Share

Chapter 6

6: Intrepid’s headquarter.

-

Mabilis lumipas ang araw, everything’s fine at medyo nasasanay na rin ako rito. Friday ngayon at napagdesisyunan kong magbukas ng skype para kontakin sila dad.

Hey Mom, where’s Dad? Tanong ko nang makita ko si mommy sa screen, looking so young and fine.

He’s on the plane. Pabalik siya d’yan ngayon sa Pilipinas.”

Seryoso? As in now? Bakit?

May mga kailangan siyang i-discuss sa mga kaibigan niya, Erin anakㅡ

Fuck!” I cussed nang biglang mawalan ng connection. Agad kong sinara ang laptop at kinatok si Akira sa banyo.

“Matagal ka pa?” Tanong ko.

“Malapit na ako matapos, wait lang.” Sagot nito kaya naman bumalik ako sa kama para kunin ang phone ko. Sinubukan kong tawagan si dad pero naka-off ang phone niya.

Ano naman kaya ang mahalagang idi-discuss niya sa mga friends niya at kailangan niya pang umuwi rito sa Pilipinas?

Ilang oras pa ang lumipas at nakapag asikaso na ako. May klase pa rin kasi kahit na mamaya na ang acquaintance party.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Intrepid’s head quarter. Pulang building na hugis barko, iyon ang sinabing description ni Akira at hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakapasok na ako roon noong pinasunod ako ng leader matapos kong mapaaway.

“Intrepid? Where’s your code?” Tanong ng lalaking nakatayo sa may glass door, hindi ko malaman kung guard ba siya o ano dahil hindi naman siya nakasuot ng uniform.

“I’m a new student at wala akong alam sa sinasabi mong codㅡ” Napahinto ako sa pagsasalita nang may tumayo sa gilid ko. At kahit hindi ko lingunin, alam kong si Zero iyon.

“She’s with me.” Walang emosyon na sabi nito at saka itinapat ang palapulsuhan niya sa isang maliit na scanner. Nag labas iyon ng pulang ilaw at kusa na lang bumukas ang glass door. Woah! Talking about technologies, huh.

“That’s cool.” Komento ko nang makapasok kami sa loob. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya para tignan kung ano ang itinapat niya roon sa scanner. Tattoo na parang bar code, anong pauso na naman kaya iyon? Eh no’ng sinundan ko ‘yong leader, dire-diretso naman kaming pumasok.

“Magkakaroon ka rin nito, pasalamat ka at sinabihan ako ni dad na asikasuhin ka.” Aniya at saka tinabig ang kamay ko kaya nabitawan ko siya, sinamaan ko siya ng tingin at saka sumunod. Ngayon ko lang napansin na ako lang ang nakasuot ng regular uniform dito.

Everyone’s wearing red and black faux leather jacket, medyo weird. Kaya siguro nakatingin ang iilan sakin. Para tuloy akong outcast nito.

“Saan mo ba ako dadalhin?” Tanong ko at huminto kami sa isang pulang pintuan. Hindi na siya kumatok at buong pwersa na lang itinulak ang dalawang malaking pinto. Doon bumungad sa akin ang iba’t ibang obstacle equipment.

Ang mga tao sa loob ay tila nagte-training, tumingin ako sa itaas at talaga namang namangha ako dahil may isang malaking lubid doon kung saan may mga pilit nagba-balance. Seriously, circus ba ang napasukan ko?

“This is the training room. Nakikita mo naman kung anong ginagawa nila ‘di ba? Every friday, ganito lang ang gagawin mo. No class pero may training.” Paliwanag ni Zero habang naglalakad papunta sa isa pang pintuan.

“May babae kang makikita sa loob, tell her your name at siya ng bahala sa ‘yo.” Sabi niya at tuluyan na niya akong iniwan. No choice naman ako kung hindi ang pumasok sa loob.

“Hi, ikaw ‘yong transferee? Erin Cross, tama ba?” Tanong ng babae. Tumango lang ako ng tipid at saka niya hinawakan ang balikat ko para maupo.

“May ilalagay ako sa ‘yo, this chip could be injected through a syringe and used as a sort of human bar code in security applications. Lahat ng intrepid may ganito, clench your fist.” Aniya at sumunod lang ako. Maya maya ay may itinusok na siya sa may bandang pulsuhan ko, medyo napapikit pa ang isa kong kamay ngunit hindi naman iyon masakit.

“Sunod ka sa ‘kin.” Aya niya nang maglakad siya papunta sa tapat ng isang parang printer na may malaking butas. Hinawakan niya ako at saka inilagay ang kamay ko roon, nakaramdam ako ng init at nang hugutin ko ang kamay ko. Mayroon ng tattoo na katulad ng kay Zero. Cool.

“That will be your id here inside the headquarters. Once na itinapat mo ‘yan sa scanner, makikilala na ‘yong identity mo at makakapasok ka na rito.” Sabi ng babae at ngumiti lang ako ng tipid.

“Bago ka lumabas. Suotin mo ‘to, every kind has their own uniform.” inabutan niya ako ng isang jacket at itim na pantalon, ganito ang suot ng mga tao sa labas. Kinuha ko ‘yon at saka pumasok sa parang fitting room. Sinuot ko ‘yon at saka lumabas sa kwartong ‘yon. Nabigla naman ako nang may bigla na lang nagsalita.

“Done?” Tanong niya at lumingon ako, it’s Zero who’s now leaning against the wall at nakabulsa ang mga kamay. Tumango lang ako ng tipid at saka niya ako nilapitan.

“What now?” Tanong ko pero hindi siya sumagot, naglakad lang siya kaya sumunod na lang ako pero may ilang lalaki ang humarang sa amin.

“Siya ba ‘yong bago? Let’s try her. How about... Initiation?” Sabi ng lalake at nilingon ako ni Zero.

“Sumama ka sa kanila.” Walang emosyong sabi nito at saka sumandal sa pader habang ako ay sumunod doon sa tatlong lalake. Wala akong ideya kung ano ang gagawin pero nararamdaman kong susubukin nila ang skills ko. At hindi naman ako nagkamali dahil huminto kami sa isang wall climbing.

“Pag akyat mo sa itaas, may makikita kang malaking monkey bar, tumawid ka hanggang makarating sa dulo and after that, tumalon ka.” Sabi ng lalake. Tinignan ko ang wall climbing, walang kahit anong safety harness iyon. Tumingin din ako sa itaas at sa dulong bahagi ng monkey bar. Mataas taas kung tatalon ako, papatayin ba ako ng mga ito?

“What? Hindi mo kaya? Para saan pa at naging intreㅡ” Hindi ko na pinakinggan ang mga sasabihin niya at nag umpisa nang umakyat. Hindi naman masiyadong mahirap, kailangan lang talaga ng matinding focus dahil maling tapak lang ay babagsak ako. Wala akong suot na harness, helmet at gloves. Kaya kapag bumagsak ako ay sure akong sasakit ang likod ko dahil gymnastic mat lang ang babagsakan ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng wall climbing, medyo nakakaramdam na ako ng ngawit. Tumutulo na rin ang pawis ko at napupunta ‘yon sa mata ko kaya medyo mahapdi. Kahit hindi ako tumingin sa ibaba alam kong pinapanuod ako ng mga taong naroon. Malapit na akong matapos pero nagkamali ako ng tapak, may iilang sumigaw pero nakakapit pa naman ang isa kong kamay .

Tumingin ako sa baba at nanlaki ang mata ko nang makitang nakaabang sa baba si Zero, anong ginagawa niya doon? Balak niya ba akong saluhin just incase na mahulog ako? Wow! Erin, assuming. Nag-focus na lamang ulit ako at naghanap ng mas malaking tatapakan and finally, nakaakyat na ako sa tuktok.

But hell! Sobrang init kaya naman tinanggal ko ang jacket at ipinaikot iyon sa bewang ko, buti na lang at naka-sports bra ako. Iniwasan kong tumingin sa baba pero nab-bother ako sa tingin ni Zero. Hinayaan ko na lamang iyon at saka kumapit sa monkey bar. Wala naman silang sinabi na kailangan maglambitin, kaya ang ginawa ko ay naglakad ako sa ibabaw. Slowly but surely hanggang sa makarating na ako sa dulo.

Nang makababa ako sa monkey bar ay sumilip ako sa ibaba. Nakaabang sila sa pagtalon ko. Guess what? Sahig ang babagsakan ko. Paano?! But sure naman ako na hindi nila ako patatalunin kung alam nilang mamamatay ako ‘di ba? That’s lame, dude.

Huminga ako ng malalim at saka tumalon. Nakapikit ako the whole time pero bigla akong napadilat nang maramdaman kong bumagsak ako sa malambot na bagay. Lumingon ako sa paligid nasa isang jump air bag ako.

Nagpalakpakan ang mga tao at saka ako nilapitan noong tatlong lalake kanina habang nakangiti.

“Welcome to Intrepid.” Sabi ng parang leader nila nang alalayan niya ako pababa. Tumango lang ako ng tipid at saka nagpunta kay Zero.

“Sumunod ka sa ‘kin.” Utos niya at nag umpisa na siyang maglakad papunta sa isa pang pintuan. Sinundan ko siya at pagpasok namin, kami lang ang tao at may isang malaking boxing ring sa gitna. Umakyat siya roon kaya naman umakyat din ako.

“I will train you.” Sabi niya na nagpatawa sa akin. Train me? Lol.

“Are you underestimating me?” Tanong ko at sinagot lang niya iyon ng isang suntok but due to my reflexes, nakaiwas ako.

“You’re weak.” Nagpakawala siya ulit ng isang suntok na tumama sa bandang tagiliran ko. Medyo napangiwi ako sa sakit pero agad ding nakabawi. Ano bang trip ng lalaking ito? Sinusubukan niya ba talaga ako? O talagang gumaganti lang siya dahil sa ginawa ko noong nakaraang araw?

“Just to remind you, ako ang top 1 sa buong intrepid.” Mayabang na sabi ni Zero nang hubarin niya ang jacket niya at ihagis palabas ng ring.

“Really? Then let me remind you na Cross ang apelyido ko. My parents are legendary gangster, hindi healthy for you kung mamaliitin mo ako.” Hinigpitan kong maigi ang pagkakatali ng jacket sa baywang ko at saka sumugod sa kanya.

Naiwasan niya ang suntok ko but the thing is sinadya kong sumugod sa paraang alam kong makakaiwas siya dahil sa sunod na bitaw ko ay alam kong hindi na niya magagawang umilag kaya naman itinaas ko ang paa ko at saka ipinatama iyon sa gilid ng leeg niya which cause him to fallㅡBasic.

“Okay na ba? Can I go back to dorm?” Tanong ko pero hindi siya sumagot. Isang pagngisi ang iniwan ko sa kanya at saka tuluyang lumabas. Sinuot ko na rin ang jacket at nagmadaling bumalik sa dorm. In fairness, nagugustuhan ko na sa academy na ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status