Share

CHAPTER FOUR:His Other Side

CRISTEPHARIE

Bigla nalang akong hinila ni Joshua palayo dun. Ano bang problema niya?

"J-Joshua nasasaktan ako!" Halos mangiyak-ngiyak kong sabi pero tuloy padin sya sa pag-hila sakin nung nakarating na kami ng rooftop, tsaka lang niya ako binitawan.

"Don't ever talk to that guy." seryoso nyang sabi. Nakaka-takot siya.

''What's the problem with him?'' Lakas loob kong tanong habang nilalabanan yung takot ko na kagagawan ng aura nya ngayon.

''JUST DON'T TALK TO HIM! DON'T GO NEAR HIM!'' Sigaw niya na ikina-atras ko.

"Anong karapatan mo para sabihin kung anong dapat kong gawin? Ano ba kita?" wala sa sarili kong sigaw.

Kitang-kita ko ang bakas ng gulat sa mga mata niya. His eyes widened for a few seconds before it went back to his deadly glares. Nagulat nalang ako nang itulak niya ako pasandal sa isang pader, hinawakan niya ang mga kamay ko upang ilagay ang mga ito sa taas ng aking ulo. He crossed my hands by the wrist above my head as they held them with one hand.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mukhang walang epekto. Pader yata tong taong to.

"Kapag hindi mo ako binitawan, sisigaw ako ng rape!" pananakot ko pero balat kalabaw ang loko. Hindi man lang natinag.

Masama niya akong tinitigan sa mga mata ko, inilapit din niya ang mukha niya sa mukha ko kung saan amoy na amoy ko na ang hininga niyang amoy mint and strawberries.

"James is my competitor and you are our game. Ayokong natatalo!" sambit nito bago ako tinalikuran.

Naglakad ito palayo habang ako naman ay naiwang nakatulala.

"Aba eh gago ka pala eh!" Siraulong to! Ginawa pa akong laruan!

I shook my head and calmed myself bago bumalik sa Main hall. Ang sama talaga nung lalaking yun! Hinila-hila ako sa rooftop tapos iiwan ako? Bwiset siya!

Dumarecho nalang ako sa classroom since malapit na mag-start ang afternoon session.

'Girls Wala na tayong pag-asa kay Joshua'

'Huh why?'

'Haven't you heard the news? Lyca is back from Seiko High'

'Obsessed na Obsessed pa naman yun kay Joshua'

Yan ang usap-usapan nung mga girls sa classroom. Bakit ba gustong gusto nila si Joshua? Ang sama sama kaya ng ugali nun! Tss

Napa-lingon ako sa grupong pumasok ng pinto. Agad din namang napa-hinto yung grupong nagchi-chismisan.

It's Joshua and his best friend Kirvie. Pati si Lyca na naka-kapit sa braso ni Joshua.

Nag-tagpo ang mata namin pero umiwas agad ako ng tingin.

''Okay class sit down.'' Saktong pasok ni Prof.

"We have a transferee today. Please come in and introduce yourself." sabi ni Mr.Francisco at pumasok naman ang sinasabi nitong transferee.

"Good afternoon everyone! I'm James Ryan Rivera nice to be with you." Pakilala niya habang ginagala ang tingin nya at huminto yun sakin bago siya ngumiti.

"Please sit wherever you like." sabi pa ni Prof at nag-umpisa nang mag-ingay yung mga babae na inaaya si James umupo sa tabi nila. Nagulat ako ng sa tabi ko umupo si James.

"I didn't had a chance to talk to you earlier nung hinila ka ni Joshua." sabi niya at tumingin sakin. I just smiled awkwardly dahil wala talaga akong balak makipag-usap.

Mejo naiilang ako buong klase kasi di talaga ako sanay na may kausap na lalaki.

*riiiiiing*

Finally! Makaka-uwi na ko! Kinuha ko yung mga gamit ko at akmang aalis na kaso may humawak ng kamay ko.

''Cristeph, hatid na kita.'' sabi ni James.

''Ako ang mag-hahatid sa kanya.'' this time, may isa nanamang humawak sa isa ko pang kamay. Joshua.

"Josh, si James na daw ang mag-hahatid sa kanya."Lyca interrupted with her stern face displayed.

''Let's go.'' malamig at tipid na sabi ni Joshua at hinila ako palayo kaya napa-bitaw si Lyca sa kanya. Lumingon pa ko sa kanila at kitang kita ko kung pano ako titigan ni Lyca. Pinapatay na ata niya ako sa isip niya!

''Sakay.'' tipid na sabi ni Joshua pagka-dating namin sa may parking space ng school.

''Huh?'' Wala sa sarili kong tanong.

''Sabi ko sakay!'' Sabi nya then rolled his eyes.

''At bakit naman ako susunod? Pagkatapos mong sabihing "You are our game." Ang lakas ng loob mong utus-utusan ako? '' irap ko sa kanya. Aalis na sana ako dun pero agad niya akong hinila sabay buhat pasakay sa kotse niya.

''Alam kong di ka pa nakaka-kain.''sabi niya bago ako nilagyan ng seatbelt at pina-andar yung kotse.

"Hoy! Itigil mo to!"

✘✘✘✘✘

Nag-park siya sa harap ng isang restaurant at bumaba bago ako pinag-buksan ng pinto. Pag-baba ko, hinila nanaman niya yung kamay ko. Hobby din niya mang-hila eh no?

Pagka-pasok palang ng restaurant, halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang elegante nun. Mukang mamahalin! Wala pa naman akong pera!

Umupo kami sa isang table na may roses pa sa gitna. May inabot saming Menu at chill lang na inabot ni Joshua yun habang ako nanginginig na inabot yun. Lalo akong nanlumo nang makita ko ang price nun.

Hindi kami mayaman. May kaya lang kaya nakaka-panlumo talaga pagdating sa mga ganyan kalaking bagay.

''Ano sayo?'' mahinhin niyang tanong.

Kung hindi lang talaga maraming tao dito, kanina ko pa binatukan tong lalaking ito. Ang lakas ng loob niyang magpa-chill chill lang matapos niya akong sabihan ng kung anu-ano at hila-hilahin kanina! Aware ba siyang harassment ang ginagawa niya?

Palihim kong inirapan ang loko bago ko muling itinuon sa menu ang mata ko.

Ginto! Ang menu sa restaurant na ito ay ginto.

''H-Huh a-ahm ...'' Maghanap ka ng mura Steff! Yung pinaka-mura!

''A-Ahm Seafood soup!'' sagot ko at kumunot naman yung noo niya.

"Dinner? Seafood soup?" Tanong niya. Sabagay 6 pm na kaya dinner na nga to.

''A-ah o-oo konti lang ako kumain.''sagot ko tsaka binaba yung Menu.

"Okay sabi mo eh." Kinuha na ng waiter yung Menu at maya-maya, dumating na yung order namin.

Isang maliit na bowl ng Seafood soup na may konting mushroom at seafoods ang nasa harapan ko. Parang lalo akong nanlulumo pag naaalala kong 950 pesos to!

''Oh!'' Napa-tingin ako kay Joshua habang naka-tapat yung chopsticks na may Grilled beef sakin.

"Kainin mo na! Nangangawit ako." inis nyang sabi.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" diretso kong tanong.

"You'll know soon." sagot naman nito.

"Alam mo Joshua, I'm a simple human who has my own rights. At iyang mga ginagawa mo, natatapakan mo ang karapatan ko at isa pa----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isubo niya sakin yung beef sa chopsticks niya.

"Una, kumain ka muna. After this, sasagutin ko lahat ng tanong mo." Malamig nitong sabi tsaka muling isinubo yung grilled beef.

Buong dinner, sinusubuan niya ako na parang bata. Pag sinabi kong ako na, nagagalit siya. After kumain, nag-abot lang sya ng credit card sa waiter at hinila na ko palabas pagka-balik nun.

Matapos iyon, isinakay niya ulit ako sa sasakyan niya at naalimpungatan nalang ako noong nasa labas na kami ng bahay namin.

"Baba na." utos nito.

Sinamaan ko siya ng tingin bago ako bumaba ng sasakyan. Pagbaba niya, umikot siya papunta sa harapan ko tsaka sumandal sa sasakyan niya.

He crossed his arms and legs while staring at me.

"Anong kailangan mo sa akin?" I asked straightforwardly.

Hindi ito sumagot, bagkus ay ngumiti ito.

T-Teka? Ngumiti siya? Kinurot ko yung pisngi ko baka nananaginip lang ako.

''A-aray'' masaket!

"What are you doing?" kunot noo nyang tanong.

"D-Did you j-just smiled?"

"Of course! I'm a human! Stupid!" sambit nito.

Anyway, back to my ques--" Muli, bago ko matapos ang sasabihin ko, hinila ako nito papalapit.

I don't know what happened, or what came into his mind. Namalayan ko nalang, yakap na niya ako.

Walang pasabi itong kumalas sa yakap tsaka sumakay sa kotse niya bago iyon pinaharurot palayo.

What the hell was that?

TO BE CONTINUED

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status