Share

Chapter Two

I roamed around and it was like I'm inside a forest. Naghanap  agad ako ng  labasan pero hindi ko mahanap dahil hindi ko  naman kabisado ang lugar na 'to. Where am I?!

Tumigil na ako sa paglibot dahil baka mas lalo lang ako maligaw at mapunta sa liblib na lugar dito sa gubat. I started to call somebody, hoping that someone will hear my cries. I stopped when my throat  started  hurting from all those shouting.

Wala bang nakakarinig sa akin? Baka walang malapit na tao rito? Ano na mangyayari sa akin? Bakit ako napunta rito? Panaginip ba  'to? Paano kung may kumidnap sa akin kaya andito  na  lang ako bigla?!

"May tao ba?" Napalingon ako sa narinig kong sigaw kung saan. Nabuhayan ako bigla ng dugo ro'n. May tao!  Makakaalis na ako rito.

"Mayroon! Andito po ako!" sigaw ko pabalik. Makauuwi na ba ako?

"Magsalita ka lang para makapunta kami sa 'yo!"

Sinunod ko naman sila agad. Nang hindi ko na alam ang sasabihin, nagsimula ako kumanta ng Twinkle Twinkle Little Star dahil ayon ang unang pumasok sa utak  ko. Hindi ko na pinansin kung matatawa siya at mapapahiya ako dahil sa pagkanta ko ng pangbata na kanta. Narinig ko naman ang papalapit na yabag ng mga tao. Dalawa ata sila na papalapit sa akin. Bigla naman ako kinabahan dahil paano kung masamang tao ang makahahanap sa  akin? Paano kung may masama silang balak sa akin? Paano na ako makauuwi nito? Hindi ko puwede iwanan si lolo mag-isa. Wala naman masamang nangyari kay lolo, 'di ba? Bakit at paano kase ako napunta rito?! Kailangan ko ng kasama ni lolo at kailangan ko rin ayusin 'yong pinapagawa sa aking survey questionnaire.

"Iha, paano ka  napadpad dito?!" Natigil ako sa pag-iisip at napaatras sa dalawang lalaki na nakahanap sa akin. Naka-sando silang puti na naging marumi na dahil siguro sa paglalakad dito sa gubat, nakasumrero rin sila ng magsasaka. Napaatras ako lalo dahil nakita ko ang mga hawak nilang itak. Baka kung ano gawin nila sa akin! Hindi ko alam  kung tatakbo ba ako o ano dahil wala rin naman akong mapupuntahan kung sakaling tumakbo ako. Lalo lang ako maliligaw. "Saan ba ang bahay mo? Halika." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ulit ako. Natatakot ako sa itak na hawak nila. Medyo nalungkot ang mukha niya pero agad din ngumiti nang pilit. "Nako! Pasensya ka na at narumihan kase kami kapuputol ng puno at pagbitbit nito."

"H-Hindi po sa gano'n!" Napailing agad ako at napataas ng kamay dahil nakuha ko ang gusto nila iparating. Hindi ako narurumihan sa  kanila. Ni hindi ko nga pinuna ang pagkarumi ng damit nila at hindi ko  rin naman napansin 'to. Natakot  lang talaga ako sa hawak nilang itak dahil baka hindi ako makalabas sa gubat na 'to nang buhay. Iniisip ko rin si lolo na mag-isa sa bahay, siya na lang ang mayroon ako. "Natakot po kase ako sa itak niyo." Hindi naman kase ako sanay na makakita ng itak. Madalas kase mga machines na ang ginagamit. Natawa naman sila at ngumiti sa akin bago ilayo nang kaunti ang itak na hawak.

"Halika. Tutulungan ka namin makalabas." Sumama na ako sa  kanila dahil mukhang mabait naman sila at hindi 'yong tao na iniisip  ko. Isa pa, wala rin naman akong choice dahil sila lang ako  nakakita sa akin at p'wede akong tulungan. Delikado kase ang mga tao ngayon, kahit gaano ka kabuti, hindi ka nila palalagpasin para lang makuha ang mga gusto nila. Tapos kapag hinayaan mo, mas lalong lalala at maabuso ka pa.

May nilapitan silang  mga kahoy sa gilid at lumapit sa akin habang bitbit 'yon. Ayon siguro ang mga naputol na nila. Nakita ko naman na may natira ro'n na dalawang maliit dahil hindi  na nila kayang bitbitin. Lumapit ako  ro'n at binitbit. Magaan naman sila, e. Agad akong dinaluhan ng isang lalaki para pigilan. Nginitian ko siya. "Okay lang po. Kaya ko na po." Wala siyang nagawa dahil bitbit ko na at hindi na rin niya makuha sa akin dahil hindi na niya kayang bitbitin. Kaysa namang bumalik pa sila rito mamaya o iwan na lang nila 'to, sayang naman.

We started walking. Ang tataas pala talaga ng mga puno rito. Marami rin akong nakita at nakasalubong na mga hayop. Madalas makita ko ang mga squirrel na hindi ko maasahan na makikita ko sa totoong buhay. Naaliw ako sa mga hayop na nakita dahil hindi ko to madalas makita. Medyo matagal pa bago kami nakalabas. Siguro nasa liblib talaga kami kanina. Buti at nakita nila ako, kung hindi, hanggang ngayon siguro nasa gubat pa rin ako. At baka abutin pa ako ng dilim.

Huminto kami sa isang karinderya. Nilapag nila ang mga kahoy sa gilid nito kaya nilapag ko na rin ang bitbit ko. Sumunod lang ako sa kanila. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to. Where am I? Una, hindi ko alam kung bakit ako napadpad sa gubat, ngayon naman hindi ko alam kung anong lugar 'to at nasa saan na ako. The streets aren't familiar, the people, the road, the place are not familiar. Bakit ba ako nanfito? Ano nangyayari? Impossible naman na panaginip 'to dahil ramdam ko kanina ang kaba, galak, at takot.

"Oh, 'neng. Saan ba ang bahay mo at mahatid ka," sabi sa akin isang lalaki kanina pagktapos niya ayusin ang kahoy.

"Sa St. Ignacio po." Kumunot ang noo niya pati na rin ang mga nakarinig. Bakit? Anong mayroon? Parang hindi sila naniniwala na may gano'ng lugar. Hindi ba nila alam 'yon?

"Walang St. Ignacio na sinasabi mo rito, 'neng. Naliligaw ka ata. Ano ba nangyari sa 'yo? Nako, delikado ngayon, mag-ingat ka lagi. Halika, tawagan natin mga magulang mo." Akmang sasamahan niya ako sa loob ng karinderya kung saan may telepono pero agad din natigilan sa sinabi ko.

"Patay na po mga magulang ko..." Nalungkot sila sa akin. Agad din naman sila nag-aalala. Hindi ko alam bakit sila nag-aalala sa akin, hindi naman nila ako kilala. Dahil ba naaawa sila sa akin? Ayaw ko no'n. Ayaw kong kinakaawaan. Feeling ko wala akong kwenta.

"Nako, pasensya na, 'neng. Sino kasama mo sa bahay? Sino puwede mo contact-in?" Si lolo lang ang kasama ko sa bahay kaso wala siyang cellphone. Si tita naman na tumutulong sa amin ay hindi ko kabisado ang number dahil hindi ko natatanong at siya ang tumatawag at pumupunta sa amin tuwing unang Linggo ng buwan.

"W-Wala na po," nautal kong sabi dahil nawalan na ako ng pag-asa makauwi. Ano na mangyayari sa akin? Saan na ako pupunta nito? Bakit hindi nila alam ang bahay ko? Nasaan ba ako? Bakit ba ako napadpad dito? May nagawa ba akong mali? Hindi naman siguro tungkol kay papa 'to dahil alam kong mabuting tao si papa. Ano na gagawin ko? Kanina pa ako tanong nang tanong dito. Kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari. Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuha na sagot.

"Paano na 'yan, 'neng?" Nagkamot ng ulo si kuya dahil hindi na rin alam ang gagawin sa akin. Nanlulumo akong yumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako. Kanina pa ako nawawalan ng pag-asa. Ano ba nangyayari sa akin?

"Dumito ka muna sa amin." Lumabas ang isang babae sa karinderya habang nagpupunas ng kamay sa apron niya. "Tutulungan ka namin makauwi, 'wag kang mag-aalala. Dito ka muna habang hindi ka pa makauwi. Maglalagay kami ng mga missing person sign diyan."

Nag-alangan agad ako dahil baka makaabala ako sa kanila. Sila na nga ang nakahanap sa akin tapos patutuluyin pa ako sa bahay nila. Ang pabigat ko talaga. Kung hindi sarili ko ang pahihirapan ko, ang ibang tao naman.

"T-Talaga po?" Tumango siya na ikinatuwa ko. Gan'to pala ang feeling na may willing na tumulong sa 'yo, 'no? At hindi ko pa sila kakilala. It was settled. Dito muna ako sa kanila habang hindi pa ako nakakauwi. Sana ay makauwi agad ako dahil ayaw kong may naabala akong tao.

Tumulong ako sa pag-aayos ng kahoy at mag-ayos sa karinderya nila. Sakanila pala 'tong karinderya. Mukhang kilala sila dahil marami-rami ang nakikita kong bumibili at kumakain dito. Alas siyete kami natapos sa paglilinis. Dumiretso uwi rin naman agad kami. Malapit lang ang bahay nila sa karinderya nila. Habang naglalakad kami papunta sa bahay nila, naalala ko si lolo. Nag-aalala na siguro 'yon. Sana makauwi na ako agad.

Nang makarating kami sa bahay nila, agad naglinis si Aling Melinda, ang kumupkop sa akin na asawa ni Manong Bert na nakahanap sa akin sa may gubat. Gusto ko siya tulungan sa paglilinis ng sala dahil ako naman ang matutulog do'n pero ayaw niya dahil ako raw ang bisita. Nagpasalamat ako sa kanila. Inayos ko na rin ang mahihigaan ko.

I looked at the window dito sa sala nila. Bilog na bilog ang buwan, unti lang din ang mga bituin na nakakalat sa langit. Bakit kaya bilog na agad 'yon? Last night it was just a haf moon. Weird.

---

Lumipas ang ilang linggo na andito pa rin ako. Tumutulong ako sa karinderya ni Aling Melinda. Ayaw ko namang walang ginagawa. Feel ko ang pabigat ko kapag gano'n.

I'm washing the dishes nang umunti ang mga kumakain. Mag-aalos dos na at paunti na ang mga tao sa gan'tong oras. Madalas ay dinadagsa kami tuwing alas onse at alas dose ng hapon.

"Faye, iha, puwede mo ba ipabarya 'to? Wala na tayong barya, e." Inabot sa akin ni Aling Melinda ang dalawang isang libo.

Naghugas muna ako ng kamay bago abutin 'yon at nagpapalit na sa malapit na tindahan. Medyo malayo ang ibang tindahan. Magkakalayo ang mga tindahan dito na parang magkakaaway. Sa amin ay kapag wala sa isang tindahan ang bibilhin mo, puwede ka kaagad makapunta sa kabila dahil magkakatabi lang 'to. Pagkabalik ko binigay ko kay Aling Melinda at barya at tinapos ko na ang hugasin.

Nagpunas ako ng pawis at nagpahangin saglit bago lumabas ng kusina para matulungan ko sila sa pag-aasikaso ng mga bumibili at kumakain.

"Magpahinga ka munra ro'n, Faye." Turo ni Aling Melinda sa upuan sa gilid. Napansin niya ata na katatapos ko lang maghugas.

"'Wag na po. Tulungan ko na po kayo riyan magligpit," sabi ko dahil nakita ko siyang magliligpit na sa labas. Kumuha rin ako ng basahan at hinugasan 'to. Dumiretso agad ako sa mga lamesa para hindi na siya makaangal. Ayaw kong walang ginagawa rito dahil feeling ko kaagad pabigat ako.

We cleaned the tables when the customers left. Nagsimula na rin kami magligpit ng mga lalagyan ng ulam dahil naubos na 'yon. Nagsara kami pagkaubos ng mga pagkain. Nang mai-lock ang karinderya, naglakad na kami papunta sa bahay nila Aling Melinda. We ate at their house. Nagpalipas kami ng araw kaliligpit ng gamit sa bahay at manood sa T.V. nila. Mabuti at maayos pa 'yon.

Pinaglatag ako ni Aling Melinda habang kinukuha ko ang unan ko sa kuwarto nila. They only have one room in the house kaya sa sala ako matutulog. I don't mind. I respect their privacy at hindi naman ako maarte sa higaan. Basta makatulog, ayos na 'yon.

"Salamat po," sabi ko at humiga na. Pumasok naman na sila sa kuwarto nila nang masiguro na maayos na ang lagay ko. Humiga naman na ako. Kailan kaya ako makauuwi? Ilang linggo na ako rito. Kumusta na kaya si lolo?

Ilang minuto akong nakatitig sa kisame dahil hindi pa ako inaantok. Tumayo ako para kumuha ng tubig. Hinugasan ko na rin ang ginamit kong tubig para wala ng aalalahanin si Aling Melinda pagkagising niya dahil lagi siya ang mauna magising sa amin.

Bumalik ako sa higaan at napatingin sa bintana. Litaw na litaw ang buwan na bilog na bilog. Marami-rami ang bituin. Kita ko ang isang bituin na malayo sa mga ibang bituin. Napangiti ako dahil napagtanto ko na siya ang pinakamaliwanag sa langit. May nabigyan na ba ako ng liwanag? May tao kaya na sa tingin sa akin ay liwanag sa buhay niya?

I shook my head and set aside that thought. Funny how I really thought of that. That's impossible. I think I'll forever have a pitiful life. Hihiga na sana ako nang makita ang tatlong bituin na magkakasunod. Matagal tagal ko ring hindi 'yon nakita. Ang huling kita ko ay nasa kuwarto ako.

Napabuntong hininga ako, sana makauwi na ako. Hindi ko maalis sa isipan ko si lolo. Lagi akong nag-aalala sa kaniya dahil mag-isa lang siya. Paano kung nakalimutan niya uminom ng gamot? Paano kung atakihin siya ng sakit niya? Wala siyang ibang kasama sa bahay. Walang tutulong sa kaniya.

Gusto ko na umuwi. Hindi na ako nakakapasok sa school. Kahit mga utos lang ang bumubungad sa akin, gusto ko pa rin mag-aral. Hindi ko namalayan na nakatulog na lang ako bigla.

---

"Faye, apo! Bangon na at hapon na." Nagising ako sa gising sa akin ni lolo. Nagkamot ako ng mata bago umupo sa higaan. "Gising na, apo!"

"Opo, Aling Meli--" Nagising bigla ang diwa ko at gulat na gulat nang makita na andito ako sa kuwarto ko. Andito ako sa kuwarto ko! Panaginip lang ba 'yon? Bakit parang totoo? Anong nangyayari?

Isinawalang bahala ko muna 'yon. Bumangon agad ako at niyakap si lolo nang makita ko 'to na handa nang kumain. Nagulat naman siya pero yinakap din ako pabalik.

"May masama ka bang panaginip, apo?" tanong niya habang hinahaplos ang kamay ko. Tumango naman ako sa kaniya. Bakit parang miss na miss ko siya? At bakit parang pagod na pagod ako?

Napatingin ako sa oras nang matapos kami kumain. Nanlaki ang mga mata ko. Alas dose na ng hapon?! Paano ang klase ko?!

"Lo, bakit hindi niyo po ako ginising? Late na late na po ako sa klase." Nagmadali akong nagligpit ng pinagkainan namin para makapag-ayos.

"Apo, sabado ngayon. Wala kang klase ng sabado, 'di ba?" Napahinto naman ako ro'n. Sabado ngayon? Pero bakit parang ang tagal tagal kong hindi nakapasok? Feeling ko ang dami naman nangyari. Ito ba ang epekto ng panaginip ko?

I didn't know that the feeling and experience from that so-called dream will be the feeling that I always want to feel and the life I always want to experience.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status