“Erin, sure ka ba na hindi ka a-attend ng acquaintance party?” Tanong ni Akira habang abala itong nag aayos sa harap ng vanity table. Ako naman ay nakahiga lang sa kama at nag-i-snapchat.
“No thanks, mabo-bored lang ako.” Walang emosyong sagot ko pero bigla siyang tumayo at naupo rito sa kama ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian niya lang ako. She’s really weird as fuck, manhid ba siya or what?
“Sure? Kahit na special guest ‘yong Dark? I mean ‘yong grupo ng daddy mo dati? Excited na nga ako dahil sa wakas, makikita ko na rin ang mga legendary gangsters ng M.A dati.” Masayang sabi niya, dahilan para agad akong mapabangon sa kama ng wala sa oras. Wait, kaya ba uuwi si dad ay para roon?
“Kapag nagsisinungaling ka sa ‘kin, you’re dead.” Banta ko kay Akira at saka nagmadaling pumasok ng banyo. Rinig na rinig ko naman ang kasiyahan niya. Tch. Bakit ba kasi gustong gusto ako kasama ng babaeng ‘yon?! Wala ba siyang friends?
ㅡ
“Hmm, ayan na talaga susuotin mo? I mean. Ayaw mo bang mag-dress?” Tanong ni Akira, nagsuot lang kasi ako ng itim na crop top at maong shorts na tinernuhan ko lang ng timberland. Wala naman kasing theme ang party, so meaning I can wear whatever I want to wear. And in fact, ganito na talaga ang mga damit ko noong nasa Amerika pa ako.
“Hindi ako makakakilos ng maayos kapag nag-dress ako.” Pagsasabi ko ng totoo at saka lumabas ng kwarto. Nakasunod lang siya sa akin na akala mo’y bodyguard ko siya, kung ano ano rin ang kinukwento niya sa akin habang nasa daan, mostly ay pag-fa-fangirl niya sa grupo nila dad.
Pagpasok na pagpasok naman namin sa function hall, I already got everyone’s attentions like it’s normal. Ugh!
“She’s here!” Sigaw ng babae and for some reasons, bigla na lang nagsitabihan ang mga estudyante, nag karoon ng daan sa gitna and it giving me goosebumps nang makita ko si dad sa dulo malapit sa stage. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo papunta sa kanya. I immediately pulled him into a super tight hug.
“Dad!” He lift me up at saka nagpaikot-ikot.
“I missed you baby!” Ani dad nang kumalas siya sa pag yakap at ibaba ako. Hinawakan niya rin magkabilang pisngi ko, dahilan para hindi ako nakasagot. Ang tahimik, nagpalingon lingon ko sa paligid and everyone’s literally watching us with wide smile on their faces.
“O-Ookay. That’s akward, Dad. I’m not a baby anymore. It’s embarassing.” Nakayukong sabi ko pero agad din akong tumingala nang maramdaman kong may mga taong nakatayo sa likuran ko. Hinawakan ako ni dad sa balikat at saka ihinarap sa mga taong iyon.
“Let’s talk in private.” Sabi ito sa mga kasamahan niyang gangster dati. Si Tito Axel, Matthew, Jasper at Tito Jiro. I still remember their handsome faces.
Nag umpisa na kaming maglakad at bakas sa mukha ng mga estudyante ang pagkamangha. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at tuluyan kaming lumabas ng function hall at nagpunta sa boy’s dorm. Okay this is weird. What’s going on?
Huminto kami sa second floor, kumatok naman si Tito Jiro at nanlaki na lang ang mata ko nang makita kung sino ang nasa loob ng kwartong iyon. Si Alex, Tyler, Jester, Xian at Zero.
Pumasok kami at saka naupo sa may kama. Maya-maya lang ay may kumatok, ni isa walang nag-abalang tumayo maliban kay Xian.
“It’s dad.” Aniya at pagbukas ng pinto ay naroon nga si Tito Liam. Pumasok na rin siya at sobrang saya niya, I mean lahat silaㅡparang ngayon na lang ulit sila nagkita kita.
“Okay, hindi ko na kayang manahimik. What’s going on, Dad? What is this all about?” Tanong ko at isa-isa silang nagtinginan ng mga kagrupo niya. Panandaliang nagkaroon ng katahimikan na lalong nag-curious sa akin.
“I asked them to protect you, kinausap ko sila na sabihan ang mga anak nila na bantayan ka. I want them to keep an eye on you.” Sabi ni dad pero nanatili akong tahimik. I knew he’s not joking but damn., seryoso ba talaga siya roon?
“Kaya naman niya ang sarili niya, bakit kailangan paㅡ”
“Zero!” Pag putol ni Tito Jiro, halos mapatalon pa ako sa gulat dahil sa lakas ng boses niya. May balak pa sana itong sabihin ngunit mabilis siyang pinakalma ni Tito Matthew.
“As if naman na gusto ko ‘tong ginagawa ni Dad.” Inirapan ko si Zero. Ayoko talaga ng nangyayari. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng freedom. They have to keep an eye on me, so meaning if ever something bad happen to meㅡthey are the one to blame. Ayokong mangyari iyon. No, not again.
I still remember that incident, noong nasa Amerika ako. I have that one friend, a very close friend. Halos magkatapid na ang turing namin sa isa’t isa. Ako ang nagsisilbing ate niya at siya ang nagsisilbing kuya ko.
But everything changed. Hindi siya naka-graduate noong elementary kami dahil sa akin, siya kasi ang sinisisi sa kasalanang ako ang may gawa. Simula noon ay umiwas na ako sa kahit na sino dahil ayokong may ibang tao ang mapahamak dahil sa akin. That’s why I don’t want to have friends, I would prefer to be alone rather than to be with the sort of people who cares for me too much to the point na okay lang na masira ang buhay nila para lang maligtas ako.
“Erin, nakikinig ka ba?” Tanong ni dad at tumango lang ako kahit ang totoo ay hindi naman talaga.
“So back to the topic, pumayag naman na sila Xian. I know na ayaw mo sa ganitong idea pero ito na lang ang nakikita kong paraan para malagay sa ligtas ang buhay mo, anytime soon kikilos na ang mga taong gustong kumidnap sa ‘yo.” Hinawakan ni dad ang balikat ko at ngumiti ng tipid.
“..You’re still young, Erin. Sooner or later, maiintindihan mo rin kung bakit kailangan ko silang pakiusapan. Hindi lang dahil sa ‘yo kaya ko ‘to ginagawa. Alam mo bang nag-away kami ng mommy mo? She’s worried, kaya makinig ka na lang sa akin.” Bumuntong hininga at saka pilit na tumango.
Involve na si mommy, ayokong nag-aalala siya. Simula bata, siya na ang laging nagtatanggol sa akin kapag pinapagalitan ako ni dad. Ngayong magkalayo kami sa isa’t isa, ayoko nang bigyan pa siya ng ika-kastress niya.
“Okay, pumapayag na ako. But please, know your limitations.” Sabi ko bago pasadahan ng tingin sina Alex, Tyler, Jester, Xian at Zero.
“Ayokong, bubuntot kayo sa akin.” Dagdag ko pa pero tumawa bigla si Zero.
“Nagpapatawa ka? Do you really think na gagawin namin ‘yon? We’re not your bodyguards.” Aniya na ginatungan rin ni Jester.
“Asa ka naman na susundan ka namin, masiyado akong gwapo para maging bodyguard mo lang.”
“Tumahimik na nga kayo.” Suway ni Tito Jasper, dahilan para magkaroon ulit ng panandaliang katahimikan at saka ipinagpatuloy ang usapan.
ㅡ
Tahimik akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa party, umalis na kasi sila dad. May mga importante pa raw kasi siyang aasikasuhin.
“Grabe, ‘di ako maka-move on, ang hot pa rin nila!” Kinikilig na sabi ni Akira, kanina pa siya nakangiti simula noong bumalik ako rito sa function hall. Ipinakita rin niya sa akin ang tablet niya kung saan nandoon ang mga old pictures nila dad noong dito pa sila nag-aaral sa Academy. Nagsisimula na tuloy akong kabahan dito kay Akira, masiyado siyang obesessed.
“Pwede ba, itigil mo na ‘yan.” Reklamo ko at nawala na ang ngiti sa labi niya. Maya-maya ay naupo na rin dito si Xian kasama si Tyler.
“Mauupo ka lang ba dito? Let’s dance!” Aya ni Xian. Mabilis namang tumayo si Akira para hatakin ako. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila.
Nagpunta kami sa gitna ng dance floor at doon nag-umpisang sumayaw ngunit agad din akong napahinto nang may kung sinong lalake ang biglang humatak sa braso ko at saka nag-umpisang makipagsayaw sa akin. Itinulak ko ang d****b niya para lumayo sa akin. Sino ba siya sa tingin nya?
“Erin what happened?” Tanong ni Xian nang hawakan niya ang balikat ko.
“Pa-hard to get pa ‘tong babaeng ‘to.” Nakangising sabi ng lalake at sinubukan niya pa akong lapitan ulit. Maraming lalake ang nasa likuran niya kaya hinarangan agad ako ni Xian pero may biglang humatak sa lalaking bastos na iyon.
“Lalayo ka o babasagin ko ‘yang mukha mo? Choose.” Ani Zero nang hubarin niya ang suot niyang leather jacket. Mabilis namang umawat si Xian ngunit bigla na lang hinagis sa akin ni Zero ang jacket niya, dahilan para samaan ko siya ng tingin. What the hell?
“Suotin mo ‘yan, bakit kasi laging kapos sa tela ‘yang damit mo?” Tanong niya at tinaasan ko lang siya ng kilay pero laking gulat ko naman nang bigla siyang umiwas sa suntok na paparating sa kanya nang hindi man lang nakatingin sa taong iyon.
“Angas mo, ah! First year ka lang, 4th year na kami!” Sigaw noong lalake.
“4th yr ka? Eh, nasaan ang utak mo? This party is exclusive for first years only. ‘Wag kang nag-fe-feeling bata.” Nakangising sabi ni Zero at nag-umpisa na silang magsuntukanㅡ But hell, ayokong tumayo lang dito. Gusto kong sumali, nangangati ang mga kamao ko.
“Erin ‘wag na.” Awat ni Akira pero sumugod na rin ako nang makitang dalawa na ang tumatao kay Xian. Sinuntok ko ang isang lalake para mabaling sa akin ang atensyon niya. Hindi na rin naman ako nabigla nang makitang nakikisali na rin sa suntukan sina Tyler, Alex at Jester.
Ugh, I like this feeling, matagal tagal na rin noong huli akong makipag-away nang ganitong may mga kasama.
“Erin!” Tawag ni Xian at bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang baywang. Inangat niya ako at saka ihinarap sa dalawang lalake kaya naman buong pwersa ko iyong sinipa.
“Nice kick.” Ani Xian nang ibaba niya ako, ngumiti lang ako pero agad ding nawala nang makita ko kung paano ako tignan ni Zero habang nakikipaglaban siya. Iyan din ang tingin na ibinigay niya sa akin noong nasa intrepid’s head quarter kami. Tingin na para bang may nagawa akong mali at may gusto siyang sabihin. Ano bang gusto nya iparating sa titig niyang ‘yan? Ugh.
Epilogue.-I really don’t know what to say. ‘Yong taong maraming buhay na sinira, ‘yong taong ginawang eksperimento ang buhay namin ng pamilya ko. ‘Yong taong nasa likod ng lahat ng ‘to ay lolo ko?!Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang baril sa kamay ni mommy. Kinasa ko ‘yon at itinutok sa matanda, never kong matatanggap na ang isang taong gaya niya ay kadugo ko.“Anak.” Tawag ni mom pero hindi ko ‘yon pinakinggan.“Alam kong marami akong pagkukulang sa ‘yo Rain at sa ‘yo na rin Erin. But trust me, kailangan kong gawin ang lahat ng ‘to.” Sabi ng matanda pero hindi ko rin siya pinakinggan.
20: The hidden secret.-Matapos kong sabihin ‘yon ay agad kong hinawakan ang kamay ni Zero, nagpunta ako sa tabi niya at saka kinalabit ang gatilyo para paputukan ang dalawang armadong lalake.Nagpumiglas si Zero at saka ako siniko dahilan, para maitutok niya ulit sa akin ‘yong baril. He was about to pull the trigger pero mabilis akong sumugod para pigilan siya. Nag-panic ang mga taong nandito at saka nagtago, I knew it. Hindi sila marunong makipaglaban.Tinignan ko si Tito Winter at tahimik lang siyang nanunuod. Sinubukan ulit akong sikuhin ni Zero at hindi naman siya nabigong gawin ‘yon. Bahagya akong napaatras at saka siya sinugod ulit. This time sinigurado kong tatama na ang kamao ko sa mukha niya.
19:D.A.R.K and Tropang sisiw.-“Shhh, come with me.” Bulong niya at saka niya hinawakan ang kamay ko.“Saan po tayo pupunta? Paanoㅡ”“I’ll explain to you later.” Sabi niya nang huminto kami sa isang bakanting kwarto. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.“Alam ko na ‘yong sitwasyon ni Zero. Jin contacted me andㅡ” Huminto sa pagsasalita tito nang makarinig kami ng putok ng baril. Damn it! Not again.“Kailangan na nating kumilos, Tito. Maraming inosenteng estudyante ang mapapahamak.” Mahinang sabi ko at tumango naman siya.
18: It’s going to end soon.-“Sinong nagpaputok ng barilㅡOh my God. Dad? You’re here.” Dali-daling bumaba ng hagdan si Chloe at mabilis na tumakbo para yakapin si Tito Jin, hindi rin naman napigilan ni Jester ang sarili kaya tumakbo siya para yakapin ang paborito niyang si Tito Father Jp.“Bakit kayo nandito? Paano? Anong oras kayo dumating?” Sunod-sunod na tanong ni Chloe.“Teka ‘Nak, hinay-hinay lang. Ilang araw na kayong nawawala, hindi namin kayo naco-contact so we made a decision na puntahan kayo, nagkataon naman na nakasalubong namin ang kaibigan niyong si Akira, sabi niya na nasa isang hidden place raw kayo tapos ‘yon, dinala kami no’ng kapatid ni Rain dito.” Paliwanag
17: It’s now or never.-“Ano na? Ano nang gagawin natin?” Halos magpabalik-pabalik ako ng lakad kakaisip kung paano namin ibabalik sa dati si Zero at kung paano namin siya kukunin.“Erin, relax. Hindi ka makakapag-isip ng mabuti kung nagpa-panic ka.” Ani Alex kaya huminto ako sa paglakad at tumingin sa kanila.“Kailangan nating makahanap ng paraan as soon as possible. Or kung hindi, ako mismo susugod sa building na ‘yon.” Nagkatinginan silang lahat dahil alam nilang seryoso ako at gagawin ko talaga ang bagay na ‘yon.“Give us at least one day. One day to plan everything.” Sabi ni Rozee.
16: Bring him back!-Halos padabog akong pumasok ng kwarto. Makita ko lang ang babaeng ‘yon ay nag-iinit na ang dugo ko. ‘Pag nakahanap ako ng paraan para makalabas dito, iiwan ko talaga siya.“God! Saan ka nanggaling?” Agad na pumasok ng kwarto sila Chloe. Ni hindi nga sila nag-abalang kumatok.“Kay tito Cloud, bakit?” Tumalon si Jennie sa kama ko at saka hinawakan ang kamay ko.“Kinausap ni Xian si Zero but there’s something wrong.”“What do you mean?” Kinakabahang tanong ko. Nagtinginan muna silang tatlo nila Rozee bago ulit sumagot.