Nevertheless, umiral pa rin ang pagka professional ko at wala akong ginawa kundi ang mag maang-maangan.
"I think alam mo ang ibig kong sabihin. Gusto kita, name your price!" Seryoso siyang sumagot at ni hindi man lang kumurap ang kanyang mga mata.
Ang yabang niya kung makapagsalita. Akala mo kayang bilhin lahat ng pera. Not me, ano! I don't care how much money he has, hindi niya kayang bayaran ang puri at dangal ko. Tse!
Actually, to be honest--kung maging boyfriend ko sya, who knows… baka then, ibigay ko ang bandera ng Pilipinas sa kanya. Hahaha! Joke lang.
Sa totoo lang ay hindi ko nakakalimutan ang pangaral ng parents ko na magtapos muna ng pagaaral bago makipag boyfriend. At--wag ilalaglag ang bandera ng Pilipinas hangat hindi pa kasal. Amen!
Well, tapos na ako ng pag aaral, at wala pa rin akong boyfriend so, nakataas pa rin ang bandera na Pilipinas at pumapagaypay ng maiigi. Basically, virgin pa po ako! Never been kissed, never been touched, and it will remain that way hangat hindi ko nakikilala ang aking firest love.
"So?! What's you answer?" Nagulat ako ng marinig ko ang kanyang tanong?
"What do you mean, what's my answer? Ok ka lang? It's a given na ang answer ko ay--OVER MY DEAD BODY!--JERK!" Sabay tapak ko sa paa niya ng takong ng sandals ko bago mabilis akong naglakad papalayo sa kanya.
"OUCH!" Ang huli kong words na narinig galing sa kanya habang papalayo ako.
Nang sa palagay ko a malayo layo na rin ang nalakad ko, lumingon ako at tiningnan kung nandoon pa rin siya kung saan ko siya iniwan.
"Ay! Diyos ko po!" Biglang may kamay na humatak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Then…
Naglanding ako sa dibdib niya at napayakap ng hindi oras. Wow! Ang tigas hah!-- Nang didid niya, iyon ang ibig kong sabihin.
Matangkad siya, pero hindi masyado ang layo ng height namin. Isang ulo lang naman… Kaya naman ng itinaas ko ang mukha ko upang tingnan siya na masama, halos magkapalit na ang aming mukha sa lapit. Dahil nakayuko siya ng konti.
Ilang sandali rin kaming nagkatitigan, ang puso ko ay halos lumundag na sa aking dibid. Oh' my God!!! Ang haba... --nang pilk-mata niya. Dahil sa sobrang lapit naming dalawa, kitang kita ko tagala.
Ang mga labi… Hay! Pwedeng pwede kong lapain sa pula. Nagli-lipstik kaya siya? Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko. Curious na curious talaga ako, hindi ko alam ay nahuhulog na pala ang… PUSO KO!
Bigla na lang akong nagulat ng maitulak niya ako at lumagapak ang pwetan ko sa malamig na aspalto.
Grabe! Sobra naman siya sa pagkakatulak sa akin, masakit kaya!. Dahil sa bigla ng pangyayari, napasigaw tuloy ako .
"MY GOD! SOBRA KA KUNG MAKATULAK, AKALA MO MY KETONG AKO!" Mangiyak ngiyak ako sa sakit na nararamdaman. Hindi lamang sa pwetan ko, pati puso at damdamin.
I felt so humilated, hindi ko malaman kung tatayo pa ba ako or mag stay na lang sa kinalalagyan ko?
Nanaig ang pride ko at nagsimula na akong tumayo. Nang bigla na lang may kamay na lumantad sa harapan ko. Gentleman din pala!
Tinabig ko ang kamay na inaabot niya at mabilis akong tumayo at pinagpag ang pwetan na naglanding sa maduming aspalto na daan.
"Salamat sa wala!" Sabay irap ko at tumalikod upang magpatuloy sa paglalakad ng walang lingon-lingon'.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa harapang ng motel. Hindi ako nagpakundangan at dire-diretso lang na pumasok at hinanap ang room. Sa awa ng diyos, hindi naman ako nahirapan at nakita ko ito kaagad. Mabilis ko itong binuksan at pumasok.
Pagkapasok ko, sarado kaagad ng pintuan at isinandal ko ang aking likuran sa nakasaradong pintuan, saka pa lang ako naka hinga ng maluwag.
"Hay! Diyos ko po! Sumunod kaya siya? " Tanong ko sa sarili dahil wala naman akong kasama at kausap. Para makasigurado, sumilip ako sa viewing glass upang tingnan.
Bigla akong napaatras ng makita ko na nakatayo siya sa harapan ng pintuan.
"Oh, Shit!" Lang ang nasabi ko, bako mabilis akong lumayo sa pintuan at umupo sa kama.
Iniisip ko, papaano na lang kung kumatok siya sa pintuan? Pagbubuksan ko ba? Kung ano anong katanungan ang tumatakbo sa isipan ko, pero deep inside--gusto kong kumatok siya.
Nang ilang sandali na ang nakaraan at wala pa rin akong narinig na katok, alam ko nang umalis na siya at bumalik sa barko. Of course, nadismaya ako ng konti. Pero hindi naman sobra para hindi ako makatulog. Kaya naman pagkatapos kong maligo, tulog kaagad ako.
===
Umaga na ng magising ako. Isang malakas na katok ang narinig ko sa pintuan at ng buksan ko ito, si mukha ni Linda ang bumungad. Bigla niyang itinulak ang pintuan at dire-diretso siya sa loob ng kwarto na may hinahanap.
"Ano? Nandito pa ba siya?" Tanong niya sa akin, pero ng makita niya na ako lang ang nasa loob. Hindi na nagantay ng sagot sa akin at hinila niya ako papunta ng kama at umupo kami.
"Tell me, ano ang nangyari? Sabi ng boyfriend ko, kumuha daw ng room si kapitan-sungit at pinabigay sa iyo ang susi. Pagkatapos ay sinabihan siya na magkunwaring may kukunin sa kabina, at pabayaan kang bumaba mag-isa. Totoo ba? Ano?!"
Sa sobrang dami ng kanyang sinabi, wala akong maisagot. Tumango' na lang ako at tumayo upang mag hilamos.
"So!" Malakas ang boses ni Linda na nagtanong habang nanlalaki at namimilog ang mga mata sa excitement.
"Wala lang, kung ano ang sinabi sa iyo ng boyfriend mo, iyon ang nangyari. Except na mag-isa akong natulog. Ano--satisfied?!" Sagot ko habang nagsasabon ng aking mukha, kaya hindi ko nakita kung ano ang reaction niya sa sagot ko.
Tumayo si Linda at minadali ako sa paghihilamos.
"Dali! Bilisan mo na at nang maauban pa natin ang barko nila bago umalis. I forgot to tell you na they only stay here 24 hours, tapos umaalis agad sila. Tara na! Dali!"
Ni hindi pa ako tapos mag punas ng mukha ng hinaltak na ako ni Linda papalabas ng room bitbit na niya ang bag ko at cellphone. Ako naman si gaga', sunud-sunuran lang na wala pa sa sarili at kagigising lang.
"Mom, dad... please, try to understand naman po na hindi ko talaga sinasadya na malaman nila ang totoo." Nagsusumamo kong sinabi sa aking mga magulang. Alam kong mahihirapan akong paayunin sila na iwanan ko si Christian sa Pilipinas, pero hindi ko rin naman matangihan si Roman at ang kanyang magulang.Kung tutuusin ay malaki ang aking kasalanan sa kanila na hindi ko ipinaalam ang tungkol kay Christian, so... eto lang ang paraan na alam ko kung papaano ako makakabawi sa kanila. I know maiintidihan ako ng aking magulang tutal panandalian lamang ito at hindi habang panahon. Mas mabuti na ito kesa dalhin nila ako sa korte at ipaglaban ang kanilang karapatan.Habang ako ay nag mumuni-muni, nabigla ako at isang napaka gandang ngiti ang lumapat as aking mga labi. Halos mag-tatalon ako sa tuwa ng marinig ko ang sinabi ng aking ama."Ano pa nga ba ang magagawa namin kung iyan ang gusto mong gawin. Isa pa... may karapatan din silang makilala ni Christian." Aniya ni Daddy habang kitang kita ko s
Wala ng tao sa labas ng pintuan ng buksan ito ni Roman. Tumingin siya sa kaliwa at kanan ng hallway, pero wala ang kanyang nakababatang kapatid. Naisip nya ipagpatuloy na lamang ang kanilang sinimulan, pero ng isasarado nya na sana ang pintuan ay bigla namang itinulak sya palabas ni Sophia bago sumunod ito sa kanya at sya mismo ang dahan dahang nag sarado ng pintuan.Walang nagawa si Roman kundi ang akbayan si Sophia at gabayan pabalik sa sala kung saan ang kangyang mga magulang ay nag aantay.Tahimik ang mag asawang Mr. & Mrs Lim na naabutan ng dalawa. Habang papalapit si Roman, "Mom, Dad... pasensya na po kayo at natagalan bago nakatulog ang apo nyo," Aniya ni Roman habang ang kanyang mga mata ay malamlay."Wala iyon, halika umupo na kayong dalawa upang mapag usapan natin ang mas mahalagang bagay." Sagot naman ng ama ni Roman habang ang kamay nya ay naka mustra at itinuturo ang loveseat na kasya ang dalawang tao na umupo na mag katabi.Hindi naman ng atubili si Sophia na mauna ng um
Ano ang ibig niyang sabihin? Isang malaking katanungan na kailangan kong malaman ang kasagutan. I hope wala siyang balak na kunin si Christian sa aking, dahil kahit anong mangyari ay hinding hindi ako maka papayag.Bigla ko tuloy naisip ang misis niya. Alam kaya na nandito kami ngayon at kasama ng buong pamilya niya? Ano na lang ang gagawin ko kung bigla itong sumulpot? Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko, dahilan upang mawalan ako ng ganang tapusing kaiinin ang pang himagas na nasa aking harapan.Nang matapos na kami, nag excuse ako na kailangan kong pumunta ng banyo. Itinuro naman sa akin ni Roman kung saan. Mabilis pa ako sa alas kwatro na tumayo at umalis. Sa awa ng diyos hindi naman ako nahirapang hanapin ang banyo. Pagkapasok ko ay mabilis ko itong isinarado at kinandado bago umupo lang ako sa ibabaw ng toilet.Gulong gulo ang aking isipan. Kailangan kong makagawa ng paraan upang makauwi na kami. Kailangan na rin naming makaalis bago pa mahuli ang laha
Magtatanong sana ako kung sino ang nandoon, pero excited na si Roman na pumasok habang karga karga niya si Christian. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lamang.Pagpasok namin sa loob ng mala mansion na bahay, dire-diretso lang ang lakad ni Roman kung saan man kami patungo. Mukhang nakalimutan na yata na kasama ako at nakasuot ng high heels, kaya naman mabagal ang lakad ko at halos naiwan na bilis ng lakad niya.Nang malapit na kami sa aming parorounan, tumigil si Roman at lumingon kung kasunod pa ba ako or hinidi. Nang makita niya dahan dahan akong naglalakad kasunod nila pero may konting kalauyan, inantay niya muna akong makaabot sa tabi niya bago, hinawakan niya ang isa kong kamay at saka kami tumuloy papunta sa sala pala kung saan ay...Nagulat ako ng makita ko ang mga tao na nasa sala at nakaupo habang nagke-kwentuhan."Good evening everyone!" Maligayang bati ni Roman habang proud na proud ang kanyang itsura at mukhang ipinagmamalaki si
Hangang sa hindi ko na napigilan at tuluyan ng lumagpak ang luha sa aking mga mata. Nagyakapan kaming dalawa ni Loida habang ang mga luha ay tumutulo sa aming mga mata.Naiintidihan ko ang ibig sabihin ni Loida sa akin, pero kailangan ko pa ring isipin ang mga magulang ko at kung ano ang kanilang iisipin. Oo nga at may sarili akong pagiisip at nasa tamang edad na ako upang makapag desisyon sa aking sarili, pero isang malaking kahihiyan ito sa aming pamilya kapag pumayag akong maging pangalawa lamang.HIndi namin namalayan ay nagising na pala si Christian at hinanapa ako. Itinuro sa kanya ng isang kasambahay na nasa hardin ako. Kaya naman naabutan niya kaming umiiyak ni Loida.Mabilis na tumakbo papalapit si Christian sa amin, "Mommy!!! Why are you crying? Did my Dad made you cry?" Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Loida at sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Christian."No, sweetheart! Daddy didn't make me cry. It was something else that Aunt Loida and I
Yumuko si Roman bago binuhat niya si Christian at kinarga. Mabilis namang isinukbit ni Christian ang dalawa niyang maliliit na braso sa leeg ng ama bago isinandal ang kanyang ulo sa balikat nito."Daddy, I missed you!" Aniya ni Christian habang ang kanyang ulo ay nakasandal sa balikat ng ama, medyo mahina ang kanyang boses, pero dahil malapit ako sa kanila, narinig ko ang kanyang sinabi.Kumirot ang aking puso dahil mukhang talo na ako ni Roman sa pagmamahal ng anak namin. Papaano na lang kapag bumalik na kami sa Americ? Ano ang gagawin ko kapag hinanap siya ni Christian? Bigla tuloy sumakit ang ulo ko dahil wala akong maiisip na kasagutan.Nagmumuni-muni pa ako habang nakatayo at pinagmamasdan ang mag ama ng makarinig akong boses."Nandito na pala kayo, mabuti naman at kanina pa iyan iyak ng iyak ng malamang wala ka pa." Aniya ni Loida habang naglalakad papalapit sa amin galing sa kusina."Cuz, maraming salamat talaga ha!" Bati ko habang mabilis a