Share

Kabanata 4

“Hey, you’re awake. Wait, let me just call the doctor.” Ito ang malambing na boses na nabungaran ko sa muli ko na pagdilat ng mga mata ko.

Ang una ko na naaninag ay ang isang lalaki na masuyo na nakatunghay sa akin habang nakaupo sa tabi ng kama at nakahawak sa mga kamay ko.

Malambing siya na ngumiti sa akin at akma na tatayo pero pinigilan ko siya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. “Please, ‘wag mo akong iwan. Natatakot ako. Ba-baka balikan niya ako. Baka kunin niya ako at hindi na ako makatakas pa.”

Muli siya na bumalik sa pagkakaupo at nakita ko ang pigil na pagkunot ng noo niya. Bumuntong-hininga muna siya tsaka nagsalita sa akin, “Atasha, you don’t have to worry, I’m here. Sisiguraduhin ko na hindi na siya makakalapit pa sa’yo. But for now, you have to be checked by the doctor. Kagabi ka pa nawalan ng malay.”

Nang marinig ang mga sinabi niya ay pabalikwas ako na napabangon sa kama, “What? May trabaho pa ako, sandali late na ako.”

Akma na bababa ako ng kama nang pigilan niya ako at masuyo na hawakan sa braso.

“Atasha, I am the CEO, and I’m telling you now na hindi ka papasok. Not after what happened last night.”

“Pero.”

“Wala ng pero-pero pa. Ang kailangan mo ay ang magpahinga.” Matigas na utos pa niya subalit kitang-kita sa mga mata ang labis na pag-aalala para sa akin.

Ano ba naman, Atasha, hindi ka pa nga natatapos sa isang problema, pero ito ka na naman at pumasok na naman sa isa pa na gusot? At bakit naman kung sino pa ang tao na iniiwasan ko ‘yon pa ang tao na kaharap ko ngayon?

"Nasaan ang mga kaibigan ko?” mahina na tanong ko sa kan'ya.

“They left earlier, but don’t worry nagbantay rin sila sa’yo kagabi. Kinailangan lang nila na umalis na dahil may ilang importante na miting na kailangan puntahan. Hindi ka nila iniwan kagabi, magdamag din sila na naririto.”

“Ikaw ano pa ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba kailangan sa opisina?” Tanong ko pa kay Colton habang nakayuko.

Nahihiya talaga ako sa presensya niya ngayon. Pagkatapos ko na magsalita ng kung ano-ano nang may mangyari sa amin ay ito siya ngayon at siya pa ang kasama ko at nag-aasikaso sa akin.

Napangiti naman siya at masuyo na ginagap ang mga palad ko, “I stayed the whole night dahil ang sabi mo sa akin ay ‘wag kitang iiwan. Sabi mo natatakot ka kaya ayaw mo ako na umalis sa tabi mo. ‘Yan ang mga huli na nasabi mo bago ka himatayin. And your wish will always be my command, so I stayed.”

Namula naman bigla ang mga pisngi ko sa sinabi niya, umiwas ako ng tingin sa kan’ya, “Ah, Sir Colton, okay na ako. Baka puwede na rin ako lumabas mamaya kaya puwede ka na rin bumalik sa opisina. Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko naman na.”

Tumawa naman siya habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa akin. Bakit may mali ba sa sinabi ko? May nakakatawa ba?

“Inuutusan mo ba ako, Atasha? At ngayon talaga sir na naman ulit ang tawag mo sa akin? Kagabi lang kung makakapit at makayakap ka sa akin ay wagas na wagas, ngayon balik na naman tayo sa tawag na sir?”

“Ah eh kasi Mr. Mija-“

“Stop!” Inilapit pa niya ang hintuturo sa labi ko para pigilan ang pagsasalita ko. “Never ever call me sir or Mr. Mijares again. I think matagal na natin nalagpasan ang pormalidad na ‘yan. At gaya nang nasabi ko sa’yo, I intend to get to know you and spend time with you more. Hindi kita mamadaliin, pero hayaan mo ako na maging kaibigan mo. Okay?”

Marahan pa niya na inilagay ang ilang mga buhok na tumatabing sa mata ko sa gilid ng tainga ko. “Kaya puwede ba, tigilan mo ang kakatawag mo ng sir at Mr. Mijares. Just call me Colton.”

Napatingin ako sa mga mata niya at may kung ano na parang humaplos sa puso ko nang sabihin niya ang mga salita na ‘yon. Bakit sa kan’ya ay napakagaan ng loob ko? Bakit sa kan’ya nakukuha ko na magtiwala agad kahit na hindi pa namin lubusan na kilala ang isa’t-isa? At bakit sa kan’ya napapanatag ang loob ko? Ang kapanatagan na hindi ko kailanman naramdaman kay Yul.

“Salamat, Colton, salamat sa pagligtas mo sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon kung hindi ka dumating kagabi. Kung walang nakakita sa amin baka nagawa na niya ang mga balak niya.” Naramdaman ko ang unti-unti na pagpatak ng luha ko sa muli na pag-alala ko sa mga nangyari kagabi.

Pilit ko man pigilan ay kusa ang paglandas ng mga taksil na luha ko na ito. Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko na iiyakan si Yul, pero bakit ito na naman? Siya na naman ang rason sa muli na paglagas ng mga luha sa mata ko.

Naramdaman ko ang pagpunas ni Colton sa mga luha ko na kumakawala, at  dahan-dahan siya na yumakap sa akin. “Hey, tama na. I promise you, I won’t let anybody hurt you again. Hinding-hindi na mangyayari ang mga nangyari kagabi.”

“Ano ang nangyari kay Yul- sa lalaki kagabi?” pahikbi na tanong ko.

“He’s probably in the hospital right now. Pagkatapos ng natanggap niya na pambubugbog mula sa akin at sa mga kabarkada ng mga kaibigan mo, suwerte siya kung makakalabas siya agad sa ospital. Gago talaga ang Yulence na ‘yon!” Nakita ko ang pag-igting ng panga niya at pagpigil ng namumuo na galit.

“Ex-boyfriend ko siya.” bulong ko pa.

Ayaw ko man sabihin sa kan’ya ang naging koneksyon namin ni Yulence ay sa tingin ko na nararapat lamang na malaman niya kung sino ang hayop na lalaki na ’yon sa buhay ko.

“I know,” mabilis na tugon naman niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Alam niya na naging nobyo ko si Yulence?

“Nakikita ko siya sa kumpanya 'pag sinusundo ka o pinupuntahan ka niya. At hindi mo kailangan na magpaliwanag sa akin ng naging relasyon ninyo. Nakaraan na ‘yon, at simula ngayon sisiguraduhin ko na hindi na siya makakalapit pa sa’yo. Kung ano man ang namagitan sa inyo ay sa nakaraan na ‘yon at mananatili na lamang sa nakaraan.”

“Salamat ulit, Colton.”

“Okay na, Atasha. Hindi mo kailangan na magpasalamat ng paulit-ulit. Gusto ko na protektahan ka. Pina-report ko na rin kay Miguel si Yulence at humihingi na rin siya ng restraining order laban sa ex mo.”

Muli ako na natulala sa mga pinagsasasabi niya. Teka, sino raw? Miguel? Si Sir Miguel? Bakit naman nakasama pati si Sir Miguel dito? “Miguel? Si Sir Miguel?”

Tumango naman siya bilang pagtugon sa tanong ko, “Yeah, kasama ko siya kagabi. Kami ang nakakita sa’yo. Magkaibigan talaga kami ni Miguel. By the way, naka-blotter na rin si Yulence sa naging pagtatangka niya sa’yo.” 

Hindi ako agad nakasagot sa mga tinuran niya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako makapalag sa mga sinasabi niya. Kahit na ang ayaw ko sa lahat ay ang pinapangunahan ako, pero pagdating kay Colton bakit nagiging ayos lang sa akin kahit saklawan niya ang mga desisyon ko? Baliw ka na yata talaga, Atasha!

“Pinapaayos ko na rin sa mga abogado ko ang mga kaso na isasampa laban sa kan’ya.” Hindi agad rumehistro sa utak ko ang mga hakbang na dinesisyonan niya tungkol sa buhay ko.

May ilang minuto pa bago ako nagkaroon ng reyalisasyon sa sinabi niya na abogado. At nang mapagtanto ko ang ibig sabihin no'n ay ro'n lamang ako nakapagsalita.

“Abogado?! Hindi na kailangan, Colton. Ayaw ko nang palakihin pa ang isyu na ito. Tama na sa akin na malaman na naipaghiganti mo ako. Hindi na kailangan pa na humantong sa mga kaso-kaso na ‘yan.”

Ang sa totoo ay nag-aalala ako na ‘pag lumabas at maibalita ang kaso kay Yulence ay lumabas din ang aking sikreto. Hindi maaari. Mayaman ang pamilya nina Yulence at kung matutuloy ang kaso ay hindi malayo na pati ang pagkatao ko ay maungkat.

“Atasha.”

“Please, Colton. Ayaw ko nang lumala pa itong problema na ito. Gusto ko nang kalimutan si Yulence at lahat ng tungkol sa kan’ya. Tama na, okay na sa akin na malaman na nakaligtas ako sa kasamaan niya. Kaya please, Colton, nakikiusap ako.” Muli na naman na gustong pumatak ng mga luha ko.

Ang isipin pa lang na labanan ang pamilya ni Yulence ay natatakot na ako. Lalo na ang kan’yang ina, na no’n pa lamang ay hindi na ako tanggap. Madali para sa kanila na baligtarin ako at sabihin na ginagawan ko lamang sila ng kuwento ngayon. Masyado pa naman na mataas ang tinging ng ina ni Yulence sa kanilang mga sarili.

“Iiyak ka na naman. Okay na, hindi na. Wala ng kaso at wala ng pulis. But the blotter will stay, para ‘yon sa kaligtasan mo. Please stop crying and don’t you ever cry again. Ayaw ko nang nakikita ka na lumuluha.” Muli ako na nilapitan ni Colton at hinimas ng marahan sa ulo at tsaka siya yumuko at yumakap sa akin, “I’ll always keep you safe, Atasha.”

--------

Mahigit isang buwan matapos ang insidente nang pagtangka na panggagahasa sa akin ni Yulence ay laking pasasalamat ko na kahit anino niya ay hindi ko nakikita. Sana nga ay tuluyan na siya na magtanda at mahimasmasan sa mga ginawa niya sa akin.

Naging mas malapit din kami ni Colton sa isa’t-isa at hindi ko maikakaila na may kung ano na iba ako na nararamdaman para sa kan’ya. Kahit na madalas ang pagpapalipad hangin niya sa intensyon niya sa akin ay hindi ko naman iyon gaano na pinagtutuunan ng pansin sa ngayon. Masyado pa na maaga para sabihin kung ano ang kahihinatnan namin. Basta sa ngayon ay magkaibigan kami at mas kinikilala pa namin ang isa’t-isa.

Magkaibigan man kami sa labas pero pagdating sa loob ng opisina ay parang hindi kami magkakilala. Ito lamang ang tangi na hiling ko sa kan’ya nang pumayag ako na maging kaibigan siya.

Ayaw ko nang dagdagan pa ang problema at isyu sa buhay ko. Si Yulence pa nga lang ay katakot-takot na tsismis na ang sinuong ko lalo na siguro kung maging malapit pa ako ay Colton kapag nasa opisina kami.

“Atasha, are you listening?” Napalingon ako sa boses na nagsalita.

Nawala na naman ako sa huwisyo kung kaya’t kung saan-saan na naman nakarating ang aking diwa. Tumaas lang ang kilay ko sa kan’ya tanda nang pagtatanong kung ano ba ang nais niya na sabihin.

Bumuntong-hininga naman siya tsaka muli na nagsalita, “Ang sabi ko, I’ll be going on a business trip. Biglaan ito kaya bukas agad ang alis ko. Mga limang araw hanggang isang linggo siguro ako na mawawala.”

Agad naman ako na nakaramdam ng lungkot sa tinuran niya. Nasanay na rin siguro ako na madalas siya na nakakasama kung kaya’t ang isipin na aalis siya ng ilang araw ay nagbibigay sa akin ng kakaiba na lungkot.

“Hey, what’s wrong?” Umiling na lamang ako at muli na itinuon ang mga mata ko sa pagkain sa harapan ko.

Tumayo naman siya sa kinauupuan niya at lumapit sa may tabi ko. “Ma-mi-miss mo ako ano?

Kahit nahihiya man ay tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Lumapad naman ang ngiti sa labi niya sa naging tugon ko.

“Don’t worry, love, saglit lang ‘yon at tatawagan kita parati. Sinabihan ko na rin si Miguel na bantayan ka habang wala ako para sigurado na hindi ka guguluhin ng ex mo.”

“Huwag mo na nga na abalahin pa si Sir Miguel. Nakakahiya! Boss ko kaya ‘yon tapos papabantayan mo ako.”

“Boss mo nga siya pero ako ang boss niya.” pagbibiro pa niya sa akin.

Tumunog ang cellphone niya kung kaya’t nagpaalam siya upang sagutin iyon, “It’s dad, I have to take this call for a while.”

Tumayo siya at nagdiretso palabas ng restawran para sagutin ang tawag. Nakatanaw ako sa nilabasan ni Colton at iniisip kung paano ako naging suwerte na maging kaibigan ang isang kagaya niya.

“What a gold digger! Hindi ka pa nakuntento sa nahuthut mo sa anak ko, ngayon iba naman ang tina-target mo. Malandi ka talaga na babae ka!” Nagulat ako sa pigil na galit na salita na ‘yon ng isang babae.

Kahit hindi ako lumingon ay kilalang-kilala ko ang boses na ‘yon. “Do you really think na makaka-bingwit ka ng mayaman? Mahiya ka sa balat mo, babaeng malandi! Hindi ako makakapayag na makapasok ang isang kagaya mo sa pamilya ko.”

Pilit ko na pinapatatag ang sarili ko. Hindi ako maaari na maging talunan sa harapan niya. Noon ay pinabayaan ko na alipustahin niya ako pero ngayon ay hindi na. Tapos na ang mga panahon na magpapa-api ako sa kan’ya.

“Mrs. Villagomeza, tapos na kami ng anak mo. Wala ka nang dapat pa na ikagalit sa akin. Nakipaghiwalay na si Yulence sa akin at tinanggap ko na ‘yon. Malaya na kami sa isa't-isa.”

“Ang kapal ng mukha mo! Alam mo ba ang nangyari sa anak ko dahil sa kalandian mo? Nabugbog siya dahil sa pang-aakit mo sa kan’ya. Sa tingin mo ay papayag ako na gano’n na lamang ang kahinatnan ng anak ko?” Nanggigigil na turan pa niya sa akin sa mahina na boses.

Malamang ay ayaw niya rin na maeskandalo kaya kahit galit na galit na siya ay pigil na pigil ito.

“Ang anak mo ang may atraso sa akin dahil pinagtangkaan niya ako. Pasalamat siya at ayaw ko ng gulo dahil kung hindi ay sisiguraduhin ko na sa kulungan pupulutin ‘yan anak mo na manyakis.”

Lumapit siya sa akin at mariin na hinigit ang braso ko. Halos bumaon ang kan’yang mga kuko sa akin sa higpit ng pagkakakapit niya, “Hindi ka nakapasa sa anak ko, what makes you think na papayag ako na kay Colton ka mapunta?”

Naguluhan ako sa sinabi niya, ano ang kinalaman ni Colton dito? “Sisiguraduhin ko na wala kina Yulence o Colton ka babagsak. Ang isang dukha na tulad mo ay hindi nababagay sa mga alta sociedad na gaya namin. Ang isang kaladkarin na kagaya mo ay sa putikan nararapat. Kaya tigilan mo ang pagpapantasya mo sa mga lalaki na mayaman.”

 Marahas ko na binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya, “Mrs. Villa-“

“Tita? Ano ang ginagawa mo?” Nagulat ako sa boses na ‘yon ni Colton, nang harapin ko ay malapit na siya sa likuran ni Ofelia Villagomeza, ang nanay ni Yulence.

Halata ang gulat niya kay Colton. Napatingin ako sa kan'ya nang ngitian niya si Colton habang salubong ang kilay ni Colton sa kan'ya. Teka, tita? Kilala niya ang nanay ni Yulence? Magkamag-anak ba sila?

“Colton, narito ka pala. I didn’t know na kilala mo ang manggagamit na ex-girlfriend ni Yulence.” Nakangisi pa siya habang si Colton ay lalo na dumilim ang tingin.

“You may leave, tita, don't make a scene here. You’re not invited to this dinner."  galit pa na wika ni Colton.

“Oh, I don’t have plans of joining you, gusto ko lang sabihin sa babae na ito ang nangyari sa anak ko sa kagagawan niya. And don’t worry, Colton, Celsius will definitely hear about what you did. At hindi siya matutuwa na malaman na sinaktan mo ang kapatid mo dahil sa babae na ito.” May pang-uuyam pa niya na sagot kay Colton habang nakatitig pa rin sa akin.

“Hindi ko kapatid si Yulence. Maari na kasal kayo ng tatay ko pero hindi ko kapatid ang animal na anak mo. Pinakargo mo lang sa ama ko ang bastardo mo na anak. Kaya makakaalis ka na, tita. Have some decency and respect o baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng breeding?” Halata ang galit sa mata ng babae sa mga sinabi ni Colton pero wala rin siya na nagawa at padabog na lamang na umalis.

Pagkaalis niya ay muli na umupo si Colton sa tabi ko, “I’m sorry, Atasha. Hindi ko sinabi sayo na kilala ko si Yulence. Si Ofelia ay pangalawang asawa ng daddy ko at anak niya si Yulence sa ibang lalaki.”

Muli na gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Bakit kailangan siya na maging konektado kay Yulence? Bakit kailangan na sa mag-ina na ‘yon pa? Nagkamali ka na naman, Atasha. Hindi ka suwerte at minalas ka na naman. May balat yata ako at lahat ng kamalasan ay sinalo ko na.

Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kahit ano pa ang nararamdaman ko para kay Colton ay dapat ko ito na kalimutan. Dapat ko ito na tikisin. Hindi puwede na may mag-ugnay pa sa akin sa mag-ina na Yulence at Ofelia Villagomeza.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
anu ba yan saklap naman yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status