The Courageous Players

The Courageous Players

last updateHuling Na-update : 2022-01-28
By:  JocuuuOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
10Mga Kabanata
1.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Alex Verchan is just an ordinary senior high school student. She has friends and cousins with her in their campus. They are happy. They are always having fun. One day after class, she found a two pair of eyes looking at her. And when she's about to go outside, to ask the person she saw, the girl suddenly ran away. After that day, the girl found to be lifeless. That's when... it all started.

view more

Kabanata 1

Prologue

Nabuo ang barkadang hindi ko inaasahan. 

Hindi naman talaga kami malalapit na magpipinsan simula pa lang. Wala kina Tristan, Rench, Yva, at Celestine ang malapit na pinsan ko noon. Tanging ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Andre ang kasama ko sa lahat. Siguro dahil ako ay madalas na nakakulong sa kuwarto at ayaw sa mga madla. Isa kasi iyon sa mga pinaka-kinatatakutan ko.

Sadyang naging malapit lang kaming magpipinsan nang maging high school na ako dahil iisa kami ng eskwelahang pinapasukan. Wala naman akong kilala noon kaya kanila Kuya ako madalas sumabay kasama ang ibang pinsan namin. Mula noon madalas na kami lumabas, madalas din na magkasiyahan. 

Dahil sa isang eskwelahan lang kami pumapasok, nagkaroon din kami ng ibang kaibigan. Doon namin nakilala sina Bryle, Isla at Kiara. Habang si Basty ay kababata naming magpi-pinsan.

Mas lalo pa kaming naging malapit nang mawalan kami ni Kuya ng Ina. Sila ang parating nariyan sa tabi ko. Kasangga sa lahat. Sila rin ang bumubuo sa bawat araw ko ngunit nang dahil sa mga pangyayari, madaming nagbago.

Ngayon, nawala ang mga masayang araw. Nagbago ang lahat.

Hindi mo rin alam kung sino sa paligid mo ang totoo sa hindi. Hindi mo alam kung kanino ka magtitiwala dahil parang sa mundong ito, ang kailangan mo lang pagkatiwalaan na dapat ay ang sarili mo.

Nakakatakot. Tila karamihan sa kanila ay maraming itinatago. Punong puno ng mga sekreto. Sekretong nakakubli sa masasaya nilang mga mukha at mabait na pagkatao.

Hindi ko alam kung kilala ko na ba talaga ang bawat isa, kasi maski yata sarili ko ay hindi ko kilala.

Bakit kami humantong sa ganito? Tanong na naglalaro sa isipan ko. Wala kaming ibang hinangad kung hindi maging isang normal na estudyante sa isang paaralan. 

Ngayon na lang ulit ako naging masaya, unti-unti na akong nakakalimot sa masalimuot na nakaraan. Bakit parang ayaw pa rin ng tadhana?

“Subaybayan ang bawat pangyayaring masasaksihan mo. Hindi lang ito simpleng laro dahil kapag pinaglaruan mo ako, paglalaruan din kita. Laro kung saan kahit anong piliin mo, ang magiging kapalit ay buhay mo! Kaya mag-ingat ka. Nasa likod mo lang ako, nagmamasid sa’yo baka magulat ka nasa harapan mo na ako!” isang mensahe ang natanggap ko mula sa isang hindi kilalang numero.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Walang Komento
10 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status