Share

Chapter 3: A Rollercoaster Ride

Oo tuwang tuwa ako sa kinalabasan ng pangyayari ngayon pero kinakabahan ako ngayon dahil papunta kami sa Principal's Office. Di ko alam kung bakit pero sobrang weird ng feeling ko. Biruin mo ba naman, pinatawag ako sa office ng Principal ngayon kahit na wala pa akong nagagawang masama huhuhuhu.

Sir Galvez POV

Matagal ko ng binabantayan si Charm dahil alam kong may kakaiba sa kanya. Isang sign na lang hinihintay ko at narinig ko na yun mula sa kanya. Simula Junior High pa lang siya, pagtapak pa lang niya sa paaralang ito alam kong iba siya sa lahat ng estudyante dito. Di siya nararapat sa paaralang ito.

Matapos ko siyang pasunurin sa akin sa Principal's office eh nahalata ko na gulat na gulat siya at kinakabahan. Nakakatuwa yung batang ito. Hindi niya alam na may magandang mangyayari sa buhay niya ngayon.

Tungkol naman dun sa sign na hinahanap ko, narinig ko yun kanina. Bukod sa magaling siya sa mundo ng siyensya ay may narinig din ako kanina na di naririnig ng normal na mga tenga. I have an enhanced hearing ability. Yes, tama kayo ng pagkakabasa. Hindi ako isang normal na tao, like Charm. Yung narinig ko kanina kay Charm ay isang pagtawag mula sa isang Celestial Spirit, at sigurado akong isang Golden Key yon. Yung tunog ay parang kalansing ng nahulog na piso. Ang lakas, sobrang nakakabingi. Parang gustong kumawala. Paano ko nalaman na sa kanya nanggaling yun? Minsan kase narinig kong sinabi niya sa mga classmate niya na malapit na ako kahit na ang totoo ay nasa first floor na ako. Alam kong ang tulad niya ay may enhanced sense of touch. Nararamdaman niya ang nasa paligid gamit lang ang paa niya or kahit anong body parts niya. Paano ko narinig? As I have said may enhanced hearing skills.

"We are here," sabi ko sa kanya.

Tumigil kami sa office ng tapat ng office ng Principal. Tiningnan ko siya sa gilid ko at nakita kong takot na takot siya.

Charm's POV

Andito na kami sa tapat ng Principal's office at ready na ako sa mga mangyayari. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang maririnig ko.

Dahan dahan binuksan ni Sir yung pinto at rinig na rinig ko ang langitngit nito. Pagpasok namin sobrang lamig. As in, parang ang sarap matulog. Andito na kami ngayon, kaharap na namin si Principal Cy. Bata pa yung itsura niya pero sabi nila nasa 50's na to.

"Maupo kayo," sabi ni Principal Cy.

Ang sarap matulog dito, kung pwede lang edi aba I'll take the chance HAHAHAHA. Anyways, bigla talaga akong kinabahan, kumabog yung dibdib ko.

"Sir, siya na po yung sinasabi ko," sabi ni Sir Galvez

"Good Morning po Sir"

"Umupo ka iha" sabi ni Principal Cy.

Pagkaupo ko ay bigla siyang nagulat. Agad niyang tinanong kung ano yung nasa kwintas ko. Nilabas ko ang kwintas ko at sinabi sa ko sa kanya na bigay ito ng Papa ko.

"Tatay mo si Rye Athenson hindi ba?"

"O....opo"

Mas ikinagulat ko na kilala niya si Papa. Ang weird talaga. Wala namang naikukwento si mama na ganito, tsaka paano naman kaya nakilala ni Principal Cy si Papa.

"Iha, you should not be here. You should be on the same school like where your father studied" sabi ni Principal Cy.

Teka, gulong gulo na ako. Di daw dapat ako nag aaral dito sa ArcDime Academy. Ano kayang ibig sabihin nito? Sobrang dami ko ng naiisip at feeling sasabog na ang utak ko sa dami ng impormasyong natatanggap ko ngayon.

"Alagaan mo yang Susi na yan dahil yan ang pinakamahalaga sa papasukan mong bagong eskwelahan" sabi ni Principal Cy

"Pero Sir, paano po yun? Yung mga papers ko po? Tsaka di po ba biglaan naman ang lahat? Mas gusto ko pong mag aral dito Sir"

"Alam ko iha, pero dun ka dapat sa eskwelahang magbibigay sayo ng tamang kaalaman na hindi mo mahahanap dito" Sagot ni Principal Bins

Biglang nagbago yung atmosphere ng room, lumamig at naramdaman ko yung darkness na di ko maipaliwanag.

"Aalis ka sa eskwelahang ito iha pero isa itong sikreto, papalabasin natin na aalis kayo ng bansa at maninirahan na sa kayo sa labas ng bansa" dadag pa ni Principal Bins

Sumasakit na yung ulo ko, sikreto daw dapat yung paglipat ko ng eskwelahan, ano ba tong nangyayari?

"Ipahatid mo na siya Galvez para makauwi na siya at makalipat na siya agad" utos ni Principal Cy kay sir Galvez

Lumabas na kami ng office pero ramdam ko pa din yung bigat sa pakiramdam. Nauna si Sir Galvez sa akin at sinundan ko lang siya. Ang dami kong tanong na gustong masagot. Bakit? Bakit ako ililipat ng school? Bakit dapat sikreto ang lahat?

Nasa gate na ako ngayon ng School at nagulat ako dahil andun na rin yung bag ko.

"Ms. Athenson, paalala ko lang sayo na ang susi na iyan ang pinakamahalaga bago ka pumasok sa eskwelahang pupuntahan mo. Umuwi ka na at hinihintay ka na sa bago mong eskwelahan. May school bus na susundo sa iyo roon."

School bus? Ipapasok ba nila ako sa isang private school? Nakakaexcite pero at the se time nakakakaba. First ko to na makakatapak sa isang private school kung tutuusin pero kinakabahan talaga ako.

Paglabas ko ng gate ng school namin, muli kong sinulyapan ng huling beses.

Pag uwi ko ng bahay nakita ko si mama na nakaabang sa pinto. Alam ba niya na dadarating ako ngayon?

"Ma, may sasabihin po ako"

"Nak alam ko, nakahanda na yung gamit mo dito"

Ha? Alam ni mama na aalis ako ngayon?

"Oras na siguro para malaman mo ang totoo. Oras na din siguro para mag aral ka sa dapat mong paaralan. Lagi kang mag iingat doon."

"Ma, pano mo nalaman?"

Biglang may bumusinang Bus sa tapat ng bahay.

"Andyan na yung sasakyan mo nak papunta sa bago mong school, mag iingat ka nak"

Hinalikan ako ni mama sa noo tapos niyakap ko siya ng mahigpit. Binigay ni mama yung mga gamit ko tapos binigyan niya ako ng pera.

Medyo naiiyak ako pero pinigilan mo ang sarili ko dahil ayokong mahomesick doon.

Nakita ko yung bus sa harap ng bahay namin, simple lang naman siya walang kakaiba. Pagbukas ng pinto nakita ko yung driver na nakangiti sakin.

"Good Morning Ms. Athenson sakay na po kayo" Bati nung driver

Pagpasok ko sa bus, di ko inakala yung nakita ko, ang dilim ng buong bus pero unti unting nagiging galaxy design ang buong paligid. Hindi ito typical na bus. May mga constellations sa itaas tapos yung upuan eh nasa dalawang side lang. Parang sa jeep pero ang kaibahan parang upuan ito ng mga hari kase kulay ginto. Tapos may makinang na mga hugis na parang nakita ko na dati pero di ko masabi kung ano.

"Dun po kayo umupo sa ika-13 upuan sa kanan, sa bandang dulo Mam. Sabi nung driver"

Sinunod ko si Kuyang Driver, pero balak ko pa naman sana umupo sa bandang unahan.

Umandar na yung bus, ngayon ko lang naramdaman yung lamig tapos ngayon ko lang din naappreciate yung design ng bus. Ang ganda, parang nasa galaxy ako ngayon. Nabilang ko din kanina na 13 lang ang upuan dito.  Ang weird nga eh, isang bus 13 lang ang upuan. Ang laki ng space kaya pwede pang magmeeting.

"Manong bakit po 13 lang ang upuan dito?"

Hinintay kong sumagot si Manong Driver pero di siya sumagot.

Ang weird ng feeling sa bus na ito, parang nasa malaki kang space. Tiningnan ko ulit isa isa yung mga constellations sa pinakakisame ng bus. Alam ko itong mga ito eh, pero di ko masabi. Kumikinang sila na parang mga ginto at silver. Thirteen yung gold and the rest silver na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status