Share

Gapos (1)

Wala sa tao ang paghuhusga. Ang tanging Diyos lamang ang may kakayahang husgahan ang sinuman.

Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang rosaryong ibinigay ng Santo Papa sa akin magmula noong ako ay maordinahan bilang isang pari. Walang araw simulang mahawakan ko ang yaong rosaryo ang siyang nahiwalay ito sa akin. Para sa akin ay ito ang pinakamatatag na pananggalang sa anumang kasamaan nag-aabang. Walang baril. Walang haligi. Ang kasing tayog ng rosaryong siyang pagmamay-ari ng sugo ng Diyos upang pamunuan ang sangkatauhang naniniwalang lubos sa kanyang kadakilaan.

"Handa na po ang lahat, Padre" mga salitang siyang bumasag sa aking pagmuni-muni sa malawak na karagatang binaybay ng aming sinakyang barkong Cristiana. Sa dako roon ay makikita ang unti-unting paglubog ng haring araw kung kaya'y kumakagat na ring paunti-unti ang kadiliman.

"Naihanda mo na ba ang mga kagamitan ko, Ferdinand?" siyang tanong ko sa aking kasamahang binatang lalaki.

"Aking tiniyak po ang lahat ay naroon na, Padre"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status