Share

KABANATA 5

KABANATA 5

Hindi alam ni Catalina ang dapat na gawin o sabihin. Hindi niya alam kung paano kikilos o gagalaw kung ang dalawang taong pinagkakautangan niya ay nasa tabi lang niya. Pakiramdam niya, ito na ang kaniyang katapusan dahil wala na siyang takas pa kung dalawang tao na ang narito para singilin siya.

" Sino ka naman, hijo? Magkakilala ba tayo? " tanong ng matanda kay Rostam habang pinagmamasdan ang kabuuan nito, " Kung wala ka namang kinalaman dito, umalis ka at huwag makialam pa. Hayaan mo kaming dalawa ng babaeng 'to ang mag usap. "

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Rostam sabay tingin kay Catalina na kanina pa nakatungo at nag iisip ng paraan para matapos agad ang usapang ito.

" Paano ako aalis kung nakita kong hinaharas mo ang babaeng 'to? " tanong ni Rostam saka dinaanan ng tingin ang kasama ng matanda na nasa likod nito at may hawak na baril. Naka-alerto sa posibleng gulong mangyari dahil nababatid nitong hindi lang isang simpleng mamamayan si Rostam.

" Sino ba ang may sabing nangha-haras ako, hijo? " tanong ng matanda saka tumawa habang pinagmamasdan si Catalina. " Maayos akong nakikipag usap sakaniya. Ikaw nga itong bigla nalang sumingit at parang ikaw pa ang may ganang magalit. Kung ako sayo hijo, umalis ka na lang dito kung pinahahalagahan mo ang buhay mo. Hindi mo naman siguro gustong sumabog ang bungo mo at magkalat ang dugo at utak mo dito? "

" Dahan-dahan sa pananalita, magulat ka baka bumalik sayo ang sinabi mo, " ani Rostam.

Hindi maintindihan ni Catalina kung ano na ang nangyayari kaya inangat nalang niya ang ulo upang malaman ang dahilan ng biglaang pananahimik ng matanda. Laking gulat na lamang niya nang may nakapalibot sa kanilang mga naka itim na lalake habang nakatutok ang baril sa matanda at sa driver nito na bakas din ang gulat sa mukha.

" Tanda, mukhang di mo yata nakikilala ang kausap mo, " ani Lorenzo saka sinipa ang tungkod na dala nito sapagkat alam niyang may nakatagong button sa hawakan para magbigay ng signal sa mga tao niya. " Wala pa rin kayong pinagbago. Isa pa rin kayong tigang na matandang hukluban. "

" Sino ba kayong mga tarant*do kayo? " nanggagalaiting tanong ng matanda saka tinapunan ng tingin si Rostam na madilim ang mukhang nakatingin sakaniya. " Sino ba kayo? Anong kailangan niyo saakin? "

" Kooperasyon mo lang ang hihingin namin, " ani Lorenzo sabay senyas sa mga kasama na lagyan ng posas ang dalawa, " at ilang impormasyon patungkol sa Lombardi Clan na pinaglingkuran mo noon. "

Mula sa pagkakakunot ng noo nito, napalitan ng ngisi at tawa ang matanda matapos marinig ang apelyido na matagal na niyang ibinasura sa isipan niya. " Ang mga p*tanginang 'yon ba ang dahilan nito? Wala kayong makukuhang impormasyon saakin, simasayang niyo lang ang oras niyo! "

Sinubukan nitong magpumiglas mula sa pagkakahawak sakaniya ng mga tao ni Rostam pero tinapalan lang ang bibig niya ng tape at nilagyan ng plastic bag ang ulo bago ipasok sa sasakyang dala-dala nila. Si Lorenzo na ang nagmaneho ng sasakyan para sila'y dalhin sa Hacienda at doon ituloy ang pagtatanong sa taong matagal na nilang hinahanap.

Sa kabilang banda, naiwan naman si Catalina at Rostam sa parking lot habang pinagmamasdan ang sasakyan palayo sa kanila.

" What the hell, " ang nasabi na lamang ni Catalina sabay lingon sa kasama niyang naglalakad papunta sa itim na kotse nito. " Teka lang, sandali! "

Tumigil si Rostam sa paglalakad saka nilingon ang dalaga na nagmamadaling magpunta sa kaniya.

" What? "

" Anong what? Ano 'yon? A-anong balak nyong gawin sa matanda? " tanong niya at hindi maitago sa mukha nito ang kaba.

" Bakit parang concern ka pa kung anong mangyayari sa kaniya? " nagsalubong ang kilay ni Rostam dahil taliwas ito sa inaasahan niyang reaksyon ng dalaga. " Hindi ba pabor sayo ang ginawa ko? "

" Huh? Teka, bakit nadamay ako? " takhang tanong niya sabay turo sa sarili. " Okay wait, pwede bang pakilinaw saakin ang nangyayari ngayon? Feeling ko kasi hindi lang naman ito tungkol sa panghaharas at paniningil na ginawa niya saakin. "

Hindi umimik si Rostam. Nanatili ang mga mata niya sa mukha ng dalaga na nag aabang ng isasagot niya.

" Ano? Bakit di ka makasagot diyan? "

" Kailangan ba? " tanong nito saka binaba ang tingin sa balikat ng dalaga. " Ano ba ang gusto mong makuhang sagot? "

Napansin ni Catalina kung saan nakatingin ang mga mata nito kaya agad niyang hinati at hinawi ang buhok papasok para takpan ang magkabila niyang balikat.

" Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo pero kagaya niya, magbabayad ako sayo. Matatagalan nga lang pero pangako, ibibigay ko siya nang buong-buo, " aniya habang pilit inalis ang kaba at takot sa kaniyang isip.

" Wala kang dapat bayaran, " sagot ni Rostam na ikinakunot ng kaniyang noo. " Wala ka namang perang hiniram saakin. "

Natigilan si Catalina sa narinig.

" Anong ibig mong sabihin? "

Ngumisi si Rostam. " Kung tutuusin, ako pa nga ang nagbigay ng pera sayo. Bakit hindi iyon ang ginamit mo para bayaran ang halaga ng sinisingil niya sayo? "

" Teka, teka! Ikaw 'yon?! " Umawang ang bibig niya sa sinabi ni Rostam. " Seryoso ka ba? Anong trip mo? Bakit mo 'ko binigyan ng ganoong kalaking pera? "

" Hindi ba sinabi sayo ng Manager mo? "

" At sa tingin mo maniniwala ako doon? " tanong pabalik ni Catalina. " Tapatin mo nga ako, ano bang pina-plano mo? Hindi ako tanga para paniwalaan yung sinabi mong natuwa ka lang saakin kaya binigyan mo ako ng ganoong kalaking pera. "

Sa pagkakataong ito, iniharap na ni Rostam ang buong katawan niya sa dalaga dahil may kung ano sa sinabi nito ang mas nag pa-interes sakaniya. " Gusto mo talaga malaman ang dahilan? "

" Iyong totoong dahilan, " paglilinaw niya.

" Okay sure, " anito habang sinisimulang tunawin si Catalina gamit ang mga mata niya. Ngumisi siya bago ilabas sa bibig ang katotohanan. " I want to have sex with you. Gano'n lang ka-simple. "

***

" P*ta! Huwag kang madaya, Baron! Nagtatago ka ng baraha, eh! " ani Dario sabay bagsak ng baraha niya. " Kaya pala sunod-sunod na nananalo ang kumag! Ayusin mo, pre! "

Isang malakas na halakhak ang pinawalan ni Baron matapos mabuking ang pinakatatago niyang sikreto kapag dating sa paglalaro ng baraha.

" Sira! Hindi ka lang marunong dumiskarte! " anito saka inilabas ang isa pang baraha na itinago niya sa kaniyang kulot na buhok. " Napakalaki talaga ng naitutulong saakin nito. Ultimo mga babae niyo, kaya kong itago dito! Wala 'to sa bulsa ng pusang robot at sa bag nung batang gala! "

" Ang dami mong dada! Sabihin mo, madaya ka lang! " ani Dario na nagsimula ng magbalasa ng baraha. Nilingon niya si Lorenzo na nakatayo lang sa isang gilid at pinanonood ang ginagawa nila. Tinanungan niya ito. " Tignan mo 'tong isa, mas problemado pa yata sa Boss natin. "

" Ako na naman ang napansin niyo. " Itinaas ni Lorenzo ang kaniyang gitnang daliri para ibigay sa mga kasama niya. " Umayos kayo. Maabutan kayo ni Bossing diyan na nagsusugal, mayayari tayo. "

" Hindi 'yan. Wala namang magsusumbong, eh. Last game naman na 'to, tapos wala na. Di rin naman makausap nang matino yung matandang hukluban at ang alalay niya, " ani Dario habang pinamimigay ang baraha sa mga kalaro niya. " Hintayin na lang natin si Boss--"

Natigil ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Rostam. Ang una nila agad na napansin ay ang sugat sa labi nito na mukhang galing sa isang malakas na suntok dahilan kaya ito pumutok.

" Boss, nandiyan na pala kayo, " pagbati ni Baron at ng iba nitong tao saka pasimpleng tinakpan ang mesa na puno ng pera at baraha. " Napano labi niyo, Bossing? Mukhang mabangis na insekto ang h*****k ah? "

Napatiim-bagang si Rostam at muling idinampi ang hinlalaki sa kaniyang putok na labi. Biglang bumalik sa kaniyang isip ang pagdapo ng kamao ni Catalina sa mukha niya at hindi mapigilan ang sarili na matawa.

Nagkatinginan ang mga tao niya dahil sa pagtataka. Walang ideya kung bakit itong natatawa gayong putok ang labi nito na malayong-malayo sa reaksyong inaasahan nila.

Tumikhim si Lorenzo. " Ah Boss, yung dalawa nating bisita, hinihintay ka na kanina pa. "

Doon natauhan si Rostam at mabilis inalis ang ngisi sa labi niya. Tumikhim siya at binaling ang atensyon sa kanilang bisita na nakaupo at nakatali sa silya. Naglakad siya palapit sa mga ito at kinuha ang isang baso na may lamang alak para ibuhos sa mukha ng dalawa dahilan kaya ito'y nagising. Tinaggal na rin ni Lorenzo ang tape sa bibig ng mga ito kahit walang kasiguraduhang ito'y kanilang mapakikinabangan.

" Wala akong balak dungisan ang kamay ko ngayon, " panimula ni Rostam sabay hila ng isang silya sa gawi niya. " Maliban kung iyon ang hihilingin niyong gawin ko. Hindi ko 'yon tatanggihan. "

" Para saan ba lahat ng ito? Ano bang silbi ng ginagawa niyo kung matagal ng patay ang namumuno dito? " tanong ng matanda sakaniya. " Nasa impyerno na ang mga Lombardi, at wala na kayong mababago doon kahit na anong gawin niyo! "

" Diyan kayo nagkakamali. " Naupo si Rostam sa silyang hinila habang hindi inaalis ang tingin sa matandang naging miyembro din noon ng grupong kinabibilangan nila. " Hindi pa patay lahat ng Lombardi, dahil narito pa ako sa harapan mo. Buhay na buhay. "

Bakas ang gulat sa mukha ng matanda nang marinig ang sinabi ni Rostam. Hindi agad siya nakapagsalita nang unti-unting mapagtanto ang ibig nitong sabihin. Sa tindig at sa pananalita ng lalake sa harap niya, ngayon alam na niya kung sino ito sapagkat ganitong-ganito rin ang dati niyang Boss. Rostam Lombardi, ang anak ng dati nilang pinaglilingkuran sa Lombardi Clan na sa pagkaka alam niya, matagal ng nabuwag.

Ano kaya ang dahilan ni Rostam at tila binubuhay niya ang dating samahan na pinamunuan ng namapayang Ama? Bakit niya hinahanap isa-isa ang mga dating naging miyembro ng nasabing samahan?

***

" Ha?! Sinabi niya 'yon?! " hindi makapaniwalang tanong ni Mariah kay Catalina matapos nitong i-kwento ang naging paghaharap nila ng lalakeng nagbigay ng malaking halaga kapalit ang puri niya. " Baka naman binibiro ka lang niya? Sinuntok mo naman agad. "

" Hindi magandang biro 'yon para saakin, " aniya habang tinatanggal ang makeup sakaniyang mukha. " Tama nga ang hinala ko sa pera na 'yon, galing sa masamang tao. Mabuti na lang at di ko talaga siya ginalaw kundi, mapapasubo ako nito. Anong akala niya, papayag ako sa proposal niya? Asa siya! "

" Gwapo ba? " tanong ni Mariah na nagpatigil sa kaniya.

" Oo gwapo pero--"

" Gwapo naman pala, patulan mo na! Sayang ang genes! " ani Mariah sabay hampas sa balikat ni Catalina, " Hindi ba't isang gabi lang naman ang hinihingi niya sayo? One night stand, tapos nag offer kamo siya ng pera kapalit ng isang gabi mo? "

" Ganoon na nga pero di ko na pinakinggan iyong sunod na sasabihin niya dahil matapos ko siyang suntukin, nilayasan ko na, " taas noong wika niya. " Napaka siraulo ng lalakeng 'yon. Ang dami-daming babaeng dito sa club, ako pa napag trip-an niyang alukin ng one night stand. "

" Baka kasi type ka? "

" At sa ganoong paraan niya idinaan ang love confession niya? Sinong tanga ang papayag sa gano'ng alok? "

" So tanga na ba ako? " nakangusong wika ni Mariah. " I mean, di na bago saakin yung mga ganiyang proposal. Karamihan sa customers dito, ganiyan ang alok sa mga stripper gaya natin. Siyempre dahil sa trabaho nga natin, mababa talaga ang tingin saatin ng karamihan dahil pagbibigay ng aliw sa kalalakihan ang ginagawa natin, Catalina. Normal na 'yang mga ganiyang alok kaya sanayin mo na sarili mo. "

Natahimik siya at tila nagising sa sinabi ni Mariah. Nawala sa isip niya na iba na nga pala ang mundong kaniyang ginagalawan kaya kahit anong pandidiri niya, hindi nito mababago ang katotohanan na isa nga siyang kalapiting mababa ang lipad.

" Kung ganoon, dapat ba tanggapin ko yung proposal niya? " tanong niya.

Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ni Mariah saka siya tinapik sa balikat bago ito lumabas ng silid nila.

Napabuga na lang siya sa hangin at napatitig sa sarili sa salamin. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nag alok sakaniya ng ganitong klaseng kasuduan pero hanggang ngayon, di niya pa rin alam ang dapat na gawin. Para sa kaniya, isa itong kalokohan at kahibangan subalit kung ito ang magliligtas sa kaniya mula sa pagkakabaon sa lupa, dapat bang tanggapin ang tulong mula sa isang estranghero na puri niya ang kapalit?

Lumipas ang mga araw, tuloy pa rin ang buhay ni Catalina sa club kung saan siya nag t-trabaho. Ganoon pa rin ang kanilang sistema at habang tumatagal, unti-unti na rin siyang nasasanay sa paligid niya. Nakukuha na niyang mag tiis sa nakikita at magpanggap na pipi at bulag para sa ikatatagal ng trabaho niya.

Isang gabi, dumating na nga ang kinatatakutan niya dahil isa na siya sa mga magbibigay aliw sa entablado at pikit matang haharapin ang mga parokyano. Kabado siya pero wala siyang nakikitang ibang paraan para takasan ang realidad na pinasok niya.

" Girls, in five minutes mag p-perform na kayo sa stage. Be ready ha! " ani Janice saka ibinigay ang kalahating maskara na isusuot nila bilang bahagi ng palabas. Buntong hininga itong tinaggap ni Catalina dahil labag sa loob niya ang gagawin niyang ito. Maayos na siya sa pag s-serbisyo ng mga pagkain at inumin sa parokyano pero dahil ito ang patakaran, wala siyang magagawa kundi ang sumunod. Wala siyang ibang pagpipilian.

" Sandali, hindi ka kasama sa mag p-perform sa stage ngayon, " laking gulat ni Catalina nang hawakan ni Janice ang kamay niya upang pigilan siya sa pag akyat sa entablado nila. " May customer na naman ang interesado sayo, Catalina. Pinupupunta ka sa VIP room. "

Ang akala niya ligtas na siya pero hindi pa pala. Iyong kaba niya, mas nadagdagan lang dahil sa narinig kay Janice.

" Ngayon na? " tanong niya.

" Oo ngayon na, huwag kang mag alala mabait yung nag request sayo. Ang dami ngang pinadalang foods and drinks kanina bago ka niya ipatawag, " anito pero hindi naman nabawasan ang kaniyang kaba.

Bagsak ang balikat niyang sumama kay Janice patungo sa VIP room kung saan, may naghihintay na parokyano sa pagdating niya.

" Relax ka lang ah? Enjoy-in mo lang ang gabi na 'to dahil baka sa isang iglap, magbago ang takbo ng buhay mo, " ani Janice bago kumatok sa pintong hinintuan nila. Hindi niya magawang ngumiti dahil ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa VIP room. Hindi niya alam kung ano ang nag aabang sakaniya pag pasok niya.

Nang siya'y tumuloy na sa loob, sinalubong siya ng madilim na kwarto. Tanging LED lights lang ang nagsisilbing liwanag para maaninag niya ang bawat sulok ng silid na pinasukan niya. May malaking supa at isang mesa na puno ng iba't-ibang putahe na galing sa menu nila. May dalawang tequila at dalawang wine glass na nasa gitna mg mesa.

" I'm glad you came. " Napatingin si Catalina sa likuran niya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Hindi na siya nagulat nang makita ang mukha ng parokyanong nag request sakaniya.

Napalunok si Catalina at iniyukom ang kamao niya. Sa ilang araw na nagdaan, desedido na siya sa gagawin niya. Nasa impyerno na siya kaya bakit nga ba di niya pa sulitin ang pananatili niya? "Iyong offer mo, pwede ko pa bang tanggapin ngayon? "

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Rostam dahil gaya ng kaniyang inaasahan, walang makaka-hindi sa halaga ng perang isusugal niya kapalit ang isang gabing pagsasaluhan nila.

--

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status