Love In 4-Year Gap

Love In 4-Year Gap

last updateLast Updated : 2022-07-18
By:  SuvyOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
13Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

She was a poison to him, so she pushed the chance to run away with him and be happy just what they have planned. She knows that she is pregnant at the moment but she doesn't want to be selfish by keeping him. Years later and his back. but their past made him a totally different person. he got a woman at his back and a successful career on his side. Seeing him happy made her thought that every sacrifices was worth it. He became cruel to her and she gladly accepted it because she loves him. But what if he found out that he has twins with her, will he be the same this time?

View More

Chapter 1

SIMULA

“Nay, may tawag po sa cellphone niyo.” Sabay bigay ng anim na taong gulang kong anak.

 “Salamat ‘nak ha, balik kana sa kwarto tatapusin lang ni nanay ang labahan ko.” Ani ko ng nakangiti to assure him that I am okay. I was about to take the call when I noticed that his still standing there and waiting for me.

 Yumuko ako upang punasan ang butil ng pawis sa noo niya. Siguro kailangan ko na talaga na bumili ulit ng electricfan. I can’t help to remember his father everytime I’ll look at him, grabe walang tinapon ang batang ‘to.

 “Sige na Vince, I promise to sleep with you and Vayn once I take this call saka walang kasama ang kapatid mo doon anak.”

 “Goodnight nanay,” ani’ya kahit mukhang nag-aalangan pa sa pag-alis. Agad kong nakita sa screen ang number ni madame, kaya naman saglit akong pumunta sa may sala upang sagutin ang tawag.

 “Good evening Ivy, I’m very sorry for the late-night call. I just want to inform you that my family is going back to the Philippines by the end of the month. So kindly inform the other maids to clean the house well because we’re having some guest. Thank you.” She said, and then pinatay na ang tawag.

 Napaupo ako sa biglaang balita. I don’t know what to feel, now that they’re going back to the Philippines is something that I should prepare for. I don’t even know how he was right now, but, I know for sure that it was all worth it. Or maybe takip tainga kong pinapakinggan ang mga balitang naririnig ko sa kanya. Ang sakit dahil umasa ako noon na babalikan niya ako kahit na tinulak ko siya palayo. Our last moment may be a disaster but after those are my miracles.

 I can’t help but to worry for my children. Their father is going back to the Philippines and I still don’t have the courage to tell them about him.

 

 Katatapos ko lang maglaba at alas dos na pala ng umaga. Napagpasyahan ko na bukas na lamang ito isampay total sa susunod na araw pa naman itong kukunin. Napatingin ako sa kambal ko, I’m not really sure if I should be happy na kita sa kanila ang pagiging Revalde. Takot ako na baka dumating ang panahon ay piliin nila ang buhay na marangya na lubos ko naman na mauunawaan dahil kailanman ay hindi ko rin kayang ibigay ang buhay na iyon.

 Naalimpungatan ako sa sinag ng araw galing sa bintana, pagtingin ko sa tabi ay wala na ang dalawa kong anak. Dali-dali akong bumaba upang makapaghanda ng almusal. Naririnig ko ang kanilang hagikgikan habang masayang naglalaro sa aming maliit na sala.

 “Good morning nanay!”

 “Nanayyyyyyy!” halos sabay na sigaw ng dalawa papalapit sa akin.

 “Naku ang mga baby ko super laki na, tara na at kakain na.”

 “Nanay bakit lagi pong egg at tuyo ulam natin? Nanay na mimiss ko na po ‘yung tocino, bacon at hotdog.” Nakangusong ani ni Vayn.

 “Favorite ko po ito nanay, ‘tsaka masarap naman ahh. Sabi nila dapat thankful tayo kasi may pagkain tayo. Hayaan mo ‘nay pag lumaki ako ibibili ko kayo ng maraming pagkain katulad nung nasa TV,” nakangiting sambit ni Vince habang maganang kumakain.

“Pasensiya na mga anak ha, hayaan niyo kakain tayo bukas sa Jollibee kasi sweldo na ni nanay.”

Tanging ngiti lang ang naging balik nilang dalawa at magana ulit na kumain. Actually, hindi naman talaga sila mapili sa pagkain. Sadyang nauumay na ata sila dahil halos isang linggo na rin kasi na ganun ang ulam namin sa umaga. Dati kasi talaga ay sinisiguro ko na maayos at masustansiya ang kinakain nila at kahit papaano ay mabawi naman dahil ‘di ko kayang ibigay ang mga mahal na material na meron ang ibang bata. Nagipit kasi ang budget namin dahil binabayaran ko pa ang utang ko kay aling Rosa sa pagkakasakit ni Vayn noong nakaraang buwan.

Buti at dumating na si Mary at makakaalis na ako patungo sa mansion ng mga Revalde. Buti nga at pumayag siya sa bigay ko na 3,000 pesos every month dahil kung tutuusin ay kulang pa iyon dahil dalawang bata ang binabantayan niya.

“Alis na ako Mary ha, pakibantayan nalang sila Mabuti. Pasensiya kana at naabala kita kahit na Day off mo na dapat ngayon.”

“Naku ate okay lang, sa gwapo at ganda ba naman ng alaga ko paniguradong walang aayaw.”

“Bye bye nanayyyyyyyyyyyyy!” sabay na paalam ng dalawa.

Sumakay na ako ng tricycle papunta sa mansion. Pagkadating ko ay agad akong binati ni manong guard, siguro dahil sa tagal narin ng pagtratrabaho ay parang pamilya na ang turingan namin dito. Agad akong nautusan ni manang na ayusin ang hardin dahil dapat raw ay maging malinis muna ito bago dumating ang mag la’land scapes. Inabot na ako ng hapon at ‘di pa rin tapos. Napagdesisyonan kong ipagpabukas nalang dahil papasok pa ako sa susunod kong trabaho bilang waitress sa isang bar.

“Naku ikaw na bata ka minsan mag day off ka rin naman sa trabaho mong gabi na ‘yan. Pinapatay mo ang sarili mo sa dami ng raket na pinapasok mo. Oh kamusta na pala ang mga apo ko? ‘Di na ako makadalaw sa inyo eh.” Sermon ni manang sa akin.

“Miss ka na rin po nila manang. Hayaan mo po sa susunod isasama ko po kayo sa pamamasyal namin para kahit papano ay makapag bonding po tayo. Pano una na po ako.” I said, and then bid my goodbye.

Laki rin talaga ng utang na loob ko kay manang dahil binibigay niya sakin ang 3,000 sa sweldo niyang 10,000 sa isang buwan bilang mayordoma sa mansion na ito. Ang lagi niyang sinasabi ay hahatian niya raw ako dahil halos ako naman daw ang sumasalo sa trabaho niya pero alam ko rin na naawa lang siya sa kalagayan ko. Dati ay tinatanggihn ko pero sabi niya ay kahit para naman lang daw sa mga bata.

Napakabilis ng panahon at nagsisimula ng pumarada ang mga mamahaling sasakyan ng mga Revalde hudyat na andito na sila. Hindi ko mapigilan na tingnan ang bunso nilang anak na may napakalamig na awra. Dumaan siya sa harapan ko ngunit kahit isang tapon na tingin ay wala akong natanngap. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bakit nga ba ako nag e-expect ng limos na atensiyon gayong ako naman ang nagtulak sa kaniya palayo. Ang mga nagbabadyang luha sa aking mata ay pilit kong pinipigilan, siguro dahil na rinse pangungulila at pag-asa na magkaroon ng ama ang mga anak ko.   

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Kayla Kitty
nasa chapter 9 pa lang ako pero so far so good......
2022-05-18 11:10:26
1
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status