Share

KABANATA 3

Its Christmas eve, kaya naman andito kami sa mansion ng mga Revalde dahil busy sila mama. Lalo na at dito nagpasko ang iba pa nilang kapamilya, kumbaga reunion ata nila ‘to. Andito rin ako sa kusina at tumutulong kila mama, hindi man sa pagluluto at least sa paghuhugas may pakinabang ako. ‘Tsaka birthday rin ni Chance ngayon.

 “Anak ihatid mo pala ‘tong chips sa kwarto ni Chance. Nag-iinuman ata sila ng mga pinsan niya, bumalik la agad,” utos ni mama sa akin, ang bata pa nun ah, tapos nag-iinum-inom na. ‘Di bale pagsasabihan ko ‘yun sa susunod.

 “Sige ma, una na ako.”

 Grabe damang-dama ko talaga ang pasko sa mga dekorasyon ng bahay nila. Mula sa daanan, bintana, muwebles at chandelier paskong-pasko talaga. Ang sakit ng paa ko sana pala gumamit ako nung elevator nila. Kakatok na sana ako sa kwarto niya ng biiglaan itong bumukas.

 “Hi! Miss? Sabay lahad ng kamay ng isang lalaki na siguro ka edad ko lang.”

 “Ahh Ivy nga pala. Si Chance ba?” tanong ko sa lalaki.

 “Hes on the shower right now,” sagot nung lalaking naka eyeglass.

 “Pakisabi eto pala ‘yung chips na pinapadala niya, sige alis na ako,” paalam ko sa kanila pero bigla akong tinanong nung lalaki.

 “Are you his girlfriend?” 

 “Hmm no, Im years older than him so I’m his ate,” medyo uncomfortable kong sabi, kalalabas lang rin pala ani Chance sa bathroom niya.

 “Oo nga pala, kasing edad ata tayo miss. By the way you’re very pretty.” He said like we have been close for years.

 “Yeah, too pretty to be Chance girl,” seryosong sabi nung naka eyeglasses. Sobrang awkward kaya nung kumalabog ang drawer ni Chance ay parang nakahinga ako ng maluwag. At least it wasn’t as silent like kanina.

 “Ahh sige una na pala ako, marami pa kaming tatapusin sa baba.” Paalam ko sa kanilang lahat.

 “It’s already 3:30 am nung natapos ang home party nila, kaya todo ligpit narin kami. Ihahatid kona sana sa dirty kitchen ang hugasin ng may biglang humatak sa akin palabas. Kaya ang ending dala ko rin ang ‘yung plato palabas hanggang makarating kami sa garden.

“Ikaw ba ‘yan Chance? Inaayos ko ang magulong buhok niya dahil natatakpan na ang mata nito. Ngayon ko lang napagtanto na medyo lasing nga siya dahil namumungay na ang mata niya, antok siguro, tapos ang mga pisngi niya sobrang pula na.

 “Sit beside me please, I’m tired,”

 “I wanna lean on you, can I?” paalam niya kung pwede.

 “Sure,” I said, as I gladly offered my shoulder.

 “Happy Birthday and Merry Christmas Chance, I hope your happy on your Birthday!”

 “I wasn’t, but I am now,” he said.

 “Wait, babalikan kita. Kunin ko lang gift ko sa’yo,” sabay takbo, goshhh! Joke lang, nakalimutan ko pa lang dalhin ‘yung hugasin.

 Sa pagbalik ko ay nakita ko siyang nakahilig sa may upuan at nakapikit. I wanna surprise him kaya I decided to cover his eyes first before I offer my gift. Nagkakahalaga ng 12,000 pesos ‘yung jacket na regalo ko kaya siguradong magugustuhan niya, pero walang-wala ‘to sa mga Gucci, dior, tiffany and co, at iba pang sikat na mga brands. 

 Parang gusto ko tuloy umiyak, ilang buwan ko rin pinag-ipunan yon. Pero worth it naman dahil super happy niya.

 “Surpriseeeeeee!”

 Parang bigla siyang nabuhayan kaya agad niyang binuksan ang box, ang saya niyang tingnan kaya I feel honored, minsan lang kasi ngumiti to eh. Lagi pang nakabusangot.

 “Hmm sorry, hindi siya gaanong mahal pero branded naman,” sabi ko.

 “This is the best gift that I received; I know you put so much effort to buy this so, I promise to treasure this.”

 Oh diba, di manlang tinanggi ang pagkahilig niya sa mga mamahaling damit. Ewan ko ba, I really adore this boy in terms of fashion.

“Let’s go, it’s getting cold here. You might catch a cold and I don’t want it.” Aya niya sa akin na pumasok na.

Pagkapasok namin ay nautusan pa akong ihatid siya sa kwarto niya, siguro dahil nakikita rin nila Sir na medyo gumegewang-gewang na siya sa paglalakad. I noticed that hes sweating kaya I decided to put him on his sleep wear clothes. Aalis na sana ako nung bigla niya akong hinatak kaya ang ending napahiga rin ako sa kama.

Nakayap siya sa akin paharap. Omg! why is he so handsome, iba talaga siguro pag nagbibinata na. 'Di na ako magugulat kong sa susunod na araw ay may ipakilala na sakin tong girlfriend. Grabe inaantok na talaga ako, before I fall asleep, I am sure that someone has kissed me on my forehead.

5 am na nang ginising ako ni mama sa kwarto ni Chance, pasko ngayon kahit papano ay pinayagan silang mamahinga. Pagkauwi namin ay natulog muna sina mama at gisingin ko raw sila mamayang alas 8 para makapaghanda sa pagsimba.

I’m wearing a long sleeve silky dress above the knee, at pinaresan ko naman ito nang 2 inches na nude sandals. I guess my look is okay, I tied my hair into simple ponytail para naman ‘di na masyadong maiinit mamaya sa simbahan.

The mass is about to start tapos naramdaman ko na may biglang sumiksik sa gitna, ‘di na ako nagulat dahil alam ko na kung sino. Minsan talaga nagseselos na ako, only child tapos parang hindi naman. Kahit saan ata kami pumunta ay lagi siyang kasama, ayon tuloy dalawa kaming gitna nina mama at papa.

I looked at him from head to toe, hes wearing a polo shirt that my mama and papa gave him yesterday. I smiled; he really knows how to make them happy.

 

The mass is over kaya naman pumunta na kami sa bahay para mag celebrate ng pasko. We eat happily while mama and papa are reminiscing their days.

May mga bata naman na namamasko kaya I gave them the candy that I bought, and Chance? Well, he is sleeping lang naman sa kwarto ko kasi may hang over pa raw siya. See? My parents don’t care, because they are super happy pa nga if andito siya.

“Good afternoon,” bati niya na magulo ang buhok habang pababa ng hagdan.

“Naku anak, ang pawis mo na ahh. May damit ka naman diyan sa isang drawer mag palit ka nalang muna.” My mama said.

He smiled while looking at me, he knows na I’m annoyed when my parents spoiling him with care. 

“By the way pumunta na yung sundo mo kanina, ayaw mo pa bang umuwi?” tanong ko, I know I may sound rude pero nagseselos ako.

“Ivy!” tawag sakin ng mama ko na para bang sobrang rude ko, eh totoo naman na pumunta na si Kuya Danny eh.

“Lina nga kayong dalawa, picture muna tayong apat para naman may bago tayong mailagay sa picture frame na binili ko,” hila samin ni papa.

Were all happy at that moment, I smiled as I look at those pictures. Napansin ko na mas mataas na talaga siya sakin. Sana palagi nalang ganito. Napatingin ako sa regalo niya sakin, isa itong bracelet na silver gold. It’s very simple pero ang ganda, wala siyang pendant o kahit na anong sabit pa. Kay papa at mama naman ay binigyan sila ng tig isang sing-sing. Parang wedding ring ba, naikwento kasi yan dati nila mama na naisangla raw nila yun para sa pagbili ng mga gamit sa bahay nung bago palang sila. Haysss, hanggang kalian ka kaya magiging ganito samin Chance, nakakatakot dahil mahirap na umasa lalo na at lagi siyang nasa tabi namin. Ayokong masanay kami masyado.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status