Share

02

Allison's POV

Finals week na namin at ilang weeks nalang closing na ng school year. Last year na namin ng senior next year. 

"Nakakakaba kanina, lalo na yung calculus. Mabuti nalang naalala ko ang formula." Sabi ni Kenji ng makalabas na kami ng room.

Last exam namin ay calculus. Hindi ko talaga naintindihan nung una pero dapat tiyaga lang.

"Mas kinakabahan ako kung matatapos ba to nating year na to." Ani ko naman at naglakad na papauntang Cafiteria.

"Talaga? Kinakabahan ka? Eh wala ka ngang 90 below sa cards mo e. Nahiya naman ako sayo huhu." sabi niya naman at hinilahan ako ng upuan para makaupo. 

"Aba mukhang siya meron, ang talino mo nga." Sagot ko naman. 

Si Kenjiro o Kenji, matalino siya at sobrang studious. Minsan nalang ako makakita ng lalaking mahilig mag-aral. Kadalasan puro laro inaatupag. Dapat si Kenjiro tinutularan e.

#Kenjiromodelosakabataan! Chos! HAHAHAHA

"Sobrang proud ka naman sakin, ano ba maliit na thing." Aniya. Ayun lang, ang yabang niya.

"Paka humble ka rin minsan, pre." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. 

"Hey guys, did you order na ba?" Biglang sulpot ni Nicole. Tumayo naman ako at nakipagbeso. Syempre di papahuli si Lover Boy.

"Mag oorder pa lang." Sagot naman ni Kenji. Bagay na bagay silang dalawa, gwapo naman tong bespren kong gago tsaka sobrang ganda rin ni Nicole. Bagay talaga mag model.

"Sige, tayo nalang mag order." Aya ni Nicole kay Kenjiro.

"Sige dalian niyo at please wag na mag harutan. Ew-ew." Sabi ko sabay taboy sa kanila.

"Kala ko itlog almusal natin kanina, ampalaya pala yun." Pahabol naman ni Kenji bago sila umalis ni Nicole para pumila.

Habang naiwan ako, ni recall ko nalang ang mga answers ko.

Unang taon to na wala si mommy sa recognition day ko. Pero okay na yun, nag mo-move on narin ako. Pero di ibig sabihin nun di ko na siya papatawarin.

Kahit anong galit mo sa isang tao, pag mahal mo parang wala nalang yun lahat. Kahit nakakapagod, masakit, nakakadurog basta mahal mo mahal mo talaga.

"Ang lalin ng iniisip, jowa na ba yan?" Biglang sabi ni Nicole. Nakabalik na pala sila. 

Salad lang ang kinakain ni Nicole, vegetarian si sismars. Kami naman ni Kenji, burger tsaka smoothies. 

"Jowa, jowa walang time si Ali diyan."  Sagot naman ni Kenji. Napatango naman ako habang ngumunguya.

"Sayang, you're so pretty pa naman." Compliment niya naman. 

"Ay di kasing ganda mo." Bawi ko naman. 

"Aysus, nagbobolahan pa. Papalibre ka lang naman kay Nicole e." Singit ni Kenji, binatukan ko siya ng napaka hard.

"Epal ka." Sagot ko, sabay roll eyes. Wao ma attitude ghorl.

"Gwapo lang." Apaka confident niyang sagot. Patuloy ang kwentuhan namin patungkol sa exam and kung saan kami mag babakasyon, mga ganong usapan.

Weeks passed, the day we've been waiting is finally happening! 

"Top three of the Class 11 A. With an Average score of 93.5 percent. Sylvester Redonde."

Announce ng mga emcee, sabay naman kaming nagpapalakpakan. 

"Top 2 of Class 11 A, with an average score of 95 percent. Mack Kenjiro Fuentes."

Napatingin ako kay Kenji na gulat na gulat parin. Hindi kasi samin sinabi ang final ranking nung finals. Pumalakpak naman ako ng bonggang bongga. Akalain mo tung gago kong bespren naka rank 2. 

"For sure, ikaw na Top 1. Ninuno mo si Albert Einstein e." Tudyo niya ng makabalik sa upuan.

"Gano ka sigurado?"tanong ko at nilingon siya.

"The highest honor of Class 11 A, with an average score of 97 percent. Yurice Allison San Juan."

"Ganyan ka sigurado." Sabi niya at tinapik ang balikat ko. 

Maluha luha akong umakyat ng stage. Si Kenji walang tigil ang sigaw at palapak. Parang papa na proud lang.

Masayang masaya ako, pero parang may kulang. Parang may hinahanap pa ako. Namimiss ko yung nagsasabit ng medal sakin. Nakakamiss.

A week have passed, tinawagan ko si Kuya at ate to tell them that im the Top 1 of our class. They were so proud. The both of them support my school finances and other expenses. 

Kuya Adi is an army, he's now working at U.S.A. Aga niyang nawalay samin. Sumunod naman ang Ate Azi ko. He's a museum director sa New York.

"By the way, i want to apply to a job." Share ko habang kumakain ng junkfoods.

"A Job?" Ate raised hes brow when she asked.

"Siguraduhin mo lang iyang matino na trabaho Ali." Kuya warned me.

"Ah yeah, a carwash girl—

"What!"

"What!"

Sabay na angil nila.

"Ano ba makaangil 'tong mga to para naman akong nag prostitute." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Hay." Wala ng choice si Ate. Alam nilang dalawa na matigas ulo ko. Aminado naman ako hehe.

"Hay, siguraduhin mo lang na safe ka diyan. Papabantayan kita kay Kenji." Ani niya, na nagpakunot ng noo ko.

"Ano ako baby?" Tanong ko.

"Oo baby namin." Biglang sulpot ni Kenji. Nilingon ko naman siya at tinaasan ng kilay.

"Usapang kapatid kaya, chupi." Sabi ko sabay taboy. He just shrugged and walk away. Binalingan ko naman sila Kuya.

"Seriously kuya? I don't need a baby sitter." Reklamo ko naman. Ano ako 3 years old?! 

"Wag ka na mag reklamo, kundi di ka talaga namin papayagan. Tsaka taga hatid at sundo mo lang naman." At dahil dun napahinga ako ng maluwag. Nakakahiya kaya na may taga bantay ka. 

"Okay sige, sige. Fine." Wala na akong choice. Before we ended the call they reminded me of the things i need to do. 

The day was so boring for me, buti nalang at start na ng work ko bukas. Parang naging madali lang ang araw nato. Maaga akong nag gising para pumunta na sa shop.

Hinatid din ako ni Kenji, buti nalang sa kanto lang ang tinatrabahuan niyang fast food chain. Matapos kong magpahatid pinakilala ako ni Boss Jim sa mga kasamahan niya.

"Eto naman si Chinelle Villanueva." Pakilala ni Boss Jim sa makakasama ko sa carwashan. 

Malaki kasi ang shop ni Boss Jim. Sa harap yung pagaayos ng kotse sa likod naman ay ang carwashan. May opisina rin siya dito.

"Chin nalang. Ikaw?" Tanong niya naman. Ang sweet ng aura niya. Tsaka mahaba buhok na may bangs, ang payat niya rin pero sexy siya na pagkapayat.

"Allison, Ali nalang." Nag shake hands kami tapos nagngitian. Natinag kami ng may pumasok.

Isang lalaki na naka sando ng itim tsaka loose na pantalon na parang ripped na gutay gutay, ewan. Basta yun tapos may bandana pang itim sa ulo. 

"Hi, I'm Ali." Gusto ko na maging close sa lahat ng makatrabaho ko. Kaya ako na ang unang pumansin. 

Binalingan niya ako at lumapit ng walang reaksyon sa mukha. Para siyang galit na ewan. Basta ewan. 

"I'm..

Hinintay ko ang sagot niya ng nakangiti. 

"Not interested."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status