Share

Chapter Seven

Hindi na kami natuloy sa ikatlong meeting sana ni Sir Liam sa araw na ito. Ako na mismo ang tumawag at nagrequest na magpa reschedule na buti nalang talaga ay pumayag rin ang kliyente.

Nasa presyento kami habang hinhintay sina Ethan. Dahil sa nerbyos ay kinukotkot ko ang aking kuko at nakayuko lang. Hindi rin ako umiimik dahil sa takot kay Sir Liam. Pulang-pula ang tenga niya kanina dahil sa galit. Magulo ang buhok niya at nakaloose na ang necktie. Meron din siyang putok sa may labi.

Kung sa ibang pagkakataon lang sana ay siguro pinupuri ko ang itsura niya. Hindi ko alam na pwede rin palang maging gwapo kahit messy tignan. Na para bang tinutukso kang titigan siya dahil sa itsura niya. Bad boy look ika nga.

'Pag ba ganyan ang ginawa ko sa buhok at gusot-gusot ang suot, maganda rin kaya tignan?

Dahil sa sobrang kaba ko ay inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pwedeng makapagpabaling ng pansin.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status