MAHIMBING akong natutulog sa kama ko nang walang pakundangang tumunog ang aking alarm clock na naging dahilan ng aking pagkagising.
Nang akmang aabutin ko na ito sa aking desk ay hindi ko namalayang nasa mismong gilid na pala ako ng aking kama, dahilan ng aking biglaang pagkahulog sa sahig.“
"Aray ko! Kung minamalas nga naman, oo! Kung kailan pa unang araw ng pasukan, saka naman ako pinerwisyo ng higaan na ’to,” naiinis na sambit ko sa sarali, habang nakahandusay pa rin ako sa sahig.
Dahan-dahan akong tumayo at paika-ikang naglakad mula sa pagkakahulog habang hawak ko ang likuran ko na parang may kung anong nabali rito. Halos hindi ko ito maigalaw dahil sa sobrang sakit nito. Ilang sandali lamang ay biglang tumunog ang aking cellphone na nakasuksok sa ilalim ng aking unan.
Pagkasagot ko pa lamang sa cellphone ko ay agad ko ring inalis ito papalayo sa tainga ko dahil halos mabingi ako sa sobrang lakas ng boses ni Rex.
“Hello, Bro, bilisan mo! Saan ka na ba. Pasado alas-siyete na po. Stop touching your birdie,” pasigaw nitong biro sa akin. Rinig ko ang ingay ng mga sasakyan kung saan naroroon si Rex habang kausap ko siya cellphone.
“G*go! Inis na inis na nga ako, eh! Dumagdag ka pa,” wika ko sa kaniya, na parang maiiyak sa sobrang sakit ng likuran ko dala ng pagkakahulog.
“Hindi pa ako naliligo at kagigising ko lang, I accidentally fell on the floor. And this is so damn painful. Para akong nabalian ng tatlong buto,” dagdag ko.
“What the hell happened to you, Bro? Okay ka lang ba? May masakit ba sa ’yo?” tanong niya na ’di ko mawari kung concern ba sa’kin o nang-iinis.
“Anong okay ka diyan. I don’t even know how I can move my arms out of pain and you still have the guts to ask me if I’m okay? Ikaw kaya, okay ka lang? Eh, nahulog nga ako sa sahig eh, syempre hindi,” sumbat ko sa kaniya.
“Para nagtatanong lang, eh. Mas mabuti na nga ‘yon eh. Nahulog ka sa sahig niyo, hindi sa maling tao,” hirit pa niya.
Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko sa mga sandaling ‘yon—kung matatawa ba ako o iindahin na lang ang sakit na nararamdaman ko. Rex has this skill that even if his jokes aren’t totally funny, the fact that I am imagining what his face might be when he threw that joke is still funny for me. He’s annoyingly good at that, I would say.
“Unang araw pa naman ng pasukan ngayon. I am sure that you don’t want to miss this chance para makakita ng mga magagandang transferees,” sabi niya na halatang sabik na sabik makakita ng mga magagandang nilalang sa bagong university na papasukan namin—hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng UFL University, kaya hindi ko pa masasabi kung gaano ito kaganda, pero ayon sa mga naririnig ko, isa raw ito sa mga pinakamagagandang unibersidad sa bansa. Kilala ito pagdating sa kursong engineering at medicine, kaya naman hindi nakapagtatakang madami ang nagaaral ng mga kursong binanggit ko.
“Eh, ano naman ngayon kung madaming transferees, I am in excruciating pain right now, so I don’t fu*cking care about girls!” mariin kong saad sa kaniya
“Ah basta! Pumasok ka, okay?” pagpupumilit nito sa’kin at saka ibinaba ang cellphone niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong gawin.
Dahil kailangan ko pa ring pumasok, ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbibihis kahit masakit ang katawan ko sa pagkahuhulog ko sa sahig. There is no point for me to rush with my tough situation right now. I just need to change slowly. Not taking a bath won’t hurt me anyway.
Kasabay ng sakit na nararamdaman ko habang sinusuot ang aking pantalon, ay ang unti-unting pagpatak ng aking mga luha sa aking damit nang hindi ko namamalayan. Marahil ay hindi lang ako sanay na walang nag-aasikaso sa akin araw-araw.
Simula kasi nang mawala si Mommy, kinailangan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. I can only vent on her, so it’s really hard for me to live alone. Nasanay akong dumipende sa kaniya nang madalas, kaya nang pumanaw siya ay madalas rin akong mabigo pagdating sa mga simpleng bagay tulad na lamang ng paghahanda ng almusal hanggang sa pagluluto ng hapunan, hindi ko ito magawa nang maayos, dahil halos hindi ko ito naranasang gawin ang mga ito noon. Kaya minsan ay nagpapalipas na lang ako ng gabi sa bahay nila Rex at minsan doon na rin nanananghalian. Rex’s parents are kind and hospitable. Sa totoo niyan, matalik na magkaibigan rin ang mommy niya at mommy ko, kaya parang anak na rin kung ituring nila ako sa bahay nila.
“Wait, I still have classes to attend to,” I said in my mind.
“Hell yeah! It’s passed 8 already!” sigaw ko at saka biglang bumangon na Hindi alintana ang sakit ng katawan.
I hurriedly put my facemask on and carry all my stuff with me.
*****
KASALUKUYAN ako ngayong nag-aabang ng masasakyan nang bigla akong makaramdam ng pagkaihi. Marami na ang sasakyang nagsisidatingan ngunit, kahit anong pilit kong gawin ay parang ito na mismo ang kusang kumakawala sa pagpipigil ko. Hindi ko na kayang indahin pa, kaya nagtungo na’ko sa isang eskinita malapit sa Mabuhay street at dali-daling ibinaba ang zipper ng aking pantalon. Habang abala akong umiihi sa may gilid ay bigla kong nakita ang isang karatulang may nakasulat na, “Aso ka ba? Bawal umihi rito?” kaya naman ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa nakakatawang karatula na ’yon.
Isasara ko na sana ang aking zipper nang biglang may nakita akong babaeng nakauniporme na hinahabol ng isang grupo ng mga kalalakihan sa may eskinita. Narinig ko ang isa sa kanila na sumisigaw. “Doon! Hanapin niyo roon, dali!”
Nakita ko kung paano hinablot ng isang miyembro ng mga kalalakihan ang itim na shoulder bag nito, malapit sa eskinita. Dahil sa nasaksihan ko, agad akong nagtago sa kabilang pader upang hindi ako mapasama sa anumang gulo. Gayunpaman, kahit kanina ko pa gustong-gusto umalis ay parang may pumipigil sa’kin. Kahit ano pang gawin ko ay hindi ko kayang umalis dahil mas ramdam ko ang pagkaawa kaysa ang umalis na lamang basta-basta.
“Tulong! Tulungan ninyo ako! Uhmmm… uhmm…” sigaw nito habang hawak-hawak siya ng mga lalaking humahabol sa kaniya.
“Ibalik mo ang perang inutang ng tatay mo sa amin kung ayaw mong buhay mo ang ipangtutubos niya,” wika ng isang lalaking may taas na mahigit-kumulang anim na talampakan at may malaking pangangatawan na puno ng tattoo.
Mahahaba rin ang buhok nila maliban ang isa sa kanila na wala ni isang hibla man lang ng buhok sa ulo.
Sinenyasan ng lalaking tinawag na boss ng mga kasamahan niya ang isa sa mga tao niya na halungkatin ang bag nito, habang ang iba naman ay mahigpit na hawak ang kamay ng babae upang hindi pumalag.
“Ano ba, Kalbo! Bitiwan mo nga ako. Bitiwan niyo ako kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa mga kinauukulan,” pagbabanta nito sa mga lalaki. “Wala kayong makukuha sa akin, kahit ano pang gawin niyo sa’kin,” dagdag pa niya.
“Ah? Matapang ka ha! Tignan natin ang tapang mo ngayon,” sabad ng lalaking kalbo.
Hindi nagpaawat ang mga ito at hinalungkat pa rin nila ang bag nito hanggang sa makita nila ang malaking halaga ng perang nakatago sa loob ng wallet ng babae.
“Teka lang, huwag ’yan, please po, huwag po ’yan, sir,” pakiusap niya sa mga ito.
“Okay! Jackpot! May pera ka pala dito, eh,” wika ng isa sa mga alagad na abot tainga ang ngiti dahil sa nakitang pera sa wallet.
“Anong jackpot ka diyan, huh! Akin na nga yan,” saad ng kanilang lider, saka mabilis na hinablot ang pera sa kamay ng kaniyang tauhan. Sinabi niya sa mga tauhan niyang bitiwan na ang babae dahil kanina pa palag ng palag.
Naisip kong baka may atraso ang babae sa mga lalaking ’yon, kaya naman parang nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi.
“Please po, sir, maawa po kayo, kailangang kailangan ko po ’yan,”sambit ng babae na halos hindi maipinta ang mukha habang lumuluha ito at halatang takot na takot. “Promise po, babayaran ko po kayo sa susunod, ibalik niyo lang po ’yan,” pagmamakaawa niya.
“Hindi mo ako makukuha sa pagmamakaawa mong ’yan, kung gusto mo, bayaran mo na lang kami kahit isang gabi lang,” sambit ng boss nilang parang may kung anong kalaswaan ang naiisip nitong gawin sa babae.
Sinubukang lapitan ng lider nila ito, na parang may masamang balak. Inilapat nito ang kamay niya sa luhaang mukha ng babae at hinaplos nang bahagya ang pisngi at buhok nito. Sino ba namang tao ang hindi matatakot sa mga taong ’to? Parang mga miyembro ng sindikato, mula sa pananamit hanggang sa postura’t ugali ng mga ito.
Habang pinagmamasdan ko sila, kita ko sa kaniya ang magkahalong lungkot at takot sa mga taong may masamang balak sa kaniya. Hanggang sa may biglang tumunog na sirena.
“Boss tayo na! Nariyan na ang mga pulis,” sigaw ng isa sa kanila.
Kumaripas ng takbo ang mga ito hanggang sa nakalayo na sila sa lugar na iyon. Wala silang kamalay-malay na ito ay isa lamang sound effect na nanggagaling sa aking cellphone.
Dali-dali akong nagtungo sa pinangyarihan ng insidente. Nakita ko ang babaeng nakayuko at humahagulgol. Hindi ko alam, pero parang gusto ko siyang i-comfort at hawakan sa balikat, para tanungin kung ayos lamang ba siya, pero nag-aalinlangan ako dahil baka mapagkamalan niya akong isa sa mga lalaking kumuyog sa kaniya.
Hahawakan ko na sana siya nang bigla niyang sinunggaban ang kamay ko. Sa sobrang kaba ko, bigla nalang nag-init ang katawan ko nang mariin niyang hawakan ang mga ito. Namula ang pisngi ko at maging ang mga tainga ko. Natauhan lang ako nang bigla siyang tumayo at sinipa ang bahagi na nasa pagitan ng mga hita ko.
“Ouchhh! O-hhh! B*tch, the f*ck!” pagmumura ko habang hawak-hawak ko ang parteng sinipa niya. “The heck, miss, come back, heyy!”sigaw ko sa kaniya. “I shouldn’t have come here, damn b*tch. I shouldn’t have minded her business and just let those guys beat him to death,” bulong ko sa sarili.
Hindi ko masyadong matandaan ang mukha niya dahil naka-side view lang siya kanina pero baka matandaan ko siya kapag nagkita kami ulit. At kapag nangyari ’yon, siguradong hinding-hindi ko siya palalampasin. I’ll take my revenge.
Pinilit kong maglakad ng normal papunta sa hintayan ng mga sasakyan na parang walang nangyari, kahit na medyo namimilipit ako sa sakit dala ng malakas na pagkakasipa niya sa’kin.
While I am waiting for a cab, two gays are looking at me. I just grin, thinking that they just want to look at my handsome face. When suddenly, I saw them looking at my pants, only to find out that my fly was open. Na-realize kong hindi ko pala naisara ito kanina, dahil sa biglaang pangyayari. Nanlaki na lamang ang aking mga mata at dali-dali ko itong isinara. Buti nalang at may taxi na huminto sa harap ko at saka ako nagmadaling pumasok dala ng sobrang hiya. I was hoping na wala ng nakakita rito bukod sa kanila. I hope so.
"MA!” Habang tumatakbo si Dianne papalapit sa kaniyang ina ay siya namang pag-buhos ng kaniyang mga luha. Agad niyang niyakap nang mahigpit ang kaniyang ina na para bang matagal na silang hindi nagkikita . Nabigla rin ako sa nanyaring ‘yon dahil hindi ko naman alam na ang aleng ‘yon pala ay ang kaniyang mama. Bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin ni Dianne tungkol sa karamdaman ng kaniyang ina. Kaya siguro ganoon na lamang ang pag-aalala nito Agad pumasok sa aking isipan ang sinabi ng Aleng nakausap ko kanina- mama ni Dianne. Nabanggit niyang may kakambal ang yumaong anak nito. Kung hindi ako nagkakamali, Danica ang narinig kong sinabi nitong pangalan. Isa pa’t narinig ko rin na Danica ang tawag ng mama ni Dianne sa kaniya. Nais kong maliwanagan sa mga nangyayari. Nais ko rin sanang tanungin si Dianne tungkol dito, ngunit baka isipin lamang niyang, nanghihimasok ako sa buhay niya. “Ma! Alalang alala kami sa’yo! Lalong
Dianne’s POV ARAW ng Linggo. Ang maliwanag na sikat ng araw ang siyang bumungad sa akin sa aking paggising. Ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak sa tapat ng aking bintana ay amoy na amoy ko. Nararamdaman kong magiging isang magnadang araw ang Linggong ito para sa akin. Sa aking pagbangon, ang walang-kaparis na amoy ng barakong kape at pandesal ang sumalubong sa akin. Dali-dali na akong nagtiklop ng aking higaan dahil atat na akong makisalo sa umagahan namin. Pagbukas ko ng pintuan ay saka naman tumambad sa akin ang amoy ng parang nasusunog na kanin. Agad akong tumakbo upang apulahin ang apoy. Pangatlong beses na kasi kaming nasunugan dito sa amin at ayaw ko nang mangyari ang mga sakunang napagdaanan namin noon, kaya agad kong pinatay ito, bago pa ito sumiklab ng tuluyan. “Ma!!! Ano bang ginawa mo? Diba ilang beses na kitang sinabihan na huwag magluluto ha! Diba? Sinabi ko sa inyo na huwag na huwag kayong magsasaing dahil baka pagmulan ito ng sunog!” bulyaw
Chapter 9.2 MAG-AALAS-KUWATRO na pero andito pa rin ako sa kinauupuan ko. Nakatingin sa field kung saan naglalaro ang mga athletes ng football, loan tennis at baseball. Bigla na lamang sumagi sa isip ko ang nangyari kay Dianne sa field noong nag-pa-practice sila ng Cheerdance—it was just an accident that time. Sa dinami-rami ba naman ng puwedeng tamaan ng bola, si Dianne pa talaga. Looking back, magkagalit pa kami noong mga sandaling ‘yon. Also that time when I realized that everything is just misunderstanding between us. I was even childish on the part where I took revenge because of the incident happened before where he kicked my balls out. Now, I am gradually realizing that those things aren’t as bad as I was thinking before. And I just learned that those things can be considered as memories. ***** DAHIL nangangawit na’ko sa t
KASALUKUYAN akong nasa library ngayon. As expected, tahimik lang at kalmadong nagbabasa ang mga estudyante kung titingnan. Aakalain mo talagang bibliophile ang mga ito dahil sa paraan ng kanilang pagbabasa. Karamihan sa kanila ay naka-eyeglasses—mga genius kung titingnan. May iba ring naka-earphones habang nagbabasa, may mangilan-ilan ding nakapatong ang ulo sa desk habang nagbabasa. Samantalang ang iba naman ay abalang nagsusulat. Nakakainis lang dahil halos tumulo na ang luha ko sa istoryang nabasa ko kanina lang. Konti na lang talaga at papatak na ang mga ito. Hanggang sa itinigil ko itong basahin dahil baka may makakita pa sa akin, at kung ano pa ang isipin nilang iniiyakan ko. Nahihiwagaan lang ako sa librong ito dahil parang may pagkakaparehas kami ng male lead nito. Maliban sa gwapo at malakas ang dating, nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. While reading this, it seems like any moment, I would burst into tears. He lost his mother a year ago and have to live b
“Uy, sorry ulit ha!” “Ano ka ba wala na sa akin ‘yon. At saka ako rin naman may nagawang hindi maganda sa’yo kaya quits na tayo” tugon ni Dianne. “E parang galit ka pa sa'kin eh,” muli kong saad. Hindi ito agad nakapagsalita, kaya naisip kong baka hindi pa umuupa ang galit nito sa akin. “Hindi naman. Mukha ba akong galit?” usisa nito,sabay hawak sa kaniyang pisngi at noo na parang sinusuri nito kung meron itong wrinkles. “Siguro, stress lang ‘to. Puyat lang siguro ako!” pabirong sabi nito. Sa totoo lang, naisip ko ring baka stress lang siya kaya para itong down na down sa lagay na ‘yon. “Dianne, do you mind if I ask you something?” “Ahh? Ano ba ‘yon?” anito. Tatanungin ko sana siya kung meron ba siyang problema dahil sa kaniyang ‘di maipintang mukha, pero naisip kong baka isipin niyang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.”Ah, tanong ko lang sana kung bakit ka hinahabol ng mga—.Alam mo na, ng mga l
Aiden’s POV“Dianne! Sorry!”“Oo inaamin ko, nagkasala ako sa’yo. Pero hindi ba’t Ikaw ang nauna. Kung hindi mo sana ako sinipa noon sa may ano, e di sana wala sanang away na naganap! Pero sige ako na lang magsorry”“Hay nako!!! Bro, paano maniniwala si Dianne sa’yo na sincere ka, kung pati paghingi ng kapatawaran, hindi mo magawa nang tama,” bulalas ni Rex, habang nag-pa-practice ako sa salamin sa kaniyang vanity table kung paano ako hihingi ng tawad kay Dianne.“Eh anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan niya at mag-sorry hanggang sa mapatawad niya ako?”“Kung gusto mong patawarin ka niya, you have to show that you are worthy enough of her forgiveness. Do everything you know that is right , mapatawad ka lang” dagdag nito.“Eh total ikaw nakaisip niyan, bakit hindi kaya ikaw ang gumawa. At saka, ikaw rin naman ah! May atraso ka rin sa kaniya. Ika