Share

Chapter Four

Matagal ako tumititig sa kawalan. Trying to sink in what is happening. Is this possible? Pinalobo ko ang pisngi. Kung hindi posible, mararanasan mo ba 'to? Minsan ang bobo ko rin talaga, e.

"Kain na, apo." Hindi ko alam ang gagawin ko. Lolo saw me at the kitchen earlier. Ang sabi ko ay matutulog ulit ako pero hindi na ako nakatulog ulit no'n. Kanina ko pa kase iniisip ang mga nangyayari.

Pumunta ako sa kusina nang marinig ulit ang tawag ni lolo. Inalalayan ko na si lolo sa hapagkainan. Nagluto muna ako saglit at kumain na kami. Hindi ko alam kung paano ko rin natapos ang pagluluto at pagkain nang malalim ang isip. Buti na lang at hindi ako nakagawa ng ikadidisgrasya ko.

"May problema ba, apo?" Napatingin ako kay lolo na nag-aalalang nakatingin sa akin.

Nginitian ko siya. "Wala po, Lo. Ayos lang ako." Ngumiti ulit ako sakaniya pero hindi siya kumbinsido.

"Tumatanda ang mukha mo, Apo. Baka maunahan mo pa akong kumulubot ang mukha, kaya 'wag ka na sumimangot." Napangiti ako sa kaniya. Naging magaan na ang loob ko. I'm really thankful for having him. Kung wala siya rito, si tita ang kasama ko. Maayos naman ang relasyon naming dalawa pero hindi kami magkakasama sa bahay palagi dahil busy siya sa trabaho niya.

The truth is, what's happening right now, I still can't fully sink it in. I still can't believe that I could world travel. Who would have thought? Kahit sino ay hindi ako paniniwalaan. Kahit ako, hindi pa rin ako makapaniwala.

Mabilis lumipas ang Linggo at Lunes na. I was expecting that I'll go back to that world, but unfortunately, hindi ako napunta ro'n. I can't figure out how will I go back. Ang alam ko, tuwing humihiling ako ay napupunta ako ro'n. I tried last night, I wished that I could see the guys again, but it didn't came true.

Bagsak ang balikat na pumasok ako sa eskwelahan. When I entered the room, I just walked straight at my chair. Hindi ko napapansin ang nakapaligid sa akin dahil masiyado kong iniisip 'yong pagbalik ko sa kabilang mundo. Nakatulala ako ro'n hangga't sa marinig ang bell hudyat na magsisimula na ang first period, which is Statistic and Probability.

I tried to focus on the topic. Tinitignan ko lang ang teacher namin na nag-explain pero walang pumapasok sa utak ko. Naririnig ko ang sinasabi niya pero hindi ko maintindihan 'yong sinasabi niya.

Nagulat na lang ako, nagsitayuan ang mga kaklase ko at inayos ang mga upuan nila para mag-one seat apart. One seat apart?! That means we have a quiz?! Hindi ako nakinig! Wala akong naintindihan sa lesson kahit onti.

I scan the whiteboard, ando'n ang mga examples at equations na ginamit. Mabilis ko na binasa at inintindi 'yon. Nanlumo naman ako nang burahan na agad 'yon ng teacher namin. Anong maisasagot ko rito?!

Pinakuha kami ng calculator at ng papel para ro'n magsagot. Nanghingi naman sa akin ang mga kaklase ko kaya binigyan ko kaagad sila dahil iniisip ko pa kung paano ako makakasagot.

Bakit kung kailan hindi ako nakikinig tsaka may quiz?! Nakikinig naman ako araw-araw pero hindi siya nagpa-quiz! Napasapo ako sa noo sa stress.

Kinuha ko ang test questionnaire na inaabot ng nasa harap ko. Kinuha ko 'yon at inabot sa taong nasa likod ko. Tinitigan ko ang 1-5 questions at agad nahilo. Jusmiyo!

"You can start now. 10 minutes only para makapagcheck tayo," sabi ng teacher namin at nag-ikot ikot sa silid para mabantayan kami.

Naginhawaan ako nang makita na multiple choice ang quiz. P'wede manghula, hindi naman mahahalata na wala akong alam no'n, 'no?

Nagsimula akong magsagot sa abot ng aking makakaya. Kung ano ang natatandaan kong nakalagay kanina sa whiteboard. Hinulaan ko na lang ang formula ng iba at kung ano ang malapit na sagot. Hayaan mo na! Quiz lang naman 'yon, babawi na lang ako sa susunod. Ngayon lang naman ako hindi nakinig.

"Ehem." Napatingin ako sa katabi ko na umubo... nang peke. Nginuso niya ang papel ko, telling me that I should let him copy my answers. Nakita niya atang tapos na ako o baka inaabangan niya akong matapos? Bumuntong hininga ako at sinenyas sa kaniya ang mga sagot. Ayaw ko siya pakopyahin dahil alam kong hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Hayaan mo na. Alam ko naman na hindi siya titigil hangga't hindi siya nakakakopya. Sinulyapan ko ang teacher namin habang pinapakopya ko ang isa. Mahirap na baka mahuli, hindi pa naman ako nakinig kanina.

Pinasa na namin 'yon at nakahalumbaba ako. I miss Drake and Thy singing on stage. That was my first time attending a gig. Naging maayos pa dahil kasama ko si Jeruza. Hindi niya ako hinayaan na hindi ako nag-enjoy no'ng gabing 'yon. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil naalala ko na naiwan ko pala siya ro'n kagabi. Hindi ako nakapagpaalam sa kanila. Sinama nila ako pero iniwan ko sila ro'n bigla. Hindi ko naman sinasadya, but I still feel guilty for leaving them all of a sudden.

"Uy, Faye!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Inaabot niya ang mga papel para macheck-an namin. I was too preoccupied kaya hindi ko napansin na inaabot na pala sa akin 'yong papel.

"Sorry." Inabot ko na 'yon at pinasa sa likod nang hindi lumilingon. Iwinagayway ko pa 'yon para mapansin ng nasa likod ko pero 'di pa rin 'yon kinukuha ng nasa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko naman si Ashlyn na tinitignan ang kuko na bagong linis at may kulay black na cutics.

"Ashlyn," tawag ko sa kaniya para makuha ang papel. Hindi niya ako pinansin kaya tinawag ko ulit siya. Hindi niya ata ako narinig.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw na mag-check. Dalawa naman kamay mo, baka marumihan kuko ko, e." Bumalik ang tingin niya sa mga kuko.

Kinuha ko ang apat na papel na natira. Anong akala niya? I'm an

Ambidextrous? I just sighed. Lima lang naman 'yong items, madali lang check-an. Isa pa, multiple choice naman.

"Number one." Nakinig na ako sa teacher namin. Binanggit niya naman ang mga sagot. Two points daw kapag may solution. Nagkagulo saglit dahil magkahiwalay ang solution nila sa saguting papel. Nalito rin ako dahil lima nga ang tao na chinecheck ko at ang iba ay dalawa ang papel sa solution. Nahirapan pa ako sa pagtingin kung tama ba ang solution nila. Nang hindi ako makahabol dahil bumilis ang pagbanggit at explain ni ma'am sa sagot, hindi ko na chineck nang maigi ang mga solution nila. Basta tama ang sagot, puwede na 'yon.

Our teacher is recording our score. Todo ang focus ko dahil lima ang hawak kong papel. Pabalik-balik ko tinitignan at binabasa 'yong mga apilyedo nila at score. Inayos ko rin 'yon in alphabetical order para hindi na ako malito kahahanap sa papel.

"Maravilla?" Pinakinggan ko rin naman ang score ko.

"Eight po." Napatingin ako sa nag-check ng papel ko, hindi makapaniwala. Totoo? I still got an eight?

Natapos ang pagbilang ng score. Buti na lang at hindi ako nagkamali sa pagbanggit ng scores sa mga papel na hawak ko. Binanggit na kung sino ang highest score.

"Ocampo and Varilla got the highest score." Nakita ko namang ngumiti nang malapad si Charrieze at in-entertain ang pumupuri sa kaniya. Feel na feel naman niya ang mga puri na natatanggap niya. Si Varilla naman ay tahimik lang at ngumingiti lang sa kanila. Varilla is also smart and kind pero may pagkamasungit din.

"Si Ocampo, feel na feel, kumopya lang naman siya kay Varilla. Tignan mo magkatabi sila ni Varilla," rinig kong bulungan nila. Hindi ko na 'yon pinansin dahil ayaw ko naman makisali sa mga gano'n.

Pinabalik ng teacher namin ang mga papel namin at pinaayos ang upuan. Nagpaalam na siya sa amin at pumunta na ng next class niya. Naging magulo naman bigla ang klase pagkalabas ni ma'am. Parang naging zoo ang classroom sa sobrang ingay at gulo nito

"Bakit eight ka lang?" tanong ni Aaron, 'yong kaninang kumpoya sa akin. Hindi ko alam kung ma-ooffend ba ako sa tanong niya o hindi dahil nagtatanong siya nang maayos.

"H-Hindi ako nakinig, e." Why am I stuttering? Kaya ako nagaganito. Ang tingin nila sa akin ay easy lang.  The always see me as a weak girl.

"Eight lang din tuloy ako." Napanganga ako sa sinabi niya. Ako talaga ang sisisihin niya? Kung nakinig siya at hindi kumopya, sana hindi siya umaasa sa iba.

"Sorry," sabi ko sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya na parang sinisisi niya talaga ako at kasalanan ko talaga lahat. Bakit ba ako nag-sorry sa kaniya? He doesn't deserve my sorry.

Na-miss ko tuloy sina Jeruza. Even in the simplest things, they willl still appreciate everything. Naging mabilis ang oras at uwian na kaya dali-dali akong lumabas. Iniiwasan ko ang mga kaklase ko dahil baka utusan lang ako ulit. Lalo na ang mga cleaners ngayon, mga tamad pa naman sila.

Pag-uwi ko, naabutan ko sina tita at lolo na na-uusap sa sala. Oo nga pala, unang Linggo ng buwan ngayon kaya andito si tita.. Napalingon sila sa akin. Nagmano naman ako sa kanila.

"Magbibihis lang po ako." Pumunta ako sa kuwarto at nagbihis agad ng pangbahay na damit. Inalala ko muna kung may gagawin pa ako tungkol sa school. Magbabasa na lang ako mamaya dahil lutang ako buong araw. I don't want to add a burden to tita and lolo, ito lang ang kaya kong itulong sa ngayon, ang mag-aral nang mabuti. Si tita ang nagproprovide sa amin simula nang mamatay si papa. Gusto ko sana maghanap ng part time job pero 'di ako nakakakuha ng schedule na dahil buong araw ang klase ko.

Pumunta ako sa sala, nag-uusap pa rin sina tita at lolo. Ngayon ko lang napansin ang mga paperbags at basket na puno ng prutas. Dala ata ni tita para sa amin.

"How's school? Ayos ka lang ba ro'n?" tanong ni tita pagkaupo ko sa tabi ni lolo.

"Ayos lang po, 'ta." Ngumiti siya sa akin.

Pinakita naman niya ang mga laman ng paperbags. Halos lahat 'yon ay damit namin ni lolo. Inabot niya 'yon sa akin kaya tinignan ko 'yon nang mas maigi. Mga damit nga namin ni lolo na pang-alis.

"Thank you, tita. Kumusta po trabaho?" pangangamusta ko sa kaniya.

"Been busy lately. Alagaan mo ang lolo mo, ha? Oh siya, aalis na ako at may kailangan akong gawin." Tumayo na siya at nagmano kay lolo.

Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Nakita ko naman ang black na kotse ni tita na naka-park sa gilid.

"Baka may gusto ka bilhin para sa sarili mo," sabi niya at inabutan ako ng five hundred pesos.

"Ayos na po ako. May mga na damit po kayong ibinigay kanina." Ngumiti ako sa kaniya para hindi na niya ipilit. Si tita, ayaw niyang tinatanggihan siya. Pero kilala na niya ako, ayaw ko ring lagi akong binibigyan. At isa pa, hindi ako sanay.

Bumuntong hininga siya bago ibalik ang pera sa wallet. "Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, ha?" Tumango ako at kumaway na sa kaniya.

I stayed there until she left my vision. Sobra-sobra na ang binibigay sa akin ni tita. Binibigyan niya na ako ng allowance, binibilhan ng damit. Wala kase siyang anak kaya siguro ako 'yon na-spospoil. Siguro kung hindi siya busy sa trabaho lagi, araw-araw niya kami binibisita at kinukumusta. Huminga ako nang malalim. The night is really quiet. I closed my eyes and feeling the cold breeze at night. Dumilat ako at tumingala, nakita ko na naman ang tatlong stars. I reached for it and lined my three fingers at the three stars.

Nakayuko akong pumasok sa bahay. Ando'n pa rin si lolo sa sala at nililigpit ang mga dala ni tita.

"Ako na po, magpahinga na po kayo sa k'warto," sabi ko sa kaniya at inalalayan papasok ng kuwarto. Nagligpit na ako at nilagay sa labahan ang mga damit na bagong bili ni tita. Kailangan ko pa labhan 'yon bago namin magamit. Nilagay ko na rin sa refrigerator ang fruit basket. Nakita ko naman na may hugasin na. Siguro nauna na kumain sina tita at lolo dahil natagalan ako sa pag-uwi. Sinilip ko ang lamesa at nakita na may nakatakip na ulam do'n at may kanin pa naman sa kaldero. Kumain na ako dahil hindi pa ako kumakain simula kanina. Ayaw ko namang pabayaan ang sarili ko.

Pagkatapos ko kumain, niligpit ko na 'yon at hinugasan na rin. Nag-ayos pa ako ulit sa sala. Siniguro kong naka-lock ang pinto bago pumasok ng kuwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama. Nakakapagood. I sighed. I want to go to that world again. Umayos ako ng upo. I'm going to try again. Baka sakaling gumana na ngayon.

Pumikit muna ako at pinagdikit ang mga palad. "I wished I'll go back to that world," I whispered to myself.

Mayamaya, naramdaman ko ang pagbabago ng inuupuan ko, nagiging madamo na. Naramdaman ko ang init sa balat ko at nakita ko ang liwanag na nanggagaling sa araw. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang Nuke field na walang tao. Ando'n pa rin ang stage at mga kalat ng tao na nagpunta sa gig.

Tumayo ako at naghanap kung saan puwede makauwi. Hindi ko kabisado ang lugar na 'to! I don't even know where Aling Melinda is living! Wala akong number nila! Paano ako makakabalik sa bahay nila? Ayaw ko naman maghanap ng bagong matutuluyan dito dahil natatakot pa rin ako sa mga tao rito. Lalo na't wala talaga akong kakilala at hindi ako maalam sa lugar. Isa pa, I'm not in this world.

Tumawid ako dahil mas maraming tao ro'n. Malawak ang field at malayo pa ang lalakarin para makalabas do'n. Malawak ang kalsada ro'n pero may pedestrian lane naman.

I walked when the lights turned red. May kasabayan ako sa pagtawid kaya hindi ako gano'n kinabahan. Napatingin kami sa kotse na busina nang busina at mabilis ang pagtakbo. Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang tumama ang hita ko sa hood ng sasakyan. Na-out of balance ako kaya napaupo ako sa kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng mga taong malapit sa akin.

"Ayos ka lang ba, iha?" rinig kong mga tanong nila sa akin.

Lumabas naman ang isang matandang lalaki at babae sa sasakyan. Dinaluhan nila ako at halata ang pag-aalala sa mukha. Nakita ko namang sumilip ang parang ka-edad kong lalaki sa bintana ng sasakyan nila na nakakunot ang noo. Parang ayaw pa paalisin ang mga magulang sa sasakyan. 

"P-Pasensya na," naiiyak na sabi ng babae at lumapit sa akin. Tinulungan nila akong makatayo.

"Dalhin natin siya sa ospital, Hon," sabi ng babae sa lalaki. Mag-asawa pala sila, kung gano'n, anak nila ang nasa sasakyan.

"Halika, papatingin ka namin." Umiling ako at tumayo nang tuwid.

"Ayos lang po ako. Nagulat lang po ako at nawalan ng balanse." Hindi pa rin ako binibitawan ng babae. Parang buo na ang desisyon na ipatingin ako sa ospital kahit kaya ko naman. Kinakabahan lang din ako sa mangyayari. Hindi ko sila kilala at isa pa, alam kong tatanungin din nila ako tungkol sa pamilya ko.

I saw their son walked out of their car. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya na akala mo ay bagong gupit. He's wearing a black polo, ang tatlong butones niya ay nakabukas, kaya kita mo ang white shirt underneath, nakatupi naman ang sleeves nito hanggang siko. May nakasukbit namang shades do'n sa white shirt niya. Nakablack pants din siya at naka tucked in ang polo ro'n.

He walked towards us, kita ko ang iritasyon sa mukha niya. "Ma, tara na." Nakakunot ang noo nito at kinamot ang ulo sa iritasyon. Problema nito? Tumingin siya sa akin. He scanned me from head-to-foot. "Mukhang maayos naman siya. Tara na."

Nakita ko namang nainis ang mama at papa niya sa kaniya. "She's our responsibility, Chryszyler. Akayin mo siya sa kotse." Mas lalong kumunot ang noo niya ro'n. He heaved a sigh and pursed his lips, restraining himself to argue with his father.

Maglalakad sana ako nang mag-isa papuntang sasakyan nila dahil parang pilit na pilit 'tong Chryszyler na tulungan ako. Napadaing ako nang mahina nang maramdaman na kumirot ang paa ko pagkaapak ko. Hindi naman 'yon masakit kanina, a?!

I bit my lower lip, thinking that it will ease the pain. Nagulat ako nang pinaakbay ako ni Chryszyler sa kaniya at hinawakan ako sa bewang para alalayan. Napalingon ako sa kaniya at napakurap-kurap nang sobrang lapit namin. Hindi ako sanay na gan'to kalapit sa tao! Lalo na sa lalaki!

"Eyes straight, lady." Napaiwas ako nang sabihin niya 'yon. I heard him tsked, before guiding me to their car. Pagkasara niya ng pinto ay umikot siya at doon umupo sa kabila. Nakita ko namang pabalik na ang magulang niya sa kotse at nag-aalisan na rin ang mga tao.

"Pasensya ka na talaga, iha," sabi ng mama ni Chryszyler pagkapasok ng kotse. "Nakalimutan kase nitong asawa ko na mahina na ang preno ng sasakyan namin. Mabilis pang ipinatakbo ang sasakyan."

"Ayos lang po ako. Sprained lang naman po 'to."

"Kahit na, kailangan natin ipatingin 'yan."

I heard Chryszyler hissed. His father drove me to the nearest hospital. The nurse checked me and cover my sprained ankle with something. Pagkatapos ay nagbilin siya ng kung anong dapat gawin para hindi lumala.

"Saan ka pala nakatira para maihatid ka namin." Napatigil ako ro'n. Last time someone asked me that, my house street doesn't exist here. Ano ba ang dapat kong sabihin? Na hindi ko alam bahay ko? Ang weird naman no'n, 'di ba? Pero anong isasagot ko?!

"H-Hindi ko po alam, e. Bagong lipat po kase kami rito." Napakagat ako sa labi nang magsinungaling ako. Nag-alala naman agad sila.

"Anong number ng mama mo? Tatawagan ko." Napatingin-tingin ako kung saan. Ano ba ang sasagutin ko rito?

"Hindi ko rin po kabisado number nila, e." Napakamot ako sa ulo ko. "Nalimutan ko po cellphone ko sa bahay namin."

Mas lalo silang nag-alala sa akin. Nagkatinginan muna sila bago ngumiti sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Doon ka muna sa amin."

"P-Po?"

"What?!"

Napatingin kami ni Chryszyler sa isa't isa nang sabay kaming magsalita. He avoided my gaze and hissed. I just rolled my eyes. Napakasungit naman nito. As if naman na gusto ko sa kanila. I don't want to be a burden to them. Sapat na ang ginawa nilang pagtulong at pagpapatingin sa akin sa hospital.

"Doon ka muna habang hinahanap namin magulang mo." Tumango ako.

Napayuko ako at napatingin sa paa kong may benda. Madadala ko ba 'to sa totoong mundo ko? Napabuntong hininga ako. My first day here and I got a sprained ankle. And met this family who has a ill-tempered son.

What will happen to me now?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status