Share

Chapter 13(Kiss)

Sa lamesa tahimik kaming kumakain. Si mama , si papa at ako. Hindi ko magawang magsalita o anuman. Hanggang ngayon, di' ko kayang magkaila. Hindi ko kayang magkunwari na ayos ang pamilyang ito. Hindi ito naging maayos simula ng malamang may kabit si papa at may bunga ang pangangabit na iyon. Ito naman si mama naging martyr. 

" Sa sabado birthday ng tita Carmen mo Ara. Sabihan mo si Santi na dapat naroon siya.." binasag ni papa ang bumalot na katahimikan. 

"Yes pa.." sagot ko na hindi tumitingin.

"Ayos lang ba siya doon anak?" tanong ni mama na tinitingnan ako. Naka teacher's uniform na ito habang si papa ay babantay ng mga van na pinarerentahan nila mama.

"Ayos naman ma, may mga kaibigan siya doon."

Huminga ito ng malalim. "Nag aalala ako sa batang 'yon masyadong tahimik at seryoso.."

"Magkakasama naman kami mamaya mama. Sabihan ko siyang dumalaw."

"Sige anak.."

Ang driver ng van ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status