Share

04

Sino ba yan si Jaxx Matthew? Ang gara ng name ha. Makapagtanong nga.

"Chin." Tawag ko ng maglilinis siya ng kotse. Nilapitan niya naman agad ako.

"Oh bakit? May problema ba?" Tanong niya sabay hawi sa buhok niya na nalalaglag sa mukha niya.

"Sino ba si Jaxx Matthew?" Tanong ko na nakakunot ang noo.

"Si Kuya Matt." Simpleng sagot niya na ikinataka ko. 

"Bakit? May problema?" Tanong niya ulit. Umiling lang ako at sinabing bumalik na siya sa ginagawa niya.

Si Kuya Matt!? Yung masungit, yung si Mister not interested? Bakit niya naman ako bibigyan ng ganon? Tsaka with a letter pa? 

Napailing iling nalang ako para iiwas ang mga possibilities na iniisip ko kung bat niya ako binigyan ng ganon. Napaisip nalang ako na bumawi, ayaw kong magka utang na loob sa iba.

"Kapagod beh, gusto ko na magpahinga." Sabay kaming napaupo ni Chin ng hinihimas ang mga paa namin.

Pauwi na kami at sobrang dami ng sasakyan dahil nga fiesta dito. Maraming nagdagsahan na galing sa ibang barrangay.

"Oo nga, ang sakit na ng paa ko." Ani ko naman habang iniisa ng hubad ang gloves ko.

"Hey girls." Biglang sulpot ni Boss Jim. Napalingon kam sa kanya at bumati.

"You deserve a relax day." Sabi ni Boss Jim.

"Yey!" Excited na sagot ni Chin.

"Punta kayo sa bahay bukas, magiihaw tayo tsaka swimming narin." Aya niya samin. Pumayag naman kami ni Chin.

Umuwi na kami pagkatapos nun, as usual may taga sundo parin sakin. Bakit naman kasi ako tintrato ng baby, I mean sweet siya pero you know, nakakasakal. 

Pero I understand them naman, nag-aalala lang sila sakin. Habang naglalakad kami may biglang tumawag sakin. Sinagot ko naman agad ng makita ang caller.

"Hi ate! Imissyou." Bungad ko kaagad at nagsimula na kaming maglakad ulit ni Kenji.

"Hey baby, how are you na?" She asked naman. Napapa english talaga ako pag eto kausap ko, englisherist si Ate. Siguro nasanay na talaga siya, kasi nandun siya ngayon sa New York.

"I'm okay, how bout' you ate? Do you have boyfriend na ba?" Panunukso ko kaagad. Mga almost 5 years na ata 'tong single. Nang maghiwalay siya sa ex niya. Di na siya nag boyfriend ulit.

"Puro ka boyfriend, eh you? Do you have na ba?" Ayon, diyan magaling si ate ang mag shift ng topic. 

"Sige te, iwasan mo pa." Sabi ko. Natawa lang siya sa kabilang linya.

"By the way, how's your work?" She asked naman. 

"It's good well nakakapagod siya pero keribels narin, tomorrow pupunta kami sa bahay ng boss namin for swimming tsaka mag iihaw ihaw ganon." Mahaba kong share sa kanya. 

"Ow, basta always take care baby. Sige na bye, iloveyou." Paalam niya naman. Nakakamiss si Ate, nung nasa bahay pa kasi kami siya lang nakakaintindi sakin. Wala naman kasi si Kuya don.

"I love you too." Ang boses ko ay halatang namimiss ko na talaga siya, sila.

"Ang sweet!" Singit ni Kenji, I just rolled my eyes. 

Kinabukasan maaga akong nagising kahit 11 A.M pa ang usapan namin. Nagpaalam na rin ako na doon matutulog sa bahay ng boss namin. Umuna na ako sa shop, naabutan ko nadin si Chin dun.

"Aga natin." Sabi niya ng matanaw na ako.

"Halatang excited." Sagot ko naman. Sabay kaming natawa. Ilang mekaniko lang ang nandoon tsaka mga carwash boy. Halatang kami lang dalawa ni Chin ang ininvite ni Boss.

"Uy ayan na pala si Kuya Matt." Biglang sabi niya. Napalingon naman ako agad at nagtataka.

"Ha? Bat siya nandito?" Hablot ko sakanya pabalik.

"Hello gurl! Syempre sama siya." Sabi niya naman at hinatak na ako papasok sa kotse. Kaming dalawa talaga sa likod.

"Nagmumukha akong grab driver." Ani ni Kuya Matt ni maka pasok kami.

"Eh sige, lipat nalang ako diyan sa harap." Sagot ni Chin pero napatigil siya ng biglang inistart ni Kuya Matt ang kotse.

Alam mo, ang labo ng isang 'to. Ewan ko lang talaga kung may saltik ba to. Pero hindi na ako nagtataka kung meron nga.

Ilang minuto lang nakaabot na kami sa bahay ni Boss Jim. Hinahangaan ko talaga ang desenyo. 

Modern siya, two storey-house. Tapos sa pinakatuktuk may rooftop. Tapos may garage sa gilid and swimming pool sa likod. Malaki ang space sa front. Napapalibutan ng halaman tsaka may fountain rin sa gitna.

"Hey, welcome sa Garcia's Residence." Salubong samin ng helper ng makababa kami ng kotse ni Kuya Matt.

"Oh! Nandyan na pala kayo. Tuloy, tuloy." Anyaya samin ni Boss na kakalabas lang ng Bahay.

"Ang ganda ng bahay niyo, Boss." Komento ni Chin ng makapasok na kami. Maganda ang interior designs neto. Halatang magaling na architect ang kinuha nila.

"Kasing ganda ng Misis ko." Sabi niya naman at napangiti. May biglang magandang babae na lumabas, feel ko galing sa kitchen kasi naka apron pa.

"Hala, hindi mo naman sinabi na dumating na pala sila." Ani ng Misis niya at lumapit sakanya.. Napakaganda niya, maputi tsaka matangkad. Parang pang Miss Universe.

"Ow, Misis ko. Mona Arielle Garcia." Pakilala niya sa Misis niya.

"Hey, you can call me Tita Mona." Sabi niya at nakipag shake hands sa amin.

"Chinelle po, Chin nalang po." Pakilala naman ni Chin. 

"Allison po, You can call me Ali po." Pakilala ko naman at ngumiti. Gumanti rin siya ng napakagandang ngiti.

"These girls are so pretty." Compliment niya naman. Hinila pa ni Chin ang shirt ko, nagpipigil ng ngiti. Kilinig amp.

"Syempre, para mas malakas ang shop." Ani naman ni Boss, tsaka nagtawanan sila. Wew.

Biglang tumikhim si Kuya Matt. Halatang naiinip na. Inakbayan naman siya ni Boss Jim.

"Puti nabingwet mo." Binglang singit ni Matt sabay senyas kay Tita Mona.

"Ugok! Lumabas ka na nga." Sabi niya sabay batok, tipid lang na ngumiti si Kuya Matt at dumiretso na sa Pool Area.

"Tatapusin ko lang yung niluto ko ha, iligay niyo na mga gamit niyo sa guest room." Sabi ni Tita Mona tsaka pinasama samin ang isang helper. 

Inayos namin ang gamit namin bago nag desisyong bumaba na. Naka black shirt lang and white summer short. Si Chin naka pink na shirt tsaka white rin na shorts. Parehas kaming pinonytail ang mahaba naming buhok.

Pag labas namin, naabutan namin sila Boss na naghahanda ng pang grill. Lumapit naman kami sa kanila para tumulong. 

"Nako nako, wag na. Maligo nalang kayo." Sabi ni Boss Jim ng aakma na making tumulong.

"Sige na" push niya pa samin. Kaya wala na kaming choice ni Chin. 

Nagbilang pa kami bago tumalon sa pool. Tsaka sabay sabay na lumubog. Nag karera pa paunahan kung sino yung makapunta sa kabilang dulo. 

Para kaming mga batang enjoy na enjoy, 'yong tipong sayang saya ka kasi nakapag-outing kayo.

At dahil dun, bigla kong naalala si Mommy. Siguro mga 6 or 7 years old ako ng huli naming outing. Yung masaya talaga, 'yong totoong saya.

"Girls, eat muna kayo." Yaya ni Tita Mona. Agad naman kaming umahon at nakalimutan namin na wala pala kaming towel. Nahihiya rin kaming magpautos. Nakita ko si Kuya Matt na nakatingin samin. 

Napailing siya at pumasok. Pumunta nalang kami kung san nasan sila Boss Jim. Kitang kita ko ang pagmamahal sa mga mata nila. Yung sincerity, yung affection tsaka most especially yung love. 

"Ay." Nakita ko si Chin na nagulat kaya lumingon ako. Binigyan siya ni Kuya Matt ng Towel. Kumuha nalang uli ako ng pagkain ng may biglang magsablay ng tuwalya sakin. 

At talagang sa ulo ko sinabit. Sinamaan ko lang ng tingin si Kuya Matt. Inosente niya naman akong tinignan. 

Nagbulungan pa sila ni Boss Jim, tsaka biglang tumawa si Boss Jim. Napataas naman ang kilay ni Kuya Matt. Ng bigla siyang tumingin, agad naman akong nag iwas ng tingin at kunwaring pumupulot pa ng pagkain.

"Ang takaw mo pala girl" ani ni Chin. Actually hindi talaga ako matakaw. Ewan ko kung bakit bigla nalang akong nabalisa.

"Cheat day ko ngayon." Sagot ko naman sakanya ng at minabuting magtunog normal ang boses ko.

Nagke-kwentuhan kami ng habang kumakain. Tungkol sa buhay namin, pero syempre hindi ko na binaggit ang paglalayas ko. 

Nalaman ko naman na si Chin ay isang working student ni Boss Jim. Kwinento narin ni Boss Jim kung pano niya nakuha ang mga bagay na meron siya ngayon.

"Grabe ang hirap ko noon, nalayo ako sa pamilya ko para magkahanap-buhay. Tinapos ko ang kurso ko, which is mechanical engineering. Naging mekaniko ako sa ibang bansa. Dun ko nakilala si Mona. Ng umuwi na kami at ng maka ipon-ipon, nagpatayo na kami ng sariling shop. Hanggang sa dumami ang branch." Kwento ni Boss Jim.

"Ang successful mo na ngayon boss no, iba talaga pag inlove." Tudyo naman nitong si Chin.

"Iba talaga basta nagmahal ka, gagawin mo lahat para mag buhay-reyna lang ang mahal mo." Ani niya naman sabay ngiti sa Misis, ngumiti rin ito ng matamis at hinalikan ang Mister sa pisnge.

Napangiti ako, mapait na ngumiti. Ganto rin ba si Mommy? Ginawa niya lahat para magbuhay prinsesa at prinsipe kami dahil mahal niya kami.

Inuunti kung tanggapin, pero hindi ko magawa. Siguro mapapatawad ko si mommy pero ayaw kong itolerate ang mga ginagawa niya.

Inaaya ulit kami ni Boss Jim, this time sabay sabay na kaming naligo. Sinubukan kong makisabay parin sa kanila, kahit na may dinaramdam ako.

Ng malapit na sumapit ang hapon nag banlaw at nagsipagbihis na kami. Nagpahinga muna kami saglit ni Chin sa kwarto dahil sa pagod.

Nagpapatuyo ako ng buhok habang si Chin ay umidlip muna. Lumabas muna ako sa kwarto at napagpasyahan na libutin ang bahay ni Boss.

Mula sa terrace kitang kita ko ang mga nag ninigningang bituin. Agad naman akong pumunta at nagpasyahang magpahangin.

Napaisip ako kung ano ang kalagayan ko na ngayon kung nag stay ako kay Mommy at  sinunod ang gusto niya. Hindi ko ma imagine na gumagawa ako ng illegal. Talagang hindi.

Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa gilid ko, Si Kuya Matt. Bagong ligo, nakaputi na shirt and black shorts. Fresh niya tignan, Infairness.

"Ow, hi." Bati ko, sobrang tahimik kasi tsaka balak ko naring mag thank you.

"Hmm." Yun lang ang sagot niya, oo yun LANG. 

"Ah by the way, thankyou pala dun sa gloves tsaka sa foods tsaka thankyou din kanina sa towel." Pag thank you ko naman sabay yuko. 

nilingon niya ako tsaka tumingin ulit sa langit. Wow, hindi man lang nag welcome, grabe talaga to si Mister Not Interested.

"Ang ganda no." I tried to open a topic again, sinubukan kong makausap talaga siya yung tipong nagbabatuhan kami ng salita. 

"Oo ang ganda nga." Nabigla ako ng bigla siyang mag-salita. Napatingin naman ako sa kanya.

Nakatingin rin siya...

Sakin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status