Share

Chapter 4- About Him

Timothy's POV

Nagising pa ako. Salamat naman.

May luha ang mga mata ko. Napanaginipan ko nanaman ang babaeng ‘yon. Paulit-ulit ko nanamang naririnig ang mga iyak at sigaw niya. Tila katabi ko lamang siya dito. Basang basa ng pawis ang kama ko. Another nightmare.

Hindi ko na maalala lahat, tila mga piraso ng isang basag na salamin ang mga panaginip ko. Leaving me a feeling of guilt, sadness and lost. What I figure out the full picture of my dreams? What will happened to me?

I guess I'll never know.

Huminga ako nang malalim at tumitig sa kisame. Minasahe ko ang sentido ko. My eyes are still wet from crying, I glance over my alarm clock. Its a weekend and it's 7:30 a.m, geez, 3 hours pa lang ako nakakatulog. Hindi na ako magtataka kung isang araw mamamatay na lang ako bigla dahil sa sobrang sleep deprivation. Tumayo ako, napansin kong wala pa ang sapatos ni Tiwtiw sa shoerack. Nakipag boy's night out nanaman siguro yun at nakitulog sa ibang kuwarto.

Pareho kaming may insomnia pero hindi kami nagpapang-abot sa gabi. Sabagay, mild insomnia lang yung sa akin, samantalang yung sa kanya hardcore. Nagpatingin na daw siya sa doctor at niresetahan siya ng sleeping pills. Excuse siya kapag nakakatulog siya sa klase. Hindi niya trip yung mga pills kaya minsan kinakalimutan niya uminom. Minsan sinubukan niyang uminom ng two tablets at nakatulog siya ng eighteen hours, well it was good for him pero it really freaked me out. Akala ko na overdosed na siya. Feeling daw niya pagkagising niya fifty years na ang lumipas at alien invasion na. I felt sorry for him, kapag tulog siya hindi ako gumagawa ng unnecessary sounds. Ang hindi ko lamang talaga maintindihan ay kung paano napasok sa eksena yung pagkanta niya ng magdamagan? Inaantok ba siya sa paraan na 'yon?Napapagod? Or gusto lamang niyang maghiganti sa mga mahihimbing ang tulog kasi hindi siya makatulog?

Moving on, tumayo ako para magbanyo at pakalmahin ang nerves ko. Palaging ganoon, sa tuwing magigising ako sa masamang panaginip ko, laging nanginginig ang mga nerves ko at nasusuka ako. Wala akong magawa kundi mamaluktot sa banyo habang hinihintay na kumalma ang katawan ko. 

Matapos kumalma ng katawan ko ay agad akong tumayo sa tapat ng shower. Quick shower lang just to remove the bad feeling. Pagkatapos ay agad akong lumabas, nagbihis at nagsuot ng sweater, Ibinulsa ko ang dorm key ko at lumabas ng kuwarto.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, I just need fresh air. Noong bata pa ako, lagi akong hinahayaang lumabas ng parents ko around the village, I don’t know. Hiniling ko daw yun. Maybe because the kids in the main estate avoid me. Lalabas ako at uuwi kung oras na nang tanghalian o hapunan. Pagala-gala lang ako, naglalaro sa mga playground. Humihiga sa mga damuhan. It felt therapeutic.

Theraphy from what? I don’t even remember.

My mom wouldn’t even tell me the reason. My dad, he’s just there. As long as hindi ako uuwing duguan. Nilalagay niya sa leeg ko ang inimbento niyang alarm in case may magtangkang kumidnap sa akin.

Natigil lang ang ganoong pangyayari noong pumasok na ako dito sa SFA.

Hindi ko namalayan na dinala na ako ng mga paa ko sa building ng HenyoNatics. Ito yung main building ng STEM. Kapag walang klase, they would rather stay here and read books or do tutoring.  Kapag umaga itong building na to ang pinaka maaliwalas. Bukas lahat ng pinto at bintana, lagi kang may maririnig na masasayang music. Yes, mga henyo ang mga estudyante dito pero sila rin ang isa sa mga pinaka warmest na tao sa school. May special program kasi sila na tinatawag na Genuinely Genius. Ito yung tinuturuan sila na huwag lumaki ang ulo kahit sobrang talino nila. Sila din ang mga pasimuno ng mga charity events sa school na ito. Maririnig din ang mga biruan at tawanan nila habang nag-aaral sila. Para silang isang malaking pamilya . It was nice.

Sumilip ako sa bintana ng isa sa mga study room and there she is; who would’ve have thought na isa si Sayuri sa henyo ng school na 'to. Kahit badtrip ako sa kanya, masasabi kong matalino siya. She’s very smart. Ilang beses na siyang nagcompete sa mga International Quiz Bee. I heard she’s the top 2 in our year.

Nagtututor siya ngayon sa isang taga Art Department. She’s in her natural space. She looks harmless, parang hindi malakas manapak. 

Umakyat ako sa rooftop at pumasok sa isang kuwarto roon. Binuksan ko ang ilaw, nakasabit sa mga pader ang mga medals, certificates, trophies . May mga nakadikit na pictures sa pader, mga mosaic na ginupit galing sa mga magazines. Sa isang sulok ay nakapatong ang bluetooth speakers, katabi ng mga libro about Psychology and Anatomy.

I'm home.

Isa ako sa STEM major and secret member ng HenyoNatics. Twice a week ko binibisita ang study room ko. Partly kasi wala akong time tumambay dito after class. Busy ako sa soccer practice and hanging out with my friends. But also, being a STEM Major is my secret. Ayokong may makaalam na iba maliban sa mga teachers. I want to keep everything about my life private.

Besides, I have a photographic memory kaya studying is not a problem on my part.

Lumapit ako sa canvas na nakatayo sa gitna at inalis ang tabing nito. My roommate commissioned this for me sa halagang 100k. He’s an Art and Design Major. She stared back at me, a lady from my dreams. A lady I tried so hard to remember but I can’t.

I was a kid noong una kong mapanaginipan ang babaeng ito. I tried to ask my mother about this pero she said that I have a certain trauma sa isang palabas noong bata pa ako. That’s what she said and I believed her. But as I grew older, I started to have a feeling that the lady in my dreams is not just a part of a childhood phobia. There's something more. Kung trauma lang 'to sa palabas bakit nahihirapan ako huminga kapag napapaginipan ko siya? Bakit parang totoo siya? There must be something at 'yon ang kailangan kong malaman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status