Share

CHAPTER 109.4: BEING A KING

Jarvis' POV

"Ano ba! Sabi na bitiwan mo ako," nanggagalaiting wika ni Alyanna.

Napatingin ako kay Rei. "Rei," tawag ko sa kanya. "Ako na ang maghahatid kay Alyanna."

"Ako na," pilit niya.

Tinititigan ko siya at kitang-kita ko kung gaano siya kadeterminado. Huminga ako nang malalim at tumango. "Kung mapilit ka, okay lang naman sa akin. Just take care of her," marahan na wika ko.

"Alam ko ang ginagawa ko, Fortalejo," malamig niyang saad.

Napailing na lamang ako.

"No! Hindi ako sasama sa taong dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko," matigas na tanggi ni Alyanna.

Walang ekspresyon ang mababasa sa mukha ni Rei pero kitang-kita ko ang pagkuyom niya sa kanyang kamao. Mukhang nasaktan siya sa sinabi ni Alyanna.

"Huwag na matigas ang ulo mo, Cleopatra. Mas mabuting magpahatid kana lang kay Rei lao pa’t lasing kana,” malumanay na wika ko. "Isipin mo na lang ang aking sinabi kanina."

Nagtatanong na mga mata na tumingin siya sa akin.

"Ito na ang first step mo," nakangiting sabi ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status