Share

Chapter 3

CHAPTER 3

"HE'S MY BOSS"

Airah POV:

After naming mag-usap, napagdesisyunan nga ng mom nila na dito na ako tumira. 

Natatakot na ako sa pwedeng mangyari sa akin sa loob ng mansion.

Paano kung biglang malaman nila na 'di talaga ako buntis? Edi papatayin nila ako?

Hays. Ayoko pang mangyari 'yon.

Marami pa akong pangarap sa buhay.

Kailangan kong tuparin ang pangako ko kila mama bago sila mamatay.

Yes, wala na akong magulang.

Pumanaw na sila 2 years ago.

Kaya sariling-kayod na lang ako ngayon para mabuhay ko ang aking sarili.

By the way, nandito na ulit ako sa loob ng kwarto ng lalaking to. At oo, dito raw ako matutulog.

Tsk. Ayoko sanang pumayag kaso ang binata mismo ang nagtulak sa akin na doon na lang ako matulog.

Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa kanya.

Parang kanina lang, galit na galit siya sa ginawa ko pero ngayon, ambilis niyang magbago.

"Bakit mo ba sinabi yon ha?!" basag na tanong ko sa katahimikan na bumabalot sa amin sa loob ng kanyang kwarto.

Pero tila hindi niya yon narinig at wala man lang siyang sinagot.

"Uyy ano ba?! Magsalita ka nga!" sigaw ko ulit at tinapon ko ang unan sa kanyang ulo.

"Fuck." sambit nito at inis na tiningnan ako.

"Ano bang problema mo?!" wika niya sa akin.

"Ako dapat ang magtanong nyan, kung ano bang problema mo?! Puta naman oh! Aamin na sana ako sa harapan nila tapos sinabi mo pa 'yon!" asar na bigkas ko sa kanya.

"Bakit? Eto naman ang gusto mo diba? Yung panagutan ko ang batang hindi ko naman talaga anak." wika nito sa akin habang nagkakasalubong ang kilay.

"Hindi ako buntis." Hindi ko alam pero 'yan ang syang lumabas sa bibig 

ko.

At hindi na nakapagtataka nang lumaki bigla ang mata ng lalaki dahil sa aking sinabi.

"What?!" Halos hindi makapaniwalang tanong niya.

"Prank lang ang lahat ng 'yon. 'Yon ang dare sa akin ng mga kaibigan ko. Ako kasi ang nakakuha ng pinakalowest na grade kaya 'yon ang naging parusa ko." paliwanag ko sa kanya habang nakayuko.

Nahihiya ako dahil ang dami kong nadadamay at napapaikot ngayon.

"So I'm sorry. Sorry kung dahil sa ginawa ko masisira ang buhay mo. But please, tulungan mo naman ako. Gusto ko ng makaalis dito." muling saad ko at sa puntong ito malungkot ko siyang tiningnan habang may pagsusumamo.

"Crazy." 'Yan lamang ang tanging naitugon niya at animo'y walang emosyon ang binata.

"Ano ba, sorry na nga. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari eh. Kaya ngayon, I really need your help." Lakas-loob kong sambit pero ang gago wala man lang na pakialam.

"Problema mo 'yan kaya solusyonan mo. Wag mo akong idamay." walang ganang tugon nito at tinakpan na ang kanyang ulo ng unan na tila matutulog na siya.

Lumapit naman ako sa kanya at tumabi sa kama para kumbinsihin na tulungan ako.

"Sige na kasi, tulungan mo na ako. Promise, pagnakaalis na ako rito, itatanaw kong malaking utang na loob ito." sundot na sabi ko sa binata.

Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

Kinulong niya ako gamit ang dalawang bisig habang siya ay nakapatong sa akin.

"Siguro naman natatakot kang mapatay ni mom diba?" tanong niya sa akin kaya dahan-dahan naman akong tumango na parang bata kung umakto.

"Dahil kapag nalaman ni mom na di ka talaga buntis, hindi siya magdadalawang isip na patayin ka." patuloy na sabi nito habang nakangisi sa akin ngayon.

Sa pangalawang pagkakataon, tumango ulit ako bilang tugon.

"Pero may alam akong paraan para hindi niya 'yon magawa sayo." husky na saad ulit ng lalaki.

"A-ano 'yon?" kinakabahang tanong ko.

Pero biglang tumigil ang mundo ko nang sagutin niya ang aking tanong.

"Totohanin na natin 'yon. Bubuntisin na kita." walang paligoy-ligoy na sambit nito sa akin.

Hindi ko alam pero matapos niyang sabihin iyon ay parang may kung ano ang siyang pumasok sa isip ko na pumayag ako sa gusto nitong mangyari.

Unti-unti kong nakita ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Ewan ko ba pero napapikit na lamang ako habang hinihintay ang pagdampi ng kanyang labi sa mismong labi ko.

Ilang segundo, naramdaman ko na ang paghalik ng binata. I don't know why, but I found myself na tumutugon na rin sa halik nito.

Hanggang sa unti-unti niya ng inaalis ang saplot ko. Hindi ko tuloy maiwasan na 'di mapaungol dahil sa sarap na pinaparanas niya sa akin.

Kaso bigla akong napahinto nang marinig ko ang malakas na tawa ng isang lalaki.

"Bwahahahahahahaha.",

Sa tawa palang neto, halos mamatay na siya. At do'n ko lang napagtanto na imagination lang pala ang paghahalikan 

namin. Dahil ang totoo, nanatiling nakapatong lang ang binata sa akin at wala pa itong ginagawa.

Potah! Ang dumi masyado ng isip ko. Shet!

"A-alis nga d'yan." Pagtutulak ko palayo.

Halos lamunin na kasi ako ng kahihiyan dahil sa ginawa ko.

"Pfft hahaha fuck hahaha." pagpipigil na tawa nito habang nagsasalita.

"Hindi ko alam na expert ka pala pagdating sa kama." sambit nito at umupo ng maayos.

Pigil pa rin ang pagtawa niya na halos hindi yata makaget-over sa reaksyon ko kanina.

"E-excuse me, hindi kaya." saad ko naman sa kanya para depensahan ang sarili ko.

"Really? Kaya pala, napapaungol ka na lang kahit wala pa akong ginagawa sayo." ngising wika niya na talagang ininis pa ako.

"Ganyan ka pala kagaling. Hahaha.", pang-aasar muli nito.

"Hindi nga sabi eeeh!" sigaw ko at tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay.

"Huwag ka ng magdeny, halata namang gusto mo akong matikman hahaha." he said again.

"Potah! Tumigil ka nga! Ang kapal mo!", singhal ko na rito.

Pero hindi niya ako tinigilan at talagang iniinis pa ako lalo.

Grrrrrrrr. Ang Jutay na to, bwisit masyado sa buhay ko!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status