Share

Till the Right One Comes
Till the Right One Comes
Author: Far N'Heights

Prologue

 " Let's break up" 

Salitang madalas kong marinig mula sa mga taong nagnanais na putulin ang kanilang matalik na ugnayan sa akin.

Sa totoo lang , nagsasawa na ako sa mga salitang paulit-ulit ko na lang napakikinggan. Mga salitang minsan ay wala na kong pakialam at salitang minsa’y wala ng kinalaman sa  tunay kong nararamdaman.

Nasanay na kasi ako. Sanay na akong iwan ng mga taong nangakong mananatili sa tabi ko. Mga taong bumuo ng aking mundo. Ngunit  sila rin pala ang magiging  dahilan ng tuluyang pagguho nito.

“Aiden, did you hear me?” tanong sa’kin ni Jasmine na kanina pa pala nagsasalita sa tabi ko.

“Ah–eh, do you wannna watch a movie with me? Or go shopping?” mungkahi ko sa kaniya na para bang wala akong narinig sa mga sinabi niya.

“Give me your hand,” mariin niyang saad sa akin na parang may halong galit sa tinig nito.

Ayaw kong ibigay ang mga kamay ko sa kaniya noong una dahil alam ko kung saan na naman hahantong ang mga eksenang tulad nito.  Pamilyar sa’kin ang mga eksenang tulad nito. At isa ito sa mga pinakaayaw kong pagtatapos ng isang relasyon. Lalo sa ganitong sitwasyon.

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang sinunggaban ang aking kanang kamay  at saka ibinigay sa akin ang isang silver necklace na may hugis pusong palawit . “What is this?” gulat kong tanong habang nakatitig ako sa kaniya.

“Hindi ba obvious?” she sarcastically replied.

“I mean, when did I give you this?” tanong ko sa kaniya.

“Kita mo na, you never care for me,” bulalas niya. “Pero hindi mo yan binigay sa’kin, you accidentally drop it in your suite, that’s why I kept it, because I thought you supposed to give that stuff to me. Have you ever realized that since we’re on, you never give me a present? Take this, I don’t need this anymore. If you want, just give it to your pet or throw it away,” seryosong sambit niya sa akin pagkatapos nitong hatakin nang biglaan ang aking kanang kamay.

Sa mga sandaling iyon, bigla akong natulala sa sinabi niyang wala akong naging pakialam sa kaniya. Something that I think I am guilty of. A lot of people do not understand me or how I behave. And I don’t understand how I feel either. May naramdaman akong kaunting kirot sa puso ko habang tangan ko ang kwintas na isinauli niya sa’kin. Akala ko muling maibabalik ang sigla ko kapag nakahanap ako ng taong magmamahal sa'akin. But then, I was wrong. The feeling must be mutual. The love that they give must be equal to the love I have for them. But that’s not the case.

From that moment, I realized that the problem is not other people, nor their acts of cheating on me. It was all me. I’ve never loved someone, the way I love the girl whom I never get to confess my feelings for. The girl who broke my heart. No! I think, I was the one who broke her, I just don’t realize. Even though, how much I want to forget her, things keep on getting back whenever I saw something that makes me think of her.

                            *****

KASALUKUYAN kami ngayong nasa loob ng Super Mall, malapit sa amin—Guilmore Avenue, Quezon City. Napakaraming tao dahil araw ng Sabado ngayon, walang pasok at walang trabaho.

“Bro, you okay?” tanong sa’kin ni Rex—kaibigan ko simula middle school.

“Ah yes, don’t worry about me,” sagot ko sa kaibigan kong tila kanina pa ako pinagmamasdan habang may malalim akong iniisip.

“Ano ba kasing ginawa mo kay Jasmine. How come that you broke up with her,” tanong sa’kin ng kaibigan ko.

 Sasabihin ko sanang naghiwalay kami dahil nakita ko siyang may kasamang ibang lalaki pero naisip kong huwag na lang itong sabihin dahil guilty rin naman ako kung bakit kami naghiwalay.

“Ahh, she said we’re not meant to be. Hindi kami nag-click, eh,” pagdadahilan ko.

Marahil alam ng best friend ko na nagsisinungaling lang ako, dahil madalas ito ang sagot ko sa kaniya tuwing tinatanong niya ako kung  bakit naghihiwalay kami ng mga naging kasintahan ko.

“Magtapat ka nga sa’kin. Have you already moved on from that girl?” tanong nito sa’kin.

“Are you talking about Jasmine?”

“Oh, ’yan tayo, eh. You can fool anyone, Bro… except me and your feelings. You know that I am not talking about Jasmine. I’m talking about Ms. D,”anito.

Bigla akong napalunok at uminom ng iced tea na parang wala akong narinig sa mga sinabi niya sa’kin. Napayuko na lang ako bigla na parang nadismaya sa mga narinig ko.“

Uy, hayun siya oh?” biro niya.

“Saan, saan?” I asked without having a second thought.

“Huli ka! I know it right!” baling uli niya sa akin.

Panay ang tawa sa akin ni Rex dahil sa reaksiyon ko nang sinabi niyang naroroon ang babaeng tinutukoy niya. Halata kasing umaasa pa akong makikita siya kahit na halos mag-iisang taong na noong huli ko siyang makita.

“C’mon dude, it’s been a year now. You have to get rid of her in your mind. That could be detrimental to you and to your relationship. Better yet, why not we go and watch movie,” pagrerekomenda niya.

Habang nagsasalita si Rex sa tabi ko ay hindi ko lubos akalaing  bigla na lang lilitaw ang babaeng kanina lang ay pinaguusapan naming dalawa. Papalapit siya patungo sa kung saan kami naroroon. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagpintig nito. Hindi mawari kung siya nga ba talaga iyon o namamalik-mata lang ako.

Unti-unti ko siyang pinagmamasdan papalayo. Hindi ako sigurado kung siya nga ba talaga  ‘yon, pero malakas ang kutob ko. Matagal na noong huli kong masilayan ang kaniyang magandang mukha at mapupungay na mata, kaya naman hindi ako sigurado kung siya ‘yon.

“Bro, s-si D–Da—” pautal-utal kong sambit kay Rex habang hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng ‘yon.

“Alam mo ikaw, kaseselpon mo iyan. Mabuti pa’t magtungo na tayo sa sinehan,” anito.

“I’ll be right back,” wika ko kay Rex. Para makasiguro ako kung siya nga ba talaga ‘yon, sinundan ko siya habang hindi pa siya masyadong nakalalayo. Napakaraming tao sa mall noong araw na iyon. Kaya naman hindi malayong mabaling ang atensiyon ko sa iba. Gayunpaman, hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya, dahil sa kulay ng damit niyang kulay dilaw.

Magkahalong kaba’t saya ang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.  Labis akong nagagalak na sa wakas ay muli ko na siyang makikita at makakasama, kung bibigyan pa niya ako ng pag-asang patunayan sa kaniya kung gaano ko siya pinapahalagaan.

Nagbabakasakali na sa muling pagkikita namin ay baka lang masiyahan siya. Ito na ang oras na pinakahihintay ko. Palapit na ako. Tatlong hakbang na lang para mayakap ko siya.

Ngunit sa mga pagkakataong iyon, biglang lumiit ang tiyansa para sa aming dalawa. Dahil sa nakikita ko ngayon,  parang wala na akong pag-asang maisakatuparan ang mga bagay na labis kong pinagsisisihan dahil hindi ko nagawa noong kami’y magkasama pa. Dahil parang wala na akong puwang sa puso niya. Wala ng lugar para sa akin pa. Dahil sa mga nakikita ko ngayon, tila ba’t ang konting pag-asang dapat ay sa’kin mapunta, tuluyang naglaho  dahil nakuha na pala ito ng iba.

Nagising na lamang akong umiiyak. Panaginip lang ba ang lahat?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status