***This POV will explain what really happened behind Chris' POV***
Third Person POV
Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang.
Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin.
Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara.
Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
ChrisNakakita na ba kayo ng isang anghel? Ako kasi, oo. Wala man siyang pakpak, pero para sa akin, she's truly my angel.Na love at first love sight yata ako sa kanya eh. At hanggang sa hindi na iyon nawala pa. Hanggang sa tuluyan na akong nahumaling sa kanya. Ang ganda-ganda kasi talaga niya, nakakatulala.Siya na rin yata ang may pinakamagandang ngiti na nakilala ko sa tanang buhay ko. May mga matang kumikislap sa tuwing tinititigan ko. Nakakapanghina, kasi ganoon kalakas ang dating niya.Ang sarap din pakinggan ng boses at mga tawa niya. Hindi nakakasawang pakinggan, pakiramdam ko pa, para akong nakikinig palagi ng magagandang musika. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.Napaka sweet din nito at maalaga. Madalas man itong makulit, pero ayos lang, bagay parin naman sa kanya. Ang sarap nga niyang i-baby eh, nakakawala ng problema sa buhay. Parang ang sarap niyang ig
Chris Isang malawak na lupain ang sumalubong sa akin nang ako'y makababa sa paliparan ng Busuanga, Coron Palawan. Napapalibutan ito ng bulubundukin at nagbeberdihang mga punong kahoy, ang iba namang mga bundok rito ay kapansin-pansin ang kulay na animo'y Chocolate Hills, lalo na kapag nasa himpapawid ka. Summer ngayon kaya nagtutuyuan ang ibang parte ng mga halaman at mga punong kahoy rito sa mga kabundukan, ramdam ko ang init ng sikat ng araw ng ito'y tumama sa aking mga balat. "Good afternoon Sir, welcome to Coron Palawan!" Ang bati sa akin ng tatlong binibini na naka abang sa aming mga passenger na kabababa lamang ng eroplano. Gumanti ako ng ngiti, atsaka kami iginaya ng mga ito papunta sa kung saan naka park ang mga van na susundo sa mga turista at mga kamag anak nila ng mga katulad kong kalalapag lamang din. Nang makita ko ang white board na may nakasulat na pangalan ko ay lumapit na ako
JazmineI groaned as I woke up this morning, feeling unhappy with hatred and hopelessness. Another great morning. Yeah, so great. Nadidismayang bumangon ako mula sa aking higaan..It's my first day at the same time, first time here in Coron, Palawan. Siguro nga, ito ang kapalaran ko, ang mabuhay ng ganito kagulo ang buhay ko. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad patungo sa banyo.But before that, napasulyap muna ako sandali sa orasan na nasa may bed side table ko, alas syete na ng umaga. Hindi ko parin alam kung ano bang plano ko at gagawin habang nandito ako sa islang ito. Magbebreakfast na lamang muna siguro ako at maglilibot pagkatapos.Pagkatapos kong maligo, magbihis at makapag almusal ay lumabas na ako sa backpackers na tinutuluyan ko.Backpackers guest house kasi ang tawag sa maliliit na pweding pag stay-an dito. Mayroon itong sampung kwarto, maayos at malinis naman
Jazmine"Hoy!" Tawag ko sa kanya habang sinudundan ko ito. Tuloy-tuloy lamang kasi ito sa paglakad at walang lingon likod habang hirap na hirap akong habulin ang mahahabang nitong mga hakbang."Hep hep hep!" Pigil ko sa kanya noong tuluyang maunahan ko siya, hinihingal pang nakataas ang dalawang kamay ko para lang huminto ito at mapigilan ko sa paglakad. Mas lalo lamang tuloy sumimangot ang kanyang itsura."What do you want?" Malamig ngunit may pigil inis sa boses nito. Napa rolled eyes na lamang ako ng wala sa oras atsaka napa iling na rin.Pasalamat siya. Hmp!"Sobra ka ha. Ang sungit-sungit mo. Isusuli ko lang sana itong wallet mo." Sabay pakita ko sa kanya ng wallet na nasa kamay ko. "Nahulog mo." Dagdag ko pa atsaka iniabot sa kanya ito, ngunit bago niya pa man tuluyang makuha ang wallet ay binawi kong muli ito pabalik sakin."Ano munang pangalan mo?" At
Chris One week has passed since the day I arrived here in Coron. At one week narin simula ng takasan ko ang buhay ko sa manila. Malayo sa gulo, sa ingay at mga problema. Pero mas naging magulo pa yata ang buhay ko simula ng dumating ako rito. Hindi ko mahanap ang kapayapaan na inaasan at ninanais ko. This girl. I'm so sick of this girl. Damn, she's so...argh! Never mind. Ang ingay ingay niya, wala na yatang magawa kung hindi ang bumuntot sakin. And it's freakin' annoying. Katatapos ko lang maligo at magbihis ng maisipan kong buksan ang phone ko. Ilang days ko narin kasing hindi ito binubuksan dahilan na ayaw kong makontak ako ng kahit na sino. Pag bukas na pag bukas ko palang ay inulan na ako ng maraming text messages. Ang ilan galing kay mama, sa kaibigan kong naghahanap din o nagtatanong kung nasaan ako. The hell I care! Napapailing nalang ako habang patuloy na nagbab
JazmineNgayong araw ang aga kong nagising sa hindi ko malaman na dahilan. Pinipilit kong ipikit muli ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawang makatulog pang muli. Nakatulala at nakatitig lamang ako sa kisame ng buong kwarto, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko na naman ang ganito.Nakakawalang gana. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan pagkatapos.Aaminin kong namimiss ko na ang mga kaibigan at pamilya ko. But I don't have a choice kung hindi ang takasan panandalian ang buhay ko sa amin. Hindi ko ba talaga alam kung bakit ko nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko, mayroong kulang. Mayroong nawawalang parte ng aking sarili na hindi ko mawari kung ano. At hindi ko alam kung saan ito matatagpuan.At sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha. Para bang may kung anong mabigat sa aking dibdib ang hindi ko makapa kung anong dahilan at sa