Share

CHAPTER 2

Abby's POV:

Nasa elevator pa lang ako papunta sa office ni Cloud ay panay na ang tingin sa akin ng mga empleyado niya, tiningnan ko ang sarili ko kung may mali ba sa suot ko—yellow puff dress na hanggang tuhod at white sandals. 

Ng makitang wala namang kakaiba sa itsura ko ay nagkibit balikat na lamang ako. 

"Good morning, can I talk to Mr. Cloud Salazar?"

Tanong ko sa babaeng nakaupo sa harap ng pintong itinuro sa akin sa ibaba. 

"Good morning mam, do you have any appointment?"

"Ah eh wala po eh. Pero pwede ko ba siyang makausap kahit saglit lang? Nagdala kasi ako ng lunch sa kanya."

Sabi ko sa babae sabay pakita ng paper bag na dala ko. 

"I’m sorry, Mam. Mr. Salazar is busy as of now and you need to schedule an appointment in order to talk to him."

"Even just 5 minutes Miss. Sandali lang talaga." Pakiusap ko sa babae 

"I’m sorry, Mam." Bagaman nakangiti ay alam kong nauubusan na ito ng pasensya sa akin. 

"Tell him it’s Abby Zegura - Salazar, his wife." 

Naiinis na saad ko at sandaling napatulala ang babae sa harap ko bago nakabawi. 

"I’m so sorry Mrs. Salazar  I didn’t recognize you but Mr. Salazar is currently talking to someone inside just wait for a while."

Sabi nito habang nag aalangang ngumiti sakin. 

Mabait naman ito at naiintindihan ko naman siya dahil ginagawa niya lang ang trabaho niya. Nagpasalamat at ngumiti ako sa kanya bago umupo sa waiting area. 

Tumingin ako sa relos ko at nakita kong 11:35 AM na pala tamang tama lang ang dating ko para sa pananghalian

Wala pang 5 minutes na nakaupo ako ay bumukas ang pintuan at tumayo agad ako. Lumabas ang isang lalaki na hindi ko kilala kasunod ang nakabusangot kong asawa. 

Napalingon sila sa gawi ko at agad na ngumisi ang lalaking hindi ko kilala at parang kinilabutan ako.

"Oww. What do we have here." Anas nito bago naglakad papalapit sakin.

Napatingin ako sa asawa ko at nakita kong mas dumilim ang itsura nito. 

"Stay away from my wife, Alcantara."

May diin sa boses ng asawa ko at kikiligin na sana ako pero ng mapatingin ako sa kanya ay masama ang tingin niya sakin, oh diyos ko ano naman ang kasalanan ko. 

Napahalakhak ang lalaki sa harapan ko at laking gulat ko ng biglang nitong kunin ang kamay ko at halikan ang likod ng palad ko

“Nice to meet you Salazar’s Wife,” Anito sabay kindat pero mas kinabahan lang ako sa uri ng pagkakatingin niya sakin. 

Bago pa ako makapagsalita ay hinigit na ako ni Cloud mula sa Alcantara na ito at hinapit palapit sa kaniya. 

"You may go now, Alcantara. Thank you for your proposal but I don’t like it." Sabi ni Cloud bago ito talikuran at pumasok kasama ko sa kanyang opisina. 

Tinignan ko lang si Cloud ng hilutin nito ang kanyang sintido at kung hindi pa ako tumikhim ay baka nakalimutan na niyang nandito rin ako. 

Galit siyang lumingon sakin at nagulat ako ng bigla niya akong itulak sa nakasarang pinto. Napapikit ako sa sakit ng likod ko pero ininda ko ito at sinalubong ang nagbabaga niyang tingin. 

"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO DITO?!" Dumadagundong ang sigaw niya sa buong opisina.

"Ahm. N-Nagdala ako ng l-lunch sayo kasi hindi kita n-naipagluto n-ng breakfast k-kanina." 

Mahinang sabi ko sabay angat ng hawak ko na paper bag at binigyan ko siya ng ngiti na kahit ang totoo ay gusto ko ng kumaripas ng takbo. 

Tinignan niya lang ang paper bag na hawak ko at marahas na hinila ako palabas ng opisina niya hanggang makarating kami sa parking lot. 

Mariin akong napapikit sa bilis ng pagpapatakbo niya sa sasakyan na animo lumilipad na kami. Nagpasalamat ako sa lahat ng santo ng makarating kami sa bahay ng ligtas pero nabuhay ulit ang kaba ko ng higitin niya ako palabas ng kotse na walang katiting na pag iingat at kinaladkad papasok ng bahay!

"A-ano ba Cloud. B-Bitawan mo ako nasasaktan ako!"

Pilit kong kinakalas ang kamay ko sa pagkaka hawak niya pero mas hinigpitan niya lang ito.

Napaiyak ako sa sakit na nararamdaman ko at sa takot sa kaniya. Mas napaiyak ako ng marahas niyang hawakan ang panga ko at linapit sa mukha niya 

"Huwag mo akong iiyakan na parang aping api kita dahil kung hindi mo sinira ang relasyon ko kay Andrea ay hindi mo sasapitin ito!" Mahina lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ko ang galit sa boses niya. 

"Tandaan mo ito, kahit kasal pa tayo ay hinding-hindi magiging asawa ang turing ko sayo. Pumayag ako sa pesteng kasal na gusto ng tatay mo para pahirapan ka at gawing impyerno ang buhay mo kaya sa ayaw at sa gusto mo wala kang kawala! Yan ang nararapat sa mga desperadang katulad mo!" 

Sabi nito sabay marahas na pakawalan ang panga ko. Ramdam ko ang sakit pero hindi nun matatalo ang sakit na dulot ng mga sinabi niya. 

Kinuha niya ang paper bag na hanggang ngayon ay hawak ko at marahas na pinagbubuksan ang mga tupperware at ikalat sa sahig ang mga laman nun. 

"Ligpitin mo yan at kung hindi mo magawa sa limang minuto humanda ka sakin."

Sabi nito bago ako talikuran kaya kahit nanghihina ay dali dali ko itong nilinis. 

Tigmak sa luha ang mga mata ko habang nanghihinayang na nililinis ang mga pagkaing pinaghirapan kong lutuin. 

Sigaw ng babaeng katalik ni Cloud ang maririnig  mula sa kwarto. Araw- araw naman siyang may dinadalang babae dito sa bahay at kinakama pero ang luha ko ay hindi maubos-ubos at ang sakit na nararamdaman ko ay sobra na pero kailangan ko tiisin dahil kasalanan ko naman.

I kept thinking of the happy memories I had with Cloud when we were kids. Bata pa lang ay inlove na ako sa kanya. Mas nauna pa akong na inlove sa kaniya bago ko malaman ang definition ng love. He was my prince charming back then, parati siyang nandyan para samahan ako when my Mom is busy with her modeling at si Dad na kaliwa’t kanan ang business trips. He never get tired listening to my rants about my life, he was always there to make me smile even if he was so corny, natatandaan ko pa noon na ayaw niyang nakikitang umiiyak ako. He hates seeing me cry dahil ang dugyot ko raw tignan. 

Napalingon ako ng nararamdaman kong may nakatingin sakin.

Nalingunan ko si Cloud na biglang ngumisi sakin at kumuha ng tubig. Katatapos lang nila siguro because he was only wearing boxers at wala ng iba. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at lalabas na sana ng kusina ng hatakin niya ako bigla. 

He harshly kissed me in my neck at sinandal niya ako sa lababo. 

"L-Let go of me."

Marahas na tinutulak ko siya pero mas malakas siya sakin kaya mas pinag igihan niya ang paghalik sa akin. Nang mabitawan niya ang isang kamay ko ay mabilis ko siyang sinampal na nakapagpatigil sa kaniya.

His furious eyes look at me like a dagger that is trying to rip my soul. 

Hindi ko inaasahang mas malakas na sampalin niya ako na naging dahilan para matumba ako sa sahig. He looks at me with disgust before leaving the kitchen. 

Sapo ang pisnging sinampal niya ay umiyak ako ng umiyak. 

What happened to my prince charming back then? What happened to you Cloud? Ako ba talaga ang dahilan ng pagbabago mo? I love you and I will never stop loving you.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status