Chris
"Thanks for today! Sana nag-enjoy ka." Malawak ang mga ngiti habang nagniningning pa ang mga mata na wika nito habang naglalakad kami.
Medyo nauuna lamang ako ng konti sa kanya ng isang hakbang, habang siya naman ay nasa aking likuran. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng shorts ko ang aking dalawang kamay nang humarap ako sa kanya.
"Oo naman, sobra akong nag-enjoy lalo na sa Kayangan Lake na pinagmamalaki ng mga Taga Coron." We did their Super Ultimate Tour. At hindi kami nagkamali sa napili naming iyon. Sobrang nag enjoy taaga kami.
Isa pa, lahat ng 'yun ay gastos ni Jazmine. Nakakatuwa lang kasi, ang kulit kulit niya talaga. Ayaw niya akong pagbayarin sa mga gastusin at talagang pinilit niyang siya na mismo ang sumagot ng lahat.
Nagkibit balikat lamang ito at napakagat sa kanyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok sa ginawa niya kaya naman ibinaling ko na lamang sa i
JazmineIsa hanggang tatlong araw ko na yatang hindi nakikita si Chris. Ilang beses na rin akong nagpabalik balik sa hotel kung saan ito nakacheck-in ngunit hindi rin daw alam ng mga ito kung saan siya nagpunta.Hayys! Pinagtataguan ba ako ng unggoy na 'yun? O baka naman umuwi na sa kanila? Pero ang sabi naman sa Front Desk hindi pa naman daw ito nakakapagcheck-out dahil may mga iilang gamit pa na naiwan sa kwarto nito.Napangisi ako sa aking sarili habang palakad lakad sa loob ng isang mini-resort dito sa Busuanga. In fairness, presko at sariwa ang hangin rito. Medyo malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking balat at napaka tahimik ng buong paligid. Tanging huni ng mga ibon na pabalik sa kani-kanilang mga tahanan at pagaspas ng mga dahon na nanggagaling sa naglalakihang punong kahoy ang tanging naririnig ko.Nasa gitna ng gubat ang resort na ito, kaya wala akong ibang natatanaw mula rito sa k
JazmineTapos na akong kumain kaya naman heto ako, naglilibot na naman sa resort at namamangha parin sa tema na kanilang ginawa rito. Gawa sa nipa hut, kawayan at mga matitibay na kahoy ang lahat ng kubo na nandirito, maging ang restaurant at mga kwarto na tinutuluyan kapag may mga guest. May iilan din na foreigner na nandidito ngayon na nasa labas at nagpipicture taking."Maganda umaga ho ma'am! " Napatingin ako sa nagsalita. Si manong pala na nakausap ko kahapon, trabahante rito sa resort at taga pangalaga."Magandang umaga rin ho, manong!" Ganting bati ko rin dito. Napakamot ito sa kanyang ulo at parang nahihiya na muling nagsalita."Eh ma'am pinapasabi ho kasi ni Sir Chris na aalis na raw ho kayo."Magalang na sabi nito. "Nasa may parking area po siya ngayon, hinihintay po kayo. Nandoon na rin po ang mga gamit ninyo. Siya na po mismo ang nagligpit at kumuha sa kwarto ninyo." Diredire
Jazmine"Anong nakakatawa?" Seryoso na tanong ko rito habang patuloy parin siya sa pagtawa. "Seryoso ako."Napahinto ito sa pagtawa at napayuko. Hindi ko man alam ang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na ito, ngunit umaasa ako na papayag siya sa pag alok ko na maging sandalan niya. Hindi ko na rin iniisip pa akung ano ang magiging kahinatnan ng mga nasabi at naging desisyon ko, basta ang alam ko ay kailangang panindigan ko iyon.Tumayo na ito at nagpagpag ng kanyang pantalon. Nakangiti na tumingin ito sa akin bago nag-inat."Dinner tayo?" Pagyaya nito sa akin. Parang biglang nawala ang tama ng alak sa kanya at ngayon nga ay gusto na nitong kumain.Napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha. Hindi man lamang ba niya talaga papansinin ang mga sinabi ko? Napabuntong hininga ako atsaka tumayo narin para makakain na.Nauuna itong m
Jazmine"So...any other plans? Kapag nakabalik na tayo sa town?" Tanong nito sa akin habang palipat-lipat ang kanyang paningin sa kalsada at sa akin.Nagbibiyahe na kami ulit ngayon pabalik sa Coron town. Maaga kaming umalis ng resort na iyon pagkatapos ng picture taking kanina at matapos kong pag tripan si Chris.Ni hindi na nga kami nakapag almusal pa ng maayos eh. Ewan ko ba at bakit tila nagmamadali ang lalaking ito sa pag-alis. Wala naman kaming hinahabol na oras, pero aakalain mong sinisindihan ang pwet sa pagmamadali.Ang buong akala ko nga eh ako lamang mag-isa ang babalik sa Town. Hindi ko alam na sasama rin pala siya at hindi lamang ako basta ihahatid.Nakangiting tumingin ako rito habang kagat-kagat ang aking labi at nag-iisip kung ano ba ang pwede naming gawin oras na makabalik na nga kami ng town."Hmmmm, I'd like to ride a motorbike!" Bigla na l
Jazmine"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Chris noong maibalik na namin ang aming nirentahang motorsiklo at naglalakad na kaming muli ngayon papunta sa mismong bayan ng Coron.Nakabihis na rin kami pareho at handa na pagkain ng aming hapunan. Dumaan na muna kasi kami sa kanya-kanya naming tinutuluyan para maligo at makapag palit ng damit bago tuluyang isinuli ang motorsiklo.Nakangiting humarap ako sa kanya. "Ikaw." Sagot ko na awtomatikong ikinabilog ng mga mata niya. Ganoon din ako, kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.Naramdaman ko na lang din bigla ang pamumula ng aking mga pisngi."I-I mean ikaw, a-anong gusto mong k-kainin." Utal na at agad na depensa ko naman.Narinig kong napatawa ito ng mahina."Ikaw ha." Panunukso nito bago marahan na sinagi ng kanyang balikat ang balikat ko. "Kaninang umaga hinalikan mo
ChrisWalang madali sa proseso ng pag momove on. Wala ring shortcut. Walang madaling paraan para mabilis na makalimot at mapabilis ang paghilom ng isang sugat. Lalo na kapag sobrang lalim ang sugat na iniwan sa iyong puso.Ngunit minsan, pilit tayong paglalaruan ng tadhana. Iyong akala mong madali, ay pahihirapin niya. At ang akala mong mahirap, ay madali lamang pala.Minsan, dadalhin ka sa lugar kung saan may makikilala ka na bago. Magbibigay ito ng isang tao na tutulong sa'yo upang mas mapabilis ang iyong paghilom. Isang tao na maghahatid sa iyo ng bagong saya at mga ngiti. Isang tao na, magbibigay ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Magbibigay ng liwanag sa dilim na akala mo ay wala ng katapusan. At magbibigay ng mga bagong dahilan, upang ikaw ay magpatuloy.Isang tao na makakasama mong bumuo ng mga bagong alaala. At maghahatid sa iyo sa panibagong simula.At doon,
ChrisNaging maganda ang panahon sa buong araw na nalibot namin ni Jazmine ang isla. Pinasok rin namin ang kweba na nandito sa Black Island.Hindi ka tunay na nakapunta sa islang ito, kung hindi mo nagawang pasukin ang nasabing kweba. At sobrang napakalamig sa loob nito. Mayroong parte na pwede kang lumangoy doon. Sobrang napakalinaw ng tubig na kitang-kita ang ilalim nito. At napakalamig din.The place is also awesome for divers. Perfect for snorkeling. We also saw a lots of different corals and fish species here. Lalo na at good spots din ito for cliff jumping if you are game.Of course, sinubukan din naming dalawa ni Jazmine iyon kahit na noong umpisa ay natatakot pa ito.Napakasarap lamang mamalagi sa islang ito. Isang tunay na paraiso kung saan, kaming dalawa lamang ni Jazmine ang nandito dahil walang masyadong turista ang napapadpad ngayon sa Black Island.Kaya naman, naiisip kong umaayon talaga sa amin an
Jazmine "Nay Pacing! Tay Manding!" Excited na pagtawag ko sa pangalan ng mag-asawa habang sinasalubong ang mga ito para tulungan sa kanilang mga dala. Agad na kinuha ko ang hawak-hawak ni Nay Pacing na medyo may kalakihan na ecobag, atsaka inalalayan ito patungo sa aming tent. Habang si Chris naman ay sinalubong din si Tay Manding na mayroon namang dala na bagong pang gatong na mga tuyong sanga ng punong kahoy. Mayroon din ang mga itong dala na mga prutas at sariwang isda na kay sarap-sarap ihawin. Nakakatakam! Napapalunok na sabi ko sa aking sarili. Agad na gumawa ng apoy si Tay Manding at Chris, habang kami naman ni Nay Pacing ay nilinis ng maayos ang isda na ngayon ay handa ng isalang sa apoy. "Kayo bang dalawa ay matagal nang kasal?" Kapwa kami natigilan ni Chris sa biglang itinanong ni Tay Manding. "Oo nga! Ilang taon na ba kayong kasal? Aba'y napaka swerte naman ng magiging mga anak ninyo. Ang gwapo at