Share

Kabanata 20

Sa isang magarbong villa sa probinsya, tumaas ang boses ni Dawson Schuler at tumawa. “Ibig mong sabihin nakikita mo na magaling ang binatang ito?” sabi niya.

Si Wendy na nakaupo sa kanyang office sa Commercial Bank, sumagot ng mabilis, “Totoo, Dad. Siya ang pinakamagaling na nakilala ko sa financial industry. Alam ko ang kumpanya natin ay nanganganib na. Kaya gusto ko siyang isama para makilala mo,” sagot nito.

“Hindi ba dapat ang nobyo mo ang ipakilala mo sa akin?” tawang sagot ni Dawson.

Namula ng bahagya ang mga pisngi ni Wendy. “Dad, nagsasabi ako sa’yo ng mahalagang bagay,” pagalit nito.

“Sige na nga, sige na nga,” sagot ni Dawson, “Dahil siya ay kaibigan mo, ayos lang na dalhin mo siya sa bahay para kumain. Mayroon akong plano para sa ibang bagay. ‘Wag ka masyadong mag-isip, Marami na akong pinagdaanan na hirap sa mga lumipas na taon. Hindi ito malaking problema. Mabilis na magagawaan ito ng solusyon,” dagdag nito.

Sa pagtingin ni Dawson, bata pa si Wendy. Pati ang kanyang kaibigan na lalake. Ano ang karanasan at kakayahan na mayroon siya?

Naghahanap ng tulong si Wendy. Hindi niya lang alam, na malaki na ang kinakaharap na problema. Hindi kaya masimulan isipin kung gaano kabigat ito. Hindi niya kayang masolusyonan ito ng siya lang, paano pa ang kaibigan nito?

“Sigurado akong magbabago ang isip mo pag nakilala mo siya,” sabi ni Wendy. Naiintindihan niya ang iniisip ni Dawson. Ngunit, hindi na siya nagsalita pa. Ang katotohanan ay mas malakas pa sa salita. Naniniwala siya na ang isang katulad ni Jasper ay mapapansin kahit kailan niya naisin.

Pagkatapos ibaba ang tawag, huminga ng malalim si Dawson. Kapag itong problema na ito ay hindi na solusyonan, masaya siya na mayroon ng mag-aalaga sa anak niya. Subalit, kailangan niya munang makilala ang lalake na ito.

Sa kabilang banda, bago si Wendy ay pumunta kay Jasper upang sabihin na pupuntahan nila ang kanyang ama, may biglang pumasok sa kanyang opisina.

Si Harold Wood ay may taranta na ekspresyon sa kanyang mukha. “Oh my goodness, Ms. Schuler! Hindi mo ba alam na si Jasper Laine ay bumili ng futures para sa international crude oil in full position? Siya ay nag leverage sa presyo na 50 times. Ito ay $3.6 bilyon. Binili niya ito ng minsanan lang!” tarantang sabi nito.

“Huh?! Nabaliw na ba siya?” napasigaw si Wendy sa gulat. Pumasok siya sa market ng full position sa futures leverage. Ang ibig sabihin nito kapag ang market ay nag fluctuate sa ibang direksyon, ang posisyon ni Jasper ay ma liquidate at siya ay tapos.

“Hahanapin ko siya!” sagot ni Wendy. Tinulak niya si Harold, at siya ay agaran lumabas.

Sa oras na iyon, ang sunog ay unti-unti ng kumakalat sa isa sa pinakamalaking oil fields sa Middle East. Ang malakas na hangin ay paparating na na hindi lalayo ng anim na milya. Inaasahang darating ito ilang minuto na lang…

Walang nakaisip kung gaano kalaking epekto ang sunog na ito pati na din ang parating na malakas na hangin sa buong mundo.

Ilang oras din ang lilipas para mangyari ang insidente. Naghintay si Jasper para sa balita. Imbes na tungkol sa sunog ang balita na dumating, si Wendy ang bumungad dito.

“Wendy, bakit ka hinihingal?”

Takang tanong ni Jasper nang makita niya si Wendy na nakahawak sa hamba ng pinto.

“Bakit napaka kalmado mo pa din?!”

Tinanggap ni Wendy ang baso ng tubig na binigay ni Jasper sa kanya. Lumagok ito ng dalawang beses. “Binili mo ba ang international crude oil futures sa full position?” tinanong niya ito.

“Oo, mabilis mong natanggap ang balita,” ngiting sagot ni Jasper. Hindi niya ito tinanggi.

“Oo naman, ang iyong transaction ay may malaking halaga ng pera. Talagang babantayan ng Commercial Bank iyan. Bukod sa akin, malalaman din ito panigurado ng provincial branch.

“Bakit napakatapang mo? Masyadong delikado. Paano kung…”

Patuloy ang pagsasalita ni Wendy. Hindi na siya nakapag patuloy magsalita matapos niya sabihin ang ‘paano kung’.

Syempre, nasa tabi siya ni Jasper. Gusto niya ito kumita ng maraming pera hanggang maari, kaya ayaw niyang magsalita ng salungat dito.

“Paano kung mawala sakin lahat?” tanong ni Jasper. Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa. Sa kanya, lahat ay nangyari sa kasaysayan. Pinapanuod na lamang niya na mangyari ito lahat mismo sa harapan niya.

“Pwede mo pa bang ikansela ang deal ngayon?” umaasang tanong ni Wendy.

“Hindi na pwede,” sagot ni Jasper. Umiling ito at iniabot ang mga braso kay Wendy.

“Anong gusto mo?” tanong ni Wendy kay Jasper habang tinitignan ang nakaabot na braso.

“Ibalik mo ang baso sakin. Iniinom ko ang kalahati niyan kanina,” sumagot si Jasper na may halong pagkayamot.

“Huh?!” sagot ni Wendy. Bigla siyang namula. Hindi lang sa baso ni Jasper, pero dahil siya ay uminom din dito.

Ano ito… isang hindi direkta na halik?

Ibig sabihin din ba nito ay nawala ang kanyang unang halik?

Hiyang hiya si Wendy na gusto niya ng tumalikod at umalis agad. Kaya lang, siya ay hinila ni Jasper papunta sa bagong ayos niya na study room.

“Ang mga kagamitan ay simple lang, pero sigurado ako na makakalipat din ako agad ng ibang bahay. Umupo ka,” sabi ni Jasper habang siya ay umupo sa tapat ng kanyang computer.

Tumingin sa palibot si Wendy. Ito ay simple at pang karaniwan lang, hindi mukhang study room ng isang bilyonaryo. Mayroon lamang lamesa na may computer at dalawang upuan. Wala man lang bookshelf sa loob ng kwarto.

Kaya lang hindi ito ang tamang oras para tignan lahat ito. Kumuha si Wendy ng upuan at umupo sa likod ni Jasper. Dahil wala ng pag atras sa nangyari, siya ay magdadasal na lang sa Diyos na may kitain si Jasper.

“Ikaw ang swerte kong bituin,” biglang sabi ni Jasper. Maririnig ang pagkasabik sa kanya.

“Ano ibig mong sabihin?” pagtatakang tanong ni Wendy.

Pinakita ni Jasper ang screen kay Wend. “Tignan mo,” sabi nito.

Tinignan ito ni Wendy at nakita ang balita sa computer screen.

May sunog na nangyari sa pinakamalaking oil field sa Middle East, na isa rin sa pangalawang pinakamalaking oil field sa mundo. Ang apoy ay malakas na nagliliyab at ang isang high-level country official ay nag ulat na ang production capacity ay baka hindi mabalik sa normal ngayong taon na ito. Maaring magsara ang oil field.

Natigilan si Wendy sa maigsing balita.

Ang trading sa kahit anong market ay pagpapakita ng relasyon sa supply and demand. Ngayon na ang pangalawa sa pinakamalaking oil field sa mundo ay magsasara dahil sa apoy, at magkakaroon ng sobrang pagbaba ng supply sa global crude oil production. Paano maapektuhan ang presyo ng crude oil na nasa market?

Kahit ang isang bata na may tatlong gulang alam na ang presyo ay sobrang tataas!

Ito ang pangalawa sa pinakamalaking oil field sa mundo!

Meron itong kontribusyon na 1/10 sa global crude oil production!

Kung hindi alam ni Wendy na ito ay imposible, iisipin niya na si Jasper ang nag simula ng sunog.

Wala ng panahon si Jasper para makipag usap sa kanya ngayon. Bigla niya binuksan ang interface para makita ang futures. Sa kanyang inaasahan, rumespunde ang market.

Ang futures ay hindi stocks. Hindi sila tataas o baba ng may hangganan. Subalit, maari itong bumaba at tumaas hanggang magkano nito gusto.

Ang presyo ay tumaas na mula $28 naging $31 sa loob lamang ng ilang minuto. Habang tinitignan ang trend, simula pa lamang ito.

“Magkano… na ang kinita mo?” tanong ni Wendy.

“Tignan ko… $43 milyon!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status