Muling napa-kagat labi si Demani upang pigilan ang sariling tumili sa tindi ng galak na nararamdaman.
How can she say NO to that man? Kanina pa niya ito lihim na pinapantasya!
Banayad siyang tumango bilang pagsagot dito.
Nang biglang kumulog nang malakas ay tila siya nagising sa kaniyang pantasya. Dinampot niya ang payong na nasa sahig ng front seat, binuksan iyon saka itinuloy na ang pagbaba sa sasakyan.
Bago niya ini-sara ang pinto ay muli siyang yumuko at sumilip sa loob.
“I often go to that bakeshop every weekend at eight in the morning.”
Tumango ito habang hindi pa rin maalis-alis ang pag-ngiti sa mga labi. “Copy that. See you on Saturday.”
Ini-sara na niya ang pinto at mabilis na tumalikod. Habang naglalakad siya papasok sa gate ay impit siyang tumili. Hindi siya makapaniwalang magkikita pa silang muli ng simpatikong estrangherong iyon.
Hind siya makapaniwalang magkakaroon ito ng interes na mas makilala pa siya.
Bahagya siyang lumingon upang tingnan kung naka-alis na ito, subalit ang kotse nito’y naroon pa rin. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang daraan at muling impit na ngumiti.
He was probably watching me until I get in. How sweet is that…?
Ngingiti-ngiti siyang naglakad hanggang sa pinto. Ang akma niyang paglingong muli ay nahinto nang bumukas iyon at bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng Lola Valentina niya.
Nanlalaki ang mga matang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa matanda at sa buong pamilyang nasa likuran nito.
Si Maureen ay nasa likuran din at naka-ngiwi.
“Sinasabi ko na nga ba at may pa-sorpresa ka sa aking bata ka kaya wala ka ngayon dito,” salubong ng matanda saka lumapit at hinalikan siya sa pisngi.
Despite her age, Lola Valentina still looked young and healthy. Malakas pa ito at maayos pa maglakad. Her grey hair and laugh lines didn’t even make her look like her age. She was always smiling and incredibly kind to everybody, kaya mahal na mahal nila itong lahat.
Ibinaba niya ang payong sa gilid ng pinto at sinilip ang mga kamag-anak na nakasunod sa likuran nito. Matamis niyang ningitian ang lahat.
Hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaking naghatid sa kaniya, but she had to act normal in front of everybody so she pulled herself together and released a cheerful greeting.
“Happy birthday, Lola Val!" aniya sabay taas sa box na hawak.
Banayad siyang hinila nito papasok at ito na rin mismo ang nagsara ng pinto.
"Is that my favorite mango cake?” nagniningning ang mga matang tanong nito.
“Yep, and this is the most delicious mango cake in the Metro.” Sinenyasan niya si Maureen na alalayan siya, at mabilis naman itong lumapit habang bitbit sa kamay ang isang lighter. Tinulungan siya nitong buksan ang cake
She and Maureen were able to remove the ribbon and open the box. Maureen was about to place and light the candle on the cake, and she was about to start singing when something made them stop.
Napa-ungol siya nang makita ang cake.
“Ano ‘to, Demani?” kunot-noong tanong ni Maureen. “Alam mo naman allergic si Lola sa chocolate, bakit ito ang dala mo?”
Ang Lola Valentina nila na kanina pa excited ay sinilip din ang laman ng box na hawak-hawak pa rin niya. Binasa nito ang dedication na naka-sulat sa ibabaw ng cake.
“Missing you both…? What’s this, Demani?”
Nanlulumong napa-pikit siya. “Holy molly, nagkamali ako ng box na dinampot.”
Maagap niyang inilayo ang box mula sa Lola Valentina niya, inisara iyon saka sinenyasan si Maureen na italing muli ng ribbon nang tumunog ang door bell.
Lahat sila ay napalingon sa pinto.
"May hinihintay ba tayong bisita?" tanong ng mommy niya.
Nang wala sinoman ang sumagot ay si Lola Valentina na mismo ang lumapit upang buksan iyon.
At nang makita niya kung sino ang naroon ay nanlaki ang kaniyang mga mata. It was Van Dominic. Bitbit nito sa kamay ang box ng cake at sandaling nagulat nang makita ang buong pamilya niyang naka-tayo sa likod ng pinto.
Subalit ang pagkagulat nito ay sandali lang at kaagad ding nakabawi. Malapad itong ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata.
"Hi again," anito sa kaniya.
Mariing paglunok lang ang naging tugon niya. Nararamdaman na niya sa paligid ang excitement ng buong familia.
“Oh, hello, young man. How may I help you?” naulanigan niyang tanong ng lola niya.
Ang pansin ni Van ay lumipat sa Lola Valentina niya, at sa magalang na tinig ay sumagot,
“Good afternoon, Ma’am. I am here to swap this cake to… that.” Tinapunan nito ng tingin ang box na hawak niya saka muli siyang tinitigan at nginitian. “Buti na lang at naisipan kong i-check muna ang cake bago ako umalis.”
Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. She was rendered speechless as she gazed at the handsome creature in front of her. Bahagya na niyang narinig ang bulungan mula sa ibang miyembro ng familia na nanatiling nakamasid lang sa likuran. Sunod niyang narinig ay ang pag-tikhim ng Lola Val niya sa kaniyang tabi.
Pinigilan niya ang sariling mapakagat-labi na naman. Ayaw niyang magmukhang manyakis na uhaw sa lalaki sa harapan nito.
“Huy,” pukaw ni Maureen sa pagkatigalgal niya. Nang hindi pa rin siya kumibo ay banayad na siya nitong ni-siko.
Doon na siya napa-kurap at bumalik sa reyalidad.
Lalong lumapad ang pag-ngiti ng lalaki nang makita ang sandali niyang pagkatulala. Muli nitong hinarap ang Lola Val niya na may misteryosong ngiti sa mga labi.
“I believe this is your cake, Ma’am," ani Van.
Nakangiting inabot ng lola niya ang box saka tiningala ang matangkad na lalaki. “Are you my granddaughter’s special someone?”
“Lola…” nahihiyang saway niya rito.
Ibinigay niya kay Van ang cake na kaagad din naman nitong kinuha saka niya kinuha mula sa Lola Val niya ang box na inabot ni Van dito.
“Ni-hatid lang niya ako kanina mula sa bakeshop. Masama ang panahon at hirap akong kumuha ng masasakyan kaya—“
“Oh, shush, Demani. Ang lalaking walang interes sa babae ay hindi mag-aaksaya ng oras na ihatid ito sa tahanan. He obviously has a thing on you.”
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lola na ikina-tawa lang ni Van. Ang bulungan mula sa mga miyembro ng pamilya nila ay lalong lumakas.
“What’s your name, hijo?” tanong pa ng lola niya na kumunyapit sa braso ng lalaki. There was fondness on her
granny’s face as she stared at Van.
“I am Van Dominic Loudd, Ma’am. And I believe you are Mrs. Valentina Dominico?”
“Yes, I am, hijo,” naka-ngiti pang sagot ng abuela niya. “Are you in a hurry? It’s my birthday and I would like to invite you in. Pagpapasalamat sa paghatid mo rito sa apo ko.”
Nice one, Lola! sigaw niya sa utak.
Ang dibdib niya ay kumakabog habang hinihintay ang sagot ni Van na muling bumaling sa kaniya.
Mariin siyang napa-lunok sa muling pagtama ng mga mata nila, lalo nang muli itong nagpakawala ng ngiti.
“Okay lang ba sa'yo?” tanong nito sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya.
“Well, kung wala kang lakad, bakit hindi?”
"Wala akong lakad."
"Come on in, then." Tumalikod na siya upang hindi nito makita ang pamumula ng mukha niya. Kunwari ay balewala lang sa kaniya, pero ang totoo'y kanina pa niya gustong tumili sa kilig.
Ang buong pamilya nila, kasama na ang mommy at daddy niya na kanina pa mga naka-taas ang kilay, ay nakasunod lang ang tingin sa kaniya nang may panunukso sa mga mata.
Humakbang siya patungo sa kusina at hinayaang i-welcome ng buong pamilya si Van.
“Pogi no’n, ah. Type mo?” ani Maureen na naka-sunod sa likod niya.
“Hindi, 'no!” depensa niya saka inilapag ang box sa ibabaw ng lababo.
“Tumigil ka nga. Naghuhugis-puso ‘yang mga mata mo, hoy.” sabi pa nito sabay siko sa kaniya. “Mukhang boto ang buong pamilya, ah. Ligawan na ba natin?”
Hinampas niya sa braso ang pinsan saka sinulyapan ang pinto ng kusina sa takot na may makarinig sa kanila.
“My God, Mau. My heart is racing and I don’t know what to do. Hindi ako makahinga kanina habang nasa kotse kami, kinakabahan ako at hindi mapalagay. And whenever he smiles at me, my heart just stops beating. At kapag tinititigan niya ako, I feel like I’m floating in the air. Hindi ko maintindihan ang sarili ko…” Sinapo niya ang ulo. “What is this?”
“Sabi ko na!” Pumalakpak si Maureen. “Kung wala akong asawa ay baka na-LAFS din ako doon kay Pogi, no.”
“LAFS?” She frowned at her cousin.
“Love at first sight, ineng. Diyos ko naman, napaka-dense mo.” Nilapitan nito ang box ng cake at binuksan.
“So, totoo palang may ganoon? Posible palang mahulog ka sa isang tao sa unang tingin pa lang?”
Oh, she had crushes, alright. At ilan sa mga iyon ay niligawan din siya pero noong pinakitaan siya ng motibo ay bigla siyang nawalan ng gana. Para siyang na-turn off. Kaya tuloy kahit pinayagan na siya ng mga magulang niyang tumanggap ng manliligaw matapos niyang magtapos sa kolehiyo ay single pa rin siya. Mabilis na nag-e-expire ang feelings niya sa mga bois.
At ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng katulad sa naramdaman niya para sa estrangherong si Van Dominic Loudd. Hindi pa siya nakaramdama ng ganoon sa iba noon— LAFS.
“Oo naman, 'no,” sagot ni Mauren habang kinakalas ang ribbon ng box. “Sa paraan pa lang ng pag-larawan mo sa nararamdaman mo habang tinititigan ka niya at ningingitian, positibo akong pumapag-ibig ka na rin, insan. Naku, matutuwa tiyak ang mommy at daddy mo. Hindi ka naman pala manhid.” Sinundan iyon ni Maureen ng hagikhik.
Napa-buntonghininga siya. “Nakalimutan kong itanong kung may kasintahan na siya. Tsk, paano pala kung may kasintahan na siya? Paano kung taken na siya ay hindi na pwedeng pantasyahin?"
“I'm not.”
Malakas siyang napasinghap sabay lingon sa pinto ng kusina. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Van na naka-halukipkip at nakasandal sa hamba ng pinto ng kusina. Sa mga labi nito’y naroon ang matamis na ngiti. “I am not in a relationship. I don’t have a girlfriend, I'm single.”
Si Maureen humagikhik sa tabi niya. “Ayan naman pala, eh. Tripleng kompirmasyon. Kaya gora na, 'day. At ikaw na lang ang single sa third generation ng familia.”
Tinapunan niya ng masamang tingin si Maureen na tumawa lang at dinala na ang cake palabas ng kusina. Nakita pa niyang nginitian ni Van ang pinsan niya nang dumaan ito, hanggang sa bumalik ang pansin nito sa kaniya.
Pakiramdam niya'y biglang siyang na-tensyon. Nanginginig ang tuhod niya sa kaba. Naka-ilang lunok na siya pero nanatiling nanunuyo ang lalamunan niya.
Ano ba ang dapat niyang sabihin pagkatapos? Ni-kompirma na nito na single ito, what's next?
"So, why are you single?" tanong ni Van nang manatili siyang tahimik.
"Wala eh..." mahina niyang sagot.
"Walang ano?"
"Manliligaw."
"Magpapaligaw ka ba?"
Muli siyang napalunok. "K-Kung mayroong interesado, bakit hindi?" Diyos ko po, ano ba 'tong pinagsasasabi ko?
"I am very interested."
Muntik nang humulagpos ang kamay niya mula sa pagkaka-kapit sa sink.
"H-Huh?"
Napangiti si Van nang makita ang pagka-gulat sa mukha niya. Ni hindi siya sigurado kung tama ang narinig.
"Pinaglololoko mo ba ako?" aniya pagkaraan ng ilang sandali.
Ngumisi ito at tuwid na tumayo. "I don't say words I didn't mean."
"But we've just only met..."
"I know. But do you believe in love at first sight?"
Umawang ang bibig niya sa pagkamangha. Hindi niya alam kung seseryosohin ang mga sinabi nito.
Lumapad ang pagkakangisi ni Van. "Dapat bang sa mga magulang mo ako magpaalam?"
Hindi niya napigilang mapangiti sa pagkakataong iyon. Kanina pa gustong sumabog ng dibdib niya sa pinaghalong mga damdamin. Kanina pa siya hindi maka-apuhap ng sasabihin. Hanggang sa ang ngiting pinakawalan niya ay nauwi sa banayad na pagtawa.
"Baliw ka ba?" aniya rito.
"I don't know. Maybe?"
"Wala pang isang oras tayong nagkakilala, manliligaw ka na?"
"Dapat bang isang dekada muna tayong magkakilanlan bago ko sabihin ang intensyon ko?"
Muli siyang natawa, at doon ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. Si Van ay nakangiti lang siyang pinagmasdan.
As just like that, their hearts connected.
_________________________________
MALAPAD NA NGITI ANG NAMUTAWI SA MGA LABI NI DEMANI nang sa pagpasok niya sa private unit ni Van ay inabutan niya itong gising na, nakasandal sa headboard, at naka-antabay sa pinto. Nang makita siya nito’y initaas nito ang dalawang mga braso upang salubungin siya ng yakap. Mabilis siyang lumapit, inilapag ang dalang bulaklak sa ibabaw ng couch katabi ng kama nito, at pumaloob sa mga bisig ng asawa. It had been fourteen hours since she last saw him; ang huling pag-uusap nila’y bago ito pumasok sa operating room. Tatlong oras ang operasyon, at nang makalabas ay ipinagbawal muna ang pagpasok niya sa recovery room. The operation was successful as expected. Nakausap
MALAKAS NA NAPASINGHAP SI DEMANI NANG sa wakas ay maiahon niya ang ulo at makalanghap muli ng hangin. She still couldn’t move her right leg, and her body tremble in cold. Napayuko siya kay Van na lumangoy hanggang sa dulo ng pantalan. Mahigpit siyang nakakapit sa mga balikat nito habang ang isang kamay nito’y nakapulupot sa kaniyang bewang. She could see the pain in his face. Pain and fear. Pero gulong-gulo ang isip niya sa mga sandaling iyon na hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin dito, dagdagan pa ang takot na naramdaman kanina nang sa tingin niya'y katapusan na niya. “V-Van…”&n
Malalim na paghinga ang pinakawalan ni Van matapos marinig ang tanong niya. He was silent for a while, walang salitang lumabas sa mga labi nito sa loob ng ilang segundo. At alam niyang nag-iisip ito ng tamang sagot; sagot na sana’y hindi makasisira sa nagiging maganda na nilang samahan. “Because I thought it was the best for you," ani Van sa malumanay na tinig. "I thought letting you go would make you happy, and would stop your pain.” “But it didn’t…” she answered quietly. Walang panunumbat, walang galit. Van let out a deep sigh. “I got tired of seeing you cry everyday, Demani. Sa tuwing nakikita kitang umiiyak ay sinisisi ko ang sarili ko. Lalo akong nagagalit sa sarili ko. Lalong
“Mr and Mrs. Loudd, okay lang po kayo?” Mabilis na ini-alis ni Van ang kamay na nakapasok sa loob ng kaniyang sweatshirt, habang siya’y balewalang tumayo at hinarap si Nurse Art na lumapit. Ningitian niya ito. “We’re okay, don’t worry. N-Nabitiwan ko ang fishing rod at sinalo ako ng aking asawa.” Niyuko niya si Van na inayos ang nagusot na blanket na nasa kandungan nito. But not only was he trying to fix it, but he was also trying to cover his desire. “Nakita nga po namin ang nangyari,” sabi naman ni Nurse Ella, ang mga mata’y nasa tubig. “Naku, malaking isda sana ang nahuli ni Mr. Loudd. Sayang..."&nb
Ilang segundo muna ang pinalipas ni Van bago sumagot. “Is that even a serious question, Demani?” “Just answer it.” “No. Paano ako aakyat sa attic kung ganitong naka-lugmok ako sa wheelchair?” Bumaba ang kaniyang tingin sa automatic wheelchair nito, pababa pa sa mga binti nitong natatakpan ng makapal na blanket. “Dahil ba ito sa kumot?” Muling umangat ang kaniyang tingin sa mukha ni Van nang marinig ang sinabi nito.
It was a cottage in the middle of the forrest. At dahil nasa itaas na bahagi nakatayo ang cottage ay natatanaw niya mula sa attic ang malawak na gubat, ang mahaba at paikot na kalye, ang malaking lawa sa kabilang bahagi, at ang malawak at matataas na pine trees na nakapaligid sa gubat. The place reminded her of the forrest she would also see on Western movies. And Demani liked it. Tahimik doon, malamig, at presko. Malayong-malayo na kinalakihan niya sa Maynila. Ang cottage na kinaroroonan nilang pag-aari ni Dr. Eisenburg ay malawak; sa ibaba’y may isang silid. Sa loob ng silid na iyon ay may bunker na maaaring tulugan ng dalawang tao, at mayroon ding matress n