Share

Prinsesa

Kabanata 5

Prinsesa

Halo-halong emosyon ang lumulukob sa akin habang patakbong pumapanhik sa buong kabahayan. Ngunit mas malinaw pa sa tubig ng swimming pool nina Antonio ang hubad na katawan ni Matthias sa aking kaisipan. Habang tumatakbo pilit ko ring itinataboy sa aking diwa ang basang katawan ng pinsan ni Antonio.. his god damn masculinity was lingering in my mind tila isang rumaragasang bagyo, at walang planong lisanin ang utak. 

His wet seductive hair.. his six pack abs damn it!

Naikuyom ko ang mga palad, nahahapong pumasok sa loob ng bahay pilit winawaglit ang imahe ng kaakit-akit na katawan ni Matthias. 

Kaakit-akit?!

This is bullshit!

Nang nasa salas na, kaagad na huminto, iginala ang mga mata. I saw Papa leaning his body on the staircase. Kunot ang noo, salubong ang makapal na mga kilay. Larawan sa matigas na ekspresiyon ang nag-uumapaw na galit. Beside him is Mama. Marahang hinihimas ang likod niya marahil upang kumalma.

Si Kuya Javier  nakahalukipkip sa likod ng single sofa kung saan nakaupo ang tahimik na si Kuya Leo, he's glaring at me with his signature cold aura. Magkatabi sila ni Kuya Vicente and as always he was damn calm unlike me na parang bibitayin ang pakiramdam.

Napalunok ako at muli pang sumulyap sa kay Papa. Hindi pa man siya nagtatanong pinanlalambutan na ako ng mga tuhod, nag-iinit ang pisngi, at tila gusto na ring takasan ng kaluluwa. 

Nag-iwas ako ng tingin kay Papa ng mapansin ang pag-igting ng kanyang panga idagdag pa ang pamumula ng kanyang pisngi!

I swear kung puwede lang tumakbo ginawa ko na.

I am shaking.. really am shaking inside! 

"Sayo 'to?" He spat in his most dangerous tone. Sumikdo ang dibdib at mariing pumikit. 

Hindi ko matitigan ng matagal si Papa. The way he delivered those words were like a daggers. Hindi na ako maaring makapagkaila.

"P..Pa.." Nanginginig ang bibig maging ang boses. Nasa kanyang malaking palad ang pregnancy test.

This was all my fault... 

I admit but whatever the consequences is.. hinding-hindi ko ilalaglag si Kuya Vicente.

Paninindigan ko ang kasinungaling ito. Hindi ko ipapahamak si Kuya. Ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aabogasya.

Suminghap ako at pilit na maging kalmado.

"P-Papa.." Sa takot ko sa kay Papa hindi ko na napigilan ang pangingilid ng mga luha. Hirap na akong huminga, hirap na hirap na ring salubungin ang mga titig niya.

"I'm sorry po.." Hindi pa man natatapos ang pangungusap nakita ko ang pagmamadali niyang bumaba sa hagdan, mabibigat ang bawat hakbang na kanyang binibitiwan. Nang tuluyan ng makababa inilang hakbang ang isang metrong pagitan. Papa grabbed my arms.

Ang higpit!

"Tell me that this is just a joke! Tell me now Maria Florencia!!"

Bago umiling sumulyap ako sa mga kapatid. Kuya Leo was swallowing hard naniningkit ang mga mata at direktang nakatingin sa kamay ni Papa sa brasong mahigpit ang hawak.

Kasabay ng pagbuhos ng kaba, sumasabay din ang mga luhang sumusungaw.

"P-pa.." My voice cracked. 

"Patawad po Papa.." Namamaos kong wika.. nagmamakaawa.

Inangat ko ang kamay na hindi niya hawak. Tangkang hahawakan ang aking striktong ama subalit ang planong paghawak ay dagling iniwasan. Napaluha ako ng tuluyan mas lalo lamang humigpit ang kanyang hawak.

"You're a big disappointment!" Pulang-pula na ang kanyang mukha. 

Pumikit ako ng makita ang pag-angat ng kanyang kanang kamay. Narinig ko ang tili ni Mama. Sa tili ni Mama ako labis na pinanlambutan. I want to hug her right now. Gusto kong maramdaman ang init ng yakap niya. 

Sa halip, boses ni Kuya Javier ang aking naulingan. I don't want to open my eyes yet, kung puwede nga lang hindi na lang ako dumilat.. sa sobrang kaba at sa takot ko na rin kay Papa.

"Pa.. masasaktan mo ang prinsesa natin.."

Napahagulhol na ako sa nagmamakaawang boses ni Kuya. He was hugging me real tight. Sa paraan ng pagyakap niya'y hindi na ako halos makahinga. 

Bibihirang pagkakataon ang makitaan ng kahinaan si Kuya Javier he was always the hard one. You can't tamed him.. no one can. Ngayon lang.. sa akin lang.

"You stay out of this Philip Javier, huwag mong kukunsintihin iyang kapatid mong sing tigas ng bato ang ulo!"

"We aren't sure about that damn thing! Malay niyo ho kung sa.. sa"

Hindi matukoy ni Kuya ang susunod na mga salita. Mahirap kasing itanggi ang dalawang linyang nakaguhit.

"Saan Javier?" Napalunok ulit si Kuya. Nag-aapuhap ng tamang salitang ibabato kay Papa.

"See? Pati ikaw, hirap ding pagtakpan ang katigasan ng ulo  niyang kapatid mo?"

"Papa..." Umiiling. "Ako na lang ang parusahan niyo-"

"Shhh."  Si Kuya Javier.

I cried more.. Takot na takot na talaga ako kay Papa. Papaano pa kaya kapag nalaman niyang kasinungalingan lang din ang lahat ng ito?

Anong kaparusahan pa kaya ang makakamtan ko?

"Sinong ama niyan?!" He said pointing my stomach. Sa lakas ng kanyang sigaw mas lalo lamang akong kinabahan. Nasusuka na rin sa tumitinding kaba, hinahalukay maging ang sikmura.

Umigting ang panga ni Kuya Javier. Ipinagtatanggol man ako ng kapatid batid kong nais niya ring malaman ang buong katotohanan. Lalo na ang makuha ang pangalan ng taong nakabuntis 'kuno' sa akin. Dahil sa maputing balat pansin ko na rin ang pamumula ng kanyang pisngi. Saan kaya siya humuhugot ng kontrol sa katawan?

Pero.. sino bang ituturo ko?

... Si Antonio?

Mariin ulit akong pumikit.

No.. hindi ko siya idadamay dito magkamatayan na. Sumagi sa aking isipan ang masiyahing mukha ng kaibigan. 

Nakakabingi ang labis na katahimikan, dahil lahat sila nag-aabang sa kasagutan.

Sumulyap ako sa naiiyak kong Mama. I saw myself to her. I am her carbon copy, only that she's my older version. Mula sa maamong mukha, sa kanyang matangos na ilong, kulay mais na mahabang buhok, sa bilugang mga mata, sa mapupula at manipis na mga labi.

We looked exactly the same but everything about me is a disaster kapag ka ikinokumpara na ako sa kanya. Ang ngiti niya'y halakhak ang aking sagot, and when she walks, she walks like a beauty queen she was always a prim and proper which is very far from my movements... because I was always this rough..

Umiiling siya.. hindi makalapit pinipigilan ni Papa.

"Sino?!" Napaigtad ako. Nalukot ko na rin ang laylayan ng tee-shirt ni Kuya Javier.. 

Madalas ko naman nang makitang galit si Papa, sa sitwasyong ito lang ang pinakamalala. 

Nangatog ang tuhod ko ng muling maalala si Antonio..

"Hindi ka pa rin magsasalita? You wanna make me a criminal, Maria Florencia?" Kapag ganyang binabanggit niya na ako sa buong pangalan wala ng makakapagpakalma sa kanyang nangangalit na sistema.

"This is the last time, who the fuck impregnate you?"

Mas lalo siyang lumapit, mas lalo naman akong niyakap ni Kuya.. pilit inilalayo sa kay Papa. Napahagulhol pa ako lalo. Sobrang lakas na ng pagtangis.

"Pa.."

Habang yakap ni Kuya Javier pinilit kong makalayo. Nabibingi  sa lakas ng tibok ng puso. Nagmamadaling makalapit kay Kuya Vicente.

"No Kuya! Please... don't" Nagmamakaawa akong umiling.

Sinikap kong balewalain ang pamamanhid ng mga paa. Nang makalapit mahigpit kong niyakap ang naghihintay na kapatid. Bago pumikit, namataan ko ng pahirin ni Mama ang luha sa kanyang pisngi, para akong nakakita ng umiiyak na anghel. Her feature was so soft unlike mine. Kaya naman mas lalo lang umiyak ng maalala sa aking diwa ang mala-anghel niyang mukha.

"Papa.. sa akin po talaga 'yan. "

Damn it! Wala na bang planong tumigil sa pagtulo ang mga luhang 'to?

Humigpit ang yakap ni Kuya sa akin, as if he's telling me that everything will be alright.

Sa takot, sa labis na pagsisisi, at sa bumabahang nerbiyos, tumingin pa ulit ako sa direksiyon ni Mama.. nagpapasaklolo

But...

My Mama was never shocked at all. Not a bit..

May alam na ba si Mama?

Ipinagtapat na kaya sa kanya ni Kuya Vicente?

Then in a swift moved nakita ko ang madilim na mukha ni Kuya Javier. I swallowed hard on his furious look. He was really raging mad. Dahil ba ito sa kaalamang 'buntis' ako? Kuyom din ang kanyang mga palad and his jaw was clenching repeatedly.

"But let me explain Papa. She lied yes. Don't get mad with Florencia, please..."

Halos himatayin na ako sa labis-labis na kaba pero itong si Kuya nadadaan lamang sa kalmanteng disposisyon ang mga nais ihayag.

Bumuntong-hininga si Papa bago siya sumulyap sa akin. Napaiyak ulit ako ng makita ang pagsisisi  sa kanyang mga mata. He maybe as hard as steel.. but my Papa is as soft as cotton as well..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status