Share

Chapter 1: The Dream

Nagising ako na nasa isang madilim na lugar. Sobrang dilim, parang walang katapusan.

Tumakbo ako ng tumakbo pero walang nangyayari. Napapagod lang ako. Sa sobrang hingal ko napayuko na lang ako at napahawak sa tuhod ko.

"Shhhhhhh...."

Nagulat ako dahil may biglang nagsalita malapit sa tenga ko. Sa sobrang takot ko, tumakbo ako ng mabilis. Wala na akong pakialam kung saan ako ako dadalhin ng mga paa ko  basta ang mahalaga makalabas ako dito sa lugar na to.

Mga ilang minuto na ang nakalipas at nagpahinga muna ako. Oo, takot na takot na ako pero. Di ko na kaya tumakbo. Pero nakaramdam ako ng kakaiba. May mga yapak akong naririnig at alam kong di sila iisa. Naririnig ko ang mga hinga nila. Pagod.

"Ibigay mo na sa amin ang susi! Kung ayaw mong mapahamak ang pamilya mo at matulad sila sa Papa mo!"

Isang matandang babae ang nagsalita. Kahit na pagod na pagod na ako at sa kahit anong sandali ay mahihimatay na ako tumakbo pa rin ako. Nagulat ako dahil bigla may liwanag akong nakita. May mga pinto. 13 silang lahat at nakaayos na diagonally. Pero ang layo nila sa akin at sarado silang lahat.

Tumakbo ako gamit ang buong lakas ko. Nang malapit na ako sa unang pinto huminto ako sa pagtakbo. Pinilit kong habulin ang hininga ko sa sobrang pagod. Malapit na ako sa unang pinto ng may mapansin akong kakaiba. Sa itaas nito may isang ilaw at isang sign na hindi ko masabi kung ano. Parang nakakita na ako ng ganito dati pero di ko matandaan. Isang hakbang na lang ng biglang magsara ang lahat ng pinto.

Sobrang nataranta ako. Dahil naramdaman ko nanaman ang mga humahabol sakin. Di ko alam ang gagawin ko. Pinilit kong buksan ang unang pinto pero ayaw. Bigla kong nahawakan ang susi na nasa dibdib ko. Ang susi na ibinigay ni Papa sa akin. Dali-dali kong hinubad ko yung kwintas kung saan andun yung susi. Ginamit ko yung susi sa unang pinto pero ayaw mabuksan.

2nd..

3rd..

4th..

5th..

6th..

7th..

8th..

9th..

10th..

11th..

12th.....

Sobrang lapit na nila pero ako andito pa lang sa ika-12 na pinto. Sobrang takot na ako kaya napaiyak na lamang ako. Ayaw mabuksan lahat at yung ika 13 na pinto na lang ang pag asa ko. Nawawalan na ako ng pag asa Pero di ito ang oras para mag isip ako ng ganito. Buong lakas kong tinakbo papunta ang huling pinto. Ang weird, para bang nakit ko na ang pintong ito dati.

Paglingon ko limang hakbang na lang at mahuhuli na nila ako. Agad agad kong pinasok yung susi sa lumang door knob. Saktong pagbukas ko, may humawak sa likod ko at tinulak ako papasok ng pinto.

Si Papa.

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Napasigaw ako pagpasok ko ng pinto dahil di inaasahan na mahuhulog ako. Nakasilaw yung liwanag ng paligid na kinahuhulugan ko ngayon.

Nagising ako dahil para akong bumagsak sa kama ko. Sobrang pawisan ako. Akala ko totoo yung nangyari. Panaginip lang pala. Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at kinuha ko yung towel sa tabi ng kama ko. Naalala ko yung susi na ibinigay ni Papa, kinapa ko ito sa dibdib ko at buti narito pa. Tiningnan kong maigi yung susi. May weird na sign pero alam kong nakita ko na ito dati. Bigla pumasok si mama sa kwarto at saktong nakita niyang hawak ko yung susi.

"Nak, gising ka na pala. Halika na sa baba at kumain na tayo"

"Ma, ano po ba itong susi na ito?"

Hindi ako sinagot ni mama. Sinarado niya lang ang pinto at bumaba siya. Ang weird ni mama pagdating sa mga bagay tungkol kay Papa.

Inayos ko na yung higaan ko at dali daling bumaba dahil gutom na ako. Habang bumababa ako sa hagdan naamoy ko na agad yung luto ni mama. Pagdating ko sa mesa may nakita akong Adobo! Ano kayang meron bakit nagluto si mama ng adobo?

Pag upo ko bigla nagsalita si mama.

"Anak, lagi mong isusuot yang susi na bigay ng papa mo ha? Wag na wag mong iwawala yan. Proteksyon mo yan"

Pagkatapos sabihin yun ni mama ay ngumiti siya sa akin. Ang weird niya talaga ngayon parang may iba.

Pagkatapos kong kumain, maligo ay magbihis eh andito ako ngayon sa harap ng salamin habang hawak ko yung susi na binigay ni Papa. Kulay gold, ang gaan at parang gusto ko palaging hawakan. Andaming mga tanong ng naglalaro sa isip ko kung bakit ba sobrang mahalaga ito kay mama, bukod sa bigay ito ni Papa.

Susi kaya ito ng bahay? o Ng isang treasure chest? May ipapamana kaya sakin si Papa na kailangan kong hanapin? O kaya kotse? Di pwede eh, imposible na ganito ang susi ng kotse.

Hanggang sa di ko na namalayan yung oras, 15 minutes na lang at malalate na ako sa klase. Shetttt! Agad kong kinuha yung bag ko at bumaba. Nakita ko si mama sa may lababo na naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Bye ma!"

"Sige anak ingat ka!"

Kailangan kong bilisan kung hindi eh malalate ako sa klase. Napaka terror kase ng mga Adviser sa Grade 11 eh.

Habang nasa tricycle ako, nilabas ko yung cellphone ko at nagsearch sa internet ng about sa mga susi, signs at iba pang mga may kaugnayan sa susi na meron ako. Pero wala talaga akong makita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status