Share

Chapter 8( Kweba)

Matayog na ang sikat ng araw nang magising ako. Nakaukit parin sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos 'non natulog lang siya na parang walang nangyari. 

Napabalikwas ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto. Wala narin si kuya Santi. Sanay magising 'yon ng maaga. 

"Ara! gumising kana! Manonood tayo ng basketball!"

Narinig kong sigaw ng aking pinsan kaya kahit tamad napilitan akong bumangon at maligo.

Sa mesa nadatnan ko ang aking dalawang pinsan na kumakain na. 

"Oh Ara, nauna ka palang nauwi kagabi?"

"Oo e. Nahanap ko si kuya Santi."

"Pagkatapos niyong gumala samahan niyo ako sa batis ha? Maglalaba tayo doon." sabi ni lola Lourdes.

Nakagawian na ng mga tao dito ang maglaba at maligo sa batis. Ang batis dito ay napakalinaw at malinis. 

"E di'ba lola maraming ahas doon?"

Humalakhak si lola at nilapag sa mesa ang aming milo at may kasamang pandesal. Sinawsaw ko sa mil

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status