

"Hindi ba at next week pa ang deadline niyan?" Tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Mas mabuti nang tapusin ko 'to ng mas maaga." Pagdadahilan niya.

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Ronald. Pinagkrus nito ang mga braso sa d****b nito. "Pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa akin." Anito, ang isang kilay nito ay bahagyang nakataas.

Umiwas siya ng tingin rito saka nilinis ang kanyang lamesa. "Ano namang sasabihin ko sayo?" He said, trying to act casually.

"Ano nga ba ang dapat mong sabihin sa akin?" Pabalik naman nitong tanong.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Nang matapos siya sa paglilinis at pag-aayos sa kanyang lamesa ay kaagad siyang tumayo at hindi man lang binigyan ng tingin si Ronald.

"Uuwi na ako." Aniya saka nagtuloy-tuloy na lumakad.

Mabilis naman siyang sinundan ni Ronald at sinabayan siya sa paglakad hanggang sa makalabas sila.

Papara na sana siya ng taxi nang pigilan siya ni Ronald.

"Sumabay ka na sa akin. Tutal doon din naman ako dadaan." Anito.

Ngunit kaagad naman siyang tumanggi.

"Salamat pero magta-taxi nalang ako." Pagtanggi niya ngunit tila walang narinig si Ronald na hinila lamang siya patungo sa kung saan nakapark ang sasakyan nito.

"Sakay na." Saad nito.

Nang hindi pa siya gumalaw ay ito na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse at halos itulak na siya papasok.

"Ano ba!" Reklamo niya ng halos masubsob na siya ng itulak siya nito papasok.

Binigyan niya ito ng matalim na tingin ngunit tinawanan lamang siya ni Ronald saka ito umikot sa kabilang side ng sasakyan at umupo sa driver's seat.

"Seatbelt." Paalala nito.

Wala naman na siyang nagawa kundi ang umayos ng upo at kinabit ang sealtbelt.

"Kung sana babae ang pinasakay mo rito eh di makakascore ka pa." Steven said.

"Sayo ba, hindi ba ako pwedeng makascore?" Anito sabay lingon at kindat sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso sa tinuran nito.

Biglang tumawa ng malakas si Ronald.

"Damn man! You should have seen your face! Your reaction was priceless!" Bulalas nito saka muli na namang tumawa ng malakas.

Doon lamang niya narealize na pinagtitripan lang pala siya ng kaibigan.

Kaagad niyang binigyan ng isang malakas na suntok sa balikat si Ronald na bahagya nitong ikinadaing.

He gave him a deadly stare.

"Nagmamaneho ako, baka nakakalimutan mo." Inis na saad nito.

Napailing na lamang siya. "Wag mo kasing binibiro ako ng ganoon." He said.

Muli na namang tumawa si Ronald.

"Akala mo talaga seryoso ako nung sinabi ko yun? Pare, mas straight pa ako sa flagpole." Nakatawang saad nito.

"Kahit kailan talaga, napakagago mo." Ang nasabi na lamang ni Steven.

Kung anu-ano pa ang mga napag-usapan nila ni Ronald hanggang sa hindi na niya namalayang nakarating na pala sila sa kanyang apartment.

"Salamat, Pare." Pagpapasalamat niya matapos niyang bumaba.

"No problem, Pare. Alis na ako. Kita nalang tayo bukas sa opisina." Pagpaalam nito.

Tumango naman siya saka tinanaw ang pag-alis ng kotse nito.

Nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse nito ay saka lamang niya hinarap ang kanyang apartment.

At laking-gulat na lamang niya nang pagkaharap niya ay kaagad na bumungad sa kanyang harapan ang lalaking dalawang araw na niyang iniiwasan.

Nanlalaki ang kanyang mga mata at lumakas ang tibok ng kanyang puso. Bigla siyang kinabahan. Lalo pa at may kakaibang ekspresyon sa mukha nito.

His neighbor looked mad.

Ilang segundo silang nagkatitigan bago siya tila nagising. Kaagad niya itong tinalikuran at akmang tatakbo na siya upang iwasan ito ngunit naging maagap ang lalaki sa paghawak sa kanyang braso at pinihit siya nito paharap.

"You can't escape from me now." Mapanganib ang boses na saad nito bago siya nito hinila papasok.

Trumiple ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

"Anong bang problema mo ha? Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" Nagtatapang-tapangan na sigaw niya habang nagpupumiglas upang makawala sa hawak nito.

Ngunit mas lalong dumiin ang hawak nito sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay magkakapasa na siya sa higpit ng hawak nito.

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" Galit niyang sigaw ngunit tila bingi ang lalaki at patuloy lamang siya nitong hinila.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang tumigil sila sa harap ng unit nito.

"A-anong..."

Sinipa nito pabukas ang unit saka pumasok habang hila-hila siya.

Nang tuluyan na sila makapasok ay saka lamang siya nito binitiwan at mabilis nitong isinarado nito ang pinto and even locked it.

"What the fu---" Natigil ang akmang pagmumura niya nang humarap ito sa kanya.

Naniningkit ang mga mata nito at taas-baba din ang d****b nito, indikasyon na galit nga ito.

Napaatras siya nang lumapit ito sa kanya.

Atras. Lapit. Atras. Lapit.

Paulit-ulit na ganoon ang naging galaw nila hanggang sa tumama ang kanyang alak-alakan sa sofa na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya dahilan para mapaupo siya roon.

Biglang ngumisi ang lalaki.

Akmang tatayo na siya nang mabilis na lumapit sa kanya ang lalaki at walang sabi-sabi na umupo mismo sa kanyang mga binti habang nakaharap sa kanya. Habang ipinuwesto naman nito ang mga kamay nito sa kanyang magkabilang balikat.

"A-anong g-ginagawa m-mo?" Utal-utal at kinakabahan na tanong niya sa lalaki na nakangisi at may namimilyong tingin sa mga mata nito.

Hindi niya alam kung sinasadya ba nitong gumalaw dahilan para mapasinghap siya nang maramdaman ng kanyang p*********i ang hiwa sa pagitan ng dalawang pisnge ng puwet nito.

Mas lalong ngumisi ang lalaki. Inilapit nito ang mukha nito sa kanya dahilan upang matitigan niya ito ng malapitan.

The guy is gorgeous. Kulay itim ang mga mata nito na pinaresan ng maiitim at mahahabang pilikmata na akala niya ay mga kababaehan lamang ang mayroon. Matangos din ang ilong nito habang ang mga labi nito ay tila rosas dahil sa kulay nito. Ngayon lamang niya napansin na mukhang bata pa lamang ito. He looked like those University Students na nakakasabay niya sa bus tuwing umaga.

"Satisfied?" The guy asked then smirked at him.

Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mga pisnge.

Lihim siyang napamura. Did he just checked him out?

Umiwas siya ng tingin rito. To think that a guy could make him blush. Para gusto na tuloy niyang lumubog na lamang sa kinauupuang sofa dahil sa kahihiyan.

The guy chuckled a little dahilan upang muli siyang mapaharap rito.

"Anong nakakatawa bata?" Maangas niyang tanong rito na ikinataas ng isang kilay nito.

"Tinawag mo ba akong bata?" Tanong nito habang nakataas pa rin ang isang kilay ngunit tila hindi naman galit ang tono ng pananalita nito. It was like he was being playful.

"May problema ka dun? And don't sit on my lap." Naiinis na saad niya.

Ngunit imbes na tumayo ito ay iginalaw pa nito ang balakang nito na kanyang ikinasinghap. Habang ang itaas na bahagi naman ng katawan nito ay inilapit nito sa kanya.

"W-what the f-fuck are you d-doing?" Nauutal niyang tanong rito.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nautal ngayong araw. Damn! What the fuck is happening to him? And what the fuck is this guy doing?

Bigla na lamang napasinghap si Steven nang dumantay ang mahaba at maputing hintuturo nito sa kanyang kaliwang pisnge pababa sa kanyang labi.

"Why? Am I not allowed to flirt with my lover?" Pabulong na may kasamang landi na saad nito.

Pakiramdam niya ay lahat ata ng balahibo niya sa katawan ay nagsitayuan.

Nakanganga siya habang nanlalaki ang mga mata na tumitig sa lalaki na ngayon ay nakakagat-labi na.

"L-lover?" Pag-ulit niya sa sinabi nito habang nanlalaki pa rin ang mga mata na nakatitig rito.

"Hmmn." He hummed sabay tango ng makailang-beses.

Ang mga kamay nito ay pumadausdos sa kanyang bewang as he leaned closer towards him hanggang sa ilang dangkal na lamang ang layo ng kanilang mga mukha.

"Hindi mo ba naalala?" Muling saad nito.

Tila sasabog na ang puso ni Steven sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Don't you remember what happened that night? Gusto mo bang ipaalala ko sa'yo?"

He can feel his hot and minty breath fanning against his cheeks.

Wala sa sariling nalunok niya ang sariling laway.

"That night, you suddenly barged into my unit. You were so drunk that you can barely even stand. Nilapitan kita and all I wanted was to help you but you," tinitigan siya nito sa mga mata hanggang sa bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi, "you suddenly grabbed me by my neck and kissed me forcefully until I lose my breath." He seductively said then bit his lower lip.

Mabilis na ang paghinga ni Steven. Hindi rin siya makagalaw. At tila hindi rin maproseso ng kanyang utak ang mga sinasabi nito. It was like his brain just stopped working.

"And do you know what you asked me after you kissed me?" Bumalik ang ngisi nito. "You asked me to be your lover."

Ilang minuto siyang natulala sa huling sinabi nito until he finally found his tongue to speak.

"N-no. Hindi iyan totoo. Why the hell would I do that? Nakikita mo naman siguro diba? We're both men so why would I---"

"We're both men yet you fucked me and enjoyed me that night." Pagputol nito sa kanyang sasabihin.

Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito. Makailang-beses siyang umiling.

"No. No. You're lying." Aniya saka kinakabahang tumawa.

"You don't believe me? Gusto mo bang patunayan ko sa'yo ngayon kung gaano ka nabaliw sa akin?"

Muling umiling si Steven.

"No. Stop this okay. Hindi na ito nakakatuwa. Stand up and let me leave." He said ngunit hindi man lang tuminag sa pagkakaupo ang lalaki.

"No." Seryosong saad nito. "You are not going anywhere. You started this kaya pangatawanan mo ito. You are my lover. You are mine." He said at walang sabi-sabi na mainit siya nitong hinalikan sa labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status