Share

Chapter 1

ADRIANNA

"Do you already have your reports?"

Inilapag ng aming matanda at terror na Professor ang kanyang iilang gamit sa table. Natahimik ang kaninang maingay na klase dahil sa pagpasok ng 'the wicked witch' na prof namin. Lahat kasi ng mga kaklase ko ay takot dito. Maliban na lang siguro sa akin.

Nakita kong nilabas na ng mga kaklase ko ang kanilang mga flashdrive na naglalaman ng kanilang reports patungkol sa News Writing project namin. Habang ako ay heto, bagsak ang mga balikat at hinahanda na ang sarili na masermonan muli.

"Ang unang magpeprisinta ng kanyang report ay si Ms. Valiente," dinig kong sabi ng prof namin habang nasa akin ang tingin.

Nagsitinginan lahat ng mga kaklase ko sa'kin. Freya, my one and only friend smiled at me. Hindi nito napagaan ang loob ko dahil sa katotohanang wala akong maipepresinta sa araw na ito.

"I beg your pardon, ma'am. I don't have my report for now," malakas ang loob na sabi ko.

Tumaas ang kilay ng aking prof. "Again? Ano bang balak mo sa buhay mo, Ms. Valiente? Mas mabuti pa siguro kung mag-drop out ka na lang."

The room filled with silence and my classmates are only looking at me with their mixed expressions. Sigurado akong karamihan sa kanila ay tinatago lamang ang tuwa dahil napagalitan na naman ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at diretso na tumingin sa aking prof.

"I'm sorry for being irresponsible. I will make sure that--"

"No more excuses, Ms. Valiente. All of us know how small your brain is and that you can't even do a simple project."

Umirap ang aking prof at tinawag na ang susunod kong kaklase. Pabagsak akong umupo at pinilit na makinig sa presentation ng kaklase ko. Gusto kong maiyak habang nakikita ko kung gaano kaganda ang mga gawa nila. Kung bakit ba naman kasi napaka-bobo ko.

"Okay lang 'yan, Ria. Tutulungan na lang kita," my friend Freya said.

"Thanks," sabi ko na lang.

I'm thankful because I have atleast one but true friend. Freya Mendoza is the perfect opposite of me. She's smart, pretty, famous and friendly. Habang ako ay wala. Minsan ay naiisip ko kung bakit ba niya kinaibigan ang isang loser na tulad ko.

Lumipas ang oras at tumunog na ang bell, hudyat na lunch time na. Nagsilabasan ang mga kaklase ko habang ako, si Freya at ang iilan naming mga kaklase ay naiwan sa loob. Napatingin ako sa kaibigan kong nakikipag-usap sa iba naming classmates.

"Frey, sa amin ka na sumabay mag-lunch," anang kaklase kong babae.

"Nope. I'll go with my bestfriend," Freya said and looked at me.

Kita ko kung paano napangiwi ang mga kaklase ko at kung paano nila ako inirapan. Umiwas na lamang ako ng tingin at sinoot ang aking backpack. Lumabas ako ng room at sumunod naman sa akin si Freya. Kung sa'kin lang ay ayos lang naman na iwan niya muna ako sa ngayon para makihalubilo sa iba.

If I will stand beside Freya, I'll probably look like a nobody. Bagay na ayaw kong mangyari na nakita na ng lahat. Hindi naman sa ayoko si Freya o bitter ako sa kaniya. Sadyang ayoko lang talaga na nagmumukhang walang ipagmamalaki sa iba.

"The loser is here."

Habang kumakain ay napatingala ako sa nagsalita. Napabuntong-hininga ako nang makita ang nakangising si Ashlee. The so-called Queen Bee in our university.

"We heard that you've got nothing to present again to your prof? That sucks. Especially for someone who has an air-head like you," aniya at nagsitawanan naman ang mga nakarinig.

"Ashlee, tama na 'yan," seryosong sabi ni Freya.

"Oh come on, Frey. She's a loser. A nobody. Ano bang salamangka ang pinakain niya sa'yo at kinaibigan mo siya?"

"Stop it. Ria is my friend and as long as I'm here, nobody will harm her," banta ni Freya.

Ngumiwi si Ashlee. "Napaka bait mo talaga, Frey. Just be careful whose side you take," bulong nito sa kaibigan ko saka muna ako binigyan ng matalim na tingin bago umalis kasama ang mga alipores niya.

Freya sighed and looked at me. "Hayaan mo na 'yon. Kapag inaway ka ulit sabihin mo lang sa'kin, ako na bahala."

Ngumiti ako saka tumango. Nagpatuloy ako sa kinakain at nakipag-kwentuhan sa kaniya. Atleast ay nakalimutan ko rin kung ano ang nangyari kanina at gumaan naman ang loob ko. Nagpapasalamat talaga ako at naging kaibigan ko siya.

**********

Eksaktong alas singko ng hapon ay natapos na ang klase namin para sa araw na 'to. Niligpit ko ang gamit ko saka lumabas ng room dala ang bag ni Freya. Nagpaalam kasi itong pupunta sa C.R. kanina at hanggang sa matapos ang huling klase ay hindi pa siya bumabalik. Nagdesisyon akong puntahan na lang siya sa C.R. 

Halos walang tao sa hallway dahil uwian na. Pagliko ko papuntang comfort room ay nakasalubong ko ang isang pamilyar na lalaki. Tila nagmamadali itong maglakad at tiningnan lang ako saka nilagpasan. Bahagya akong napahinto at sinundan pa siya ng tingin.

Medyo nakakapagtaka dahil C.R. lang ng mga babae ang nandito. 

Hindi ko na lang 'yon pinansin at nagpatuloy na sa C.R.. Bubuksan ko na sana ang pinto dahil bahagya itong nakasara nang makarinig ako ng parang nagduduwal sa loob.

I'm not sure if it's Freya so I slowly opened the door. Hindi ko pa man ito tuluyang naititulak pabukas ay nakita ko ang aking kaibigan na nakaupo sa sahig ng isang cubicle. Base sa nakikita ko ngayon ay para siyang nagsusuka sa inodoro. Alam kong si Freya ito dahil kabisado ko maging ang kanyang likod at hubog ng katawan.

"Freya?" I called her name.

Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Magulo ang kanyang buhok at basa rin ang kanyang uniporme. Medyo kinabahan ako kaya mabilis ko siyang nilapitan. Tinulungan ko s'yang tumayo dahil parang nanghihina siya.

"Freya! Anong nangyari sa'yo?!" Kinakabahan kong tanong.

She weakly smiled. "May nakain lang siguro akong hindi maganda kaya medyo sumama pakiramdam ko."

I want to believe her but I could not. Alam kong may something sa kaniya na ayaw n'yang sabihin. I don't want to jump to any conclusion but my curiosity is driving me crazy.

"Gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi na. Okay na ako. Umuwi na tayo."

Sa huli ay hindi ko na siya napilit pa at sumunod na lang palabas ng university. Nakaabang na sa labas ang kanyang sundo at bago pa siya makasakay ay lumingon siya sa akin saka kumaway. I looked into her eyes and smiled. Ngumiti siya pabalik at tuluyan nang pumasok sa kotse.

**********

7:20 PM ng gabi nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Freya. Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan nang tumunog ang cellphone ko.

Freya:

Can I see you tonight? May sasabihin lang akong importante.

Ako:

Just call. It's already dark outside.

Freya:

Gusto kong sabihin ng personal. Please:(

Bumuntong-hininga ako at pinatay ang stove. Hinubad ko ang apron na soot saka pumanhik sa taas para magbihis. Alam kong gabi na at delikado sa labas sa mga ganitong oras pero hindi ko naman magawang ayawan ang kaibigan ko lalo na kung sinabi n'yang importante ang gusto n'yang sabihin.

"Ate? Saan ka pupunta?"

Jensen, my younger brother is looking at me with his usual unbothered expression. Nakasoot siya ng paborito n'yang jersey short at sando. Ngumiti lang ako at nilapitan siya.

"May pupuntahan lang ako saglit. Nagluto na ako. 'Wag mo na akong hintayin at kumain ka na."

"Pupuntahan mo ba si Freya?" He said bluntly.

"How many times do I have to tell you to call her 'ate'?"

"She's not my sister."

Napairap na lang ako sa katigasan ng kanyang ulo. He's just fourteen and I'm seven years older than him but he acts like he's the older one. Minsan ay napapaisip ako kung kanino ba siya nagmana kahit pareho namang masayahin ang parents namin.

"Basta. Uuwi rin ako kaagad. Lock mo 'yung pinto at 'wag mong bubuksan kapag 'di mo narinig 'yung secret knock ko, okay?" Sabi ko at tumango lang siya.

Habang naglalakad sa madilim na kalsada ng village namin ay nagpadala ako ng mensahe kay Freya.

Ako:

San ba tayo magkikita?

Mabilis siyang nag-reply.

Freya:

Glamorous Building.

Kumunot ang noo ko dahil isang abandonadong building ang napili n'yang meeting place namin. Gayunpaman ay walang alanganin pa rin akong pumunta doon. Ilang metro lang ang layo nito sa village namin kaya kaagad akong nakarating.

Ako:

Saan ka na? Nandito na ako sa building.

Freya:

Pumasok ka sa loob.

I'm starting to get scared now. May mga napapanood kasi akong movies na may ganitong eksena. Hindi kaya hindi naman talaga si Freya ang ka-text ko? Baka may nangyaring masama sa kaniya at kinuha lang yung phone niya?

No. Hindi dapat ako mag-isip ng kung ano ano. Nagtitiwala ako sa kaibigan ko. May tiwala ako kay Freya. Hindi siya mono o tatanga-tanga at mas lalong hindi niya ako lolokohin.

Pumasok ako sa madilim na building. Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay inilawan ko ang buong paligid. Natatakot na ako pero dahil alam kong nandito si Freya ay nababawasan iyon.

"Frey?" Tawag ko pero walang sumagot.

Pumasok pa ako sa pinaka loob kung saan wala na talagang ilaw na pumapasok. Napalunok na lang ako habang dahan dahang naglalakad. Ilang beses ko pang tinawag si Freya pero wala talagang sumasagot.

Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan na rin ako. Nangapa ako sa paligid at napahinto nang may makapa na pamilyar. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko pero takot ang una kong naramdaman.

"Freya?" Tawag ko muli sa kaibigan saka kinapa ang katawan ng tao na nahawakan ko.

"Ria," tawag nito at biglang may tinutok na nakakasilaw na bagay sa mukha ko. Hula ko ay flashlight ito. 

Pinilit kong tumingin sa mukha niya. Para akong nanlumo nang makita ang malungkot n'yang mga mata at basang pisngi dulot ng mga luha.

She smiled at me. A smile that I've never seen on her face.

May biglang humampas sa ulo ko at kaagad kong naramdaman ang matinding sakit at hilo. Wala akong ibang marinig kundi ang isang nakakabinging tunog. Unti-unti akong nanghina at bumagsak na nang tuluyan.

I'm so scared. Parang unti-unting bumalik ang masamang alaala ko noon. 

What the hell is happening? Mamamatay na ba ako?

"Freya......" mahina kong tawag sa kaibigan ko. "Fre...ya...."

**********

I slowly opened my eyes but I only see white. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ng sakit na daig pa ang nagkaroon ng hangover. Puting kisame ang bumungad sa akin at isang nakakasilaw na ilaw.

Napalinga-linga ako sa paligid at doon ko napagtanto na nasa ospital ako. May isang nurse na nasa gilid ng kama ko at may inaayos sa gilid. Mabilis itong lumabas ng kwarto nang makitang gising na ako. Ilang saglit pa ay bumalik siya na may kasamang doktor.

"A-Anong ginagawa ko rito?" Wala sa sariling tanong ko habang tinitingnan ako ng doktor.

"Sa ngayon ay wala ka pang naaalala pero magiging maayos din ang pakiramdam mo," sabi nito.

"My friend........nasaan si Freya?" Tanong ko nang maalala ang kaibigan ko.

Ang huli kong naaalala ay nagkita kami sa Glamorous Building dahil may importante s'yang sasabihin sa personal. Then I suddenly felt something hit my head. Hindi ko na nasundan ang mga pangyayari dahil nawalan ako ng malay.

"You mean Freya Mendoza?" Anang doktor.

"Opo. Kaibigan ko siya. Where is she?"

Nagkatinginan ang doktor at nurse. Bigla akong kinabahan dahil baka may masamang nangyari kay Freya.

"I'm so sorry to say but your friend......Freya Mendoza was found dead inside the abandoned building where you're also found lying unconscious on the floor."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status