Share

SUNDO

PAGKARATING sa car park ay kaagad na hinanap ni Garett ang Luna ngunit wala ito roon. The car door was left open and her phone was found, dropped on the floor. Kaagad siyang nagmindlink sa mga kasamang naiwan sa Café gayundin kay Alpha Cadmus na siguradong puputok sa galit.

Damn! This is all his fault. He shouldn't let the luna to go down alone. Maya-maya pa ay natanaw na niyang papalapit sina Zeth at Dev. 

"Cross and Lexter already checked the CCTV cameras in the monitoring room," kaagad na turan ni Dev na pulang-pula ang mga mata.

"Okay, maghiwa-hiwalay tayo at ikutin natin ang paligid," tugon niya rito.

Damn it but they need to find the Luna as soon as they can.

Lumipas ang ilang minuto ngunit wala silang nakita kahit anino ni Luna Xien, yes—she's now using her birth name. She wasn't just an ordinary vampire after all. She is a princess. 

Nagmindlink si Cross na nakita ng mga ito sa CCTV na tinangay ng dalawang lalaki ang Luna kay kaagad silang kumilos. Alam na rin ng alpha at pinapabalik na sila sa Black Forest para mas makapag-isip sila nang maayos.

Lumipas ang halos isang araw ngunit wala silang nakuhang lead mula sa mga dumukot kay Luna Xien. Masyadong magaling ang kumuha sa rito hanggang tuluyang matunton ni Cane ang lokasyon ng mga ito pagkatapos magpadala ng video si Marco Magnus. Kagaya ng kanilang inaasahan, ito nga ang kumuha sa Luna.

Nang matunton ang kinaroroonan ni Luna Xien ay kaagad silang kumilos pero nahati sila sa tatlong grupo. Matalino si Marco Magnus, siniguro nitong mahahati sila para humina ang kanilang depensa. Ngunit kagaya nga ng madalas sabihin, mas nanaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

At heto na nga ang luna nila ngayon, parang walang nangyari pagkatapos nitong ihawin nang buhay si Marco Magnus. Ang siste pa ay siya ang palagi nitong nakikita.

"Garett, kanina pa kita hinahanap," nakasimangot na turan nitong sumandal pa sa pinto ng kusina.

Kasalukuyan siyang kumakain ng almusal. Katatapos lang niyang umikot sa border sa silangang bahagi kung saan siya nakatalagang rumonda.

"Bakit po, Luna?" tanong ni Garett pagkatapos na magbigay-galang sa Luna. Ibinaba ang hawak na kubyertos at itinuon dito ang paningin.

Kaagad itong ngumiti nang matamis kaya hindi napigilan ni Garett na hindi mapangiwi. Kaagad din siyang kinabahan. Siguradong may ipapagawa na naman ito o hihilahin na naman siya ng Luna sa kung saan. Kadalasan ay sa, BookNerds Café na nasa Ezrione Mall sa Seventh Stone territory.

Simula nang matapos ang problema kay Marco Magnus ay panay naman ang kain nito ng matatamis. Noong nakaraang araw ay niyaya nito sina Finn at Zeth sa BookNerds Café na naging paborito na yata nitong tambayan. Gusto sana siya nitong isama pero sa kabutihang palad ay may mahalagang ipinagawa si Alpha Cadmus sa kanya—na labis niyang ipinagpasalamat. Nakaligtas siya sa mga kuko ng Luna. 

Hanging out is not his thing. Not now that he has a lot of things to do.

"Wala ka namang gagawing importante ngayon at huwag kang magdahilan. Tinanong ko na si Cadmus," naka-irap na turan nito sa kanya.

At naniguro pa nga... 

Nasapo ni Garett ang ulo at wala sa loob na sinuklay ang magulo ngunit malambot niyang buhok. Mukhang wala siyang lusot dito ngayon. 

"What?" tanong niyang ang ibig sabihin ay kung ano ang ipagagawa nito.

"Alam mo kasi, I invited Iris to come here. P'wede mo ba siyang sunduin sa Café niya? Please, Garett..." turan nitong tila kawawa ang mukha.

Ang galing umarte...Nakakakonsensiyang tanggihan. 

"Bakit ako?"  tanong niya rito.

Sa dami nila roon, bakit siya na lang ang palagi nitong nakikita? P'wede namang si Finn na lang ang utusan nito. Wala rin naman iyong importanteng ginagawa ngayon at nagpapa-cute lang kay Cross. 

Umirap ito pagkuwa'y muling ngumiti nang matamis." Sige na, please," pakiusap ni Luna Xien kay Garett. 

He let out a deep sigh and once again rolled his eyes before he decided to stand up. "Alright!" tugon niya. Wala na rin naman siyang magagawa lalo pa't nauna nitong kinausap ang alpha.

"Thank you, Garett!" tuwang turan nito at walang babalang pinisil ang pisngi niya.

"Aw, that hurts, Luna."Reklamo niya sabay himas ng nasaktang pisngi.

Hindi na niya tinapos ang kanyang almusal at nagpasya nang umakyat sa kanyang silid para maligo. Sigurado namang hindi siya titigilan ng Luna hangga't hindi siya umaalis para sunduin ang new found friend nito.

Hindi na gaanong nakakapunta si Dev sa Black Forest dahil naging abala na ito sa pag-aayos ng nalalapit na out of town charity project ng alpha ng Seventh Stone kung saan isang pack doctor ang babae. Magkakaroon ng medical mission sa isang piling lugar na taon-taong ginagawa ng alpha ng Seventh Stone bilang pag-alala sa namayapa nitong ina. Samantalang si Nirel naman ay abala rin dahil isa itong tracker ng nasabing pack. 

Pinili niyang isuot ang isang V-neck white t-shirt na pinatungan niya ng denim jacket at itinupi hanggang siko. Lumang pantalong maong na butas sa bandang hita ang itinerno niya at isang pares ng brown ankle boots bilang sapin sa paa. Bahagya na lang na sinuklay ni Garett ng kamay ang mamasa-masa pang buhok bago tuluyang nagpasyang lumabas ng kanyang kuwarto. 

Pagkababa ay kaagad bumungad sa kanya ang nag-aabang na Luna sa recieving room. Kaagad na ngumiti nang makita siya habang ang mga ay halos kumutitap dahil sa sobrang tuwa. Tumayo ito at nakangiting lumapit sa kanya.

"Natawagan ko na si Iris. Nandoon pa siya sa condo niya pero naghahanda na rin daw siya papunta sa Café para maayos niya muna ang mga dapat niyang dalhin para pagdating mo ay p'wede na kayong umalis kaagad," mahabang turan nito na tinugon na lang niya ng halos patamad na tango.

Umirap naman si Luna Xien ngunit bumungisngis dahil nakikita nito ang hindi maipintang anyo ni Garett. 

"Aalis na ako, Luna," ani niya rito pagkuwa'y lumabas na ng mansyon.

Habang papunta sa Ezrione Mall ay hindi niya mapigilang hindi alalahanin ang magandang mukha ni Iris Lykos. She's indeed a beauty but there was something hiding in her eyes that intrigued him.

Ipinilig ni Garett ang ulo para alisin sa isipan ang mukha ng babae na tila multong bigla na lang sumusulpot sa isipan niya. Pagkarating sa Ezrione Mall ay kaagad niyang ipinarada ang sasakyan. Umakyat siya sa third floor kung saan naroroon ang BookNerds Café. Pagpasok sa loob ay kaagad na bumungad sa kanya ang babaeng kanina lang ay laman ng isipan niya.

NAG-ANGAT ng paningin si Iris nang marinig ang pagtunog ng door chime. Natigilan siya nang makita kung sino ang papasok ngunit kaagad din siyang nagbawi ng paningin. Muli niyang itinuon ang pansin sa lalaking kausap. Isa ito sa masugid nilang costumer. Nasa harap ng lalaki ay ang isang tasa ng kape at cake na kaunti pa lang ang bawas. Hindi nakatakas sa mga mata ni Iris ang biglaang pagkunot ng noo ng lalaking bagong dating nang mapatingin ito sa gawi niya, lalo na nang dumako ang paningin nito sa kaharap niya. Wala siyang balak salubungin ito kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. 

"Excuse me," bagot at inis na singit ni Garett sa usapan ng dalawang magkaharap sa mesa. 

Sabay pang nag-angat ng paningin si Iris at ang kasama nito na labis namang ikinairita ni Garett. Iris looked at him with an annoyed face samantalang nakakunot naman ang noo ng lalaking kausap nito.

"What?" tanong ni Iris na nakataas pa ang kilay.

"P'wede bang saka na ninyo ituloy ang pag-uusap n'yo? I'm here to fitch you dahil sa pakiusap ng Luna kaya kunin mo na ang mga gamit mo at sumunod ka sa akin." aroganteng tugon niya.

Akmang sasagot si Iris nang magsalita ang lalaking kausap nito.

"Who are you to just show your face here at pagsalitaan si Iris nang ganyan?" maangas na sabad nito.

"Shut up! Hindi ikaw ang kausap ko." May diin at madilim ang anyong asik ni Garett sa lalaki.

"And, what if I don't?" naghahamong sagot nito kay Garett. 

"You shut your mouth or you want my fist in your face?" seryosong tanong ni Garett sa lalaki. Madilim ang anyo niya at nag-iigtingan ang mga panga.

Saglit na natigilan ang lalaki at napatitig kay Garett. Nang mapagtanto marahil nitong hindi siya nagbibiro ay kaagad itong nagtaas ng kamay.

"I was just kidding, alright..." ani nitong nagmamadaling umalis sa harapan nila ni Iris at lumabas ng Café.

Bumaling siya kay Iris na hindi naman maipinta ang mukha sa inis.

"And you, get your things at sumunod ka sa akin."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status