Share

Kabanata 7

"Balita ko kasama ka sa meeting nina Director no'ng isang araw, tungkol saan ang pinag-usapan n'yo?" 

Nandito kami ngayon ni Fei sa cafeteria nag-aalmusal dahil maaga kaming nakapasok sa duty ngayon. May mangilan-ngilan na ding pumasok dito na mga doctor at nurses. 

Marahan akong s******p sa kape ko bago 'yon ibaba at balingan nang tingin si Fei. "Nagulat din ako no'n kung bakit ako kasama sa pagpupulong nila, but it turns out na tungkol pala sa kaso ni Rue ang pag-uusapan kaya dapat talaga ay nando'n ako," pagkukwento ko. Napansin ko naman ang unting pagkagulat ni Fei.

"Talaga? Edi ibig sabihin alam mo na ang sakit ni Rue?" Umayos s'ya sa pagkakaupo at bahagya pang inilapit ang upuan sa 'kin na tila may pinag-uusapan kaming sensitibo at hindi pwedeng marinig ng iba. I can see the excitement on her face. 

Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot sa puso dahil alam ko na talaga ang sakit ni Rue bago pa man ang meeting dahil sa folder na ibinigay ni Mrs.Romana kaso wala ring alam tungkol do'n si Fei kaya gan'to na lang ang reaksyon n'ya ngayon. 

I felt guilty. I feel like I'm keeping a lot of secrets from Fei--my best friend. We promised each other before that we're not going to keep a secret from each other but look what I did. I know Director and Mrs.Romana just wants to protect Rue but Fei is no other person for me and I know she won't do anything to harm Rue. Fei is trustworthy.

"Yep, and it is a very complicated disorder," tugon ko. 

"Anong tawag sa sakit n'ya?" mula sa excited n'yang mukha ay napalitan na 'yon ng curiosity. Umiwas ako saglit ng tingin sa kan'ya at muli na lang sumimsim sa kape ko. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi pero naisip ko din na wala namang mawawala o mababago kung sakaling malaman ni Fei atleast kapag alam n'ya na mayroon na akong makakaramay sa lahat pagdaraanan ko. 

Ibinaba ko na ang tasa sa lamesa at ibinaling na ang atensyon ko sakan'ya. Nang mapansin n'yang nakatingin na ako ay tumigil na rin muna s'ya sa pag-inom. 

"This is very confidential Fei, but I trust you with this, okay? Keep this only to the both of us." Paunang bilin ko na ikinatango-tango n'ya. 

"I promise." 

"Okay. He had this very rare disorder calle--" naputol ang sasabihin ko nang biglang mag-ring ang cellphone n'ya sa bulsa ng kan'yang uniporme. Sinenyasan n'ya ako na sandali lang upang sagutin ang tawag. Ilang segundo ang itinagal ng tawag at binalik n'ya na 'yon sa bulsa. 

"Gustuhin ko mang marinig ang pasabog na 'yan Angelic kaso pinapatawag daw ako ng head nurse namin asap kaya mamaya mo na lang sabihin sa 'kin okay? Magkikita pa naman tayo," natatawa na may halong panghihinayang n'yang sabi. Tumango-tango na lang ako bago s'ya tuluyang umalis. 

Inangat ko na lang ulit ang aking tasa para sana uminom nang mapansin kong magaan na 'yon kaya nang aking tingnan wala na pa lang laman. Naubos ko pala kanina habang nag-iisip kung sasabihin ko ba kay Fei o hindi ang tungkol kay Rue.

Tumayo na ako at lumabas na ng cafeteria matapos ko maisauli 'yong tasa namin. Babalik na lang ako sa office dahil may mga aasikasuhin pa ako do'n tapos ay magsisimula na rin kasi akong mag-rounds. 

"Good morning po, Doc," bati sa 'kin ng bawat nakakasalubong kong mga nurse. I greeted them back and smiled. Dere-deretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng office. I grabbed the doorknob and turned it to open the door. I just went straight into the room until I was stopped in my tracks because I didn’t expect what I saw inside.

"Ah sir? Mali po yata kayo nang napasukan, hindi po dito ang nurse station. Let me show you the way po," malumanay kong sabi dahilan para mapalingon na s'ya sa 'kin. 

"I think I got into the right room." Nagtama ang mga mata namin at halos ikalaki ng mata ko ang presensya n'ya ngayon sa 'king harapan. 

"A-ano pong ginagawa mo dito, Sir?" nauutal at punong-puno nang pagkalito kong tanong. Labis kong ipinagtataka kung paano s'ya nakalabas at nakapunta dito. Hindi ko kaagad napansin na s'ya ang nandito sa loob ng office dahil bukod sa nakatalikod s'ya ay napakaayos din ng damit n'ya. He's wearing blue polo and slacks and I can say na mas lalo s'yang naging normal tingnan. 

He stared at me seriously before answering my question. "I'm looking for my fiancé and I think I found her," 

Akala ko ay seryoso na s'ya pero ikinakunot kaagad ng kilay ko ang isinagot n'ya. Hinahanap n'ya dito ang fiancé n'ya? sa office na 'to? Mas lalo akong naguluhan dahil sa mga sarili kong tanong na hindi ko naman kayang sagutin ng ako lang. 

"May fiancé ka?" Mabilis na dumapo ang palad ko sa 'king bibig upang takpan 'yon, hindi ko inaasahang lalabas sa bibig ko ang katanungang nasa isip ko lang kanina. Nakita ko ang pagbabago ng reaksyon n'ya na kung kanina ay seryoso ngayon nakasilay na ang tipid na ngisi sa kan'yang labi. 

"I do have and she's a psychologist." Napansin ko ang marahang paglipat ng tingin n'ya sa burdang pangalan ko sa 'king uniporme. Nanatili lang ang mga mata ko sakan'ya na may halo pa ring pagtataka. 

"Sir, did you take your meds?" Ito lang ang isang nasisigurado ko, hindi s'ya nakainom ng gamot kaya ngayon ay nagkakaroon na naman s'ya ng hallucinations. Maaaring hindi s'ya nakainom dahil tumakas s'ya at panigurado na pinaghahanap na s'ya ngayon ng mga nurses na incharge sa 13th floor. 

Mukhang narinig ng kung sinong anghel ang sinabi ko sa sarili at ngayon lang may kumatok na sa office ko, isang nurse at sinabing nakatakas daw ang pasyente ko sa 13th floor. 

"He's here," kalmado kong sabi. Dahil do'n ay dali-daling pumasok ang dalawa pang back up nurses sa labas ng office upang dalhin na si Rue pabalik sa kwarto n'ya. Naiwan kaming dalawa ng nurse kaya kinausap ko na rin s'ya. 

"Next time pakisabi sa hospital aide na kapag magdadala ng pagkain, make sure na babantayan s'ya at bago lumabas siguraduhing naka-lock ang pinto. I don't want this to happen again." Agad na tumango ang nurse at umalis na rin. 

Mabait si Rue at kita ko na kahit papaano ay may kontrol s'ya sa nangyayari sakan'ya unlike sa ibang pasyente na nagwawala pero hindi pa rin namin hawak ang pwedeng mangyari dahil baka kapag nakawala ulit s'ya ay bigla na lang s'yang makapanakit ng iba. At yung hallucinations n'ya ang delikado dahil hindi n'ya alam sa lagay na 'yon ang realidad at hindi. 

Dahil sa pangyayaring 'yon ay tila nakaramdam ako ng pagod kaya umupo na lang muna ako sa 'king upuan. Hindi ko naman maiwasang maalala 'yong una n'yang nagawa sa 'kin na pagtusok ng tinidor dahil sa pag-aakalang hindi ako totoo o hindi ako si Angelic. 'Yon ang bagay na ikinatatakot kong mangyari ulit. Paano na lang kung makakuha s'ya ng isang matulis na bagay at gamitin n'ya 'yon sa ibang tao? 

"Nabalitaan ko yung nangyari." Mabilis akong napalingon sa katabi kong lamesa, hindi ko napansing nando'n na pala si Fei na nakaupo. "Tulala ka, 'di mo nga napansin pagdating ko eh," dugtong pa n'ya. "Natakot ka ba?" 

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. Hindi ako natatakot dahil baka may gawin sa 'king masama si Rue natatakot lang ako sa ideya na makasakit s'ya ng ibang tao habang naglalakad s'ya sa hallway. 

"Marami bang nakakita sakan'ya kanina na dala-dala ng nurses?" pag-aalala kong tanong. He didn't deserve those kind of attention kung sakali man. 

"Wala namang tao sa hallway at sa tingin ko sa dulong elevator sila sumakay kaya walang makakakitang iba." Sandali naman akong nagtaka. 

"Eh paano mo nabalitaan?" Sandali n'yang itinabi ang mga hawak-hawak na medical chart at saka bumaling sa 'kin. 

"Naabutan ko kasing nag-uusap sina Mrs. Romana at Mrs. Jaime sa nurse station pero mahina lang 'yon. narinig ko lang na 'yong pasyente nga sa 13th floor ay nakatakas kasi naikwento daw ni Pigie sa head nurse namin tapos ayon pinaalam na rin ni Mrs. Jaime kay Mrs. Romana feeling ko pupunta 'yon dito si Mrs. Romana para kausapin ka."

Ibig sabihin isa pala si Pigie sa iilang nurses na in charge sa 13th floor? sabagay hindi naman s'ya maghahanap kay Rue kung hindi nga s'ya in charge do'n. Bakit kasi hindi pa nila sinama si Fei edi sana sabay kaming umaakyat do'n. 

"Wag naman sana akong mapagalitan ano," nangangamba kong sabi. 

"Bakit daw ba kasi tumakas si Rue? Hinahanap ka?" nakangiti n'yang wika at may halo pang pang-aasar ang tono. Sinaway ko naman kaagad s'ya. 

"Hindi ako ang hinahanap n'ya, yung fiancé daw n'ya." Kita ako ang pagkagulat sa mukha ni Fei tila pati s'ya hindi makapaniwala sa narinig.

"May fiancé s'ya? I mean hindi ko pa naman s'ya nakikita pero base sa pangalan n'ya parang ang pogi na kaagad bes. Pogi ba?" sinamaan ko naman kaagad s'ya ng tingin kaya napakagat na lang s'ya sa labi. 

"Oo sabi n'ya may fiancé s'ya at alam mo pa kung anong sinabi n'ya?" Huminto ako upang titigan si Fei. Tila nacurious naman s'ya lalo at inabangan ang sunod kong sasabihin. 

"Ano raw?" magkasalubong na kilay n'yang tanong. 

"Psychologist din daw ang fiancé n'ya." 

"Bingo!" sabay hampas n'ya sa kan'yang lamesa at saka ako tinuro. "Ikaw yung tinutukoy n'ya bes!" todo ngiti n'yang sabi na tila kinikilig pa. Napailing-iling naman ako. 

"Ano ka ba Fei, alam mong bawal sa ospital yang iniisip mo." Umiling pa ulit ako bago tuluyang tumayo dahil magro-round na ako sa mga pasyente ko. 

"Eh nasa'n na daw si future husband mo ngayon?" Aba at hindi talaga titigil sa kalokohan n'ya ang gaga kaya sinamaan ko s'ya ng tingin at 'yon mukhang nakuha naman s'ya sa tingin. 

"Ibinalik na s'ya sa kwarto n'ya, Fei." tipid kong sagot at lumakad na papalabas ng office.

I was about to enter the elevator when I heard someone calling my name. I turned around and saw Mrs. Romana approaching me. "Let's go straight to my office first."

Tahimik lang akong nakasunod sa Chief ko na nasa harapan ko at naglalakad. Gusto ko sanang sabihin na mamaya na lang dahil marami pa akong bagay na aasikasuhin ngayong araw kaso sabi ni Mrs. Romana ay sandali lang naman daw 'to. 

"Pinapunta kita dito para lang naman itanong sayo kung anong nangyari at pinuntahan ka ni Rue sa office mo kanina." Seryoso ang kan'yang mukha habang nakatitig lang ng deretso sa 'kin. Nakakapang-dalawang-isip tuloy kung sasagot ako o hindi dahil mukhang mas pagagalitan n'ya ako at hindi lang tatanungin.

"Wala rin po akong ideya Chief, nagulat na lang ako nasa office na s'ya at sabi n'ya hinahanap n'ya ang fiancé n'ya." 

Tila natahimik si Mrs. Romana nang marinig ang paliwanag ko, mukhang hindi rin n'ya inaasahan ang nangyari kanina. She just plainly stared at me for at least 20 seconds bago huminga ng malalim at nagsalita mula sa pananahimik. 

"Yes, he once had a fiancé," panimula ni Chief. 

Once? Anong nangyari Sa kanila ngayon? Nasa'n na 'yong fiancé n'ya at bakit dito n'ya hinahanap sa ospital na 'to? 

"She's a Psychologist but sadly she died here in this hospital last year."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status