Share

Chapter 3: Simon Idelfonso

That afternoon, Inay went to me while carrying a box. Nakita siya kaagad ni Wesley at tinulungan sa kanyang bitbit. Binati nila ang isa't isa at nagpasalamat ang Inay dahil sa pagbitbit ni Wesley ng box. Nacurious tuloy ako kung anong laman ng box na yon at bakit dinala ng inay dito sa bahay?

"inay, kumain na po ba kayo?" tanong ko nang nakita kong malapit na sila sa balkonahe. Mukhang kakaligo niya lang dahil medyo b**a pa ang kulot niyang buhok.

Ang kahon naman ay agad dinala ni Wesley as if he knew it was for him. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong medyo galit siya dahil sa seryoso niyang mukha na hindi manlang napansin ang presensya ko.

"Oo, Hija. Kumain na ako wag mo na akong alalahanin." Sabi niya at umupo. Kinuhanan ko naman siya ng tubig at hinayaang ipasok ni Kuya ang package na bitbit ni Inay.

"Para kay Wesley po ba yung kahon? Pwede po bang malaman kung anong laman non?" I asked out of curiosity.

"Yung kahon na bitbit ng kuya mo ay ang sadya natin kina Mayora noong nakaraang araw. May nag-iwan daw non roon at nakapangalan sayo. Hindi naman namin alam kung sa mga magulang mo nga galing ang package na yon kaya naisipan niyang papuntahin nalang tayo doon para na rin makamusta ka niya," ikinagulat ko ang sinabi ni Inay.

"Talaga ho? Sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming ibang kakilala na maaaring makaalam ng pinagtataguan namin. Kahit ang parents ko ay hindi alam, bukod kay Wesley at Athena ay wala na po." Medyo kinakabahan kong sabi.

"Hindi ko alam pero dapat siguro tanungin mo si Athena at ang Kuya mo. O siya, mauuna na ako dahil walang bantay ang tindahan. Masaya ako at nagkasama na muli kayo ng kuya mo. Mag-usap nalang tayo ulit pag napansyal ako dito. Hindi na din siguro ako mapapadalas dahil may kasama ka naman na araw-araw." Pagpapaalam niya at tuluyan nang bumalik sa kanyang tindahan.

Hindi pa din ako makapaniwala sa narinig ko. Maaaring may nakakakilala na samin dito at hindi malayong pinababantayan na kami ni Athena. Hindi ko man maalala ang mga nangyari, ramdam ko pa din ang takot sa puso ko dahil sa mga kwento ni Athena sakin. Hindi nga raw malayong may makakita sa amin dito kahit napakaliblib ng lugar na ito. It was changing over the past two years. Maaaring magbukas na din sa publiko ang lugar na ito dahil na rin sa ganda nga ng Sta. Lumina.

Sa sobrang pag-aalala ay hindi ko na naalala ang package, ang tanging naisip ko nalang ay ang kaligtasan namin ni Athena. I went inside the house to find Wesley and ask him about it but I saw him talking to someone over the phone. Ayaw ko mang makinig ay napuno ako ng kuryosidad.

"Bro! Do you know how much it will worry the both of them?-- You've caused her too much! She lost everything even her memories, nakakalimutan mo na ba?-- I already told you na wala pa siiyang naaalala! Can't you wait patiently?-- What the hell? Hindi pa ba sapat na nagpakita ka sa kanya the last time and caused her to have a painful-- No! Hindi ka pupunta!" He was silently shouting sa kausap niya.

Alam ko na ako ang pinag-uusapan nila. Ramdam ko na ako ang pinag-uusapan nila.

"-- doesn't know anything. Your mom already made sure that the media won't be welcome here-- Dude just calm the fuck down! She's ok and she's doing fine. Kapatid ko siya at kaya ko siyang alaga-- I told you you're presence isn't needed here!--"

"Sino yan kuya? Bakit pinag-uusapan niyo ko?" I asked, holding my anger back.

"Wala to, Paige. Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin." He defensively said.

"Nawalan ako ng memorya pero hindi ako nabobo, Kuya." Nag-uunahan nang lumabas ang galit sa puso ko. "Kung nakikinig man ngayon yang kausap mo," Lumapit ako ng bahagya. "I want to meet you, whoever you are." I said with finality.

Hindi ko alam pero nakaramdam din ako ng kaba at sakit dahil sa gusto kong mangyari. I silently walk towards the kitchen and got myself a glass of water. Sobrang naguguluhan ako. The package. The guy in my dream. Our safety. Athena and I's unresolved problem. Lahat naghahalo-halo sa isipan ko as if I was inside of a maze. Hindi ko alam kung saan ang daan na dapat kong tahakin. Parang iba-iba ang ugat ng lahat. Ang gulo ng buhay ko. That's why I want my memory back, I want my questions to be answered. Ayaw kong naguguluhan, ayaw kong masyadong nag-iisip ng mga bagay na alam kong mahihirapan akong mahanap ang kasagutan. I don't want a hard situation kaya siguro mula pa noon the only thing I do is to run away.

 "Paige, it was nothing. You don't know him." He explained.

"Of course kuya hindi ko alam! I have amnesia at hindi ko kilala ang taong yon. You and Athena are the only people I know! Hindi ko sila kilala that is why I wanted-- I badly wanted to remember everything right now!" Galit kong sambit. I snapped because of my thoughts and feeling of betrayal.

Feeling ko ay niloloko ako ng lahat. Pakiramdam ko ay ayaw nilang ibigay ang dapat na sa akin. I am stubborn, yes. I am rushing my memories, yes! It was getting hard now that everything seems running after me. Everything seems to be too fast and here I am still knowing nothing about what happened. Nahuhuli ako sa lahat ng bagay na alam kong hindi dapat dahil kasabay ng pag-andar ng oras ay dapat kasabay nila akong umuusad. Pero hindi, naiiwan ako.

"Who am I? Paige ba talaga ang pangalan ko? Hindi mo alam kung ilang beses kong kinuwestyon yan sa sarili ko. Funny, hindi ba? Ni sarili ko mismo ay hindi ako sigurado. You don't understand me. You will never understand me!" I stormed out of the kitchen.

Kahit alam kong hindi dapat ako magalit ay wala nakong nagawa. Lahat ng emosyon ko ay hindi na pinagbigyan ang utak kong makapag-isip. Hindi manlang nabigyan ng pagkakataon na makahinga ang utak ko, lahat ng emosyon ko nag-uumapaw at nagsisiunahang makawala. I know that I acted a bit too much. Pero hindi naman nila talaga ako naiintindihan eh.

I went to my room and locked it. Sinara ko na rin ang pinto para sa mga paliwanag at dahilan. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila akong hayaan na makaalala. I am missing the life I wanted to know. Alam kong hiniling kong umalis pero hindi ko hiniling na mawalan ng ala-ala. Hindi ko hiniling na mawalan ng koneksyon sa mga taong dapat kahit papaano ay ikinasasabik ko. Hindi nila yon maintindihan dahil wala sila sa sitwasyon ko. I cried all day until my eyes got tired and dozed off to sleep.

It was already silent when I woke up. Hindi ako nakarinig ng kahit ano, ni nagluluto ay wala. Tinignan ko ang orasan at alas otso na ng gabi. Saktong narinig ko na kumukulo ang tiyan ko kaya naman hindi ko na napigilan at lumabas nalang ako ng kwarto. Paglabas ko ay may nakatakip nang ulam sa lamesa ngunit parang walang tao ang loob ng bahay.

"Umalis ba sila?" Tanong ko sa aking sarili.

Pumunta ako ng sala at nakita ko ang package na para daw sa akin. Pinasok ko muna ang package sa loob ng kwarto at kumain habang wala pa sila. Mag-aalas nuebe na ng pumasok ako sa kwarto at nagpahinga. Sandali kong tinitigan ang kahon na pwedeng naglalaman ng kahit anong konektado sa pagkatao ko. 

Hinayaan kong malunod ang sarili ko sa pag-iisip ng mga bagay na dapat kong isipin. Inisip ko din kung masyado nga ba akong nagmamadali sa mga ala-ala ko. Sabi ng doctor ay wag pilitin pero dalawang taon na ang nakakalipas at halos kakaunti palang ang nalalaman ko maski sa sarili ko. Aaminin ko, may mga naaalala akong hindi ko sinasabi kina Athena gaya ng ala-ala ko tungkol sa propesyon ko, kung bakit kami narito at paano ako naaksidente. Yun lang ang hindi nila alam. Ang relasyon namin ni Athena ay hindi ko pa din maintindihan dahil ang sabi niya lang sakin ay mag bestfriend kami. Pero kung iisipin ko ay halos hindi nalalayo ang ibang katangian namin. Lalo na ang mga mata at ilong naming parehong katamtaman lang ang tangos. Pwede nga namang dahil lagi kaming magkasama ay halos magkamukha na kami. But the way we talk to each other is similar too. At ang lalong nakakapag pagulo ng isip ko ay ang kagustuhan kong pigilan sila sa relasyon nila. Hindi naman pwedeng dahil magkaibigan kami lang o dahil playboy ang kuya ko dahil hindi naman. What is it that I really have a strong will to oppose their relationship.

Sa sobrang pag-iisip ay nakaligtaan kong may package nga pala akong dapat buksan. Tuluyan na nga akong nilamon ng antok. Isinaisip ko na lang na bukas ko nalang bubuksan ang ang kahon.

Nagising ako sa parehong kwarto kung saan ako nagising sa unang panaginip ko. May babae sa loob ng kwarto, umiiyak at nanonood ng TV.

"International singing sensation and actress is rumored to be in a relationship with the CEO of the ZMC Inc." The news reporter formally announced. "She was seen entering the CEO's condo together with her rumored partner, the CEO, holding hands. According to our source, the rumored couple has seen many times in different parties including an exclusive birthday party of Mrs. Clarito Idelfonso, the mother of Mr. Simon Idelfonso."

A man entered the room and quickly went to the crying lady. Hindi ko pa rin masyadong maaninag ang mukha niya, malabo siya sa paningin ko ganon din ang mukha ng babae.

"I'm sorry, I'm really sorry. Don't worry about it, ok?" Ramdam ko ang pagmamakaawa ng lalaki na patigilin sa pag-iyak ang girlfriend niya.

"The singer was being criticized by her everyone, including her fans and the speculations that have been circling the industry is that she seduced the CEO and made her famous because of-" The man immediately turned off the TV.

Kung ako man ang maaakusahan ng ganoon ay hindi ko din kakayanin. Naaawa ako sa babae at sinubukan kong ilagay ang sarili ko sa posisyon niya. Ano kayang mararamdaman ko? Kagaya din ba sa kanya?

"I did not seduce you. I didn't do it. It was solely because of me," she said in between her sobs. "I did well in my auditions and performance, hindi ako ganon, Simon."

The man hushed her and caress her back to comfort her. After a few minutes, they heard a knock and different voices outside the condo. The lady cried even more and the man cursed, they were being bombarded by the media.

"I'm gonna call the security, stay here and don't leave the room." He said and kissed the girl on the forehead multiple times.

The girl seems to be the one in the news being accused of seducing the CEO. So... Wait. Ibig ba sabihin na CEO yung lalaking nakita ko sa panaginip ko at itong lalaking nasa loob ng bahay na to? Hindi ko lalo maintindihan.

Tumayo ang babae sa kinauupuan niya at  humarap sa salamin na nasa likod ko. She looked like someone I know. Someone I am familiar with. Hindi siya si Athena at mas lalong hindi ang Inay. When I finally realized who she is, I also look at myself at the mirror. I am her, I am the crying lady. Ito ba ang dahilan ng pagtakbo ko noon? Ito ba ang gusto kong takasan? 

Nagising ako na masakit ang ulo kaya naman tinawag ko si Athena. Naramdaman ko rin ang luha sa aking mga mata. I cried, I was really crying.

"Ah! A-athena! Ah! Ang sakit..." I groaned and almost cry out of pain.

Agad na pumasok si Athena at inalalayan akong makaupo. She look worried at nasasaktan. May sinasabi siya pero hindi maprocess ng utak ko dahil halos mabingi ako sa sakit ng ulo ko. I cannot afford to even think dahill dun palang ay sobrang sakit na ng ulo ko. She hugged me after niya ako painumin ng gamot and waited for me to stop crying. Ilang minuto ay kusang huminto ang mga mata ko sa pag-iyak at dahan dahan akong nagpahiga ulit. Lumabas siya ng kwarto para makapagpahinga ako ulit.

Nang mahimasmasan ay tumayo ako at lumabas ng kwarto. Athena was there sitting beside Wesley. Tumayo sila kaagad nang makita akong lumabas ng kwarto. Dinaluhan nila akong dalawa at inalalayan papuntang sala. Hindi sila nagsasalita, ganon din ako. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang pagbabalik ng ala-ala ko.

"Are you okay?" Wesley asked. He was obviously worried about me.

"Masakit pa ba ang ulo mo? Tell us, Paige. Please," mangiyak-ngiyak na pagsusumamo ni Athena.

"I remembered why I decided to marry someone I don't love. The accusations of the people. Athena, naaalala ko na kung bakit gusto kong tumakas." I was happy but at the same time, hurt because of what happened to me. I cried.

"Oh my gosh!"She cried and hugged me tightly. "I'm here for you, always. ok? I will protect you." Pag-alo niya sa akin habang hinihimas ang likod ko.

Kung ano man ang dapat kong maramdaman ngayon ay hindi ko alam. Pero hindi lang iisa o dalawa ang emosyong naghahari sa puso at isipan ko. Hindi ko maintindihan pero may isang bagay na malinaw sa sa isip ko.

"I know his name. He is Mayora's son, Athena. I think I had a past relationship with Simon Idelfonso, her eldest son," I told them. 

They were shocked. I am too. But I still feel nothing, wala pa din akong maramdaman tungkol sa kanya. Simon Idelfonso, when will I ever see you? Again?

elreina

How are you? I'm always here for you!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status