Share

SINO ANG DUMATING?

Hangang sa hindi ko na napigilan at tuluyan ng lumagpak ang luha sa aking mga mata. Nagyakapan kaming dalawa ni Loida habang ang mga luha ay tumutulo sa aming mga mata.

Naiintidihan ko ang ibig sabihin ni Loida sa akin, pero kailangan ko pa ring isipin ang mga magulang ko at kung ano ang kanilang iisipin. Oo nga at may sarili akong pagiisip at nasa tamang edad na ako upang makapag desisyon sa aking sarili, pero isang malaking kahihiyan ito sa aming pamilya kapag pumayag akong maging pangalawa lamang.

HIndi namin namalayan ay nagising na pala si Christian at hinanapa ako. Itinuro sa kanya ng isang kasambahay na nasa hardin ako. Kaya naman naabutan niya kaming umiiyak ni Loida.

Mabilis na tumakbo papalapit si Christian sa amin, "Mommy!!! Why are you crying? Did my Dad made you cry?" Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Loida at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Christian.

"No, sweetheart! Daddy didn't make me cry. It was something else that Aunt Loida and I

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status