Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka
Gabi iyon ng ika-labindalawa ng Setyembre taong 1882 araw ng Sabado, sa Roma, Italya.Hindi ako makatulog sa ingay ng dalawang taong tila nag-aaway habang nagbubulungan lamang ng malakas na nagmumula sa ibaba ng bahay. Kahit ngabubulungan lamang ay kilala ko parin ang mga boses na naririnig ko.Ang dalawang taong iyon ay ang aking mga magulang.Tila nakakabahalang pakinggan ang kanilang mga tinig sapagkat hindi naman sila ganito noon. Alam ko na may halong takot at pangamba ito. Yaong, mga bulungan nila na hindi ko dapat marinig.Mariin ko mang pinakinggan ang mga bulungan nila ngunit ang kalayuan at kakapalan ng mga dingding ng bahay ay nagging balakid upang mapakinggan ko ito ng mabuti.
Isang matagal at nakakayayat ang paglalayag ng tatlong linggo sa isang barko. Mula sa Marseilles, lugar sa Pransya ay naglayag ang sinakyan kong barkong may pangalangSan Rafaelpatungong Maynila, ang sentro ng daungan ng mga dayuhang barko na nagmumula sa Europa, sa buong Felipinas.Nakakayat tingnan ang malawak na mga karagatang dinaanan ng barko. Mula sa Marseilles, binaybay namin ang malawak na karagatang Atlantika. Huminto rin kami ng ilang oras sa daongan ng Acapulco, lugar sa Timog Amerika, at lumayag muli sa mahabang karagatang Pasipiko patungo sa Maynila.Isang mahabang paglalayag para sa panibagong buhay.Umingay ng malakas ang alarma ng barko nang makita na sa hindi kalayuan ang pantalan ng Maynila. Nasa aking kwadro ako nang marinig iyon at habang nagbaba
Narating na namin sa wakas ang bahay ng mga Agoncillo. Yari sa konkreto ang ibaba nito at ang itaas naman ay yari sa pawig at kahoy na pinakintaban.Sa kabuoan,ma ganda at napakalaki ng bahay na iyon.May mga malalaking bintana ito na may mga mga nakasabit na mga kurtina. Malawak rin ang lupa nito na siya namang napapalibutan ng mga mabeberdeng halaman at puno. Ligtas at maginhawa anng buong paligid kaya naisip ko sa aking pagrating na magiging maayos ang paninirhan ko rito.Pumarad ang karwahe sa tapat ng bahay. Unang lumabas si Tiyo Graciano at inalalayan akong bumaba palabas ng karwahe. Nang makalabas ako, sinalubong ng isang bata anng aking tiyuhin."Tatay!" masayang pagsalubong ng isang bata sa kanyang ama at yumakap ito sa kanya
Ang centro ng bayang Santa Barbara ay isang napakaabalang lugar. Puno ng mga tao na siyang nagbubuhay sa ingay ng bayan. Nagpunta kami sa pamilihan ng mga gulay. May isang kalye sa bayan na siyang kinaroroonan ng mga nagtitinda nito.Nagkalat ang mga nagtitinda sa paligid ng makarating kami roon. May mga nakahilerang mga anigo sa gilid ng kalye na may mga naglalamang sari-saring gulay at prutas. Kadalasang nagtitinda roon ay mga kababaihang mga Pilipino. Nakatapis at nabaro lamang ang ilan. May mga nagsisindi rin ng tabako sa kanilang mga bibig na bumubuga ng usok sa mga ilong nila. Mayroon ring nagtitinda ng mga karne tulad ng baboy, manok at baka, at mayroon ring mga isda na kalimitang nabibingwit sa ilog na malapit sa bayan.Sinamahan ko si Manuela sa kanyang pagpunta rito. Naatasan siya ng kanyang ina upang mamili ng mga sangkap na
Hindi mahulugan ng karayom ang kalagitnaan ng plaza. Maraming taong pumalibot dito na nakikiusyoso sa mga nangyayaring naroon. Nagkamayaw silang makita at mapanood ang pangyayaring minsan lang masasaksihan sa buong bayan. At ito ay ang pagbitay sa isang mangkukulam.Pinalibutan ng mga tao ang isang pinataas ng platapormang yari sa makakapal at matitigas na tabla. Sinadyang pinataas ito upang makita ng buong taong naroon ang ganapang iyon. Sinadya ring pinataas ang plataporma upang bigyang taas rin ang pagitan ng lupa sa bibitayin. Sa bandang likuran naman ng platapormang iyon,may isang posteng nakatirik na yari sa makapal at mahabang kahoy ng narra na pinakoan pa ng isa pang mahaba na posteng nakahiga sa itaas nito na lumampas sa kalawakan ng plataporma. May nakabiting makapal na lubid rin ito na may binuong pabilog sa dulo para sa ulo. Karaniwang ginagamit ang platapormang iyon sa pagbi
Isang malaking bayan ang Santa Barbara. Ito ang naging sentro ng mga kalakalan ng mga malalayong lugar sa timog ng Maynila. Maraming mga manglalakbay ang dumadayo rito upang makapagpahinga mula sa malayong paglalakbay papunta o pauwi ng Maynila.Ang Hilaria ang isa sa mga pinupuntahan ng mga dayo sa bayan. Ito rin ang pinupuntahang libangan ng mga sibil ng lipunan pati na ang mga nasa maitaas na antas. Ito’y isang bahay aliwan na tuwing gabi ay may mga sayawan at kantahan. Bumubuhos rin ng mga serbesa ang bahay aliwang ito kaya naman ganoon na lamang ito kakilala sa buong bayan.Hindi lamang ito isang bahay aliwan, sa likod naman nito ay may pinaalkilang mga murang cuarto. Malalaki ang silid roon at mainam at malambot ang mga higaan. Dito ko naisipang tumuloy muna upang hindi malayo sa lipunan. Nasanay na ako kasing nakakasalamuha
Napakainit ang simoy ng gabing iyon kaya naisipan kong magpahangin sa halamanan ng bahay. Mula sa asotea sa itaas, tumalon ako pababa palabas. Pagtalon ko, matiwasay naman akong nakababa at agad tumungo sa halamanan.Malalim na ang gabi sa mga oras na iyon kaya tulog na ang lahat ng mga tao sa bahay. Nakahati ang buwan sa sandaling iyon at pinalilibutan ng mga nagniningningang mga bituin. Dumaan ako sa kwadra ng mga kambing upang hindi ko magising ang mga alilang mambabahay na natutulog sa gawing daanan sa halamanan. Nang marating ang kwadra,naalala ko kung paano naging hapunan ko ang isa sa mga kambing na naroon kanina. Kailangan kong maibsan ang uhaw para sa araw na iyon. Kailangang sariwa dahil masarap ito. Kaya nayari ko ang isang kambing at napatay na tuyo ang buong ugat. Nagtaka tuloy ang korderong nangangalaga sa mga kambing sa nakapagtatakang nangyari sa isa sa mga ito. Kahit na ganoon, mas mainam na ito ang nagaganap maibsan ko lamang ang pagkauha