Share

Ang Regalo

"NOTHING, just eat." turan ni Iris kay Garett na ikinagulat nito. 

Buong pagkamanghang ilang sandaling napatitig si Garett sa katabing babae na bahagyang nakangiti habang hawak sa kamay ang cherry na kinuha nito sa ibabaw ng cake. Bahagya ring umawang ang kanyang mga labi habang sa mga mata ay bakas ang sandaling pagkalito dahil sa inakto ni Iris. Mas lalo pa siyang nabigla nang isubo sa kanya ng babae ang cherry nang tila mapansin nitong wala siyang balak na tanggapin ang pagkain. Tila naman may sariling isip ang mga bibig niyang kusang bumuka at tinanggap ang isinusubo ni Iris na tuluyang nagpangiti nang maluwag sa babae. 

Parang tangang patuloy lang na nakatitig si Garett kay Iris habang nasa loob ng bibig nito ang prutas na isinubo ng babae.

Nangunot ang noo ni Iris bago sumimangot sabay irap.

"Chew it..." Turan ni Iris kay Garett sabay pisil ng babae ng lalaki para itikom ang mga bibig nitong nakaawang pa rin dahil sa pagkagul

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status