KABANATA 78
Tanghali na nang magising si Catalina dahil sa magdamag na kaiisip kung paano siya kukuha ng mga ebindesya sa opisina ni Angelo. Sa dami ng folder na naroroon, hindi niya alam kung alin ang mga papel na may kinalaman sa mga ilegal nitong gawain. Sinubukan niya ulit magtanong-tanong sa mga kasambahay patungkol sa amo nila pero mga positibong salita lang ang lumalabas sa bibig nila na animo'y takot siraan si Angelo. Mas lalo tuloy siyang nasabik sirain ang buhay nito para lumabas lahat ng tinatago nitong baho.
" Magandang umaga Miss Catalina, " nakangiting bati sakaniya ng mga kasambahay nang makita siyang bumababa ng hagdan. Ngumiti siya pabalik saka pasimpleng inilibot ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya ulit si Lorenzo. Gusto niya rin itong makausap ulit nang masinsinan matapos ng mga sinabi nito sakaniya kagabi." Ah MKABANATA 79Pabagsak na naupo si Rostam sa sopa sabay pakawala nang isang malalim na buntong hininga. Ramdam niya ang pagod ngayong araw dahil sa dami ng mga inasikaso niya. Naghahanda na rin siya para sa huling araw niya bilang pinuno o boss ng pamilyang kinabibilangan niya dahil anumang oras, maaring ng mag wakas ang sinimulan niya.Hindi na siya makapaghintay dumating ang araw na iyon dahil mawawala na rin ang pangamba niya sa kalagayan ng asawa na nasa puder ng tiyo niya. Kung siya ang tatanungin, hindi talaga siya pabor na makialam ito sa gulo ng kanilang mundo dahil noong una pa lang ay binalaan na niya si Catalina kung gaano ito kadelikado. Nakakabilib ang katapangan na ipinapakita nito simula noong sila'y magkakilala, pero ngayon, may halong ng pag-aalala ang nararamdaman niya sa bawat salita at kilos na ginagawa nito sa tuwing nasasabak ito sa gulo kagaya na lang ng sitwasyon nila n
KABANATA 80 Tulalang pinagmamasdan ni Catalina ang sarili sa salamin suot ang kulay puting gown habang may belo sa kaniyang ulo. Hindi niya magawang ngumiti kahit pilit lang sapagkat pakiramdam niya, ngayong araw na ito ay ililibing siya ng buhay. Wala siyang maramdaman kundi bigat ng kalooban at pagkamuhi sa lahat ng tao sa mansion na ito lalo na sa mala-demonyo nilang amo. Halos isang linggo nga siyang ikinulong sa madilim na silid na wala man lang sariwang hangin siyang malanghap mula sa labas. Hinahatiran siya ng pagkain sa silid na nagsilbing kulungan niya at kahit wala siyang gana, pinipilit niya itong kainin para sa bata na nasa tiyan niya. " Miss Catalina, sumakay na raw ho kayo sa kotse. Ihahatid na po kayo sa simbahan, " wika ng kasambahay nang katukin siya sa kwarto. Tumingin siya rito. " Susunod na ako sa ibaba. Mauna ka na. "
WAKAS Mula sa isang balkonahe, nakatayo mag isa si Catalina habang pinagmamasdan ang kalmadong dagat at dinadamdam ang hampas ng sariwang hangin na mula sa karagatan. Ang mga puno ay nagsasayawan at ang mga ibon sa paligid ay nagkakantahan. Tila isang musika sa kaniyang pandinig ang kapayapaan ng paligid. Malayo sa maingay at magulong siyudad.Kapayapaan at katahimikan. Ang dalawang salitang matagal na niyang inaasam magmula noong tumira siya sa Hacienda at mapasok sa magulong mundo ng Mafia. Marami siyang napagdaanang sakit at hirap subalit nagbunga rin ang lahat ng iyon dahil sa wakas, nakamtan na niya ang inaasam na kalayaan para sa kaniyang pamilya.Ang malaki at magarang Hacienda ay wala na sakanila dahil ngayon, narito na sila sa isang pribadong isla kung saan nila napiling tumira. Sa isang simpleng bahay na matatawag nilang
SIMULA Halos lumabas na ang puso ni Catalina nang siya'y makababa sa sasakyan habang mahigpit ang hawak sa kamay ng batang kasama n'ya. Hindi n'ya alam ang dapat na maramdaman sa mga oras na ito dahil nag hahalo-halo ang emosyon niya nang muling maka apak sa harap ng hacienda na ngayon nalang niya ulit nakita. Apat na taon na ang nakakalipas simula nang takasan niya ang lugar na ito. Nangako siya sa sarili na kailan man, hindi na siya aapak sa lupang ito subalit kinain niya rin ang sinabi niya dahil ito siya, nakatayo mismo sa harap ng haciendang isinusumpa niya. " Mama, ito bahay ni Papa? " Napatingin siya sa batang babaeng kasama niya. Mababakas dito ang pagkasabik na makita ang Ama. " Ito nga, Azalea. " Yumuko siya nang bahagya para tignan nang diretso sa mata ang kaniyang anak. " Anak, h'wag mong kalilimutan ang sinabi sayo ni Mama, okay? Huwag kang maglilikot
KABANATA 1" Manang Fe, bigyan niyo pa ako ng isang linggo, promise magbabayad ako agad. Wala akong matutuluyan ngayon kung paalisin niyo ako agad, " nagsusumamong pakiusap ni Catalina sa landlady niyang nagsisimulang ilabas lahat ng gamit niya sa apartment." Maryosep naman, Cata! Pinagbigyan na kita nang ilang beses, huwag ka namang umabuso! Dalawang buwan ka ng hindi nakakapag bayad ng upa! Anong petsa na, hija?! " galit at dismayadong wika ng landlady saka siya hinarap. " Hindi ko na problema kung saan ka tutuloy ngayon. Malaki ka na, gumawa ka ng paraan! "" Pero magbabayad naman ako sainyo, Manang Fe. Wala lang talaga akong raket ngayon kaya wala akong maihulog. Promise po, mag a-advance ako sainyo ng bigay once na makahanap ako ng trabaho. "" Naku, hindi mo na ako madadaan sa ganiyan. Ilang beses mo na iyang sinasabi pero wala namang nangyayari
KABANATA 2Sa malaki at madilim na silid, prenteng nakaupo si Rostam sa kaniyang supa habang pinapatay-sindi ang cigarette lighter na hawak niya. Isang musika din ang bumabalot sa kabuan ng kaniyang kwarto na malaking tulong upang ang isip niya ang maging kalmado. Pasado alas tres na ng madaling araw pero di pa rin siya dinadalaw ng antok. Mukhang inaatake na naman siya ng kaniyang insomnia.Bumangon siya saka naglakad patungo balkonahe. Sinalubong siya nang sariwang hangin at isang malaki at bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa buong kalangitan. Inilabas niya ang isang stick ng sigarilyo, sinindihan bago ito inilagay sakaniyang bibig.Buong araw siyang nag trabaho nang walang halos pahinga, pero ni isa sa mga ginawa niya maghapon, wala pa ring lead sa hinahanap niya. Dismayado pero di na bago sakaniya na ganito matapos ang araw niya.Sa kalagitnaan ng kaniyang
KABANATA 3Masikip, maliit at makalat. Iyon ang tatlong salitang mailalarawan ni Catalina nang siya'y dalhin ni Janice sa isang kwarto. Maraming babae ang nasa loob nito at abala sa kani-kanilang mga ginagawa kaya ilan lang ang bumati sa kaniya nang makapasok siya." Girls, may bago tayong makakasama okay? Kayo na ang bahala sa kaniya mamaya at kung gusto niyo mag share na rin kayo ng mga experience niyo sa kaniya para may idea siya sa mga dapat at hindi dapat gawin sa oras ng trabaho. Maliwanag? " paalala ni Janice sa mga alaga niya bago lingunin si Catalina na nasa likuran niya. " Huwag kang mahihiya sa kanila, mababait ang mga iyan. Mamaya mag ready ka na rin dahil maaga tayong magbubukas ngayong araw. "Isang tipid na tango lang ang kaniyang tinugon dahil abala pa ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa silid na titirhan niya. Ang daming tumatakbo sa isip niya pero isa lang ang magig
KABANATA 4 Hanggang ngayon, isa pa ring pala isipan kay Catalina ang sobreng natanggap kagabi. Wala siyang maisip na ibang taong puwedeng gumawa noon at napaka imposible para sakaniya na bigyan siya ng ganoon kalaking pera dahil lang sa natuwa ito sakaniya. " Baka naman bilyonaryo kaya parang barya lang sakaniya yung ganiyang kalaking halaga, " ani Mariah na kasama niya sa pag iisip ng maaaring rason kung bakit siya nakatanggap ng ganitong kalaking pera. " Alam mo, kung ako sayo gastusin mo na 'yan. Hindi ba't sinabi mo na marami kang utang na kailangan bayaran? Ayan, sinagot na ni Lord ang dasal mo. Isang bagsakan na lang para tapos ang problema mo. " " No, hindi ko 'to gagalawin. Baka mamaya may kapalit 'tong binigay niya, ayokong magsisi sa huli, " sagot niya saka itinabi ang pera sa isang kahon. " Wala akong tiwala sa taong nagbigay niyan saakin. Paano kung iyang pera na 'yan