Share

AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH
AIN'T NO MOUNTAIN HIGH ENOUGH
Author: LonelyDeeemon

KABANATA 01

Ilang minuto nang naka-tingala sa mataas na bahay na nasa kaniyang harapan si Demani; ilang beses na ring kumurap upang siguraduhing hindi ito nananaginip at totoong nagbalik sa lugar na iyon upang muling makita ang taong naging dahilan kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay takot na siyang magmahal.

"I can't believe I'm back," she murmured, still looking at the three-story house at the top of the Antipolo mountain.

Nothing had changed—the house looked the same as she remembered.

Ang una at ikalawang palapag niyon ay konkreto at nakapintura ng puti. Ang mga bintana ay gawa sa shatterproof glass habang ang malaking pinto sa harap ay gawa sa mamahalin at matibay na klase na kahoy. Ang pangatlong palapag naman ay gawa sa purong salamin at mula sa kaniyang kinatatayuan ay malinaw niyang nakikita ang maganda at malaking library sa loob.

Ibinaba niya ang mga mata at inikot ang tingin sa paligid ng bahay.

Sa harap ay naroon ang maganda at berdeng-berde na Zen garden. Sa gitna ay mayroong pond kung saan sa ibabaw niyon ay may maliit na tulay. Sa pond ay may mga lotus flower at maraming mga mamahaling Koi.

Ang buong bahay ay pinaliligiran ng malalaking punong kahoy kung saan sa likod niyon ay kagubatan na. At alam niyang mula sa third floor ay tanaw ang buong siyudad ng Maynila;

She knew. Of course. Because she used to live there.

She used to spend her boring afternoon in the library and read some books as she watched the scenic view through the glass wall. She used to cook in the huge and modern kitchen where there was a huge glass window overlooking the forest.

Oh, how she missed the place. Mahigit isang taon din siyang tumira sa malaparaisong bahay na iyon. She had lots of bittersweet memories there. Happy times, hot and wild sex, too.

She inhaled and released the air harshly.

As much as possible, she wanted to refrain from thinking about all the good and bad memories she had in that house.

She was only back for business— nothing more. She had to see him for business reasons, so she had to act professionally. After all, the law tied them together.

Bagaman kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa muli nilang paghaharap ng lalaking iyon ay kailangan niya itong pakisamahan ng maayos sa loob ng anim na buwan.

Yeah, she needed to stay in this house again for six fucking months.

 At kahit ayaw niya'y hindi siya makatanggi.

Huminga siya ng malalim at itinuloy ang pagpasok sa bumukas na automatic gate hila-hila ang maleta niya. Dumiretso siya sa front door. Pagdating sa harap niyon ay muli siyang humugot ng malalim na paghinga bago diniinan ang door bell na nasa gilid niyon. She waited for a long time before someone opened the door for her— and of course, who else could it be but him?

His bored, fish-eyes met hers.

"Been waiting since this morning," he said. His face was void with any emotion so she couldn't really tell how he felt seeing her again after two years of being apart. "Kung nagsabi kang tanghali ka na darating ay hindi sana ako naghintay para pagbuksan ka simula kaninang alas siete."

Sino ba ang nagsabing maghintay ka? Sinabi ko kay Attorney Salviejo na ngayong araw ako darating pero hindi ko sinabing alas siete ng umaga!

Oh, she so wanted to say that. And maybe yell at him, too.

Pero nang bumaba ang tingin niya sa electric wheelchair na kinauupuan nito ay nagbago ang isip niya. Gusto niyang magsuplada rito, pagsalitaan ito ng masama dahil sa ini-dulot nitong hinanakit sa kaniya, pero dahil sa kasalukuyan nitong kondisyon ay pagbibigyan niya ang pagiging antipatiko nito.

She released a fake smile. "Long time no see, Ex-Husband."

He smirked at her. "Our marriage was never annulled, so technically, I am still your husband."

She shrugged. "I remember signing a paper that says we are now separated and I can no longer live in your house. And that we can start living our lives separately. Oh, and I also remember when you said you will just send the annulment papers to my parents' house. Ano na ang nangyari roon? Nawalan ka na rin ba ng oras na asikasuhin 'yon?"

Oh, hindi niya napigilan ang bibig niya.

Tinapunan lang siya nito ng bagot na tingin bago inikot ang control na nasa kanang handle ng electric wheelchair nito— dahilan upang umikot iyon at tumalikod. He then drove it away without looking back at her.

"Don't just stand there. Come in."

***

Malungkot na inikot ni Demani ng tingin ang paligid pagpasok niya. Halos walang nagbago— mula sa malaking itim na couch na siyang pumili noon, sa pabilog na crystal glass coffee table at sa carpet na kulay mocha. The paintings and portaits on the wall were still the there— maliban sa isa.

May dumaang lungkot sa puso niya nang sa pag-angat ng tingin niya sa pader ng hagdan ay nakitang wala na roon ang malaking wedding picture nila.

Oh well, bakit ba siya umasang makikita pa iyon doon? And why would he keep that trash hanging on his wall, anyway?

Masama ang loob na iniwas niya ang tingin at ibinalik sa lalaking naka-upo sa wheelchair. Nakaharap na ito sa kaniya at ang mga mata ay blangko. He was staring at her intently with those emotionless eyes as if she was the one who ruined their marriage.

Muli siyang napa-buntong hininga.

We used to stare at each other with love and devotion... What happened to us, Van?

"Have you read the letter?"

Napakurap siya nang marinig ang tanong nito; buli siyang bumalik sa kasalukuyan.

"Yes, I did. And I understand what you need. So here I am, willing to help."

Tumango ito na tila nakikipag-usap lang tungkol sa negosyo. Her ex-husband— no, estrange would be the perfect term. Her estranged husband had become cold and distant, and it started even before they called it quits.

"Katulad ng nakasaad sa sulat ni Attorney Salviejo na ipinadala sa'yo ay kailangan kong bumalik sa States para sa operasyong kailangan ng mga binti ko. Pero dahil sa regulasyon nila roon ay kinailangan kong bulabugin ang buhay mo. I can't get an operation without someone taking care of me. Maaari akong magbayad ng kahit na sampung nurses para alagaan at gabayan ako before and after my operation, but they wouldn't allow it. They said it has to be a family. At dahil wala naman akong ibang pamilya at legal pa rin tayong kasal— ikaw lang ang maaari kong lapitan. Don't worry, I'll pay you."

I don't need your money, I need explanations. I need you to explain why you chose to give up instead of fighting more.

"Sure. Kaya nga ako narito, hindi ba? Alam kong kaya mo akong bayaran. I wouldn't do this for free, alam mo 'yan. Besides, kailangan na rin nating ayusin ang annulment. So, I guess we can do that after your operation."

Van smirked at her. "H'wag kang magmadali, Demani. Ibibigay ko sa'yo ang kailangan mo."

Pilit siyang nagpakawala ng ngiti. "Okay, then. Alin sa mga guest rooms sa taas ang o-okupahin ko?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa handle ng maleta; kung alam lang ni Van kung gaano siya nagpipigil na ihagis dito ang maletang iyon.

"You can use any rooms you want on the second floor, but you can't go to the third floor. Sarado ang buong floor na iyon simula nang madisgrasya ako dahilan kaya malugmok ako sa wheelchair na ito."

Wala sa loob na muli siyang napatingin sa hagdan. Ginawa niya iyon upang ikubli rito ang pagdaan ng lungkot sa mga mata.

Sa third floor ay hindi lang library ang naroon, kung hindi pati na rin ang master's bedroom. She used to sleep there— they used to sleep there together. They used to have bittersweet memories in that room; it used to be their favorite part of the house. Ang silid na iyon ay saksi ng pagmamahalan nila noon. Pati na rin ang mga pag-aaway.

Kahit hindi nito sabihin ay talagang wala siyang balak na pumunta roon. Para ano? Para saktan lang ang kaniyang sarili? Gago ba ito?

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago nagpakawala ng huwad na ngiti at muling humarap dito.

"Don't worry, I won't dare go to that dirty place. Naroon lahat ang mga masasamang alaala ko sa bahay na ito kaya maka-a-asa kang hindi ako tatapak doon." 

Tumalikod na siya at humakbang patungo sa hagdan; trying to avoid looking at the place where their wedding photo used to hang.

"I'll be using the first room, para madali kong marinig ang pagtawag mo."

"H'wag kang magtatagal, marami tayong kailangang pag-usapan."

Nasa ikalawang palapag pa lang siya nang muling huminto matapos marinig ang sinabi nito.

She gritted her teeth in controlled anger. Naiinis siya kapag ginagamitan siya nito ng ganoong tono. Tono na tila nag-uutos.

Iyon ang tono ng pananalita nito sa mga huling buwan ng pagsasama nila, hence, she had lost all the remaining respect she had for him.

But he wasn't like that before. He used to be kind and gentle. And very sweet, too.

Pero isang araw ay bigla na lang nagbago ang lahat, at maliban sa ginamitan na siya ng ganoong tono at nag-umpisa na silang magsigawan sa isa't isa.

Hindi na niya napigilan pa ang sarili.

Galit siyang pumihit paharap at naka-taas ang kilay na niyuko ang lalaking nanatili sa ibaba ng hagdan at nakasunod ang tingin sa kaniya.

"Don't order me around, Van Dominic Loudd. Alalahanin mong kahit babayaran mo ang araw na mananatili ako sa poder mo ay wala kang karapatang utusan ako na parang isa sa mga tauhan mo sa kompanya. Kung tutuusin ay hindi ko naman talaga kailangan ang pera mo, maaari akong tumanggi at hayaan kang malumpo habang-buhay. Pero dahil may kaunting konsiderasyon pa akong natitira sa kapirasong papel na nag-uugnay sa ating dalawa ay narito ako. So, don't order me around as if I owe you anything. Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagkamali sa ating dalawa?"

She expected him to answer back— like he used to. She expected him to smirk and throw hurtful words at her like he used to do. She expected him to blame her family instead of blaming himself for being an asshole. Inasahan na rin niyang iyon ang umpisa ng walang katapusan nilang argumento, tulad ng dating nangyari bago siya lumayas.

Pero hindi— hindi nangyari iyon.

Sa halip ay nanatiling tahimik si Van at nakatitig lang sa kaniya. She couldn't even read his face. Magaling nitong naitago ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. He was looking at her unemotionally— and it's pissing her off. Pakiramdam niya ay walang dating rito ang pagputok ng butse niya.

Huminga siya ng malalim at mariing pumikit. Wala pang isang oras simula nang dumating siya pero heto at mainit na ang ulo niya at nagsisimula na ng argumento.

Argumentong hindi naman dapat.

Sinabi na niya sa kaniyang sarili na hindi niya paiiralin ang init ng ulo sa muli nilang paghaharap at pagsasama. She went there for a six-month business; Van needed a family to be by his side before and after his operation. And in return, he'd pay her ten million. At kapag natapos na ang anim na buwan ay aayusin na nila ang legal na paghihiwalayan.

Ang totoo'y wala siyang pakealam sa perang ibabayad nito; pero tatanggapin niya iyon dahil ayaw niyang isipin nitong may pakealam pa siya rito kaya siya pumayag na samahan ito. Ayaw niyang isipin nitong may natitira pa siyang damdamin dito; na mahal pa niya ito.

Kung dati pa lang ay nilakad na ni Van ang proseso ay hindi na sana siya na-obligang samahan ito sa loob ng anim na buwan.

Bakit nga ba hindi na lang siya ang um-asikaso ng pagpapawalang-bisa ng kasal nila noon?

Well, firstly— I don't want to spend my hard-earned money on the annulment process. I was waiting for him to file for it because he has the money and the power to do so. Siya ang dapat na gumastos at hindi ako.

Secondly— I thought there's still hope. Umasa akong susuyuin niya ako at magkakabalikan kami.

She sniffed at the last thought.

Don't go there, Demani. Ilang buwan kang umiyak sa lalaking hindi dumating para ibalik ka sa buhay niya.

Kinalma muna niya ang sarili bago nagmulat at sinalubong ang mga mata nitong nanatiling nakapako sa kaniya.

"Dadalhin ko lang itong maleta ko at bababa rin ako kaagad."

"Hihintayin kita sa den."

 Iyon lang at pinihit na nito ang control ng electric wheelchair, tumalikod, at umalis na.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status