Share

Chapter 3- I'm Sorry?

Timothy’s POV

Oh Boy, puwede na siyang maging boksingera. Literal na may circle sa paligid ng mata ko, nangingitim. Hindi ko maimulat.She looks so satisfied after what she did and just me left me there crumpling in pain. Dinala ako ng mga ka-team ko sa clinic. Man, sumama ang pakiramdam ko. Inuusig ako ng konsensya ko, magsorry daw ako sa boksingerang 'yon. At bakit? Siya 'tong nanakit sa akin. Siya ang dapat magsorry.

Napangisi na lang ako, imposible kasi mangyari 'yon eh. Mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride niya. 

"Uy Sir. Timmy class hour ah, anong nangyare sayo?" Pumasok ang roommate kong nagse-celebrate ng heartbreak. Napatayo naman ako, oo nga pala, hindi ako nakapagbigay ng excuse slip. Natigilan naman siya nang makita ang mukha ko. 

"Ang panget mo Sir.Timmy!" Maluha-luha siya sa kakatawa sa akin. 

"Thanks ha!" sarcastic kong sagot habang nilalapatan ng cold compress ang black eye ko.

God, I'll hunt you down De Chavez!

Lumabas na ako ng clinic. Dumeretso ako sa girl’s dorm. Well, bawal ang lalake sa dorm nila. Pero sino ba ako sa tingin nila? Puwede kong puntahan kahit anong lugar na gusto kong puntahan dito. Wala akong pake kung may higher year na magalit sa akin dahil sa paglabag ko sa rules, I have a mission—search and destroy Sayuri De Chavez.

"Hi! Sir. Timmy- whoah! Anong nangyari sa perfect face mo?!" Napairit na sabi ng isang lowerclassman. Napapikit ako sa inis, hindi lang dahil sa black eye kundi dahil sa sakit ng ulo na binibigay sa akin ng Sayuri na 'yon. Wala siyang pakialam kung masira niya ang pinakaiingatang yamashita treasure ng Strawberry Fields  Academy—my face.

Good Lord, De Chavez has made me bitter. Tuloy-tuloy ako, hanggang sa makita ko siya sa girl’s common room (living room ng mga dorm) nanlaki ang mata niya nang makita ako, hanggang sa napalitan ito ng iba't-ibang emosyon, galit, gulat and apologetic look.

"Oh hello Mr. Blythe, Buti dumating ka na."

Napakunot noo ako. Oh, so hinihintay niya ako? Ang prinsesa ng kadiliman ay hinihintay ako? Dapat na ba akong matuwa? Kailangan ko na bang magpapansit dahil dito? 

"Sa tingin ko may kaylangan kang panagutan," ngumisi ako sa kanya.

Binigyan naman niya ako ng 'Duh' look. "Hey, baka nakakalimutan mo, nasa girl's dorm ka."

Puwede ko na ba siyang bigwasan sa harap ng mga estudyanteng 'to? As in ngayon na. Tumayo siya, sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya at tumingin nang seryoso sa akin.

"Well, I believe I deserve an apology, " she stated in a matter-of-fact tone. Literal na nalaglag ang panga ko.

Nagpapatawa ba siya? Ako? Si Timothy Blythe, do not- I repeat,-do not- apologize! I never have in my life! Kung kasing taas ng Eiffel tower ang pride niya, puwes kasing layo ng buwan ang chance na magso-sorry ako sa kanya! 

"Naghihintay ako," humalukipkip siya habang taas-noong naghihintay na magsalita ako. Sige maghintay ka hanggang sa magyelo ang araw.

Sayuri's Pov

Believe it or not, may plano akong magsorry sa kanya. Kinausap ako ni Yuki at sinabihan ako na hindi ko dapat sinuntok si Timothy. At bakit sino ba siya? Bagay lang sa kanya 'yon! Gagawin ko na sana eh.

"Hudas kang babae ka," napailing niyang sabi sa akin sabay talikod paalis. Laglag ang panga ko at tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Wala pang tumawag sa akin nang ganoon. That's foul!

"Hoy Blythe bumalik ka dito!" umalingawngaw sa buong dorm ang sigaw ko.

“Freak!” sigaw niya pabalik. At doon sumabog na ang boiling point ko, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Mamatay ka na Blythe! Gago! Impakto!" masaya sanang makita siyang tumatakbo papalayo dahil sa takot. Pero hindi eh, tumigil lang siya, dahan-dahan siyang lumingon sa akin at binigyan ako nang nakakamatay na tingin, nag-aalab sa galit ang mga mata niya.

"Aba, De Chavez, baka nakakalimutan mo kung sino ang nakabili sayo?" he asked in an icy tone, dahan-dahan siyang lumapit sa akin. At tumigil siya nang sobrang lapit na niya, I got a little bit of scared.

Tikom lang ang bibig ko, inihahanda ko na ang kamao ka para sapakin siya ulit. Pero kinuha niya ang kamay ko bago ko pa magawa.

“You know na hindi ako nananakit ng babae eh. Huwag mong hintaying ikaw ang unang masampolan.”

What?! Ang kapal ng mukha niya pagbantaan ako! Hudas! Barabas! Hestas! Satanas!

"Impak-" pero pinutol niya kung ano mang sasabihin ko. 

"Mag-ingat ka De Chavez, wala sa usapan ang pagbibigay ng gagong pet name, boksingerang angry bird!”

"And what do you think of yourself? Jerk!"

"You’re an outrageous tomboy!"

"Sunog-bagang ugok!" sigaw ko sa kanya.

"Annoying Witch!”                                                                                                      

“Gagong unggoy!”

"Ah, so, labasan na ng hayop na ugali ang gusto mo?" pacool niyang sabi pero bakas pa rin doon ang galit.

"Manyak na baboy!" sigaw ko sa kanya. Yeah, this is going nowhere. Totoo naman 'yon, isa siyang womanizing piglet.

Sasagot pa sana siya pero nakaisip na ako ng mas malupit na pang-inis sa kanya. 

"You’re nothing but an idiot Spoiled brat. Kaya ka lang naman nandito eh dahil sa pera ng magulang mo. Who cares kung sila ang main benefactor ng school? I don’t even know kung pasok pa ang IQ mo sa borderline, You’re nothing but a brainless asshole.” 

Okay, I’m playing dirty now. Pero bagay lang sa kanya 'yon! Kasalanan niya 'to lahat!

“Are you calling me a spoiled brat?” he growled, for some reason, natakot ako sa tono niya.

“O-Oo!” ninenerbyos kong sagot.

Tumitig lang siya akin, pagkatapos ay tinalikuran na niya ako. Pabagsak niyang sinarado ang pintuan ng common room, na ikinagulat ng mga nasa labas. Lumapit sa akin si Yuki at pumasok kami sa kuwarto ko. Malamang sesermonan nanaman niya ako sa ginawa ko. Kaya inunahan ko na siya bago pa siya magsalita. Dahil sa stress ko kay Blythe ginawa kong stress ball ang mukha ni Yuki. 

"Aba! Kasalanan ko bang pikon siya?! Siya itong sumugod sa dorm pikon naman! Seriously, if you want to blame someone, blame the woman who conceived him, kasalanan niya kung bakit may Timothy Blythe sa mundong 'to!"

"Yuri-" hindi ko na siya pinatuloy, alam ko na kung sinong kakampihan niya.

"Don't you dare, Sayuki."

"Wala akong planong kalabanin ka Yuri. Gusto ko lang sabihin sayo na mapupunit na ang mukha ko sa ginagawa mo.”

Napakunot ang noo ako at itinigil ang ginagawa kong pagpisil sa mukha niya. Ang kapatid kong nagmukhang mansanas sa pula. 

"Sorry bro," I apologized affectionately at niyakap sya sa likod. Ganun kami kasweet. Kambal nga eh.

"Grabe talaga ang temper mo Yuri, beyond compare. Hindi mo siya dapat tinawag na spoiled brat," umiiling na sabi ni Yuki.

"He is a spoiled brat!" pasigaw kong sabi at pinaghahampas ko ang ibabaw ng Biology book ko.

"Well,  Sayuri. Baka nakakalimutan mo, at aminado ako, spoiled din tayo kagaya niya. May tig-isa tayong limousine, may driver, may sarili tayong isla, we go to this super expensive school-"

"We are nothing like Timothy Blythe! Siya mahal siya ng pamilya niya. I bet proud ang parents niya na gifted ang anak nila. Ang saya-saya niya kapag nakakauwi siya sa bahay nila kapag Christmas, new year, holloween, birthdays. I bet lagi siyang kinakamusta ng parents niya. We may be rich Yuki but we are not spoiled! Kasi walang pakialam ang mga magulang natin sa atin!" 

"At paano mo naman nasabi na hindi pinagdadaanan ni Timmy ang nangyayari sa atin? Malay mo kagaya natin siya, ayaw sa kanya ng parents niya kaya dito siya pinadala," mahinahon pero seryoso ang mga tingin ni Yuki sa mga mata ko.

Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong laging tama ang mga sinasabi ni Yuki, laging parang 'jokes are half meant' ang mga banat niya. Kayang kaya niyang i-analyze ang mga bagay nang maayos, samantalang ako nauunahan ang init ng ulo.

"So are you telling me that I should go and apologize to him?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Ok, alam ko na sagot. Nagbuntong hininga ako at dumeretso sa pinto.

"Fine, magsosorry ako sa kanya kasi tinawag ko siyang gago, impakto, narcissistic na idiot. At magsosorry ako sa pagtawag sa kanya ng spoiled brat."

"So, finally, you’re admitting that you're subconsciously feeling guilty about your fight," ngumiti ang kapatid ko sa akin at iniwan ako doon na nag-iisip kung tama pa ba ang mga ginagawa ko. 

Masyado ng masakit ang ulo ko ngayon dahil sa lalakeng 'yon. Pagkatapos ng dramatic naming paguusap ay lumabas din ako para magpalamig ng ulo. Pero hindi naging madali ang paghahanap ko ng kapayapaan, dahil puro gossip tungkol sa akin ang naririnig ko. Trending ang pag-aaway namin sa buong school. Mga chismosa! Mga palaka! Walang ibang ginawa kundi pag-usapan ang buhay ng ibang tao! Minsan iniisip ko tuloy kung gifted children ba talaga lahat ng bata dito? Eh bakit ganon sila? Parang hindi sila tine-train para maging Dancer, Singer, Doctor, next Einstein, next Da Vinci, just to name a few of our future profession. Nakakainis, I guess they're trying hard to be amazingly mediocre.

Nagkulong ako sa study room ko at nagsimulang pagdiskatahan ang mga libro na nakatiwangwang doon. Kailangan kong idivert ang stress ko. Kailangan ko ng shock absorber. Nakakainis! Hindi naman sa naguguilty ako, bakit naman ako maguguilty sa ginawa ko?! Serves him right! Siya itong nanguna!

Timothy's Pov

Spoiled brat? Isn't she a little hypocrite? Wala siyang alam! Wala siyang alam kaya wala siyang karapatan na gaguhin ako! Ang lakas talaga ng apog niya! Pareho lang naman kaming naliligo sa pera ng magulang namin, kagaya ng lahat ng bata dito! Hypocrite! Foul! Freaking monster!

She'll get what she deserves.

Badtrip tong shower na 'to ah, bakit ang init masyado ng tubig? Anong tingin nila sa mga tao dito karne ng baka? kailangan pakuluan?

Agad-agad akong nagtatalon paalis sa kumukulong shower, pero dahil masyadong pre-occupied ang isip ko, hindi ko napansin ang nilalakaran ko. Nadulas ako sa hindi nabuhusang shampoo at naglanding ang tailbone ko sa matigas na tiles. Puro katangahan! Puro kamalasan!

Kasalanan lahat 'to ng babaeng 'yon! Binigyan niya ako ng maagang pamasko, isang malaking pasa na magiging kasize na ng America bukas.

This is what I get after I paid a million, What a bargain. Paika-ika akong lumabas sa banyo at naglagay ng towel sa bewang. Magsusuot na ako ng dapat isuot nang may kumatok sa pinto.

Siguro si Tiw-tiw nanaman 'to! Naiwan na naman niya ang susi niya.  Napaka absent minded, paano kaya siya nakapasa dito? Inis kong binuksan ng maliit ang pintuan, hanggang dibdib ko lang ang inilabas ko. Grabe dude ang sakit ng tailbone ko kapag nakilos.  This is torture man.

"Puwede ba Tiw, ipulupot mo na lang sa leeg mo ang susi mo para hindi mo mamisplaced! Sa susunod na gisingin mo ako gamit ang megaphone sa madaling araw, I will get your long nose out of this school—“ natigilan ako nang marealized ko kung sino ang nasa labas ng pinto.

Behold, the beautiful devil ascended into my suite.

"Oh ano nanaman?" masungit kong tanong. Wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya ngayon, may black eye ako at masakit ang puwet ko!

"Di ka pa ba tapos sa heart-warming, life-changing, speech mo? O baka naman gusto mong pantayin 'tong black eye sa mukha ko?"

Nakatingin lang siya sa akin, nakita ko siyang lumunok. Tapos ang pula ng pisngi niya.

What the hell is wrong with her this time?

“Exploiting your power as rich kid again, eh?" She snaps. Napahinga ako ng malalim. 

"Fine, ano bang sasabihin mo? Shoot it," tumayo siya nang deretso, huminga nang malalim at bumulong ng alien words.

"Gustokongmagsorrykasiangtangamo," napasimangot ako sa sinabi niya.

"What the hell was that?" Huminga siya nang malalim na tila hirap na hirap at tumingin ng matalim sa akin.

"Gusto kong mag sorry kasi ang tanga mo."

Hindi ko maiwasang mapangisi. "Oh, nagsisisi ka na? Wow naman, the ever wonderful Sayuri De Chavez has come to apologize to the pitiful little me.  I feel so blessed and honored. Sa wakas nagising ka rin sa katotohanan. Ang hirap siguro ano?"

She anxiously tap her foot repeatedly, sign na nagsisimula na siyang magalburoto.

"Look, bastard. Pumunta ako dito para magsorry sa pagtapak sa napakalaki mong ego, pero nagkamali ata ako sa ginawa ko, kasi tumagos lang sa utak mong bungol ang sinabi ko! Moron!"

"Bastusan na naman? seriously De Chavez, you are so immature," I rolled my eyes.

Nakita ko kung paano mamula nang sobra ang mukha niya sa galit at napakuyom ang kamao niya. 

"I accept your humble apology. Sana lang mahanap ko ang pagpapatawad sa puso ko-"

"You, moronic bare chested idiot!" Magsisimula nanaman siya pero pinigilan ko na.

"Bakit parang nagbla-blush ka kanina? Na turn-on ka ba sa nakita mo? Ibig sabihin pala attracted ka sa akin physically? Hmm, now I wonder kung paano magwo-work tong tandem na 'to within a month," nakangisi kong sabi. Sabog nanaman ang butchi nito.

"I hate you! You, mean, hateful boy!" she screamed. Binuksan ko ang pinto at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"The more you hate the more you love, sabi nila there's a thin line between hate and love. Hate, in fact, is also a reflection of love,” litanya ko sabay sara ng pintuan. Natawa ako sa mga mata niyang nagliliyab sa galit. At hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay natatawa pa rin ako.

Pero ang mga tawa ko ay napalitan ng isang panaginip na akala ko hindi na ako magigising pa. Panaginip na tila nais akong dalhin sa aking huling hantungan sa tuwing matutulog ako. 

"Paki-usap, huwag mo akong kunin. Huwag mo akong patayin.Huwag!" Paulit-ulit kong sigaw sa kanya, tumatakbo ako palayo. Mahuhuli niya ako! Mamamatay ako kapag nahuli niya ako! 

Bago pa niya ako maabutan ay tila may humila sa akin at nagising akong humihingal. Basa ng pawis ang unan at kumot ko.

Nagising pa ako. Salamat naman. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status