Share

Chapter 5- Impulsiveness

Sayuri’s POV

Sunday 3 A.M

Nagising ako sa sunod-sunod na tapik sa mukha ko. Pupungas-pungas akong naupo at binuksan ang night lamp ko. Kinusot ko ang mata ko at nakita ko ang roommate ko na si Miaka Sandoval na nakatayo sa tabi ko.

"Ah,eh..Sayuri,” kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Tila may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya masabi. It took three minutes bago ko magets ang gusto niyang sabihin.

“Ok, fine I get it,” tumayo ako at binitbit ang blanket ko. Makikitulog na lang ako sa kuwarto ni Yuki.

Nadaanan ko sa living room ng unit namin ang boyfriend niya. Tinanguan lang niya ako at pumasok na siya sa kuwarto ni Miaka.

Hindi ito ang first time na napatalsik ako ng roommate ko para sa 'bonding' nila ng boyfriend niya. Apparently, hindi soundproof ang mga pader sa mga kuwarto kaya maririnig kung gagawa sila ng kakaibang sounds. Sasabihin ko na lang kay Yuki na nalulungkot ako kapag hindi ko siya katabi matulog. Yes, that's right; I'm  Sayuri De Chavez, the clingy sister.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko sabay hikab habang naglalakad sa corridor. Inaantok pa talaga siguro ako, Oo, namamalikmata lang ako nang makita ko si Timothy Blythe na lumabas galing sa kuwarto ni Kristina Oliveros looking satisfied.

Oh my gosh! May bonding din silang ginawa?!

"Manyak," I muttered under my breath, pero nalimutan kong sobrang tahimik sa corridor at umecho ang sinabi ko. Bigla siyang lumingon, may nakasubong kutsara sa bibig niya at may hawak siyang baso. Nasisinagan siya ng liwanag ng buwan, his hazel-brown eyes were glistening. Kumunot ang noo niya at narealized ko na hindi niya ako napansin.

Bigla akong kinabahan, nagtago ako sa may pader. Siguro naman makakaalis ako dito ng hindi nakikipagpatayan sa kanya. Ayoko siyang makita ngayon, naalala ko lang yung itsura niya habang kinakausap ko siya kagabi sa pintuan niya.

Peste! Hindi ito ang oras para magblush!

Nagkibitbalikat lang si Timothy at nagtuloy tuloy na sa paglalakad, for a moment, I saw something when the moonlight shined on him. May something sa mukha niya­—umiyak siya?

No, no way, hindi umiiyak ang mga lalake. Napailing na lang ako at mabilis na lumabas sa tinataguan ko. Una tinaguan ko si Timothy, tapos iniisip kong umiiyak siya? Seriously, antok ka lang Sayuri.

Kasalanan ‘to ng boyfriend ni Miaka eh. Masyadong mahilig.

"De Chavez?"

Tila hinila pababa ng boses ni Timothy ang isip kong lumulutang sa ere. Napatingin ako sa bintana at huli na nang marealized kong nakatayo ako sa liwanag nang buwan.

"Satisfied with Kristina?" Pinadilatan ko siya. 

Kunot noo siyang tumingin sa akin tapos tumingin sa kuwarto ni Kristina sabay kibit ng balikat.

"Super satisfied. Binigyan niya ako ng sample ng bago niyang milk tea recipee,” itinaas niya yung basong hawak niya.

Nang mga sandaling ‘yon ay gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko. Gosh how did I forgot? Tina's Tea. Isa nga pala siyang culinary genius at the best ang mga naiimbento niyang recipee ng mga pagkain. Nakatikim na ako ng ice cream niya na Kalachuchi flavor at tila napunta ako sa langit nang mga sandaling ‘yon. Bukas siya mula umaga hanggang hapon at ang laki ng kinikita niya sa pagtitinda ng ice cream. Pero may rumors tungkol sa kanya na kapag pogi ka, bibigyan ka niya ng sample ng bago niyang recipee kapalit ng one week jowa challenge kasama siya.

"Ginagawa mo? Halos alas tres na ng madaling araw ah," sumubo ulit siya ng kinakain niya at tumingin nang kakaiba sa akin.

Tumingin ako sa ibang direksyon, may kakaiba sa boses niya, very weird. It feels so awkward talking to him at times like this.

"W-wala ka na don, I-kaw bat gising ka pa?”

"Wala ka na rin don," sagot niya sabay subo ulit.

"I’m j-just curious."

"Nagpapahangin lang," he sighed.

"At three in the morning?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Bangag tong isang ‘to.

"Walang pinipiling oras ang pagpapahangin,” sumimangot siya sa akin.

"Baka naman nangboboso ka lang?” inikot ko ng maigi ang kumot sa katawan ko.

His jaw clenched, bigla siyang humarap sa akin.

"Ano bang problema mo ha De Chavez? Oo I'm a jerk, pero hindi ibig sabihin non na kung sino sino ng kinakama ko! Hindi ako manyak!" Kitang kita ko sa reaction niya ang sobrang inis at kahihiyan?

"So, ibig mong sabihin-"

"Tumahimik ka na nga De Chavez!” singhal niya sa akin sabay subo ng ice cream.

"Wag mong sabihin, hindi ka atrracted sa girls?"

Hindi ko inisip kung anong puwedeng mangyari dahil sa sinabi ko. Hindi ko inisip ang magiging epekto sa kanya ng sinabi ko. Makikita na lang ba akong patay sa gitna ng hallway bukas? Cho-chopin ba niya ako? Itatapon sa ilog? Susunugin nang buhay? Dahil sigurado akong katapusan ko na ngayon.

"Binibigyan mo talaga ako ng rason para manakit ng babae, pero swerte mo dahil hindi ko gagawin yon, wag lang sana magdilim ang paningin ko at tanggalin kita sa kategorya ng mga babae. Wala kang idea kung paano umiikot ang mundo ko sa mga babae. Hindi ako magkakaganito ngayon kung yung kabilang team ang tipo ko."

I know I should listen to his words, but I got distracted by his eyes, medyo namamaga.

Ipinilig ko ang ulo ko at nakinig ulit sa kanya, ngayon naman may binabanggit siya na hindi marunong makinig ang mga babae. Nanlaki ang mga mata ko, tatalakan ko na sana siya pero tumingin siya sa akin. Oo natigilan ako sa tingin niya. Yung tingin na parang sinasabi niya ‘hindi mo ko pinapakinggan kaya wag mong akong subukang talakan.’

Natahimik ako. First time lang nangyari sa akin ‘to. Pitong taon ko na siyang kakilala pero kahit kailan hindi pa naiimply sa akin yung 'makuha ka sa tingin’ ngayon lang. Parang hindi ko matanggap. It can't exactly be a good thing, are we being civil with each other? Ito ang first time na nagkausap kami na walang sigawan na naganap.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko De Chavez, bakit gising ka pa at nakabalot ka ng kumot?"

"Makikitulog ako sa kuwarto ni Yuki,” I said in a tired voice.

"Bakit? May binabalak kang kalokohan? Mag pe-personality swap ba kayo ni Yuki?"

"Hindi ah, yung rommate ko, maguusap daw sila ng BF niya, she's the female version of you."

"Oh, Good looking, rich and irresistable?" mayabang niyang tanong.

"You're wrong. She’s a girl who likes boys more than her talent, and you? Irresistable? Pinapatawa mo ko, mga one hundred million," pairap kong sagot sa kaniya.

He cursed under his breath, tapos binigyan nanaman niya ako nang masamang tingin.

“Alam mo, huwag kang umasta na akala mo kilalang kilala mo ako, napipikon na talaga ako sa ugali mo!” Nagsisimula nang tumaas ang boses niya.

"Oh please, Blythe. Hindi naman kita kailangan kilalanin nang mabuti dahil alam ko namang wala akong mapapalang maganda sayo. Huwag kang masyadong pa-deep.”

Mukhang na offend siya sa sinabi ko, he looked a little upset.

"Ikaw ang huwag magpa-deep dahil sa ating dalawa yang utak mo ang mas mababaw. Napaka dali mong basahin," ngumisi siya pagkasabi noon. I don’t like it when he smirked like that.

"Ah talaga Blythe? Para sabihin ko sayo, ni hindi aabot sa isang kutsarita ang mga bagay na alam mo tungkol sa akin!" I spat at him.

"Nako Ms. De Chavez, mali ka ata dyan," umiling-iling si loko na parang sure na sure a sinabi niya.

"Hindi mo ako kilala Blythe! You don't know a single thing about me!" I hissed, giving him a death glare.

"And how about you? may alam ka ba sa akin para magsalita ka ng below the belt  na katangahan? You don't even know my birthday--"

"February 29," nginisian ko siya. Mukhang nagulat siya pero saglit lang, tapos ngumiti siya.

"Nice, pero saang lugar ako pinanganak?"

I opened my mouth to reply but then I stuttered, "Uhm.." kasi wala akong idea kung saan siya pinanganak. Pero who cares!  "Eh paki ko ba kung san ka pinanganak? Malamang dito sa Pilipinas!"

Umiling siya na parang disappointed.

"Just face it De Chavez- you hate me, but you don't know a single thing about me. You’re being a troll. Daldal ng daldal wala naman talagang alam,” nakangisi siya habang pinaglalaruan ang dulo ng kutasara. Sa sobrang inis ko, at nagiging impulsive nanaman ako, binuksan ko ang armalite kong bibig at;

“Pustahan tayo,” taas noo pa ang pagkakasabi ko noon.

Para sa isang average na nilalang katuwaan lamang ang makipagpustahan. Pero dito sa Strawberry Fields Academy, ang simpleng term na 'pustahan' ay isang mapanganib na bagay. We, rich kids don’t take that lightly, we take it very seriously. Example na lang ‘yung kakatapos lamang na human auction. Siguro iniisip ng iba na wala kaming magawa sa mga pera namin kaya kung anu-ano na lang ang ginagawa naming kalokohan.  

Ngumisi siya, tila nagustuhan niya ang idea.

"Ok what's the deal?"

"Padamihan ng malalaman tungkol sa pagkatao ng isa’t isa,” huminga ako ng malalim at ngumiti nang nakakaloko.

"At kung sinong matalo, kailangang mag drop-out dito sa Strawberry Fields Academy,” dagdag ko pa. Masyado akong mapangahas sa mga sinasabi ko pero kung extreme na kalokohan lang din naman ang pag-uusapan, sasagarin ko na.

Tila napaisip naman siya sa sinabi ko, oo nga naman, ang pamilya niya ang top benefactor ng school na ‘to tas siya ang mapapaalis? Mapapaisip talaga siya don! Tapos bigla siyang ngumiti na parang may naisip na naman na kagaguhan.

"Fine, pero may gusto lang akong idagdag, para naman maging exciting ‘tong larong sinimulan mo."

"Shoot it."

"Kapag nanalo ako, you'll be my servant until the last day of this school year, susundin mo lahat ng gusto ko, as in lahat. Kapag naipahiya na kita sa buong campus, aalis ka na dito."

"Deal. Pero don’t get your hopes too high, kasi kasing liit ng porsyento na magkacrush ako sayo ang chance mong manalo sa deal natin,” I said mockingly. Wala na talagang preno ang bibig ko.

Parang biglang nagliwanag ang mga mata niya at ngumiti siya na kagaya nung Cheshire Cat sa Alice In Wonderland. Ang gago talaga.

"Parang mas interesting yung sinabi mo ah,” lalong lumawak ang ngiti niya.

Napalunok ako, kinabahan ako bigla. Ayoko na yung mga ngiti na ibinibigay niya ngayon sa akin!

"Let's add the impossible. Make me 'want' you," unti-unti siyang lumapit sa akin. Napapaurong ako sa ginagawa niya. Hindi ko na gusto kung san ‘to napupunta. Ayokong magmukhang duwag sa harap nitong lalakeng ‘to pero natatakot na talaga ako.

"Matalino ka diba? Oh geez, kailangan ko pa bang i-elaborate? You know what is ‘want’ between a girl and a boy right? Make me fall for you,” napapikit ako nang madiin nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hahalikan niya ako! Pero ilang minuto ang lumipas wala akong naramdaman. Nagmulat ako. Did I just anticipate that he would kiss me??!

"Gulat ka no? Don't worry, papainlabin mo palang ako sayo, saka na ang kiss ok?” tinapik niya ako sa balikat.

Kumurap kurap ako, at nakabalik na ko sa earth.

“At idagdag ko lang. Bawal ka magtanong kay Yuki,” effortless niyang sabi sabay kain ng huling ice cream sa baso niya.

"You're acting so cocky Blythe. Hinding-hindi kita hahalikan at hinding-hindi ako magkakagusto sayo!” I finally regained my feisty personality.

"Huwag kang pakasigurado De Chavez, I can make you fall for me in a short period. Sinisigurado ko sayo, you'll be begging for my kiss in front of the whole student body. See you later. I'll be expecting you to our soccer practice. Be my personal cheerleader,” litanya niya at nilayasan na niya ako.

Pakiramdam ko literal na umuusok ang ilong ko sa galit. Napangisi na lang ako sa sarili ko, beg for his kiss? Make me fall for him? Ha, Blythe boy, wait in a million years!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status