Share

Chapter 3

Author: 1nvictus
last update Last Updated: 2021-07-09 21:44:41

ADRIANNA

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

I looked at my brother with my brows furrowed. As usual, he doesn't have any emotion. Pinaikot-ikot niya ang kanyang cellphone sa kamay habang diretsong nakatingin sa'kin. Parang siya pa itong dapat na magtanong sa'kin ng itinanong ko sa kaniya.

Akala ko ay nakalimutan na niya na may ate pa siya. Wala man lang kasi itong paramdam o kahit sana hinanap man lang ako. Ngayon namang nasa harapan ko na siya ay hindi niya man lang kinamusta ang lagay ko.

Five days have passed since I was taken to this hospital and found out my best friend was gone. Sigurado akong nailibing na ang katawan ni Freya ngayon. Hindi na kinailangan pang iburol siya dahil wala namang mag-aasikaso nito. Bilang matalik na kaibigan at taong malapit sa kaniya ay nagdesisyon akong ipalibing siya sa tabi ng magulang.

Alam kong hindi pa matatahimik ang kaluluwa niya dahil wala pang hustisya ang nakakamit para sa kaniya. She was very kind but I know that she didn't want to die early. Her dreams, plans, and goals were shattered into pieces.

"You're crying," I heard my brother's voice.

Kaagad kong pinunasan ang luhang kanina pa pala pumapatak. Muli akong tumingin sa kapatid ko na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. Nakaupo siya sa sofa at nakasandal ang likod niya rito habang nakahalukipkip na nakatingin sa'kin.

"It still hurts, you know. She is my bestfriend," sabi ko.

"Was," pagdidiin niya.

Kumunot ang noo ko. "Kaibigan ko pa rin siya, Jensen. Buhay man o patay," sabi ko pero hindi naman niya ako pinansin. "Anyway, bakit ngayon ka lang dumalaw?"

Hindi siya kaagad sumagot.

"Just busy."

He's anti-social. Halos nagkukulong lang sa kwarto buong araw. Kaya medyo maputla ang balat niya dahil hindi ito lumalabas ng bahay kung hindi lang papasok sa school. Pero ang alam ko ay may iilan s'yang kakilala o kaibigan sa school.

"I thought you forgot me," sabi ko saka ngumisi.

He didn't react though. Umismid na lang ako.

"What happened to Freya?" Aniya na akala ko ay hindi na niya itatanong pa.

Ikinwento ko sa kaniya lahat. Tahimik at seryoso lang s'yang nakikinig. Animo'y isa s'yang pulis at iniinterrogate niya ako sa isang kaso. Pati ang napag-usapan namin ni Inspector Fajardo noong isang araw ay sinabi ko rin sa kaniya.

There's no reason for me to keep a secret from my brother. Kahit gan'yan lang siya ay mapagkakatiwalaan ito.

"She was brutally killed. Plucked her eyes like they're some kind of toys," sabi ko habang nakatulala sa kawalan.

"How come that you're still alive?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Para kasing wala itong pakealam sa tono pa lang ng pananalita.

"How come you seem unhappy that I'm still alive?" Tanong ko pabalik.

"Just curious. Pinatay si Freya tapos ikaw hindi?" Aniya.

"I already told you there's a possibility that the killer doesn't want me dead," giit ko.

"Bakit kaya?" Anito.

I suddenly felt irritated. "What are you implying?"

Umiling siya. "Wala. Forget it."

Bigla akong may naisip. "You know what? It's really odd that you don't even seem to care what happened to me. Kapatid ba talaga kita?"

That's strange. His expression didn't even change when I told him what exactly happened to Freya. Hindi ko man lang ito nakitaan ng takot at pagkabigla sa mukha. His face was blank as sheet of paper.

Alam kong sadyang wala lang talaga s'yang pakialam sa iba pero nakakapagtaka naman yatang kahit sa ganitong sitwasyon ay wala pa rin s'yang reaksyon. Ibig bang sabihin ay ayos lang sa kaniya na pati ako namatay?

"Anong gusto mong gawin ko? Umiyak at maglupasay sa sahig? Sumamba sa lahat ng mga santo dahil buhay ka pa rin?" He said in a cold tone.

Oh my god. He's really different.

"Hindi. Wala kang dapat gawin. Kasi hindi naman 'yon importante," nanunuyang sabi ko.

Narinig ko s'yang bumuntong-hininga. "Hindi ako magtatagal dito. May klase pa ako."

Tumango lang ako. "Umalis ka na."

Hindi siya nagsalita. Nakita ko na lang sa gilid ng mga mata ko na lumabas na siya ng kwarto. Pagkatapos no'n ay pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama. Nakaramdam ako ng sakit kaya kaagad ko itong pinagsisihan.

Palagi kaming ganito ni Jensen noon pa man. Kahit noong bata siya ay malayo na ang loob niya sa'kin. I tried to be the best sister that he could have but he's still like miles away from me. Mula nang mamatay ang parents namin ay ako na ang nag-alaga sa kaniya.

Siya palagi ang una kong iniisip sa lahat. Siguro ay nagsawa na siya sa'kin at napipikon na sa pagiging overprotective ko. Lumaki s'yang walang hinihinging kahit na ano maliban sa pera. Natatakot ako na baka kapag dumating ang araw na kaya na n'yang buhayin ang sarili niya ay aalis na siya sa tabi ko.

Kahit ganito lang ang kapatid ko ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit minsan ay parang mag-isa lang ako sa buhay dahil hindi ko halos ramdam ang presensya niya. Pilit kong hinahanap ang mali kung bakit ganito siya sa'kin. Pero kahit saan ako maghanap ay wala akong nakikitang ibang dahilan para maging ganito siya.

**********

Makalipas ang isa pang linggo ay nadischarged na rin ako sa ospital. Wala na rin kasi akong nararamdamang sakit sa ulo pero binalaan pa rin ako ng doktor at niresetahan ng mga gamot. Nagpasalamat ako sa lahat ng mga nurse na umasikaso sa'kin. Binayaran ko na rin lahat ng bills dahil wala namang ibang gagawa nito.

Umuwi akong mag-isa sa bahay dahil hindi ako sinamahan ni Jensen. Nasa eskuwelahan kasi ito at ayoko namang istorbohin. Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak dahil balak kong bisitahin si Freya ngayon sa sementeryo.

As usual ay tahimik ang buong bahay nang makauwi ako. Napansin ko ang isang sasakyan na naka-park sa tapat ng gate namin. Pagpasok sa loob ay kaagad kong nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakaupo sa sofa ng sala.

"Ms. Valiente," kaagad na tumayo si Inspector Fajardo pagkakita sa'kin.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ko.

I saw my brother coming down the stairs and still wearing his school uniform. Tiningnan ko siya ng may pagtatanong sa mga mata. Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa kusina.

"Pasensya na kung nagulat kita, hija. Dumiretso na ako sa bahay nyo dahil nabalitaan kong ngayon ka madidischarge sa ospital. Sakto naman at nasa bahay pala ang kapatid mo," ani Inspector Fajardo at nilingon si Jensen na nasa kusina.

"May kailangan ho ba kayo?" Tanong ko.

"Gusto sana kitang imbitahin sa police agency para pag-usapan ang iilang bagay patungkol sa kaso ni Freya Mendoza," anito saka tumingin sa dala kong bulaklak.

"Pero bakit doon pa po?" Tanong ko.

Pwede naman kasing dito na lang namin pag-usapan ang lahat kaya bakit do'n pa?

"Gusto kang makausap ng aming chief. May mga iilang impormasyon kaming nakalap tungkol sa kaso ng kaibigan mo," anito at tumango na lang ako.

"Sandali lang ho," sabi ko at pumuntang kusina kung nasaan si Jensen.

Naabutan ko s'yang nagluluto. Bumuntong-hininga ako at nilapitan siya. Madalang ko lang kasing makita ang kapatid ko na gumalaw sa kusina. Mabuti na lang at kahit na wirdo siya ay hindi siya lumaking tamad.

"Bakit ang aga mo naman yatang umuwi?" Tanong ko.

Pasado alas nuebe pa lang ng umaga ay nasa bahay na nga siya. Ang alam ko ay alas kuwatro pa ang uwian nila sa school. At bakit naman kaya siya nagluluto?

"I skipped my class," aniya na parang wala lang.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "This is the first time you skipped class."

"Not really. Hindi mo lang alam."

"At bakit?" I asked and crossed my arms.

Nilingon niya ako. "Classes are boring. I don't want to waste my time on it."

Okay, I get it. Nakakaboring nga naman minsan ang klase lalo na kung ang guro pa ay nakakaantok magturo. Pero hindi ako kailanman lumiban sa klase dahil lang do'n. Lalo na ngayong college na ako at halos kumapit na lang ako sa bangin para makapasa.

"Why are you cooking?" Tanong ko at sinilip ang niluluto niya.

Atay at pira-pirasong karne ang pinapakulo niya sa tubig. Parang hindi naman niya ito kakainin kaya bakit niya pa niluluto? Para kanino?

"Anyway, aalis muna ako saglit. Babalik din siguro ako kaagad," sabi ko.

Napahinto siya sa ginagawa at tumingin sa'kin. "The last time you told me that you didn't come back. Nabalitaan ko na lang na nasa ospital ka na at patay na ang kaibigan mo."

"I know. Pero sa pagkakataong 'to ay babalik na ako," sabi ko saka ngumiti sa kaniya.

Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagluluto. Pinanood ko siya ng ilang saglit bago nagpasiyang bumalik na sa sala. Naabutan kong tumitingin-tingin sa paligid ng bahay si Inspector Fajardo.

"Ngayon ko lang napansin na mukhang wala ang parents niyo sa bahay," anito.

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. "Uhm, they are gone."

Pansin ko ang paglingon niya sa'kin. "Oh, sorry. I didn't mean to--"

"No, it's okay. I'm fine. Matagal na rin naman 'yon," sabi ko at pinilit na ngumiti.

Bahagya siyang ngumiti pabalik. "Shall we go?"

Tumango ako at sumunod sa kaniya palabas ng bahay. Sinulyapan ko pa si Jensen sa kusina at medyo natigilan ako nang maabutan s'yang nakatingin sa'kin habang nakahilig sa counter. Seryoso lang ang mukha niya habang pinapanood kaming umalis ni Inspector Fajardo.

Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy na palabas. Tahimik lang ako buong byahe at gano'n din naman siya. Wala naman kasi kaming dapat pag-usapan at ayoko namang magbukas ng topic.

Pagdating sa police agency ay sumunod lang ako sa kaniya papasok. Malaki ang building at makabago ang istruktura nito mula labas hanggang loob. May mga nakakasalubong kaming mga officers na naka-uniform at iilang mga naka-formal suit.

Sumakay kami sa isang elevator papuntang opisina ng kanilang chief of police. Tahimik at kakaunti lang ang mga tao sa floor na pinuntahan namin. Mabilis ang lakad ni Inspector Fajardo kaya binilisan ko na lang ang akin dahil nahuhuli ako.

Lumiko siya sa mas tahimik na hallway at huminto sa tapat ng double doors. May sign na nakalagay dito at mukhang ito na nga ang opisina ng kanilang chief. Kumatok si Inspector Fajardo ng ilang beses bago buksan ang pinto.

Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya na siya namang ginawa ko. Kaagad kong napansin ang kalakihan ng opisina. Kumpleto ang mga gamit sa loob at sa tapat mismo ng pinto ay ang office table kung saan may nakaupong lalaki sa swivel chair na nasa middle 50s ang edad.

May kaputian na ang kanyang buhok at may mga wrinkles na rin siya, pero bakas pa rin ang kagwapuhan. Siguro ay magandang lalaki siya noong kabataan niya at halata naman 'yon hanggang ngayon.

The first thing I noticed about him was his piercing eyes. Hindi ko maipaliwanag kung anong emosyon ang naglalaro sa mga ito pero bigla akong nakaramdam ng kilabot nang tumama ang mga ito sa'kin. He doesn't have any kind of expression. He reminds me of my brother.

"Ms. Valiente, 'wag kang mahiya," sabi ni Inspector Fajardo. "Chief, pasensya na sa paghihintay. This is Adrianna Valiente. She was also seen at the crime scene where Freya Mendoza was found dead. She's here for her testimony regarding her friend's case."

"Magandang umaga po....chief," bati ko at bahagyang yumuko bilang pagrespeto. Ngumiti lang sa'kin ang inspector at tumango lang ang chief.

"Ms. Valiente, I want you to meet Alejandro Esguerra. Our beloved chief of police. You can call him Chief Esguerra," sabi pa ng inspector.

Narinig kong tumikhim ang kanilang chief. "You don't need to include cheesy words, Inspector Fajardo. Formalities are unnecessary."

Puno ng awtoridad ang kanyang boses at talagang nakakatakot s'yang kaharap o kausap. Napalunok na lang ako at pinilit na ngumiti nang bumalik sa'kin ang tingin niya.

"Sorry, chief," sabi ni Inspector Fajardo at para bang nahihiya ito.

"So, girl, you tell us how did you kill your bestfriend," biglang sabi ni Chief Esguerra.

Pareho kaming natigilan ni Inspector Fajardo sa narinig. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at halos hindi makagalaw. My eyes widened and my jaw dropped in surprise.

What the hell is he saying?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Who is the killer?   Chapter 70 (Epilogue)

    [EPILOGUE]DAVENLife really moves in a mysterious way. No one can tell what would be their fate. Everything can be changed and what is already written to every life cannot be rewrite again. Sa bawat buhay na isinisilang sa mundong 'to, may nakahanda ng tadhana para sa kanila at hindi na 'yon mababago pa.When I was a child, I thought that happiness would always be there. That in every problem, there is always a solution. In every chaos, there is peace. But as I grew up, I gradually realized the meaning of life. All the happiness can be replaced by grief, and all grief can be relieved by new joyful things that will come.I realized that in every struggle, a person always has his or her choice. Nasa tao na lang kung ano ang pipiliin niyang daan. Maraming

  • Who is the killer?   Chapter 69

    DAVENRage is the emotion that rises up inside me right now. The eagerness of smacking Adrianna's head on the wall is all over my system. I feel like I want to hurt her so badly to the point that I'm gonna kill her and no one could ever recognize her appearance anymore. But these ties are keeping me from doing that.If only I could untie them with all of my strength, I will do that even if I get hurt. Adrianna's presence, her voice and movements are making me push myself more to my limit. Parang ngayon ay gusto ko na lang wasakin ang dignidad ko maibigay lang sa babaeng 'to ang kung ano mang nararapat sa kaniya.She's a monster. Isang demonyo na nagkatawang tao para makagawa ng kasamaan sa mundong 'to. Kung titingnan ko siya ngayon ay ibang-iba na ang nakikita ko sa kaniya. She has an innocent lo

  • Who is the killer?   Chapter 68

    ADRIANNA"Are you awake?"Naglakad ako palapit kay Daven na nakaupo sa tabi ng kapatid ko. Unlike my brother who has bruises and wounds, Daven is completely fine. Jensen fought me back and even though I don't want to hurt him yet, he left me no choice.Daven's eyes are not focused. Dala ito ng pampatulog na in-inject ko sa kaniya kanina. I tied him on the chair next to Jensen. My brother did nothing but look at him. Now, they're both hopeless. This will be my victory."Ayoko pa sanang gawin 'to, kaya lang……" inangat ko ang ulo ni Daven. "My hands are itching to kill you."The look of being betrayed, rage, regret and disappointment. His piercing brown eyes reflect a

  • Who is the killer?   Chapter 67

    ADRIANNAI am not sick.That's what I'm always thinking to myself. I'm not totally aware of my own illness. I feel like there are two types of me. The one that I have since I was born and often shows to other people, and the one that was just created by my own emotions. The latter, however, is a dangerous one.It all started when my stepfather tried to kill me. Sobrang takot na takot ako sa mga oras na 'yon. Wala akong ibang inisip kundi ang kamatayan ko. Kung saan ba ako mapupunta pagkatapos mamatay. My emotions were bigger than what was on my mind. They were drowning me into darkness.Nagdilim ang paningin ko at nakita ko na lang ang sarili na paulit-ulit pinupukpok ng figurine ang amain ko. I did my best not to leave any fingerprints

  • Who is the killer?   Chapter 66

    DAVENHinilot ko ang sentido ko habang nakatingin sa bulletin board na nasa loob ng kwarto ko. Naka-pinned lahat ng mga importanteng impormasyon dito. Magmula sa kaso ni Mommy, Freya Mendoza, Jefferson, Uncle Alejandro at Adrianna. Nilagyan ko ng marka ang mga kasong may malinaw ng kasagutan.Sa kaso ni Freya ay malinaw na ang lahat. Inakala namin noong una na si Denmark Ferrer at Ashlee Sarmiento ang mga suspects pero nagkamali kami. Adrianna Valiente is the real suspect here. She killed the three of them and hid all the possible evidence that the police could see.Pangalawa ang kay Jefferson. Ngayon ay malinaw na kung bakit niya gustong pahirapan si Adrianna. Dahil 'yon sa pinatay nito ang kanyang kapatid. Hindi niya sinabi sa mga pulis ang tungkol dito dahil mahirap paniwalaan at walang matiba

  • Who is the killer?   Chapter 65

    ADRIANNAJefferson Mendoza, our great enemy, is finally gone. Tao pa rin naman siya at marunong mapagod. Hati ang nararamdaman kong emosyon sa nangyari sa kaniya. Una kong naramdaman ay ang tuwa at kapanatagan, pero sa kabila no'n ay naaawa rin ako sa kaniya kahit konti.I know that he didn't want to do that from the start. Kung talagang hindi lang namatay si Freya ay hindi niya magagawa ang lahat ng 'yon. Masyado lang siyang nalunod sa sakit at pag-iisip na maghiganti. I feel like he was a good person before an unexpected tragedy happened.Lahat naman ng tao nagbabago. Saludo ako sa mga taong kahit na paulit-ulit nakakaramdam ng sakit ay nananatili pa ring mabuti. I can't really tell if I'm one of them. Whenever I feel pain, I just cry and cry. I also think

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status