Chapter 5
"HE'S MY BOSS"Airah POV:
Dahan-dahan ng pinaandar ni ate Leny ang kanyang kotse papuntang mall na tinutukoy nito. Talagang ingat na ingat din siya sa kalagayan ko.
Habang tumatagal na kasama sila, nakokonsensya na tuloy ako.
Nakokonsensya na ako dahil sobrang bait at caring nila sa akin. Kaya natatakot ako na baka dumating ang araw na magalit lahat sila sa akin. Nakakatakot tuloy na umamin ng katotohanan lalo pa't ang alam nila ay buntis ako.
Sa tuwing naglalakad kaming dalawa ni ate Leny, 'di ko maiwasan na di mailang sa kanya. Pano ba naman, ngayon ko lang napagtanto na kanila pala itong mall.
"Hi ma'am Leny."
"Goodmorning ma'am Leny."
"Hello Ma'am."
"Magandang araw sayo ma'am."
I-ilan lamang yan sa mga naririnig ko na bati ng mga saleslady sa mall.
Tanging matamis na ngiti lamang ang naitutugon ng babaeng kasama ko."Leah! Come here!" tawag nito sa isang saleslady.
"Ano po yon maam?" magalang na tanong nito sa kanyang amo.
"Hanapan mo ng magagandang damit pambuntis itong kasama ko. Make sure na babagay sa kanya ha?" utos na wika ni ate Leny.
"Yes po ma'am."
"Sige na Airah, Sumama ka na sa kanya. I'll just wait you here." sambit nito sa akin.
Sumama na nga ako sa babaeng 'yon kung saan isa-isa akong binigyan ng mga damit na isusuot ko.
Sa loob ng isang oras, apat lang ang bumagay sa akin. Ang totoo n'yan, baduy talaga ako sa mga dress. Kaya ayon, konti lang ang nabili sa akin na damit pambuntis dahil hindi ako gaanong bagay pagdating sa daster.
"Ate Leny, hindi naman 'to kailangan eh." nahihiyang saad ko sa kanya.
Matapos naming pumunta ng mall, dumiretso na kami rito sa parlor.
Nakakagulat nga dahil ang usapan namin ay mall lang pero may parlor pa palang pupuntahan. Nakakagulat din itong si ate. Basta-basta na lang magdesisyon."No Airah. Dapat kahit buntis ka, may time ka pa ring magpaganda. Dahil yung kapatid ko, madali 'yon magsawa. Baka maghanap 'yon ng iba, sige ka." pagwiwika nito.
'Hays. Pake ko ba kung maghanap siya?
Kung alam mo lang ate, wala talaga kaming relasyon ng brother mo.' sambit ko sa aking isipan."Oh hello sisteret Leny. Anong kailangan mo?" bungad na tanong ng bakla.
"Gusto kong ayusan mo 'tong kasama ko. Bongga dapat ha? Kaya ayusin mo trabaho mo."
"Obcors sisteret, walang problema. But anyway, sino ba siya?"
"She's my sister in law." tipid pero proud na sagot naman nito sa bakla.
"Omeged. You mean, asawa ng brother mo?"
"Yah."
"Enebe! Ang swerte mo girlalu! Talagang nabingwit mo ang lalaking mahal na mahal ko." dramang wika ng bakla.
"Tumigil ka na nga at umpisahan mo na s'yang ayusan." inis na saad ni
ate rito."Oo na. Eto na Sisteret ohh."
Nagsimula na ngang ayusan ni beki ang buhok ko.
Marami s'yang ginawa na animo'y tinutupad nito ang bilin ni ate Leny.
"So anong masasabi mo sisteret? Ayos na ba?" tanong ni bakla kay ate nang harapin n'ya ako sa dalaga.
"Okay na. She looks perfect. Thank you.", tanging sambit nito sabay lahad ng bayad.
Kumain muna kami ni ate sa mamahaling restaurant bago umuwi.
At sa pagtapak palang namin ng mansion, bumungad na agad ang mukha ni Jutay.
"Tsk. Tagal n'yo." iritang saad nito.
"Ayan lang ba ang sasabihin mo brother?"
"Bakit may dapat ba akong sabihin ate?"
"Wala ka man lang bang nakikitang kakaiba ngayon kay Airah?" tanong ni ate Leny sa kanya.
"Yung buhok lang naman ang kakaiba sa kanya. Tsk." saad nito na mabilisan lang ako na tiningnan.
"My gosh brother! 'Yan lang ang sasabihin mo? Alam mo ba kung ilang oras s'yang inayusan?" hindi makapaniwalang bigkas ni ate.
"I don't fuckin care ate. Hindi siya maganda sa paningin ko. Look at her, kung hindi lang s'ya nagpakulay ng buhok siguro napagkamalan ko na s'yang si dora the explorer." wika ni Jutay.
Teka, parang may mali akong narinig na sinabi n'ya tungkol sa akin?
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang aking kamay para hawakan ang aking buhok kasabay ng aking bangs.At don ko lang napagtanto na para nga akong si dora! Potah!
NAKATUTOK ako ngayon sa harapan ng isang malaking salamin habang pinagmamasdan ko ang aking mukha.
Hindi naman ako si dora eh. Kung tutuusin, maputi akong babae.
Ang Jutay na 'yon, grabe kung makapanglait sa akin.
Nga pala, nandito na ako sa loob ng kwarto.
Kung hinahanap n'yo ang binata, nasa loob s'ya ng banyo at naliligo.Humiga na muna ako saglit para sana makapagpahinga.
Pero mga ilang minuto palang, narinig ko na ang tunog ng pinto ng banyo kasabay non ang paglabas niya.Nagpanggap akong tulog para sana hindi niya ako laitin.
Pero talagang malandi ang mata ko at unti-unti ko itong binuksan para tingnan ang lalaki.And guess what, nakatopless lang ang gago! Yung abs niya dinadaluyan ng tubig galing sa buhok nito.
Shet! Ang hot niyang tingnan kahit na suplado at mala-demonyo siya.
"Kung gusto mong hawakan ang abs ko, huwag ka ng mahiya." agad na sambit nito.
Dahil do'n, ipinikit ko ang aking mata at nagpanggap ulit na tulog.
"Tsk. Manyakis na flat." rinig kong sambit niya.
Gusto ko sanang batuhin siya ng unan pero kinalma ko ang sarili ko at hindi na lamang iyon pinansin pa.
Kaso 'di ko namalayan, na nakatulog na pala ako ng tuluyan.
At nagising na lamang ako na katabi ko na ang binata na 'to.
Napatingin ako sa may wall clock and then I saw na it's already 8pm.
Akma na sana akong tatayo nang marinig kong nagring ang phone ni Jutay.
And because of my curiosity, napatingin ako sa screen kung sino ang tumatawag.
Nabasa ko naman ang name ng girl, she's Sarah.
Teka Sarah?
Mukhang narinig ko na yata 'to. Ewan ko lang kung kailan.Dahil wala namang sumagot, naging missed call ang tawag. But after a minute, nagtext ito.
"Ilang days na lang, uuwi na ako. I'm excited to see you again bhoo."
Hindi ko naman sinasadya na mabasa 'yon.
Sadyang malinaw at maliksi masyado ang mata ko.Bhoo? May callsign silang dalawa? At Sarah ang name n'ya?
Muli kong binalikan ang aking memorya para alalahanin kung saan ko nga narinig ang pangalan na ito. Doon sumagi sa isip ko, 'yung nanaginip ang lalaki.
Tama! Sya nga!
Sarah ang binanggit ni Jutay kasabay ng pag-ilove you nito habang tulog.So hindi ako magkakamali na baka si Sarah ang babaeng mahal niya.
Hays. Bakit ganito? Bakit parang ang bigat sa dibdib?
Chapter 100 of He's My Boss (Book 2 Finale)"Nakahanda na ba ang lahat?", tanong ni Mommy Gina na halatang pawis na pawis sa sobrang pagka-busy.Tinitingnan niya ang bawat design na ginamit sa okasyon na 'to."--Yung mga pagkain, siguraduhin niyo na masarap ang pagkakaluto.", muling sabi niya sa mga tauhan.Nasa hacienda kami ngayon kaya gano'n na lamang ang tao dito sa amin.Nandito na rin ang mga kaibigan ko, but sad to say, wala dito sila Jake and Maxine.Ang pagkakaalam ko, pumunta si Jake sa abroad para do'n mismo ipagpatuloy ang pag-aaral.Samantalang si Maxine, alam naman natin na workaholic ang dalaga.Kahit may sakit, trabaho pa rin ang inuunahan. Gano'n talaga kapag business woman ka, wala ng oras para sa ganitong bagay."Ahm, ako na lang ang gagawa ng salad.", pag-iinsist kong sabi sa isang babae.Pero biglang sumingit si Mommy Gina at inagaw ang hawak ko."Airah, hija, 'wag ka munang gumalaw-g
Chapter 99"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:Buwan-buwan akong sinasamahan ni Gino sa check-up.Tinupad nga nito ang pangako sa akin na hindi niya ako pababayaan.Ang pinaglihi kong prutas ay mangga na sinasawsaw sa ladies choice.Wala eh, eto ang trip ng dila ko na gusto ko laging kainin.Kahit gabi, pinapabili ko si Gino sa palengke. At kapag wala s'yang mabili, nagwawala ako sa bahay at hindi siya kinikibo.Kaya ayon, gumagawa siya ng paraan para makahanap ng mangga.And that is my happitot in life!"My wife, hindi ba sabi ng doctor, konti lang ang kainin mo?", sambit habang nakatingin sa kinakain ko."Bakit ba? Ang sarap kaya ng ulam natin, kaya gusto kong kumain ng marami. Besides, wala rito si Doc, kaya pagbigyan mo na ako.", nguso kong sabi.The food that he cooked is my favorite.Kaya natatakam talaga ako."Hays. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Manganganak ka na, Air
Chapter 98 of He's My Boss (Book 2)Airah's POV:Araw na ng kasal namin ni Gino.Araw na kung saan ihaharap niya ako sa altar at mag-iisang dibdib na kami.Sa wakas, magiging legal na kami sa harapan ng maraming tao lalo na sa harapan ng Diyos.Parang kailan lang, ang daming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin.Pero heto at kami pa rin talaga ang tinadhana.I learned so much lesson about love.Nagawa kong magparaya at magsakripisyo pagdating sa pag-ibig.But still, nakamit ko rin ang totoong saya.Ang saya na kailan man hindi na mawawala sa akin.Pangmatagalan na ang pagsasama namin ni Gino kaya pinapangako ko na magiging mabuti akong asawa at ina sa anak namin."Are you ready, Airah? Nasa church na ang kapatid ko, and he's waiting for you.", saad ni Ate Leny at inalis ang hibla ng aking buhok sa pisngi.Bahagya n'yang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako.Siguro nakita nito a
Chapter 97"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:"Cheers para sa kasal bukas nila Airah at ng anak ko!", panimulang sambit ng mom ni Gino.Siya ang unang tumaas ng baso na may laman na wine, kaya nagtaasan na rin kami.Ang saya isipin na lahat ng mahahalaga sa buhay ko, ay nandito at kasama ko.Kahit na magkakaroon na ako ng sariling pamilya, hindi ko sila malilimutan."And also cheers, para sa magiging pamangkin ko!", pahabol na bigkas ni Ate Leny dahilan para magtawanan kami."Iba rin talaga ang dugo ni Gino. Masyadong malakas at kambal agad! Sana makahanap ako ng katulad mo.", pagbibiro ni Annie na naging hudyat para maging maingay ang kalooban."I'm unique. Wala ka ng mahahanap na tulad ko.", pagmamayabang ng katabi ko.Bahagya ko s'yang siniko para tumigil na ito. Alam ko kasi na iiral na naman ang kayabangan niya kapag hindi ko pa siya pinigilan."Nga pala, may pangalan na ba kayo para sa baby niyo?"
Chapter 96"HE'S MY BOSS" BOOK 2Airah's POV:It's been one week since magpropose muli si Gino sa akin.Sariwa pa rin sa isipan ko ang nakakakilig na pangyayari.And now here, kasama ko na si ate Leny habang pumipili kami ng wedding gown.Hindi ko na inaya si Gino, since iba rin ang trip niya sa buhay.Beside, her sister said, mas maganda kapag hindi nakita ng lalaki ang isusuot ko para ma-surprise siya."Oh, ba't parang iba ang ngiti mo, Airah? Nababaliw ka na ba?","Hindi po ate. Bukod kasi sa matutuloy na ang kasal namin ni Gino, naging okay ulit tayo. Akala ko nga, hindi mo na ako mapapatawad.","Pakiusap 'yon ng kapatid ko. Sinabi n'yang bigyan kita ng pagkakataon, so I did. Kaya 'wag na 'wag mo ng bibiguin o sasaktan pa ang little bro ko. Dahil masyadong masakit sa part namin na makitang nadudurog at nagiging miserable ang buhay niya nang dahil sayo.","Yes ate. Hindi ko na siya iiwan pa.","Ed
Chapter 95 of He's My Boss (Book 2)Gino's POV:Hindi ako mapakali sa labas ng room habang tinitingnan ng doctor ang asawa ko.Sinugod ko si Airah dito sa malapit na hospital nang mawalan siya ng malay.And shit!Binabalutan ako ng pag-aalala, dahil baka maapektuhan ang nasa sinapupunan niya."Sino ang kamag-anak ni Mrs. Airah Magalang?", tanong ng doctor nang lumabas ito.Awtomatikong napalingon ako at mabilis s'yang nilapitan."I'm her husband, Doc. Kumusta ang kalagayan niya?", agad na sambit ko."She's now fine. Wala ka ng dapat ipag-alala.", turan nito dahilan para makahinga ako ng maluwag."P-pero yung anak ko, okay lang ba?", muli kong tanong."Yes. The twins are okay.","T-twins?", nagtatakang saad ko."Opo, Mister. Kambal ang dinadala ng asawa mo.","Oh God! Salamat! Maraming salamat.", ang paulit-ulit kong sinabi."Walang anuman. Pero gusto kong malaman mo na maselan ang