“Oo dahil pakiramdam ko may utang na loob ako sayo.”
Sakto namang red light kaya nakahinto lahat ng sasakyan. Napatingin siya sa akin.
“Utang na loob? Dahil ako yung humabol sa lalaki?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. Nakita kong nawala ang ngiti niya sa labi na kanina pa naguhit doon.
“Alam mo habang tumatanda ako natutunan kong h’wag humingi ng kapalit sa mga bagay na binigay ko o ginawa ko kasi ginawa ko ‘yon ng bukal sa loob at walang hinihintay na kapalit. Hindi ko sinasabing wag kang tumanaw ng utang na loob pero lagi mo rin iisipin na hindi lahat ng tao humihingi ng kapalit. Hindi masamang suklian ang kabutihang ginawa nila sayo pero para bayaran sila eh gagawa ka rin ng mabuti sa kanila pero labag naman sa loob, edi sana hindi mo na lang ginawa. Where’s the sincerity there?”
Nagulat ako dahil bigla siyang sumeryoso. Prankster ba ‘tong lalaki na ‘to? Joker? O baka may mul
"Ako."Kitang kita ko sa mata ni Pierre ang pagkagulat. Hindi kaagad siya nakapagsalita matapos kong sabihin na ako ang magpaparetoke.Oo ako. Ito na lang ang nakikita kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na ako ang masisisi sa krimeng sila naman talaga ang gumawa. Oo mayaman sila kaya kayang kaya nilang takpan lahat ng bahong pwedeng lumabas tungkol sakanila pero paano naman akong mahirap lang?Hindi ko kayang pagbayaran ang krimeng hindi ko ginawa. Alam kong kahit anong tago ang gawin ko hindi ako makakawala sa kanila kaya ito na lang ang tangi kong naiisip. At oo aware rin ako na mahal ang magparetoke pero ako na ang bahalang makipag usap. Im not going to use my Profession to manipulate, hypnotize o ano makikipag usap ako bilang pasyente."B-bakit mo naman naisipang magparetoke?" Nagugulahang tanong ni Pierre."May natanggap akong text
Kabanata 62 "Sino o may gusto ka bang maging kamukha?" Kalmadong tanong sa akin ni Doc. Umiling iling naman ako at bahagyang ngumiti. "Ikaw na ang bahala, basta ang gusto ko lang ay hindi na ako makikilala nina Rue. Gusto ko na maging malaya," tugon ko na ikinatango tango naman ni Kiyoshi. Iniharap niya sa akin ang computer screen kung saan nandoon ang mukha ko at mga adjustment na gagawin niya. He explained it very well, even the procedures. Tumango ako matapos niyang nagpaliwanag. Napangiti ako sa kaniya dahil hindi ko alam na ito pala ang propesyon niya. I judge him easily dahil akala ko madaldal lang talaga siya na tao. Bigla kong
HIS POV"When I met her, that was the moment I told to myself "I already found my better half" while looking at her from afar. She just simply brushing her hair using her fingers and I just couldn't help myself from staring at her for a minute or two. That moment I want to approach her and say "Hey beautiful girl, can I get in into your world?" I don't care if I became weird or corny here but that's just how I met her. She got all of my attention without even trying or giving an effort. And from that moment until here today, I've never seen nothing like her. "Narinig ko ang hiyawan ng mga tao matapos kong magkwento.Napatingin ako sa babaeng pinakamamahal ko at nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mga tao na natutuwa sa kwento ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kulang na kulang pa ang mata ko para lang ma-capture lahat ng kagandahan niya.Never kong hinilin
HER POV"When I met him, to be honest nawe-weirduhan ako sa kaniya. He's kinda funny pero 'yong mga jokes niya walang sense hahaha! He likes to ask so many question to the point na parang imbestigador na siya like what's my favorite color, number, music, movies it's like an autograph book na sinasagutan natin noong mga bata pa tayo, ganun siya. And akala ko childish siya dahil sa pagiging ganun niya akala ko late nagdevelop yung utak niya but when I got to know him more deeply, my first impression was untrue. He is really a matured man. He has a lot of words of wisdom. Matututo ka sa kaniya, kung ano 'yong paniniwala niya sobrang hypnotic ng mga sinasabi niya kaya minsan talo eh whenever we had a fight or argument haha! Siguro nga ginayuma niya ako gamit yung mga salita niya kaya kami na ngayon haha!"Nagtawanan ang mga tao, nilingon ko naman siya at ang sama na ng tingin niya sa akin hahaha! ang ganda ganda ng mga sinabi niya tungk
"Angelic, dalian mo paparating na sila!” sigaw ng kasamahan ng dalaga na hapong-hapo na sa pagtakbo mula pa kanina. "Napapagod na ako, Zette,” saad nito ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo. "Malapit na tayo do'n sa may tren bilis hindi ka pwedeng sumuko ngayon!" Huminto panandalian si Zette upang makahabol sakan’ya ang kaibigan. Sa loob ng ilang oras nilang pagtakbo at pagtakas ni isang mga kapwa nila tao ay wala na silang nakakasalubong o nakikita. Mistulan na ding ghost town ang buong paligid dahil napakatahimik na nito at parang sila na lang ang tanging buhay. Ang tren na lang ang nag-iisa nilang pag-asa upang makakita ng tao kung sakali man at upang mabuhay. "Unti na lang.” Inilahad na ni Zette ang kamay para tulungan na sa pagtakbo si Angelic na gusto ng sumuko kanina pa. Ilang hakbang na lang ang distansya nila at tuluyan na nga silang nakasampa sa tren. Kinalabog nila ‘to nang kinalabog at sinubukang
"Snow White! Snow White!" ‘yan ang kaniya-kaniyang sigaw ng mga pasyente na naabutan ko. Tinapik ko ang balikat ni Fei dahil mukhang hindi n'ya napansin ang pagdating ko. May mga iba't ibang pambatang libro ang nakapatong sa kan'yang lamesa para basahin sa harapan ng mga pasyente. Mistulang malaking classroom ang buong k'warto na ‘to ang kaso lang ay may glass wall na nakapagitan sa amin at sa mga pasyente dahil kadalasan ay may bigla-bigla na lang sinusumpong at sinusugod ang mga nurse na nagbabantay sa kanila. Ngunit kahit gano'n pa man ay hindi naging hadlang ang glass wall dahil klaro pa ring naririnig ang boses ng isa't isa. "Oh andito ka pala, Angelic, bakit?” tanong n’ya bago ako lingunin sa kan'yang likuran. "Wala naman, gusto ko lang alamin kung anong ginagawa ng isang Psychiatric Nurse.” "Watch and learn,” mayabang n'yang sabi at binukl
"Kaya ko." Nagkatinginan na lang kami ng aide dahil sa naging reaksyon n’ya. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin ulit sa buong paligid. Wala namang espesyal dito sadyang kakaiba lang dahil sa kulay nito. Sa paglibot ng mga mata ko ay nahagip ko ang funeral wreth na nasa gilid ng tv nakalagay. Lalapitan ko na sana ‘yon nang bigla akong tawagin ng aide. "Ahm…Doc, kung ayos lang po maiwan ko po muna s'ya sayo? pinapatawag po kasi ako. Pasensya na po talaga.” Wala namang kasong tumango ako kaya lumabas na s'ya. Lumapit na din ako do'n sa funeral wreth para basahin ang nakasulat do'n sa ribbon no'n. It was his name. Nawala ang atensyon ko do'n nang bigla kong marinig ang mahinang pagmura ng pasyente ko sa likuran ko. Nakita kong nagkalat na sa damit n'ya ang pagkain, malamang ay nahulog ‘yon mula sa kutsara maging ang gili
"Napakaswerte talaga namin sayo, Angelic," tuwang-tuwa na sabi ni mama habang pinagmamasdan ang puti kong coat na may nakaburdang pangalan ko at may RPsy na sa dulo. Isa na akong ganap na Psychologist. Sa wakas. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at talagang maaga pa lang ay pinaghanda na ako ni mama para raw fresh ako pagpasok. Susme, kahit anong fresh ko pagpasok t'yak na paglabas ko ay para akong binomba dahil sa sobrang stress sa ospital pero kahit gano'n ay ito naman ang pinili kong tahakin na landas. Minsan na akong nagduda sa sarili ko dahil unang mga taon ko pa lang sa kolehiyo ay grabe na at puspusan na kaagad ang pag-aaral ko, akala ko pa nga no’n ay ako ang unang mababaliw kaysa sa mga magiging pasyente ko, pero I'm proud of myself na kinaya ko. Naging Psychometrician ako at ngayon isa nang ganap na Psychologist. Marami na rin ang nagtanong sa ’kin bakit Ps