Share

Chapter 9

Chapter 9

Alex's POV

Habang papunta kila Isla, plinay ko ang music sa kotse, mas maganda kasi iyong may tugtog ka, kaso iba ang narinig ko. Kanta ito ng nakakatakot na background music sa mga pelikulang nakakatakot. Nangamba rin ako nang may nagpadala ng mensahe sa akin sa hindi ko kilalang numero at may voice record pa. Dali dali ko itong pinindot para malaman kung anong laman ng mensaheng ito.

"Guro, kamag-aral, gusto ko ng buhay. Ate, kuya gusto ko mamatay kayo. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Isa, dalawa... hindi lang dalawa ang mamatay sa inyo!"

Nang pakinggan ko ito ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko, kaya naman inihinto ko din sa gilid ang sasakyan ko, that scares the shit out of me. 

Agad akong umalis doon at tinahak ang daan patungo sa bahay nila Isla.

Nang makarating ako sa bahay nila Isla ay naabutan ko silang nakaupo sa mga upuan, kumakain at nagku-kuwentuhan sa malawak na Parking Area nila Isla. Ngunit nang makita nila ako ay nagulat sila.

"Guys! Oh my fucking god, you need to hear this!" Takbo ko habang nagsisigaw pagkapasok sa loob ng itim at mataas nilang bakod sa harap ng kanilang napakagandang bahay.

"Calm down, Alex. What is it?" Tarantang tanong ni Kuya Andre kung kaya't pinarinig ko sa kanila ang mensahe na natanggap ko kanina lamang. Agad agad silang nagsilapitan at kumpulan nang marining ang sinabi ko at ipinarinig ko agad sa kanila ang kaninang natanggap ko.

"Oh my god!" 

"Shit, what the fuck was that?"

"Are you even serious?"

"Fuck!"

"What does that mean?"

Sari saring mura ang narinig ko sa paligid nang matapos nila iyong pakinggan. Lahat sila ay natuliro at ang iba naman ay halos hindi makapagsalita.

"I think it is true," sabi ko sa kanila. "I think there's a killer. Pero hindi ko alam kung bakit niya ako pinadalhan ng ganyang klaseng mensahe," dugtong ko pa habang humahangos.

"Are we really going to fucking do this shit?" Tanong ni Celestine na ngayon ay tutulo na ang luha sa mga mata. 

"What if we all... d-die?" Tanong niya kasabay ng pagtaas ng balahibo ko at nagpahina sa buong sistema ko.

Hinawakan ko ang ulo ko at mariing pumikit.

"Don't even think about that we are going to die because we are not. We will just find the killer and let our normal life continue again," sagot ng tarantang si Isla.

"Yeah, we know but are we capable of doing this?" Si Kuya naman na ang nagtatanong ngayon, walang umaawat sa kanila dahil ganito naman palagi kapag may nag-aaway away sa amin hindi rin kasi iyon magtatagal at mamaya ay ayos na ang mga iyan.

"Please, huwag niyo na itong ituloy. Masyadong delikado," pagmamakaawa ko sa kanila. Ngunit hindi nila ako pinansin.

"Kaya nga tayo magsasanay para maging bihasa," sabat naman ni Kiara.

"Kiara? Are you really sure about what you are saying?" Nagtataka na tanong sa kanya ni Celestine.

"Of course! I wanna help Isla and the School! Why?" Agaran niyang rebat sa tanong ni Celestine...

"And you know that it is not an ordinary help?" Tanong pang muli sa kanya ni Celestine.

"Y-yes." Tumatangong saad ni Kiara.

Nagkibit balikat si Celestine at tumingin na lamang kay Yva. Alam ko ang tinutukoy ni Celestine kaya ako na ang nagtanong kay Kiara.

"Kahit kapalit ay buhay mo?" Tanong ko ng diretsahan kay Kiara.

"Yes," matapang na sagot niya. Matagal akong napatingin sa kanya.

"Why?" Tanong ko pang muli at humarap sa kanya. "Why would you sacrifice your own life?"

Ngunit hindi siya nakasagot sa akin. Kaya naman pinutol ni Isla ang katahimikan.

"Who's still in?" Tanong ni Isla. Silang dalawa lang ni Kiara ang nagtaas ng kamay at nag-aalinlangan pang magtaas ang karamihan sa amin. 

"Guys, mas lalo lang tayong mapapahamak sa grupo na iyan! Hindi natin alam ang kaya niyang gawin!" Sigaw ko sa kanila.

Narinig ko ang pagbuga ng buntong hininga ni Kuya Andre.

"Right, we should stop. We are risking our lives, huwag na lang tayong makialam. We should focus on ourselves, sa pag-aaral natin," sang-ayon sa akin ni Kuya.

Tinanguan ko siya. Tumango tango rin naman ang iba sa amin.

"Isla, we should stop," sabi  na rin ni Celestine.

"Pero nagtataka talaga ako. Why would the Police concludes that the two deaths were suicide?" Nagtataka na tanong ni Isla. 

"Because there was a suicide note," simpleng sagot ni Yva.

Hindi ko na narinig ang susunod pa nilang usapan dahil nakatanggap ako ng tawag. Umalis ako ng Parking Lot nila Isla at nagpunta sa garden nila na malapit lang sa gate. 

"Hello," bati ko mula sa telepono.

"Someone's on my tail," balita sa akin ni Basty. What the hell.

"Then lure that person and go here," utos ko sa kanya, "Huwag kang magpapahalata na alam mong nakasunod siya," dugtong ko pa bago pinatay ang tawag.

Hindi na muna ako bumalik sa Parking Lot nila Isla at hinintay ang pagbabalik ni Basty. Tinignan ko na lamang ang mga tanim sa garden nila Isla nang sa gayon ay hindi mainip sa paghihintay.

Ilang oras pa ang lumipas at narinig kong may tumigil na kotse sa harap ng gate nila Isla. Tinignan ko ang oras mula sa aking telepono, 1:04 pm.

Mula sa matayog na itim na gate nila Isla ay iniluwa nito ang lalaking nakasuot ng Gray na Hoodie at itim na pantalon. Gaya ng inaasahan ko ay si Basty nga iyon, agad siyang nagtungo sa gawi ko.

"What happened?" Agad kong tanong nang makarating siya sa gawi ko.

"Nung paalis na ako ay nagulat na lang ako, may nakasunod na sa akin at may nagpadala ng creepy na mensahe," agad niyang sagot sa akin.

"What message?" Agaran kong tanong.

And to my surprise, pareho kami ng natanggap na mensahe.

"Why would they send this message to us?" Nagtataka kong tanong.

"Iyon din ang pinagtataka ko, alam kong hindi niya ako nakita. Pero bakit niya naipadala sa akin ang mensahe na iyan?" Tanong din niya.

"To scare us," sagot ko.

That killer is surely something.

"May nakita ka ba roon, kung ganoon?" Tanong ko sa kanya sa pinuntahan niya.

"Wala pero I did some investigation," bahagi niya sa akin.

"Anong nakuha mo?" Tanong ko sa kanya.

"Eto," saad niya at ipinakita ang imahe sa kanyang telepono.

Agad ko iyong pinagmasdan. Litrato lamang iyon ng isang upuan.

"Pansinin mo ang upuan at ang tali sa itaas," sabi niya sa akin.

Zinoom ko ang imahe. Hmm..

"Kung suicide ang ginawa ni Andrew, bakit ganyan?" Tanong ko sa sarili ko.

"Right. Masyadong malayo ang upuan," saad niya.

Napatango ako sa kanya.

"Are we on the same page?" Tanong ko sa kanya. 

Tumango naman siya sa akin.

"Iyan din ang napansin ko kanina. Kung suicide ang ginawa ni Andrew, hindi ba dapat sa tapat lang ng tali na iyan ang upuan na pinatungan niya. Bakit masyadong malayo?" Tanong niya sa akin ngunit sa tono niya ay tila alam na niya ang sagot.

Nakuha ko ang pinupunto niya.

"Someone pushed it," sagot ko sa kanya.

"Yes. Pero pwede rin na dahil lang iyon sa madulas na tiles," hanap ng butas ni Basty sa kinalalagyan ng upuan.

"Sa tingin ko naman ay hindi ganyan kalayo ang mararating ng upuan. Kung tumalon man si Andrew, sa tingin ko hindi rin 'yan gagalaw," sabi ko sa kanya.

"Anong gagawin mo, Alex?" Tanong niya sa akin nang matapos naming tingnan ang litrato.

"Bakit wala ka kahapon nang idala namin si Yva sa clinic?" Balik ko ng tanong sa kanya.

"I was sleeping," sagot niya sa akin. 

Napataas ang kilay ko.

"Saan?" tanong kong muli.

"Sa TLE Laboratory," sagot niya sa akin.

Naalala ko na may kama nga roon.

"Sasabihin ba natin ito sa kanila?" tanong niya sa akin.

"Hindi," sagot ko.

Tumango na lamang siya at hinawi palikod ang kanyang buhok.

"Tara na bumalik na tayo sa kanila baka makita nila tayo rito," aya ko sa kanya at nauna ng maglakad palayo sa garden.

Nang makarating ako sa grupo ay narinig ko na naman ang kwentuhan nila.

"Oh, saan ka galing, bro?" Tanong ni Bryle kay Basty.

"Diyan lang sa tabi, dre," sagot naman ni Basty.

"We uploaded it!" Masayang sabi ni Yva na nakipag-apir pa kay Kiara. Anong nangyari noong wala ako?

"Ang alin?" Tanong ko sa kanila.

"More of like Conspiracy Theory, I guess?" Sambit ni Kiara.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kiara. Nang pagkatapos niyang sabihin iyon ay sunod sunod ang pagtunog ng mga telepono namin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status