Share

Whatever is Meant to Be, Will Be
Whatever is Meant to Be, Will Be
Author: Ammy Ribay

Chapter One

HUMAHAGULGOL na yumakap kay Armina ang kapatid na si Samantha pagpasok niya sa loob ng bahay.   It was already nine PM, kauuwi lang niya mula sa maghapong pagtatrabaho sa isang accounting firm.  Nag-demand ng overtime ang kanilang boss kaya ginabi siya ng uwi.  She knew there was something wrong with Sam.  Noong isang araw pa niya napapansin ang unusual behavior nito.  Matamlay ito at laging nakatingin sa malayo.  Obvious na may bumabalisa rito.  Tinanong na niya ito, actually, ng tungkol doon kahapon.  Okay lang daw ito.  Kahit alam niyang hindi totoo iyon, hindi na siya nag-insist na alamin  ang totoo.  Kilala niya si Samantha.  Hindi magtatagal, kapag hindi na nito kayang dalhin ang problema, hihingi rin ito ng tulong sa kanya.   At sa nakikita niya sa ngayon, malamang sasabihin na nito sa kanya ang bumabalisa rito. 

             "It’s confirmed, Ate,”sabi nito.  "I’m pregnant.”      

            Napanganga si Armina. Gilalas.  Tama ba itong narinig niya? Kumalas siya sa kapatid. “A-anong sabi mo?”              

            “Oo, Ate, buntis ako" sabi uli ni Samantha.  "Akala ko delayed lang ako.” 

            “Buntis ka?”

            “Paulit-ulit, Ate? Paulit-ulit. Ano ba’ng sabi ko sa ‘yo?” Nagpabalang na naman ng sagot ang kapatid kagaya nang dati.

             “Ano rin ba’ng sabi ko sa ‘yo?” Tumaas na ang boses ni Armina. “Di ba sabi ko sa ‘yo, huwag munang mag-boyfriend? Umo-o ka.  Nangako ka. Pero ano ‘tong sinasabi mo? Buntis ka kamo? Malinaw na hindi  mo tinupad ang pangako mo, Samantha.”

            “Eh, wala naman talaga akong boyfriend, Ate,” wika nito.

            “Niloloko mo ba ‘ko, Samantha?”

            “Totoong sinasabi ko, Ate.  Wala akong boyfriend.”

            “Kung ganoon, paano ka nabuntis?”

            Hindi ito sumagot.

            “Lintek na ‘to!” asik niya sa kapatid.  “Paano ka sabi nabuntis?”  Pinandilatan niya ito ng mga mata.

            Tinampal niya ito sa pisngi nang hindi pa rin ito sumagot.

            “M-may nakilala ako sa birthday party ng kaibigan ng kaibigan ni Denise,” sagot nito.  "At siya ang ama nito, Ate."

            “W-what?  Nagpagalaw ka sa bago mong kakilala?” Armina couldn’t believe it.   Nagkamali ba ng pagpapalaki ang mga magulang nila kay Samantha?

            “Nalasing ako, Ate.  Tapos, nagising na lang ako na nasa ibabaw ng kama, nakahubad.”

            “My God, Samantha!” bulalas ni Armina.  Gigil na gigil na siya sa kapatid.   Totoo ba itong mga naririnig niya mula sa bunsong kapatid?  “Di ba kabilin-bilinan ko sa ‘yo na huwag na huwag kang titikim ng alak?  Bakit mo sinuway?”

            “Eh, pinainom ako ni Ralph.”

            “Sinong Ralph?”

            “’Yong tatay nitong magiging baby ko, Ate.”

            “I just can’t believe this is happening now.”  Nag-aaburidong napaupo si Armina sa isang armchair na malapit sa kanya. “Pabaya ba akong kapatid sa ‘yo, Samantha? Pinangangaralan naman kita, di ba? Pinalaki ka naman ng matino ng mga magulang natin, di ba?  Bakit nabuntis ka sa edad mong iyan?  Wala ka pa ngang disiotso.”

            “Huminahon ka, Ate” ani Samantha.  “Baka kung mapano ka.”

            “Hinahon?  Paano ako hihinahon?  Bakit ako hihinahon?   Sabi mo buntis ka!”

            “What are we going to do now, Ate?”

            Tinapunan ni Armina nang matalim na tingin ang kapatid.  “Sa palagay mo, ano?”

            Umiling ito.  “I don’t know.  But one thing  na gagawin ko for sure.  I want to keep this baby, Ate.”

            Armina sighed. “Hindi ko alam kung saan kami nagkulang sa ‘yo, Samantha.   Paano ang pag-aaral mo?  Grade 12 ka pa lang. Paano ka  makakapagtapos niyan? Sayang.  Marami pa sanang magagandang bagay ang maaaring mangyari sa ‘yo.  Alam mo ba kung ano ang pinoproblema ko pa sa ngayon?  Ang nanay at tatay.  Paano natin sasabihin sa kanila ‘yang kondisyon mo?”  May sakit sa puso ang kanilang ama.  Maaring ikapahamak nito kung malalaman ang kondisyong ng bunsong anak.  Ang kanilang ina naman ay aktibo sa kanilang parokya.  Masyadong relihiyosa.   Mahalaga rito ang sasabihin ng mga tao.  Kaya itong pagbubuntis na ito ni Samantha, tiyak na hindi kayang tanggapin ng kanilang ina.  At tiyak rin na siya ang sisisihin ng mga magulang dahil imbes na nananahimik na nag-aaral sa probinsiya si Samantha,  kinuha niya at dinala sa Maynila para pag-aralin.   Natural, pananagutan niya ito.          

            “Papanagutin natin si Ralph, Ate,” wika ni Samantha.

            “Aba, dapat lang!”

            “Kaya lang, hindi ko alam kung paano siya kokontakin.  Ni hindi ko nga alam kung anong apelyido niya.  Hindi ko naitanong.”

            Uminit lalo ang ulo ni Armina.   “Shunga-shunga! Saan ka ba ipinaglihi, ha?  Sa puno ng mga tanga?”

            “Please naman,  huwag ka nang magalit, Ate. Ire-research ko na lang.”

            "I have all the reason to be mad at you, Samantha,” wika ni Armina.  “On the other hand, wala na tayong magagawa kundi ang harapin na lang ang sitwasyon mo.”

            “Kaya lang, sina Mama at Papa ang inaalala ko, Ate.”

            “Kung mapapanagutan ka ng Ralph na ‘yan, siguro naman, tatanggapin na lang nila ang naging kapalaran mo.”

            “Tulungan mo akong hanapin siya, Ate.”

            “Maaatim ko ba naman na pabayaan kita?  Siyempre, hindi.  Magtulungan tayo.  Hanapin natin ang lalaking responsable sa ipinagbubuntis mo.”

ISANG paraan lamang ang naisip ni Armina para mahanap ‘yong Ralph na nakabuntis sa kapatid niyang si Samantha.  Ang humingi ng tulong sa isang private investigator. 

            Bukod sa wala siyang kakayahang maghanap ng taong pangalan lamang ang alam, wala rin siyang oras.  Isang taong ekperto sa ganoong trabaho ang kailangan nila. 

            Katrabaho ni Armina ang nagrekomenda ng isang detective agency. De Chavez Detective Agency ang pangalan. At iyon ngayon ang pupuntahan niya.  Nasa dako iyon ng Quezon City. 

            “Finally,” wika ni Armina.  Nakarating din siya sa sadya niya matapos niyang makipagbuno sa matinding traffic.  She maneuvered her second-hand KIA into the parking lot and switched off the engine.

            The front door to the office – building complex was open, a coffee shop on the first floor was full, okupado halos lahat ng mesa.  She rushed for the elevator and punched the button for the second floor where the De Chavez Detective Agency office was located. Paglabas niya mula roon,  ang pintuan mismo ng detective Agency ang tumambad sa kanya.  The word DE CHAVEZ DETECTIVE AGENCY were written in big bold letters at the top of the door which was made of heavy glass.   Pagpasok niya sa loob, a full blast of air conditioning ang sumalubong sa kanya.  There was a blue couch, a square side table made of glass.  There was no vase on top of the side table,  newspapers and magazines were on it instead.  Her footsteps made no sound as she made her way toward the reception area na wala namang tao sa desk niyon.

            Pero isang lalaking nakatalikod sa kanya ang umagaw ng pansin niya. The guy was  six-feet tall.  Malapad ang balikat.   Kupas na pantalong maong at stripe polo shirt ang suot nito.  His stance looked familiar to her.  And there was something about stripe polo shirt that intrigued her. 

            “Excuse me,” tawag niya sa atensiyon ng lalaki.

            The man spun around so sharply at the sound of the unexpected voice behind him.

            And Armina froze.  Sinasabi na nga ba niya.  Nang mga sandaling iyon --- Sabado,  alas otso ng umaga, buwan ng Hunyo—hindi siya maaaring magkamali. 

            “M-Migs!”  Parang bumara sa lalamunan niya ang pangalan.  It was indeed Migs, her ex-fiance.Bukod sa nag-matured nang konti at humaba ang buhok nito ay wala namang gaanong nagbago rito.  Still, ubod pa ring guwapo ng herodes.

            “A-Armina?” said the man.  Tila nagulat din itong makita siya roon.  But there was that familiar twinkle in his eyes that showed when he was pleased.  Maybe, Migs was glad to see her.   “W-what are you doing here?”

            “I-I’m looking for a PI at dito ako itinuro ng officemate ko.”  She didn’t recognize her own voice.  It sounded so awful and faraway.

            “Ganoon ba?  Well, you’re in the right place.”

            “How about you, what are you doing here also?”

            “My uncle owns this detective agency and I work for him.”

            “Really?  Hindi ka na nagpupulis?”  Noong sila pa nito, pulis ito. 

            “Wala, eh.  I had to leave the service after what happened to us.   Alam mo na, nasaktan at napahiya.”

            “I’m sorry,” she said.  “I know, overdue na ito pero gusto kong humingi ng tawad sa ‘yo.”

            “It’s been three years …”

            “Four actually,” sabi ni Armina.

            “And I’ve moved on already,” anito.  “Napatawad na rin kita.”

            Napatingin si Armina sa mga kamay nito. May nakita siyang singsing na nakasuot sa isa sa mga daliri nito,  an engagement ring.  So, engaged na si Migs.

            Tila may kumurot sa puso ni Armina.

            “Salamat naman kung ganoon.”

            “Still single?” tanong nito.

            Tumango lang siya.

            “Talo kita. Malapit na akong ikasal.” Ipinakita nito sa kanya ang suot na engagement ring.    “Pagbalik ni Lily, my fiancée, mula Dubai, magpapakasal na kami.”

            Hindi alam ni Armina kung bakit pero parang may kumirot sa puso niya. Ngunit ngumiti pa rin siya.  “Good for you, Migs.

            “Maupo nga pala tayo.”  Inaya siya nito doon sa blue couch.

            “So, bakit kailangan mo ng PI?” tanong ni Migs matapos silang maupo.

            “May gusto sana akong ipahanap,” tugon niya. 

            Kumuha ng notebook at ballpen si Migs from his desk drawer. 

            “I need you to find a man,” aniya.

            Tila natigilan ito pero nakabawi rin naman kaagad.

            “What’s his name?”

            “Ralph.”

            “Apelyido?”

            “Hindi ko alam.”

            “Address?”

            “Hindi ko rin alam.”

            He looked up.  “Ano’ng alam mo tungkol sa Ralph na ‘yan?”

            “Hmm….”  binalikan niya sa isip ang description ni Samantha sa “Ralph” na hinahanap nila.  “He’s several taller than me,  siguro, mga five-nine.  Moreno, medyo kulot ang buhok.    He’s probably in his thirties o late twenties.”

            Nagsulat sa notebook si Migs bago nagpatuloy.

            “Why do you want me to find Ralph for you?”

            “Dahil may pananagutan siya sa kapatid kong si Samantha.”

            Migs seemed relieved for a moment.  Ngunit nangunot ang noo nang mapatingin sa kanya.

            “May pananagutan kay Sam?  Why?  Anong ginawa niya sa kapatid mo?”

            “Binuntis niya si Sam, Migs.  Ang he’s nowhere to find.”

            “I don’t understand,” usal ni Migs.  Lalong nangunot ang noo nito.  “Tell me everything.”

            Idinetalye ni Armina kay Migs ang lahat na nalalaman niya tungkol sa “Ralph” na iyon.

            “You want me to find Ralph para ipaako rito ang dinadala ng kapatid mo?” ani Migs matapos marinig ang kuwento ni Armina. 

            “That’s right,” tugon niya.

            “Hindi mo ba naisip na hindi n’yo naman lubos na kilala ang lalaking ‘yon and yet you want him to marry Sam?”

            Napaisip doon si Armina.  Come to think of it.  Hindi sumagi sa isip niya iyon at may punto doon si Migs. 

            “Maybe, you could file a case against him,” suhestiyon ni Migs.  “I guess, Sam is only seventeen, a minor.”

            “Yeah, Sam is a minor and you have a point there, Migs.  I’ll consider it.  Pero hanapin mo muna siya,” wika niya.  “Saka na lang natin pag-usapan kung anong dapat gawin sa kanya.  Ang gusto ko lang muna ay ang mahanap siya, makilala kung anong klaseng tao siya  at malaman niyang nabuntis niya ang kapatid ko.”

            “Okay.”

            “And before I go, Migs, I want to thank you for forgiving me. Matatahimik na rin ang conscience ko.”

            Hinawakan ni Migs ang isang kamay ni Armina, pinisil iyon.  Strange,  may kakaibang naramdaman siya roon.

            “It’s good to see you again, Armi.” anito.

            “Me, too, Migs,” wika niya.  “Natutuwa rin akong makita ka.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status