Share

Angel

Kabanata 4

Angel

Nakalublob ang mga paa ko sa ilalim at malamig na tubig habang tahimik na nagmamasid sa paglangoy ni Antonio. Nandito ako ngayon nakatambay sa bahay nila. Tatlong bahay lamang ang layo ng bahay nina Antonio sa bahay namin. Pupuwedeng lakarin. 

Our house is not big as their properties, kung ihahambing mas moderno ang sa kanila, mas malawak, mas marami ding kasambahay. Idagdag pa ang dami ng sasakyan na collection yata ng kanyang ama. Hindi kasi lahat ginagamit, ang ilan ay nakadisplay lamang sa kanilang garahe. 

Hindi ako nagpapalipas ng oras para makiligo sa malawak na swimming pool nila. Damn.. it's annoying for me to see him wearing nothing but only with his trunks on. Don't get me wrong Antonio's had a good shape, nice ass too at may pandesal ring maipagmamalaki but who am I kidding? Masyadong masakit sa mata na ganyan lang ang kasoutan niya. But I have no place to go, Antonio's place were the best option.. I guess.

Paulit-ulit kong binabalikan sa utak ang nakaligtaang pregnancy test. It's been two weeks now since that day. Iningatan ko iyon, pinangalagaan na walang ibang makakaalam. Pero, kapag minamalas ka nga naman, hindi ko pa rin talaga maalala kung saan ko iyon naitabi. Ang pagkakatanda ko naisilid ko iyon sa bulsa ng pantalon. Ang ikinababahala ko.. papaano kung nasa labahin pala ang pantalon kung saan ko naisilid ang pregnancy test? Mayayari ako nito ni Papa pagnagkataon. Papaano na lang kung si Nanay Celia ang nakahanap nun? Pagkatapos iaabot niya kay Papa? Naku naman! Posible kasing mangyari ang iniisip ko, bakit hindi? E, napakaloyal ng matanda sa kay Papa.

"Asar!" Sumabog ang tubig sa lakas ng pinakawalang sipa. May tumalsik din sa mukha na mas lalong ikinairita.

"Iligo mo na lang kasi yan sabi. You're just overthinking Renz." 

I raised my middle finger at him.

"Magpakasawa ka kalalangoy diyan, and who knows baka naihi ka na pala riyan 'di nainom ko pa ang bacteria'ng naipon mo diyan.." 

"Tss.. arte!" Lumangoy ulit siya pero ngayon patungo na sa puwesto ko. And because I'm still thinking 'bout that damn pregnancy test, tutok man ang mga mata sa bughaw na tubig wala naman roon ang buong atensiyon. Kamuntik akong mahulog sa malalim na tubig ng pabirong hilahin ang nakalublob na mga paa sa tubig.

"Damn you!" Sigaw ko ng makita kong namumula na siya katatawa. Nagpeace sign pa ang gago!

"It's not funny Antonio!" 

Sa sobrang inis sunod-sunod kong pinadyak ang mga paa na naglikha ng maingay na tunog ng tubig kasabay ng malakas na pagtalsik nito. Napalayo sa puwesto ko si Antonio habang nakaangat ang kanang kamay.

"Stop it Renz.." Sumusuko na siya, pero malakas pa ring tumatawa. And then a splash of water were blast on the other side of the pool. Pareho naming nalingunan ni Antonio.

"I think it's Craig.." Napakunot-noo ako sa pangalang kanyang binanggit. 

Who's Craig? 

"... I mean, Matthias. His real name is, Matthias Craig San Diego."

"Okay." I nodded. Pero, mas lalo pa yatang nag malfunction ang utak ng makita ko ang kanyang suwabeng galaw. I mean is he a professional swimmer? Or an athlete during his college days? Napataas ang kilay ko ng makitang nagbago siya ng istilo sa paglangoy.. 

Damn it! 

Ito na naman kasi ang pakiramdam na namamangha ako sa bawat paggalaw ng lalaking ito.. at mas lalo pang namangha when his forearms moved sideways at nakitaan ko pa ng kanyang maugat na mga braso.

Namamangha na naman ulit ako na kahit ang malaking alalahanin kanina ay nabubura na. 

Siniko ako ni Antonio.. napaigtad ako. Tang ina! Mahirap mang aminin pero... 

"You okay?"

Ano? Pati ba naman sarili ko i-who-who you ko na rin?

Napakamot ako sa ilong.. 

"Tingin mo?" Maangas kong saad. Pilit iniignora ang pigura ng lalaking abala kalalangoy.

He's a bit hesitant, I sensed it.. "You like him..? Or attractive to-"

I bit my bottom lip. "I'm not gay.." Sabay iling. "You knew me to well.. and that's for sure Antonio,"

He sighed.. 

"Of course you're not gay.. But Florencia, you're still a girl. You don't act like one, but you're still is. Like you said, I know you too well... and it's okay if you're attracted to your opposite sex-"

Dahil hindi ko na makayanan ang kanyang mga paratang padabog akong tumayo sa kinauupuan. Nakatingala siya sa akin ng tumunog ang telepono sa bulsa ng suot na pantalon. 

Tumutulo pa ang tubig sa paa ng maglakad ako patungo sa gilid ng pool kung saan naroon ang sun lounger. Malilim ang parteng iyon malalago kasi ang mga dahon malapit roon. Sa gilid may ilan ding bulaklak na sumisibol ngunit nasa ibang bahagi ang hardin may ilan lamang tumutubong halaman doon.

Ilang hakbang na lang mararating ko na ang pupuntahan, pero napaatras ako sa gulat. 

Naroon si Matthias?! 

Hayop tol, ang bilis! Kanina pa ba siya riyan? Hindi ba lumalangoy pa 'yan noong nag-uusap kami ni Antonio? Masyado ba kaming abala sa pag-uusap ni Antonio na kahit ang pag-ahon niya sa tubig 'di ko man lang namalayan? O baka naman may sa bampira ang isang 'to?

Diyahe! Kampante siyang nakaupo roon. Pinupunasan ng puting tuwalya ang basang katawan. Katulad ni Antonio, tanging swimming trunks lang din ang suot sa katawan. 

Parang aatras akong 'di mawari sa kinatatayuan. Got stiffened too at the sight of him. Mas lalong napako sa kinatatayuan ng punasan niya ang kanyang mukha nagtagal sa kanyang panga. I saw his veins on his arms protruded while moving his hand wiping his wet body using his white towel. 

Tumunog ulit ang telepono ko sanhi ng pagkakagising ng nahihipnotismong diwa. Napabuntong-hininga sabay hugot ng telepono sa bulsa.

Si Papa?

Bakit ako tatawagan ni Papa?

God! Nahanap na ba ni Nanay Celia iyong pregnancy test? Naibigay niya na sa kay Papa?

Taranta kong napindot ang end button.

"Shit!" I burst out.

I heard someone's clearing his throat. Labag sa loob akong nag-angat ng tingin. Iminuwestra niya sa 'kin ang espasyo ng sun lounger. Malaki siyang tao kung kaya't kunting espasyo na lamang ang mauupuan ko. I don't care though. Don't have plan to sit beside him... Pero dahil sa natataranta pinaunlakan ko na rin ang kanyang paanyaya. Kahit pa nga naapektuhan talaga ako ng kanyang presensiya.

Bakit nga ba?

Dahil ba sa katawan niyang nakabalandra? Pakialam ko ba! 

Tang-ina!

Sabayan pa ngayon ng tawag ni Papa?

Ano? Magmumukhang tanga na naman ako sa harapan niya?

Ganito na lang ba parati ang interaksiyon ko sa kanya? Iyong lubog na lubog ako sa kahihiyan? Kung hindi niya ako nahuhuling nakatitig sa kanya.. sa mapupulang labi niya to be exact, mapapako naman sa kanyang malaking kargada?

Damn it! 

Ilang butas na kaya ang nawasak niyan?

Napakapayapa kung titingnan ako, pero ang isiping katabi ko lamang siya wearing with his black trunks?

A hundred shits of it!

"Who's that? Hope you don't mind.." Sabay kaming napatingin sa teleponong hawak ng muling tumunog. 

My eyes leveled on his chiseled chest. Agad akong napaiwas ng titig roon at sa mga basang paa na lamang tumitig.

Another awkward moment!

A hundred of shits again dude!

"P-papa..."

Pati yata kaluluwa ko'y napapabuntong-hininga sa sobrang takot ko kay Papa. Maging boses ko'y tila hinipan ng malamig na hangin sa sobrang lamyos. Tila nawala na rin sa sarili ng muli pang marinig ang diin sa boses ni Papa.

"Go home now." Napapikit ako ng mariin. Ito na marahil ang delubyong hinihintay ko. Dala ng matinding nerbiyos nahila ko ang suot na sumbrero. Hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang nakapusod na buhok sa ilalim niyon. Hindi ko ito naitali kanina sapagkat basa pa rin.

Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Antonio. Nanatili siya sa kanyang puwesto ngunit nakatanaw naman sa akin, hindi kumukurap.. Nawala ang atensiyon ko sa kanya ng muling magsalita si Papa.

"...And I said now Florencia!" Nakikinita ko ang matikas na anyo ni Papa. Ang kanyang striktong mukha ay walang mababakas na awa. 

"Tang-ina talaga!" Maiihi pa yata ako sa labis na kaba.

"Cursing is bad young lady.." He licked his lower lip. It feels like time froze when I decided to glance at his sudden move. Napatunghay pa lalo ng sinabayan niya ng ngisi. 

Shit! Shit! And Shit!

"It doesn't suit you.. You look like an angel..." Magkahinang ang mga mata namin ng sinabayan ko ng tayo dahil sumisigaw na si Papa sa telepono.

Pero ang totoo? Pinipilit ko na lang ang mga paang ihakbang na tila napako na roon. Galit na galit na si Papa pero nangingibabaw pa rin ang nakakalitong presensiya ni Matthias. Ramdam ko ang pagsitayuan ng mga balahibo sa batok. Isabay pa ang lakas ng kabog sa dibdib.

Kaya ang ginawang palusot, kumaripas na ako ng takbo kahit na paulit-ulit na tinatawag ni Antonio at kahit pa nga nakaligtaan na ang pinakamamahal na sumbrero...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status