Share

His Lover Next Door
His Lover Next Door
Author: maria adelle

Prologue

Author: maria adelle
last update Last Updated: 2022-01-04 14:39:09

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay biglang naalimpungatan si Steven nang marinig niya ang maingay na tunog ng alarm clock.

Nakapikit na kinapa-kapa niya ang lamesita ngunit hindi niya ito mahanap. Sigurado siyang nasa tabi lamang ng kanyang kama nakapwesto ang lamesita kung saan niya laging ipinupwesto ang kanyang alarm clock.

Ibinukas niya ang kanyang mga mata at bahagya siyang napaigik nang kumirot ang kanyang ulo.

Mukhang naparami siya ng inom kagabi.

Nang bahagya nang mawala ang kirot sa kanyang ulo ay saka lamang niya naipalibot ang tingin sa buong kwarto.

Kumunot ang kanyang noo nang imbes na kulay asul na dingding ang kanyang masilayan ay kulay puti na dingding ang kanyang nakita. Kahit ang mga gamit ay sigurado siyang hindi sa kanya.

"Where the hell am I?" Tanong niya sa sarili.

Nang muling tumunog ang alarm clock ay bahagya pa siyang nagulat. Hinanap niya ang alarm clock and he found it on the other side of the bed.

Uupo na sana siya nang may maramdaman siyang tila may nakadantay sa kanyang tiyan at maging sa kanyang paa.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon niya ang katabi na natatabunan ang kumot.

"Did I sleep with a random girl last night?" Muling tanong niya sa sarili.

Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi.

Mula sa pambabasted sa kanya ni Shaina na halos isang taon na niyang nililigawan hanggang sa tumungo siya sa isang bar at doon naglasing. He got so wasted that it was even so hard for him to get a taxi.

Pagkatapos niyang makasakay sa taxi at sabihin sa driver ang kanyang address ay wala na siyang maalala. Hindi na niya alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari.

Wala siyang maalala na may kasama siyang babae na umuwi kagabi. At isa pa, sigurado siyang wala siya sa bahay niya.

What did the taxi driver did to him?

Tinitigan niya ang katabi na natatabunan pa rin ng kumot.

Dahan-dahan niyang itinaas ang isang kamay.

Napakalakas at napakabilis ng tibok ng kanyang puso. He was too drunk last night that he can't remember even a single thing. Paano kung may boyfriend itong naikama niya? Or worst, may asawa?

He doesn't want trouble.

Kanya na sanang aalisin ang kumot na nakatakip sa mukha ng kanyang katabi nang bigla itong gumalaw dahilan upang bumaba ang kumot na tumatakip sa mukha nito.

At ganoon na lamang ang kanyang pagkagimbal ng hindi mukha ng isang babae ang kanyang nasilayan, kung hindi isang lalaki.

Napanganga siya at muling nanlaki ang kanyang mga mata. His body froze at pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Mas lalo pa siyang nagimbal ng biglang bumukas ang mga mata nito.

Hindi siya nakapagsalita.

Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Ngumiti ito sa kanya kasabay ng pagbati nito gamit ang inaantok at magaspang nitong boses.

"Good morning, Steven." Bati nito.

Ilang segundo na nanatili siyang nakakatitig rito habang pinoproseso pa rin ng kanyang utak ang lahat ng kanyang nakita.

And when the guy moved closer towards him, his face on his neck, doon na tila nagising si Steven.

Itinulak niya ang estrangherong lalaki palayo sa kanya saka siya mabilis na umalis sa kama.

"Steven..." Sambit ng lalaki na tila nagulat sa ginawa niya at sa naging reaksyon niya ngunit hindi niya ito pinansin.

Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig. Agad-agad siyang nagbihis at walang lingon na lumabas ng silid.

Malalaki ang mga hakbang na hinanap niya ang pinto palabas. He can hear the strange man calling his name ngunit hindi niya ito pinansin.

Nang makalabas na siya ay malakas niyang isinara ang pinto.

Nakapikit ang mga mata na napasandal siya sa nakasaradong pinto.

"What the hell just happened?" Bulong niya sa sarili.

Nanatili siya sa ganoong posisyon ng ilang mga minuto bago niya ibinukas ang kanyang mga mata.

Wala siya sa hotel. Mukhang nasa isang apartment building siya.

Aalis na sana siya nang mapansin niya ang pinto na kaharap lamang ng unit na kanyang pinaglabasan.

It looked familiar.

Lumapit siya sa pinto. Ilang beses niyang inisip kung bakit tila pamilyar ito. Until realization hit him.

It's his unit!

Hindi makapaniwalang nakatitig siya sa nakasaradong pinto ng kanyang unit nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng apartment unit kung saan siya nanggaling at iniluwa ang lalaking katabi niya kanina sa kama.

"Hey, neighbor." The strange guy said while grinning at him.

Pakiramdam ni Steven ay mawawalan siya ng malay-tao anumang oras.

"What the fuck." Ang tanging naisagot niya sa lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Enjane Dolino
nako Steven dahan2x lang sa pag inom baka next time makapag asawa ka nang maaga Jan hahaa
goodnovel comment avatar
Charmz1394
inom pa more steven...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Lover Next Door   Epilogue

    Nakasimangot na ibinaba ni Yuki ang kanyang cellphone. Katatapos lang nilang mag-usap ni Layland at sinabi nitong hindi sila matutuloy sa kanilang lakad dahil ayaw itong payagan ng nobyo nito na sa Gunner. "That old, possessive man." Naiinis niyang saad. He laid himself on the sofa at tumitig sa kisame ng kanyang apartment. Nakahanda pa naman na siya. Nakabihis na siya and he's excited to go to a bar na matagal na niyang hindi nagagawa. "That Gunner. He's really pissing me off." He whispered. He's bored and he wanted to do something. He wanted to hook up with some hot and cool guy who can satisfy his needs. Bumangon siya at tinawagan si Zach ngunit hindi ito sumasagot.

  • His Lover Next Door   Chapter 11

    "And you just walked out like that?" Gulat na tanong ni Ronald kay Steven matapos niyang i-kwento rito ang nangyari sa kanila ni Yuki ilang araw na ang nakararaan.It's their lunch break at mukhang napansin nito ang pagiging balisa niya kaya naman kinulit siya nito ng kinulit hanggang sa nai-kwento na niya rito ang nangyari."Ano sa tingin mo ang sasabihin ko? Itatanong ko sa kanya iyong mga itinanong mo sa akin? Hindi ko magagawa yun, Pare!" He frustratedly answered.Ngunit binatukan lamang siya ni Ronald na ikinadaing niya. "Problema mo?" Naiinis niyang tanong rito habang nakahawak ang kamay niya sa sarili niyang ulo na binatukan nito."Hindi ako ang may problema, Pare. Ikaw!" Sagot ni Ronald sa kanya. "Ikaw ang may problema. Kasi gago ka." Naiinis nitong sagot sa kanya.Kumunot ang kanyang noo."Teka, bakit galit ka? Close kayo?" Naiirita niyang tanong.

  • His Lover Next Door   Chapter 10

    "Pwede bang ipagpaliban muna natin ang pag-uusap na'to? I feel like my head is going to explode any moment now." Reklamo ni Steven habang kaharap si Yuki na naka-ekis ang mga braso.Yuki's face was serious and he knew he's gonna be in trouble."Hindi. Mag-uusap tayo ngayon din. Linggo ngayon. Wala kang pasok sa trabaho at wala din akong pasok sa eskwelahan so this is the right time for us to talk." Seryoso nitong saad.Steven groaned before laying his back on the sofa where he was sitting. "Yuki, wag muna ngayon. Masakit talaga ang ulo ko." Mahinahon niyang sabi sa kabila ng pagkirot ng kanyang ulo."I don't give a fuck. Sinabi ko bang maglasing ka?" Inis nitong sagot sa kanya. "Isa pa, reklamo ka ng reklamo na masakit ang ulo mo, eh ako, nagreklamo ba ako sa mga pinaggagawa mo sa akin kagabi?"Napangiwi siya sa sinabi nito."Umayos ka diyan. I have a lot of questions to a

  • His Lover Next Door   Chapter 9

    Napalunok si Steven nang seryoso siyang titigan ni Ronald. Nakaupo sila sa magkaharap na couch. Nauna ng umalis si Yuki dahil may klase ito while he was left with Ronald na alam niyang may napakaraming tanong sa kanya. "Pare..." "Ano iyong nakita ko?" Seryoso nitong tanong. He took a deep breath first before he spoke. "Alam ko kung ano ang iniisip mo. At hindi ka nagkakamali." He said honestly. "Yuki and I are in a relationship." Pag-amin niya. Nanlaki ang mga mata ni Ronald and his mouth were widely open. Gulat na gulat ito and Steven can't blame him for having that reaction. Ronald just saw his straight friend kissing another guy. "What...the..." Hindi makapaniwalang sambit nito. "T-teka...paano...bakit---tangina..." Muli siyang bumuntong-hininga saka siya nagsimulang i-kwento dito ang lahat ng nangyari sa kanil

  • His Lover Next Door   Chapter 8

    "Anong oras ka uuwi mamaya?" Tanong ni Yuki kay Steven habang sabay silang naglalakad patungo sa sakayan."Probably, 5 or 6. Iyon ay kung matatapos ko ng maaga ang mga paper works ko. Why?" Tanong niya pabalik rito as he looked at him."Wala lang." Sagot naman nito na sinabayan pa ng pag-iling.Somehow, he felt something on Yuki's voice. Tila may gusto itong sabihin sa kanya na hindi nito masabi."May gusto ka bang puntahan mamaya? Just tell me." Muling sabi niya rito ngunit umiling lamang itong muli."Wala. Gusto ko lang naman malaman." Sagot nito sa kanya saka siya nito nginitian.He shrugged. "Okay." Sabi na lamang niya.They walked together in silence for a couple of minutes until Yuki broke the silence again."Naalala mo na ba ang nangyari that very first night you woke up inside my apartment?" Biglang tanong nito.Na

  • His Lover Next Door   Chapter 7

    "Anong papanoorin natin?" Tanong ni Yuki kay Steven habang tumitingin sila sa mga pelikula na ipapalabas.Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay hinila niya ito at pumila sila upang bumili ng tickets.Pumuwesto ito sa kanyang likuran. Tahimik lamang siyang naghihintay nang hinila ni Yuki ang dulo ng kanyang T-shirt na suot.Liningon niya ito habang nakakunot ang noo."Ang kamay ko..." Mahina ang boses na sabi nito at itinuro nito gamit ang mga labi nito ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay nito.Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.Mabilis niyang binitiwan ang kamay nito at muling ibinalik ang tingin sa unahan.Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Yuki.He's glad na hindi na ito galit at pilit nitong iniintindi siya.Limang tao na lamang at siya na ang makakabili ng ticket nang mapalingon siya sa isang grupo ng mga kabab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status